KABANATA 22
" Who the hell are you? " ang unang tanong na lumabas sa bibig ni Rostam nang makita ang isang di pamilyar na babae sa harap niya. Sinubukan nitong lumapit sa kanila para hawakan si Azalea pero umatras siya at dinuro ito sa mukha. " Don't you dare--"" Siraulo ba ang ulo mo, Rostam Lombardi? Bakit mo nilalayo ang anak ko? " tanong nito at doon lang nakilala ni Rostam ang babae sa harap niya dahil sa boses na pamilyar sa kaniya." Catalina? " hindi makapaniwalang wika niya nang mapagtanto kung sino ito. Napako ang kaniyang tingin sa maikli nitong buhok na abot hanggang ilalim ng panga. " Anong nangyari sa buhok mo? "" Ginupit ko, hindi ba obvious? " tugon nito sa kaniya. Tinignan ni Catalina si Azalea na mahimbing pa rin ang tulog sa balikat ng Ama. " Bakit di mo muna s'ya dalhin sa kwarto? Hindi siya komportable matulog ng ganiyan. "KABANATA 23Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto kung saan naroroon sina Catalina, Azelea at si Rostam. Natutulog na ang mag-ama habang ang isa ay dilat na dilat pa rin ang mga mata. Hindi siya dinadalaw ng antok at pakiramdam niya, hindi talaga siya makakatulog dahil sa takot na baka magtuloy-tuloy ito.Patay ang ilaw sa buong kwarto ngunit may liwanag sa lampshade na nasa gilid ng kama nila. Unti-unti siyang umalis sa pagkakahiga saka nilingon ang dalawa sa tabi niya. Mukhang himbing na himbing ang mga ito sa pagtulog samantalang siya, hanggang ngayon namomroblema. Paano kung may biglang kumuha sa kaniya? Paano kung bigla na lang siyang takpan ng unan sa mukha ni Rostam kapag nakatulog siya? Ang dami niyang naiisip na posibleng mangyari pero ni isa sa mga 'yon, wala namang nangyari.Umalis siya sa kama at maingat na naglakad palabas ng kwarto. Kailangan niyang mak
KABANATA 24Bumaba mula sa isang magarang sasakyan ang mga lalakeng may dala-dalang mga armas para salakayin ang loob ng Hacienda. Wasak ang harapan ng kotseng kanilang sinasakyan dahil noong di sila pinayagang papasukin sa loob ng gate, wala silang ibang choice kundi ang sapilitang pumasok sa loob para hanapin ang isang taong pinapakay nila." Halughugin niyo ang bawat sulok ng lugar! " wika ng isang lalake na tumatayong kapitan sa organisasyong kaniyang kinabibilangan. " Dalhin niyo sa harap ko ang ulo ng bastardo na 'yon! Hangga't wala kayong ipinapakita saakin, wala kayong karapatan para huminto! "" Masusunod! " sagot ng kaniyang mga kasama bago mag hiwa-hiwalay para hanapin ang taong kanilang sinadya. Naglabas naman ng sigarilyo ang kanilang kapitan para sana ito'y sindihan pero nabitawan niya ito bigla nang maramdaman ang pamamanhid ng palad at doon, kumawala ang kaniyang palahaw
KABANATA 25" Catalina anak, isa ka ng ganap na dalaga sa linggo nito. Anong gusto mong regalo sa birthday mo? " tanong ng isang matandang lalake habang abala sa pagluluto ng paborito nilang ulam tuwing linggo. Ang adobong sitaw. " Gusto mo ng bagong cellphone? Iyong nauuso ngayon? "" H'wag na po Papa, ang mahal kaya non! " aniya sa Ama habang naglalagay ng mga pinggan sa mesa sa kanilang kusina. " Ayos na po ako sa cellphone ko ngayon. Gumagana naman tsaka malinaw ang camera, okay na ako dito. Huwag na po kayo gumastos. "" Naku ganoon ba? Sayang naman pala ang binili ko kung di tatanggapin ng anak ko, " bakas ang panghihinayang sa boses nito saka pinatay ang kalan hudyat na tapos na siyang magluto ng ulam. Naglakad ito patungo sa sala at kinuha ang isang paper bag. " Paano 'yan? Nakabili na ako ng pan-regalo sayo. Sayang naman kung di mo tatanggapin 'to. "
KABANATA 26Nagising sina Esteban at Dario mula sa mahimbing na pagkakatulog nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa bintana sa labas ng kotse. Nakita nila si Baron na kanina pa nangangawit at naiinip sa labas dahil sa tagal magising ng dalawang kasama." T*ngina, himbing ng tulong niyo mga tukmol kayo, " bati ni Baron nang lumabas yung dalawa sa kotse. Inabutan niya ito ng dalawang kape na nabili niya sa isang coffee vendor machine malapit dito sa kanilang pwesto. " Kanina ko pa kayo tinatawagan, di niyo sinasagot. Ano pang silbi ng mga earbuds niyo? "" Siraulo, ikaw kaya magbantay dito twenty-four hours? Kapagod kaya, magdamag ka ba namang nakaupo sa loob, " ani Esteban saka sumimsim sa kape na dinala sa kanila ni Baron. " Anong oras na ba? "" Alas-singko nang umaga, " sagot ni Baron saka pinagmasdan ang kulay asul na kalangitan. Walang paramdam ang ar
KABANATA 27 Maingat na inilapag ni Manang Cora ang ilang tasa ng kape sa mesa para sa dalawang bisita na nasa loob ng opisina ni Rostam. Ramdam niya ang nakakailang na tensyon sa pagitan ng mga Serrano at Lombardi. Tanging ang buhos ng ulan lang ang gumagawa ng ingay sa ngayon at hinihiling niya na sana walang putok ng baril ang marinig sa paglabas niya. " Ang tagal na rin pala noong huli kong kita sayo, " wika ng isang matanda na pinuno ng Serrano Clan, si Roberto Serrano. " Wari ko'y nasa kinse anyos ka pa lang noong mga panahon na 'yon. Kasama mo pa si Alessandro, ang iyong ama noong dumalaw kayo sa bagong bukas kong restaurant noong araw. Naalala mo pa? " " Malinaw na malinaw, " tugon ni Rostam, " Naalala ko rin noon ang ginawang pamamahiya sainyo ng asawa n'yo sa kalagitnaang ng inyong pagsasalita sa harap ng maraming tao. " Hindi inasahan ni Roberto na m
KABANATA 28 Mabilis ang pagpapatakbo ni Lorenzo ng kotseng kaniyang minamaneho kasama si Rostam na walang imik subalit maraming tumatakbo sa isip. Madilim ang kaniyang mukha at ang mga mata niya ay tila isang mata ng tigre anumang oras, handang umatake. Bumaba ang kaniyang tingin sa loob ng suit nang maramdaman ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Kinuha niya ito at may natanggap na mensahe mula sa isang di kilalang numero. Noong ito'y buksan, isang litrato ang natanggap niya, litrato ni Catalina na puno ng pulang likod mula ulo hanggang paa. Napatiim bagang si Rostam, mariing napapikit at binaba ang hawak na cellphone. Mula sa rearview mirror, napansin ni Lorenzo ang pagiging aburido nito kaya di niya napigilan ang mag tanong. " Boss, may problema ba? " tanong nito pero wala siyang nakuhang sagot. Hindi na siya nagtangka pang umulit ng tanong, sa halip a
KABANATA 29Nakatayo si Catalina sa harap ng pinto ng kwarto ni Rostam, nagtatalo ang isip kung tutuloy ba siya o aatras na lang at sa ibang araw na lang bumisita. Ilang oras na ang nakalipas matapos ng gulong nangyari sa abandonadong gusali at hindi pa sila nakakapag usap ni Rostam mag mula noong makabalik sila dito sa Hacienda. Ligtas naman ito pati ang ilan niyang mga tao, may ilang sugatan pero walang binawian ng buhay, pwera kay Mario Lombardi na hinayaan na ni Rostam na ang mga Serrano ang umasikaso sa bangkay nito." Bakit parang nagdadalawang isip ka pumasok sa loob? " Napatingin siya sa gilid nang madinig ang boses ni Savannah. May dala itong tray na may lamang isang baso ng tubig at ilang medisina. Lumapit ito sa kaniya at inabot ang tray na dala. " Oh ito, ikaw na ang magpainom sa kaniya tutal may kasalanan ka rin naman sa nangyari. "Hindi na magawang magsalita ni Ca
KABANATA 30" Tita, pwede po ba mamaya na tayo umuwi? Punta pa tayo doon sa may horse, sakay pa po tayo, " rinig ni Tiffany mula sa batang nasa gilid niya kausap ang babaeng kasama na tinatawag nitong tita." Hindi, next time na lang. Pagod na si tita at gutso na niyang mag pahinga, " anito habang abala sa pagtitipa sa hawak na cellphone. " Mama at Papa mo na lang ang isama mo next time. Maghapon kayo dito kung gusto niyo. "" Talaga po? Pwede po kaming matagal dito? " hindi makapaniwalang wika ng batang si Azalea na nagtatatalon sa tuwa bago kumaway para magpaalam sa mga bata na naging kaibigan nito ngayon lang. Naglakad na ang dalawa palabas ng zoo, naunang pinasakay ni Savannah ang pamangkin niya sa kotse para sagutin muna ang tawag mula sa cellphone na hawak niya.Maingat namang pumuslit si Tiffany sa compartment ng sasakyan na ipinagpasalamat ni
WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang
KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "
KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n
KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M
KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot
KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im
KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "
KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami
KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or