Pinagmasdan niya ng mabuti ang repleksyon nilang dalawa ni Greig.This could have been perfect.Pero alam niyang ang pagiging perpekto nilang dalawa para sa isa't isa ay isang kathang-isip lamang.Mas lalo lamang siyang mahihirapan kung lalambot na naman ang puso niya sa mga simpleng bagay na ginagawa nito.Nang matapos nitong e-blower ang kaniyang buhok ay sumulyap ito sa salamin dahilan para magtama ang tingin nila.“Thank you.” Mababa ang boses na sabi niya.Nasa likod niya ang lalaki at ramdam niya ang init na galing sa katawan nito. Kaya nang yumuko ito para bumulong ay nanindig agad ang kaniyang balahibo.Itinukod nito ang isang kamay sa mesa para suportahan ang sarili at mas lalo pang lumapit.“How do you thank me again?” Nanunukso nitong tanong.Nanatili ang tingin nito sa kaniya dahilan para magbara ang lalamunan niya. Bahagyang lumaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito.Dati ay sa pamamagitan ng h*lik at pags*p*ng siya magpasalamat pero ngayon hindi niya na iyon maga
Bumaba pa lalo ang kamay ni Natasha hanggang sa mahawakan na lamang nito ang daliri ni Greig.Dahil sa ginawa nito ay wala sa sariling napa-atras ang lalaki. May kung anong mali sa kaniyang pakiramdam dahil sa haplos nito.Dahil sa paglayo ni Greig ay naiwan sa ere ang kamay ni Natasha.Nang pagmasdan niya ang lalaki ay malamig ang tingin nito dahilan para balutin siya ng hiya.Dahan-dahan niyang ibinalik ang kaniyang mga kamay sa gilid ng kama at parang piniga ang kaniyang puso.“Do you hate me, Greig?” Nasasaktan nitong tanong.Kumunot ang noo ni Greig.It was just my subconscious that tells me to step away. But now, seeing her hurting... It feels wrong.Namumula ang mga mata ni Natasha nang pagmasdan niya iyon. Kaonti na lamang ay maiiyak na ng tuluyan."No, don't think too much.” Kaswal niyang sagot.“But I feel like I'm already a burden to you.”At ang nagbabadya nitong luha ay tuluyang pumatak. Inabot ni Greig ang tissue na nakapatong side table ngunit ayaw iyong tanggapin ni Na
Kinabuksan ay magtatanghali na nang magising si Ysabela.Mabuti na lamang ay weekend ngayon, walang ibinilin na trabaho sa kaniya kaya hindi niya kailangan pumunta sa kompanya.Maliban rin naman sa kaniya at kay Christoff ay may apat pang assistant sa opisina ng sekretarya na maaaring utusan ni Greig kung sakaling wala sila. Kung tutuusin, maliit na bagay lamang ang presensya niya.Nang bumangon siya galing sa kama ay napansin niya agad ang basong nakapatong sa bedside table. Natigilan siya nang mapansin iyon.Hindi niya maalala na kumuha siya ng tubig bago matulog.Ngunit hindi na lamang niya iyon pinagtuunan ng pansin, tumuloy siya sa maliit na drawer at sa hunos nito ay kumuha ng thermometer para tingnan kung bumaba na ba ang kaniyang lagnat.Nang makita niyang bumaba na nga ang kaniyang lagnat ay napahinga ng maluwag. Hindi siya sanay na magkasakit.Kaya naman para masiguradong hindi na babalik ang kaniyang lagnat ay tumuloy siya sa banyo para maligo nang mabilis. Pagkatapos ay pi
Ilang minuto rin ang itinagal niya sa comfort room dahil sa pagduduwal. Nang matapos siya ay agad niyang nilinis ang sarili.Putlang-putla ang kaniyang mukha. Kaya inilabas niya ang compact powder at lipstick upang masigurado na hindi mapapansin ni Von ang pamumulta niya.Napaka metikulusa pa naman ng kaniyang kaibigan, kahit maliliit na bagay ay napupuna nito.Nang makalabas siya ng comfort room ay natigilan siya nang makita ang isang pamilyar na lalaki malapit sa lababo.May kausap ito sa telepono habang naghuhugas ng kamay.“Like I told you, dude. I'd definitely be able to get it tonight. Kung hindi, talagang lalasingin ko na. D**n! Ang tagal ko nang nagpipigil dahil sa pagpapakipot ni Yvonne. Kung hindi ko makukuha ngayon sa maayos na usapan, idadaan ko sa sapilitan.” Natawa ang lalaki pagkatapos iyon sabihin.Natigilan ng tuluyan si Ysabela. Sigurado siyang si Arthur iyon, lalo pa't nabanggit ang pangalan ng kaniyang kaibigan.“Oh shoot! I even met her best friend. Si Ysabela, th
Nang makita ni Ysabela ang plano nitong pagsampal sa kaniya ay umatras siya. Dahil sa pag-iwas niya ay nawalan ng balanse ang lalaki.Natisod pa nito ang isang paa dahilan para sumalampak sa sahig si Arthur.Kung hindi pa nito naitukod ang mga kamay ay makikipagface-to-face na ito sa lupa.Mas lalo lang nagalit si Arthur sa nangyari. Nang makabawi ito ay mabilis na bumangon at nagngingitngit na humarap sa kaniya.“The f*ck with you? Gusto mo talagang masaktan, ano?”Susugod na naman sana ito."What are you doing?"Napabaling silang pareho sa nagsalita. Nakakunot ang noo ni Yvonne habang nakatingin sa kanila.Kadarating lang nito, at dahil naiinip na sa paghihintay ay nagplano itong hanapin sila.Ngunit hindi nito inaasahan ang nakitang eksena.Magsasalita na dapat si Ysabela nang maunahan siya ni Arthur. Nagkukumahog itong lumapit sa kaniyang kaibigan at hinawakan ang mga kamay nito.“Babe, look what she had done to me!” Sumbong nito.“She's asking for my telegram and I refused to giv
Halos mapapalakpak si Yvonne sa kaniyang kaibigan. Alam niya kung ano ang mga sakripisyo ni Ysabela para kay Greig, at isa nga sa kinakatakot niya ay ang mapag-iwanan ito. Pero matalino si Ysabela, nakikita niyang maganda ang desisyon nito.“I'm glad to hear that, Sabby!” Nangingiti siya sa babae.“Dapat nga ay noong una mo pa iyan ginawa. What would you get from serving coffee and water everyday? You're very beautiful and capable. You even won awards for your designs when we were in college. You should get back on making designs!”Ngumiti siya sa babae. Kahit anong maging desisyon nito ay susuportahan niya.“I bet, you'd be more successful without him.” Dagdag niya.Matagal na niyang kinikimkim ang saloobin, ngunit dahil ayaw niyang masaktan si Ysabela ay pinipili na lamang niyang manahimik. Alam niya ang nararamdaman nito para kay Greig, at wala siyang lakas ng loob para pigilan ito.Dahil kahit naman noong pinagsasabihan niya si Ysabela, hindi pa rin ito nakinig. Pumayag pa rin ito
Dahil sa pagiging kuryuso niya noon ay nabasa niya sa isang website ang tungkol sa kalagayan ng babae. Na-diagnose ito ng cuagulopathy at kasalukuyang ginagamot.Tumigil si Danica at pilit na pinakalma ang sarili. Binalingan niya ng tingin si Natasha at pekeng ngumiti.“Nat, I guess I have to introduce to you Kuya Greig's assistant.” Makahulugan ang boses nito.“This is Ysabela Ledesma. Nang umalis ka, siya ang pumalit sa iyo at ginalingan ang pag-aalaga kay Kuya Greig.” Mas malakas na ang boses ni Danica dahilan para mangunot ang noo ni Ysabela.Gusto talaga siyang eskandaluhin ng babae.May ilan pa nga ang napatingin sa gawi nila.Samantalang si Natasha ay gulat na napatingin sa kaniya. Namutla rin ang mukha nito.Ngunit mabilis rin itong nakabawi. Unti-unti itong bumaling sa kaniya at ngumiti.“So, you were the assistant? Greig's assistant.” Saad nito.Sinulyapan nito ng tingin si Danica.“Danica? My bag seems to have been left in the restaurant, pwede mo bang balikan?” Masuyo nito
“I'm sorry, Sir. I couldn't find Ysabela, there's no surveillance system on the vicinity that's why I couldn't track her too.” Si Christoff sa kabilang linya.Napahilot sa sentido si Greig nang marinig iyon.“I'll call again.” Saad niya bago ibaba ang tawag.Nasa loob na ng emergency room si Natasha at tinitingnan ng doktor, pero hindi mapakali si Greig.Patuloy na bumabagabag sa kaniya ang mukha ni Ysabela. Hindi niya alam kung napalakas ba ang pagkakatulak niya sa babae sa pagmamadaling tingnan ang kalagayan ni Natasha.Masyado siyang napangunahan ng emosyon kanina.Pabalik-balik siya sa corridor habang naghihintay na matapos ang doktor. Hindi na siya nakabalik para tingnan ang kalagayan ni Ysabela kaya si Christoff ang inutusan niya pero wala na roon ang kaniyang asawa. Kung umalis na ito, ibigsabihin ay maayos ang kalagayan ni Ysabela.Ngunit hindi siya mapakali, nakita niyang bumakas sa mukha ni Ysabela ang sakit. Baka may sugat ito.O baka nabalian. May iniindang sakit marahil