Home / Romance / ANG TAKAS / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of ANG TAKAS: Chapter 1 - Chapter 10

118 Chapters

CHAPTER 1: ANG KASAL

Nakahanda na ang lahat sa wedding reception ng kasalang Tony Sandoval at Sophie Samonte, na gaganapin sa ekslusibong hotel/resort/casino sa Metropolitan Manila. Halos magliyab sa liwanag ng hindi mabilang na ilaw ang kapaligiran.  Nagpapaligsahan sa galing ng pagi-entertain ng mga bisita ang iba’t ibang entertainer na iba’t ibang talent ang ipinamamayagpag.May dalawang babaing maganda at kaakit-akit ang hubog ng katawan ang nasa swimming pool, naka- costume ng sirena, at nagpapamalas ng iba’t ibang tricks at husay sa paglangoy, habang umiindak ng ballet ang mga batang nakasuot ng ballet costume na nakapaligid sa kanila. Kagustuhan ni Senyor Gaspar Sandoval ang dagdag na entertainment ng mga sirena, dahil napag-alaman niyang paborito ng kanyang mamanugangin ang pelikulang “Ariel.”Milyones ang ginasta ng pamilya Sandoval sa marangyang kasalang Samonte-Sandoval.Ah, hindi niya panghihinayangan kahit bilyon pa ang magasta niya sa kasal n
last updateLast Updated : 2021-10-18
Read more

CHAPTER 2: GALIT AT KAHIHIYAN

  Umuugong ang bulung-bulungan sa simbahang kinaroroonan ng pamilya Sandoval. Inip na sa paghihintay sa bride ang lahat ng naroon. May ibang nag-aalala. “Baka naaksidente na ang bride.” “Susmaryosep, wala naman sanang masamang nangyari sa babaing yun!”  Hindi mapakali ang groom, panay ang punas nito ng panyo sa pinagpapawisang mukha. Ramdam ang pagkapahiya, dahil dalawang oras na ang nakalilipas sa takdang oras ng kasal, ay hindi pa rin dumarating ang kanyang pakakasalan. Biglang hinimatay ang mama ni Tony, matapos bulungan ng isa sa mga staff ng security force na siyang nagtsi-check sa pamamagitan ng pagtawag sa phone, kung saan na naroon ang babaing ikakasal. Nanlamig ang buong katawan ni Tony ng ibulong din sa kanya ng kanyang best man ang bagay na ibinulong ng security staff sa kanyang mama.  Wari ay gustong magwala sa galit ang papa niya.“Hindi ko matatanggap ang kahihiyang ito!” sa pagitan ng nagngangal
last updateLast Updated : 2021-10-18
Read more

CHAPTER 3: ANG TRAHEDYA

 Dead on arrival ang kanyang ina, ayon sa deklarasyon ng mga doktor na sumuri dito kapagdakang idinating ito ng ospital.Madalian naman ang pagpapa- cremate sa labi ng mama niya, upang maiwasan ng kanyang ama ang mga darating at makikiramay (daw). Iniwasan ng kanyang ama ang mga tanong at pag-uusisa tungkol sa hindi natuloy na kasalan.Trauma sa kanilang mag-ama ang pangyayaring naganap.“Malalampasan din namin ito.” Parang dasal na naibulong ni Tony.Nakabukol pa rin sa kanyang puso ang kahihiyang ibinigay sa pamilya nila, ni Sophie Samonte. Ang mga panlalait, pag-alipusta sa kanya ng mga miron sa simbahang pagdarausan sana ng kasal nila.…Ang kamatayan ng kanyang ina.…Ang inakala ng lahat na dahilan ng pagtakas ng bride.“Kasalanan ko ba kung naging ganito kapangit ang pagmumukha ko?”Nagtititigan sila ng sarili niyang repleksyon sa salaming kanyang kaharap. Nagtatanong sa isa
last updateLast Updated : 2021-10-18
Read more

CHAPTER 4: WANTED:SOPHIE SAMONTE

  Wanted: Sophie Samonte  Hinihingal ang nagmamadaling si Ella ng pumasok sa loob ng bahay. Agad pinuntahan sa silid na kinaroroonan ang kaibigan.“Wanted ka, Sophie!”Kunot ang noong napatitig si Sophie sa mukha ng nag-aalalang kaharap. Inis.  “Bakit ako magiging wanted,e, wala naman akong ginawang krimen?” ang tanong.“Nakapaskel sa mga pader at poste ang picture mo. Nakalagay wanted for estafa!” “What? Wala akong ini-estapang kahit sino!”Agad pumasok sa isip ni Sophie ang pangit na mukha ng lalaking tinakasan niya. Ang utang ng kanyang ama kay Senyor Gaspar Sandoval. “Si Tony. Ang mga Sandoval…”Mabilis nakabuo ng konklusiyon ang utak ni Ella mula sa mga salitang nasabi ng kaibigan.“Baka ginagantihan ka na ng mga Sandoval, dahil sa inabot nilang kahihiyan noong hindi mo siputin ang kasal mo k
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

CHAPTER 5: WALANG EBIDENSIYA

 Halos mahukay na ang baldosa sa pagpaparoo’t parito ni Don Genaro Samonte. Pilit niyang hinahanap sa kailaliman ng kanyang isip ang paraan kung paano makakasuhan ang mga Sandoval.“Wala tayo kahit na circumstantial evidence man lang. Wala rin tayong testigo. Paano tayo maghahain ng kaso?”“Puwede tayong kumuha ng false witness,” sagot ni Don Genaro sa abogadong hinarap, “magbabayad ako!”“Mas maganda ho sigurong magpa-imbestiga muna kayo. Huwag muna ninyong pairalin ang inyong galit. Matatalo tayo kung emosyon ang paiiralin natin at hindi ang katwiran.”Natigilan ang don.    Simula nga ng mabalitaan at matiyak niyang nakapaskel sa kung saan-saang lugar ang larawan ng kanyang anak' na may babalang Wanted for estafa, at mag-viral pa sa social media ang ganoon ding larawan at impormasyon, ay hindi na niya nagawang mag-isip nang wasto. Pagkapoot at suklam ang naghari sa kany
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

CHAPTER 6: TONY MEETS ELLA

  “I’m so sorry kung naabala kita,” hinging paumanhin ni Ella, “hindi pala ikaw ‘yung Tony Sandoval na hinahanap ko. Mali ang impormasyong nakuha ko.” “Well, palagay ko’y may dahilan kaya ka nagkamali.” Tumawa si Ella, “talagang may dahilan” ang nasa isip niya. “Malay mo, baka ako ‘yung lalaking inilalaan ng tadhana para sa iyo, kaya kailangang magkakilala tayo.” pagbibiro ni Tony.  “Bakit gusto mo na ba ako agad? Balak mo akong ligawan?”Ganting biro ng babae. “Sasagutin mo ba agad ako ng oo?”Nagkatitigan ang dalawa. Mata sa mata. Dikawasa’y sabay na humalakhak. Iyon ang unang pagkakataong nakarinig ng masayang halakhak ng babae si Tony na hindi ang kapangitan niya ang pinagtatawanan. Ang kaisa-isang pagkakataong hindi nilait ng magandang babae ang anyo niya. “Hindi ka ba naiilang sa pagmumukha ko?” hindi niya natiis na hindi itanong. Kumunot ang noo ng tinanong. “Bakit naman ako maiila
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

CHAPTER 7: HIRED

Malalim na ang gabi. Hindi magkandatutong isinuksok ni Ella ang susi sa seradura ng pinto. "Siguradong nag-aalala na si Sophie." Pakikipag-usap niya sa sarili. Malalaki ang mga hakbang na tinawid ang kabahayan at tuluy na kumatok sa kuwarto  Nakalabi, nagmamaktol si Sophie, habang nakatingin kay Ella, na pinagbuksan niya ng pinto. Naiinis siya dahil madalas na niyang hindi nakakasabay sa hapunan ang kaibigan. Malungkot ang kumain nang nag-iisa. Agad ngumiti ang bagong dating, sabay sa paghalik sa pisngi ng kaibigan. “Ano'ng balita?” tanong agad. “Bakit ang tagal mong dumating? Kanina pa ‘ko hintay ng hintay sa ‘yo.” ganting tanong ni Sophie. Hindi agad nasagot ni Ella ang kaibigan. Nakatutok ang kanyang tingin sa maletang nasa ibabaw ng kama. “Aalis ka? Lilipat ka na ba? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong masama sa iyo? Nagtatampo ka ba dahil hindi agad ako nakakauwi pag umaalis ako?” Mas
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

CHAPTER 8: I AM NURSE SOPHIE SAMONTE

  Hindi na nagkaroon ng pagkakataong itanong ni Sophie kay Ella ang dahilan kung bakit hindi agad ito nakauwi noong araw na ginabi siya sa paghihintay sa kaibigan.  Excited nilang pinag-usapan ng gabing iyon ang Pamilya Madrid. Nasentro ang kanilang pagkukuwentuhan sa nag-iisang anak na binata ng mga Madrid. Nilagyan nila ng mukha sa kanilang mga imahinasyon ang lalaking hindi pa nila nakikilala. Na dinala ni Sophie hanggang sa kanyang panaginip.Napanaginipan niyang napakaguwapong lalake ni Victor Madrid. May magandang pangangatawan at maginoong pag-uugali. Nililigawan siya nito. Pinagsisilbihan at nireregaluhan. Hanggang sa naging magkatipan sila. Magkahawak kamay silang namamasyal. Nagsusuyuan. Pakiramdam niya’y nasa ulap siya, lalo ng yakapin na siya nito. At napapikit siya ng hahagkan na siya… PAK! Napadilat si Sophie. “Bakit ka ba namamalo?” tanong niya, kasabay sa paghaplos sa hita niyang pinalo ng
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

CHAPTER 9: GUILTY

 Honda Civic SiR ang kotseng minamaneho ni Victor Madrid. “Manual driving lang. Lumang modelo, “ nasa isip ni Sophie, “middle class, hindi rich. Pero kung makaasta ang lalaking ‘to,  feeling super rich. Kayabang! ”Hindi mahalaga kay Sophie kung middle class man o super rich ang paglilingkuran niya bilang nurse. “Ang importante ay magbabayad sila nang tama at hindi manggugulang. “Makintab at halatang alagang-alaga ang sasakyan. Malinis ang mga upuan at walang kahit anong mantsa na mapapansin sa loob. Makinis ang pagtakbo at walang ingay na maririnig mula sa makina nito.Tahimik si Sophie, habang patingin-tingin sa kanya ang nagmamanehong si Victor. Ramdam niya ang mga mata nitong nakatutok sa kanyang mukha, at nakikita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang inis sa bawat galaw at ekspresyon ng mukha nito. Inis na nagsimula sa unang sandali pa lang ng pagkikita nila.&ldquo
last updateLast Updated : 2021-11-18
Read more

CHAPTER 10: BANGUNGOT

Gumagapang at umaalipin na sa kanyang kamalayan ang matinding takot. Bawat aninong kumikilos ay nagpapanginig sa kanyang laman at nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.“Ano ’yon?” Nanginginig ang tinig na tanong ni Sophie sa sarili, ng mapansin ang aninong wari ay biglang nagtago sa dilim.Luminga-linga siya. Hinanap ang posibleng pinuntahan ng anino.“Baka holdaper ‘yun. Baka terorista! Baka…”Muli may aninong kumilos. Nanlalaki ang mga matang sinundan niya iyon ng tingin.May kumalabog mula sa hood ng sasakyan.BOG!“EEEEEEEEEEEEEEE!”…….Nakarating sa kinaroroonan ni Victor ang malakas na hiyaw.“Si Nurse Sophie kaya ‘yun?”Nanainga. Hinintay kung may maririnig pang sigaw.…….“EEEEEEEEEEE…”Nakapikit nang mariin ang mga mata ni Sophie, habang patuloy sa pagsigaw.D
last updateLast Updated : 2021-11-19
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status