KABANATA 1 " Manang Fe, bigyan niyo pa ako ng isang linggo, promise magbabayad ako agad. Wala akong matutuluyan ngayon kung paalisin niyo ako agad, " nagsusumamong pakiusap ni Catalina sa landlady niyang nagsisimulang ilabas lahat ng gamit niya sa apartment. " Maryosep naman, Cata! Pinagbigyan na kita nang ilang beses, huwag ka namang umabuso! Dalawang buwan ka ng hindi nakakapag bayad ng upa! Anong petsa na, hija?! " galit at dismayadong wika ng landlady saka siya hinarap. " Hindi ko na problema kung saan ka tutuloy ngayon. Malaki ka na, gumawa ka ng paraan! " " Pero magbabayad naman ako sainyo, Manang Fe. Wala lang talaga akong raket ngayon kaya wala akong maihulog. Promise po, mag a-advance ako sainyo ng bigay once na makahanap ako ng trabaho. " " Naku, hindi mo na ako madadaan sa ganiyan. Ilang beses mo na iyang sinasabi pero wala namang nangyayari
Huling Na-update : 2021-11-22 Magbasa pa