Share

Chapter 5: Carried

“Stop now, Danica.” Malamig na saad ng lalaki.

Iritableng pinaikot ng babae ang kaniyang mga mata.

“The next time I see her, sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang ginawa niya.”

Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at humarap sa lalaki.

Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang malamig na tingin ni Greig.

Madilim ang mukha ng lalaki at walang halong pagbibiro sa ekspresyon nito. Wala sa sarili siyang napaatras.

“Don't ever lay a finger on her.” Malamig na saad ng lalaki.

Nabuhol na lamang ang kaniyang dila dahil sa takot. Nahihirapan man ay marahan siyang tumango.

“O-of course,” utal niyang sagot.

Humarap ang lalaki kay Christoff at malamig ang boses na sinabi, “No one who has nothing to do with me is allowed to come in from now on."

Kumunot ang noo ni Danica.

“Sa laki ng kompanya mo Kuya Greig, tama lang na maging maingat. Those irrelevant persons should not be welcomed here.” Pagsang-ayon niya.

Tumango si Christoff kay Greig saka hinawakan ang siko ng babae.

“Miss Danica, please.”

Tila ngayon lamang naintindihan ni Danica na siya ang tinutukoy ni Greig. Sinubukan niya pang magreklamo ngunit dalawang guwardiya ang lumapit para ihatid siya palabas ng kompanya.

Kahit ano pa mang pag-aalburuto ay hindi siya hinayaang makawala ng mga guwardiya.

Mabuti na lamang at mayroong soothing cream sa medicine kit ng kompanya kaya maagap na nalunasan ni Ysabela ang napasong balat.

Kagat ang ibabang labi niyang pinagmasdan ang namumulang balat.

Hindi ito mangyayari kung hindi niya pinatulan si Danica. Pero kahit paano ay tila gumaan naman ang loob niya, alam niyang naipagtanggol niya ang kaniyang sarili.

Ilang beses niyang sinubukang intindindihin ang mga tao sa kaniyang paligid, pero may mga pagkakataon rin na marapat lang na ipagtanggol ang sarili sa mga nang-aapi.

Pagkatapos niyang magpalit ng damit at magamot ang sarili ay bumalik siya sa pagtratrabaho.

Naririnig niya pa ang ilang bulungan pero hindi na lamang niya iyon pinagtuunan ng pansin.

Nang hapon ay masama pa rin ang loob ni Ysabela nang lumabas ng kompanya. Tapos na ang trabaho at isa siya sa mga empleyado na maagang uuwi.

Sa exit ay naghihintay sa kaniya si Christoff. Nang makita siya nito ay mabilis na lumapit.

“Ysabela, pinapatawag ka ni Sir Greig. May importante siyang sasabihin at pinapasama niya kayo sa akin.”

Tiningnan niya ang lalaki at pagod na umiling. Masyadong mahaba ang kaniyang araw ngayon, at pagkatapos ng nangyari ay wala siyang lakas para harapin ang lalaki. 

“Kailangan ko nang umalis, Christoff.”

Hindi siya napigilan ng lalaki.

Nang makasakay sa taxi ay mabilis niyang sinabi ang pangalan ng ospital na pupuntahan.

Mas lalong bumigat ang kaniyang dibdib, naalala niyang hiniling niya kagabi kay Greig na samahan siya nitong bisitahin ang kaniyang Lola.

Ngayon ay mag-isa siyang pupunta, at hindi na siya aasa na sasamahan siya ni Greig.

Pagkarating ng ospital ay ikinubli ni Ysabela ang totoong nararamdaman sa kaniyang mga ngiti.

Saktong pagkadating niya ay pinapakain na ang kaniyang Lola ng hapunan kaya siya ang pumalit sa nurse.

“La.” Ngumiti siya sa matanda at pinatakan ng h*lik ang gilid ng noo nito.

Galing pa sa probinsya ang kaniyang Lola at ayaw pa sana nitong sumama sa syudad dahil hindi maiwan ang kabuhayan sa probinsya. Mabuti na lamang at napilit niya, dahil pagkatapos na ma-diagnose ito nang nakaraang buwan ng pancreatitis, alam ni Ysabela na kailangang dalhin ito sa mas malaking ospital para maalagaan ng mabuti.

Malungkot siyang ngumiti habang sinusubuan ito ng pagkain. Hindi pa nito alam ang sekreto niyang pagpapakasal.

Ngayon niya sana balak surpresahin ang matanda nang makilala nito si Greig, pero mukhang hindi na iyon mangyayari.

Nang makatulog ang kaniyang Lola ay lumabas siya para saglit na makapag-isip.

May maliit na harden ang ospital sa tapat kaya roon siya tumuloy.

Natigil siya nang makita ang isang pamilyar na Range Rover. Nakaparada ito sa main entrance ng ospital.

Tila may sumipa sa puso niya nang makita ang sasakyan. Alam niyang kay Greig iyon.

Pumunta ito sa ospital para sa kaniya?

Unti-unting napalitan ng saya ang nararamdamang hinagpis ni Ysabela. Kaya naman kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang ngiti.

Kung narito si Greig para sa kaniya, ibig ba nitong sabihin na pinapahalagan siya ng lalaki?

Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang lalaki.

Sinubukan niyang salubungin si Greig, ngayon ay tuluyan nang nangingiti sa nararamdamang saya.

Ngunit unti-unting bumagal ang kaniyang lakad nang makitang umikot ang lalaki sa kabilang pinto ng sasakyan. Binuksan nito ang pinto at yumuko para buhatin ang taong naroon.

Natigilan siya. 

Maingat na binuhat ni Greig ang isang babae. Wala itong malay-tao.

Bakas sa mukha ng kaniyang asawa ang pagiging tensyunado at ang labis na pag-aalala sa babaeng buhat-buhat.

Kahit kailan ay hindi niya pa nakita ang ganoong emosyon kay Greig. 

Parang naubos ang kulay sa mukha ni Ysabela nang makita ang tagpong iyon. Kasabay ng pagkabasag ng puso niya ay ang pag-init ng sulok ng kaniyang mga mata.

Mabilis na naglakad si Greig, nilagpasan siya nito. Wari bang hindi man lang siya nakita ng lalaki. Parang

hangin lang siyang dinaanan ni Greig.

Hindi niya alam kung hindi lang siya nakita ng lalaki.

Pero nakita ng malinaw ni Ysabela ang buhat

-buhat nitong babae.

Nakita na niya ang mukha nito sa isang litrato... sa isang balita. Si Natasha Entrata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status