Home / Romance / Marahuyo / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Marahuyo: Chapter 21 - Chapter 30

84 Chapters

KABANATA 20

KABANATA 20  Mula sa pahingahan, masayang pinagmamasdan ng dalawang ina ang kanilang mga anak na naglalaro sa isang puwesto sa hardin. Ang inosenteng ngiti ng mga bata ay tila isang obra na hindi nakakasawang tignan, habang ang mga halakhak nito ay parang isang musika sa kanilang pandinig na nakakagaan ng pakiramdam.  " Ang bilis talaga ng panahon no? Parang kailan lang kilik-kilik mo pa iyong baby girl mo, ngayon ang laki na n'ya. Nakakapag lakad at salita na, " wika ni Tiffany o mas kilala sa bansag na Tutay. Ngayon lang nalaman ni Catalina ang tunay na pangalan nito nang ipakilala siya ng asawa kanina sa hapag kainan. " Tama ka d'yan. Maski ako nagugulat na sa mga kayang gawin ni Azalea sa edad niya, " pagsang-ayon naman niya saka sumimsim sa tasa ng kape sa mesa na nasa harap niya. " So, kumusta ka pala? Ang tagal na rin nating hindi nagkita. " 
last updateLast Updated : 2021-12-12
Read more

KABANATA 21

KABANATA 21 Inis na itinapon ni Savannah ang hawak na lighter nang mapagtantong wala na itong laman. Kanina pa siya naiinis dahil gustong-gusto na niyang manigarilyo subalit walang apoy ang lumalabas sa lighter na kabibili lang niya kahapon. Hindi niya alam kung naloko ba siya noong nagtitinda o sadyang wala na talaga itong laman dahil sa madalas niyang paninigarilyo. " Bwisit, " aniya saka ito gigil na inapakan. Paalis na sana siya sa pool area nang sumalubong sa kaniya si Lorenzo sabay about ng lighter. Agad niya itong kinuha at sinindihan ang sigarilyo na nasa kaniyang bibig. Doon siya nakahinga nang maluwag saka ibinalik ang lighter. " Bakit narito ka? " Humithit siya sa yosi sabay buga ng usok mula sa bibig. " May kailangan ka? " " Gusto ko lang magpahangin. Hindi ko naman alam na narito kayo, " ani Lorenzo habang pinagmamasdan ang swimming pool na nagkak
last updateLast Updated : 2021-12-13
Read more

KABANATA 22

KABANATA 22  " Who the hell are you? " ang unang tanong na lumabas sa bibig ni Rostam nang makita ang isang di pamilyar na babae sa harap niya. Sinubukan nitong lumapit sa kanila para hawakan si Azalea pero umatras siya at dinuro ito sa mukha. " Don't you dare--" " Siraulo ba ang ulo mo, Rostam Lombardi? Bakit mo nilalayo ang anak ko? " tanong nito at doon lang nakilala ni Rostam ang babae sa harap niya dahil sa boses na pamilyar sa kaniya. " Catalina? " hindi makapaniwalang wika niya nang mapagtanto kung sino ito. Napako ang kaniyang tingin sa maikli nitong buhok na abot hanggang ilalim ng panga. " Anong nangyari sa buhok mo? " " Ginupit ko, hindi ba obvious? " tugon nito sa kaniya. Tinignan ni Catalina si Azalea na mahimbing pa rin ang tulog sa balikat ng Ama. " Bakit di mo muna s'ya dalhin sa kwarto? Hindi siya komportable matulog ng ganiyan. "
last updateLast Updated : 2021-12-14
Read more

KABANATA 23

KABANATA 23  Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto kung saan naroroon sina Catalina, Azelea at si Rostam. Natutulog na ang mag-ama habang ang isa ay dilat na dilat pa rin ang mga mata. Hindi siya dinadalaw ng antok at pakiramdam niya, hindi talaga siya makakatulog dahil sa takot na baka magtuloy-tuloy ito. Patay ang ilaw sa buong kwarto ngunit may liwanag sa lampshade na nasa gilid ng kama nila. Unti-unti siyang umalis sa pagkakahiga saka nilingon ang dalawa sa tabi niya. Mukhang himbing na himbing ang mga ito sa pagtulog samantalang siya, hanggang ngayon namomroblema. Paano kung may biglang kumuha sa kaniya? Paano kung bigla na lang siyang takpan ng unan sa mukha ni Rostam kapag nakatulog siya? Ang dami niyang naiisip na posibleng mangyari pero ni isa sa mga 'yon, wala namang nangyari. Umalis siya sa kama at maingat na naglakad palabas ng kwarto. Kailangan niyang mak
last updateLast Updated : 2021-12-15
Read more

KABANATA 24

KABANATA 24 Bumaba mula sa isang magarang sasakyan ang mga lalakeng may dala-dalang mga armas para salakayin ang loob ng Hacienda. Wasak ang harapan ng kotseng kanilang sinasakyan dahil noong di sila pinayagang papasukin sa loob ng gate, wala silang ibang choice kundi ang sapilitang pumasok sa loob para hanapin ang isang taong pinapakay nila. " Halughugin niyo ang bawat sulok ng lugar! " wika ng isang lalake na tumatayong kapitan sa organisasyong kaniyang kinabibilangan. " Dalhin niyo sa harap ko ang ulo ng bastardo na 'yon! Hangga't wala kayong ipinapakita saakin, wala kayong karapatan para huminto! " " Masusunod! " sagot ng kaniyang mga kasama bago mag hiwa-hiwalay para hanapin ang taong kanilang sinadya. Naglabas naman ng sigarilyo ang kanilang kapitan para sana ito'y sindihan pero nabitawan niya ito bigla nang maramdaman ang pamamanhid ng palad at doon, kumawala ang kaniyang palahaw
last updateLast Updated : 2021-12-16
Read more

KABANATA 25

KABANATA 25  " Catalina anak, isa ka ng ganap na dalaga sa linggo nito. Anong gusto mong regalo sa birthday mo? " tanong ng isang matandang lalake habang abala sa pagluluto ng paborito nilang ulam tuwing linggo. Ang adobong sitaw. " Gusto mo ng bagong cellphone? Iyong nauuso ngayon? " " H'wag na po Papa, ang mahal kaya non! " aniya sa Ama habang naglalagay ng mga pinggan sa mesa sa kanilang kusina. " Ayos na po ako sa cellphone ko ngayon. Gumagana naman tsaka malinaw ang camera, okay na ako dito. Huwag na po kayo gumastos. " " Naku ganoon ba? Sayang naman pala ang binili ko kung di tatanggapin ng anak ko, " bakas ang panghihinayang sa boses nito saka pinatay ang kalan hudyat na tapos na siyang magluto ng ulam. Naglakad ito patungo sa sala at kinuha ang isang paper bag. " Paano 'yan? Nakabili na ako ng pan-regalo sayo. Sayang naman kung di mo tatanggapin 'to. " 
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more

KABANATA 26

KABANATA 26 Nagising sina Esteban at Dario mula sa mahimbing na pagkakatulog nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa bintana sa labas ng kotse. Nakita nila si Baron na kanina pa nangangawit at naiinip sa labas dahil sa tagal magising ng dalawang kasama. " T*ngina, himbing ng tulong niyo mga tukmol kayo, " bati ni Baron nang lumabas yung dalawa sa kotse. Inabutan niya ito ng dalawang kape na nabili niya sa isang coffee vendor machine malapit dito sa kanilang pwesto. " Kanina ko pa kayo tinatawagan, di niyo sinasagot. Ano pang silbi ng mga earbuds niyo? " " Siraulo, ikaw kaya magbantay dito twenty-four hours? Kapagod kaya, magdamag ka ba namang nakaupo sa loob, " ani Esteban saka sumimsim sa kape na dinala sa kanila ni Baron. " Anong oras na ba? " " Alas-singko nang umaga, " sagot ni Baron saka pinagmasdan ang kulay asul na kalangitan. Walang paramdam ang ar
last updateLast Updated : 2021-12-18
Read more

KABANATA 27

KABANATA 27   Maingat na inilapag ni Manang Cora ang ilang tasa ng kape sa mesa para sa dalawang bisita na nasa loob ng opisina ni Rostam. Ramdam niya ang nakakailang na tensyon sa pagitan ng mga Serrano at Lombardi. Tanging ang buhos ng ulan lang ang gumagawa ng ingay sa ngayon at hinihiling niya na sana walang putok ng baril ang marinig sa paglabas niya.   " Ang tagal na rin pala noong huli kong kita sayo, " wika ng isang matanda na pinuno ng Serrano Clan, si Roberto Serrano. " Wari ko'y nasa kinse anyos ka pa lang noong mga panahon na 'yon. Kasama mo pa si Alessandro, ang iyong ama noong dumalaw kayo sa bagong bukas kong restaurant noong araw. Naalala mo pa? "   " Malinaw na malinaw, " tugon ni Rostam, " Naalala ko rin noon ang ginawang pamamahiya sainyo ng asawa n'yo sa kalagitnaang ng inyong pagsasalita sa harap ng maraming tao. "   Hindi inasahan ni Roberto na m
last updateLast Updated : 2021-12-19
Read more

KABANATA 28

KABANATA 28     Mabilis ang pagpapatakbo ni Lorenzo ng kotseng kaniyang minamaneho kasama si Rostam na walang imik subalit maraming tumatakbo sa isip. Madilim ang kaniyang mukha at ang mga mata niya ay tila isang mata ng tigre anumang oras, handang umatake.   Bumaba ang kaniyang tingin sa loob ng suit nang maramdaman ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Kinuha niya ito at may natanggap na mensahe mula sa isang di kilalang numero. Noong ito'y buksan, isang litrato ang natanggap niya, litrato ni Catalina na puno ng pulang likod mula ulo hanggang paa.   Napatiim bagang si Rostam, mariing napapikit at binaba ang hawak na cellphone. Mula sa rearview mirror, napansin ni Lorenzo ang pagiging aburido nito kaya di niya napigilan ang mag tanong.   " Boss, may problema ba? " tanong nito pero wala siyang nakuhang sagot. Hindi na siya nagtangka pang umulit ng tanong, sa halip a
last updateLast Updated : 2021-12-20
Read more

KABANATA 29

KABANATA 29 Nakatayo si Catalina sa harap ng pinto ng kwarto ni Rostam, nagtatalo ang isip kung tutuloy ba siya o aatras na lang at sa ibang araw na lang bumisita. Ilang oras na ang nakalipas matapos ng gulong nangyari sa abandonadong gusali at hindi pa sila nakakapag usap ni Rostam mag mula noong makabalik sila dito sa Hacienda. Ligtas naman ito pati ang ilan niyang mga tao, may ilang sugatan pero walang binawian ng buhay, pwera kay Mario Lombardi na hinayaan na ni Rostam na ang mga Serrano ang umasikaso sa bangkay nito.  " Bakit parang nagdadalawang isip ka pumasok sa loob? " Napatingin siya sa gilid nang madinig ang boses ni Savannah. May dala itong tray na may lamang isang baso ng tubig at ilang medisina. Lumapit ito sa kaniya at inabot ang tray na dala. " Oh ito, ikaw na ang magpainom sa kaniya tutal may kasalanan ka rin naman sa nangyari. " Hindi na magawang magsalita ni Ca
last updateLast Updated : 2021-12-21
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status