May kaunting pag-asa sa puso ni Archie na unti-unting umuusbong. Iyon ang nagtutulak sa kaniya na hanapin ang babaeng nakita niya mula sa teresa. Gusto niyang makita ito sa malapitan at makausap kahit sa kaunting panahon lang.Gusto niyang makita ito. Gusto niyang makita ulit ito.Simula nang makita niya si Ysabela sa Sicily, palagi na niyang napapanaginipan ang senaryo kung kailan niya unang nakita ang babae at kung paano niya ito nahanap. Ngunit sa kaniyang panaginip, hindi si Ysabela ang kaniyang natagpuan, kung hindi... si Yvonne.Paano nga kaya kung si Yvonne ang kaniyang natagpuan sa Sicily? Paano kung si Yvonne ang aksidente niyang natagpuan nang walang alaala sa kaniya?Paano kung kagaya ni Ysabela ay buhay pa rin pala ito?Sa tuwing nagigising siya mula sa panaginip na ‘yon, hindi niya maiwasan na hindi ibulong sa hangin na sana magkatotoo iyon. Gabi-gabi siyang nangangarap na sana balang araw ay aksidente niyang matagpuan sa ibang lugar si Yvonne. Nangangarap siya na sana ma
Nang sumunod na araw, sinalubong siya ni Aira sa parking lot. Nakangiti itong bumati sa kaniya nang bumaba siya sa sasakyan."Good morning, Kuya Archie." Ngiting-ngiti ito sa kaniya.Ngumiti siya pabalik sa babae."Good morning din, Nurse."Binuksan niya ang backseat at kinuha ang lagayan ng special waffle na inorder niya sa paboritong café nito na kaniyang nadaanan.Nang makita ni Aira ang kaniyang dala, mas lalong bumungisngis ang babae."Kaya gustong-gusto ko na bumibisita ka, kasi palagi kaming may pagkain sa station." Natatawa nitong sabi."Kaya hindi ka pumapayat kasi ang hilig mo pa rin sa pagkain." Pang-aasar niya sa babae.Umikot naman ang mga mata nito saka humakbang palapit para kunin sa kaniya ang mga pagkain."Minsan kapag hindi nauubos ni Ma'am Yves ang pagkain niya, ako na lang ang kumakain. Kaya huwag ka nang magtaka kung hindi na ako papayat."Marahan naman siyang tumawa.Si Aira ay isa sa mga psychiatric nurse na nagtratrabaho sa pribadong institusyon kung saan naka-
Nang makaalis si Dra. Azuela, naglakad siya papasok ng silid. Nang matanaw siya ni Marissa na isa sa mga therapeutic staff, ngumiti ito agad."Sir Archie." Bati nito, ngiting-ngiti.Ngumiti na rin siya pabalik."I'm going to visit her." Imporma niya saka sumulyap kung nasaan si Yves.Tumango si Marissa."Sure. Dalawang araw na siyang nagpipinta. Mas maayos na niyang nahahawakan ang paint brush at mas nagiging makulay na rin ang mga ipinipinta niya." Balita nito.Nasa mid-thirties na si Marissa. Ito ang madalas na kasama ni Yves kapag ganitong oras dahil hilig ng ginang ang pagpipinta at si Marissa naman espesyalista sa art therapy na nagtuturo at gumagabay dito.Magkasama silang lumapit kung nasaan si Yves.Tatlong pasyente pa ang kasama sa art therapy session. Ang lahat ng narito ay pukos lamang sa ginagawang painting. Halos hindi na pinapansin ng mga pasyente ang ibang bagay dahil sa pagiging abala sa pagpipinta.Sinilip niya ang canvas nito at nakita ang ipinipinta ng babae. Malapi
“Congratulations, you are pregnant!”Hindi pa rin mawala sa isip ni Ysabela ang balitang iyon galing sa doktor. Napapatulala na lamang siya sa tuwing sumasagi iyon sa kaniyang isip.Napakurap siya nang maramdaman ang mahinang pagkurot sa kaniya ni Greig.“What are you thinking about?”Muli siyang napakurap, hindi niya alam na malalim na naman ang kaniyang iniisip. Ngunit bago pa man siya makasagot ay hanawakan na ng lalaki ang kaniyang batok at siniil siya ng mariing h*l*k.Pagkatapos ng h*l*k na iyon ay tumayo ang lalaki at naiwan siya roon habang sinusundan ito ng tingin papuntang banyo. Paano nito nagagawang maglakad palayo pagkatapos siyang lunurin sa h*l*k?Nanghihina siyang napahiga sa kama. Pakiramdam niya'y naubos ang kaniyang lakas, basa rin ang kaniyang buhok dahil sa pawis at kitang-kita ang pagod sa kaniyang mukha.Pagkaraan ay napagdesisyunan niyang tumayo para kunin ang pregnancy report sa kaniyang drawer. It was all unexpected, kaninang hapon ay pumunta siya sa ospital
Nanginig ang kaniyang kamay. Naalala niyang pinakansela ni Greig ang meeting nito kaninang hapon at umalis.Ang suot ng lalaki sa litrato ay kaparehas ng suot ni Greig ng hapong iyon.Ibigsabihin pinuntahan ni Greig ang dati niyang kasintahan para personal na sunduin ito?Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang pagsakit ng kaniyang puso. Parang isang malaking bato ang dumagan doon.Itinipa niya ang numero ni Greig sa kaniyang cellphone ngunit ilang beses siyang nagkamali dahil sa panginginig nito.Malalim siyang nagbuntong-hininga nang marinig na nagri-ring ang kabilang linya.Ilang ring na ay hindi pa rin sumasagot ang kaniyang asawa kaya nauubusan siya ng pag-asa. "Hello——"Naestatwa si Ysabel nang marinig ang banayad na boses ng babae.Muli niyang sinulyapan ang numerong tinawagan, tama naman siya. Numero iyon ni Greig.“Hello?” Ulit ng babae sa kabilang linya.Parang may kung anong nabasag sa kaniyang dibdib.Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang panghihina, kasabay nit
Bumungad sa pinto si Patrick, mukhang paalis na ang lalaki.Mariin na ikinuyom ni Ysabel ang kaniyang kamao at pilit na itinago ang totoong nararamdaman. Bahagya siyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Mr. Roa.”Hindi na niya hinintay na batiin siya pabalik ng lalaki, nilagpasan niya ito at tumuloy sa lamesa ni Greig para dalhin ang dokumento.Matuwid na nakaupo sa swivel chair ang kaniyang asawa. Mas lalo itong naging matipuno sa suot na formal attire.Pinasadahan niya saglit ang suot nito, hindi ito ang suot ni Greig kagabi nang umalis.Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin, mas lalo lamang lumubog ang kaniyang puso.“Kailangan ang pirma niyo sa mga dokumentong ito, galing ito sa marketing department... Sir.”Halos pabulong na lamang ang huli niyang salita.Inabot ng lalaki ang mga dukomento at mabilis na pinirmahan ang mga pahinang kailangan ng pirma. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito nang ibalik sa kaniya ang mga dukomento.Tinanggap naman niya iyon at mabilis na tinalikur
Malamig na tingin naman ang iginawad ni Ysabela sa babae.“Tinuturuan kita ng pagiging magalang.”Magagawa niyang tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto sa kaniya, huwag lamang ang insultuhin ang kaniyang mga magulang. Hinding-hindi niya masisikmura na hamakin ito ng ibang tao.Kung kanina ay pulang-pula ang mukha ni Danica ngayon namutla ang mukha ng babae dahil sa galit. Noon pa man ay takot na sa kaniya ang mga empleyado dahil alam ng lahat na pinsan siya ni Greig, kaya malaking s*mpal ito sa kaniyang ego na ngayon ay nagagawa siyang sagutin ni Ysabela. Lalo pa't marami ang nakakita sa pags*mpal nito sa kaniya.“You b*st*rd!”Mabilis na kumilos si Danica, hindi niya hahayaan na ipahiya siya ninuman sa harap ng maraming tao. Itinaas niya ang kaniyang kamay at handa nang gantihan ng s*mpal ang kaharap.Ngunit nakahanda na si Ysabela, sinalubong niya ang kamay ni Danica at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan nito.Sa lakas ng pagkakahawak niya ay hindi na halos makakilos si Danica
“Stop now, Danica.” Malamig na saad ng lalaki.Iritableng pinaikot ng babae ang kaniyang mga mata.“The next time I see her, sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang ginawa niya.”Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at humarap sa lalaki.Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang malamig na tingin ni Greig.Madilim ang mukha ng lalaki at walang halong pagbibiro sa ekspresyon nito. Wala sa sarili siyang napaatras.“Don't ever lay a finger on her.” Malamig na saad ng lalaki.Nabuhol na lamang ang kaniyang dila dahil sa takot. Nahihirapan man ay marahan siyang tumango.“O-of course,” utal niyang sagot.Humarap ang lalaki kay Christoff at malamig ang boses na sinabi, “No one who has nothing to do with me is allowed to come in from now on."Kumunot ang noo ni Danica.“Sa laki ng kompanya mo Kuya Greig, tama lang na maging maingat. Those irrelevant persons should not be welcomed here.” Pagsang-ayon niya.Tumango si Christoff kay Greig saka hinawakan ang siko ng babae.“Mi
Nang makaalis si Dra. Azuela, naglakad siya papasok ng silid. Nang matanaw siya ni Marissa na isa sa mga therapeutic staff, ngumiti ito agad."Sir Archie." Bati nito, ngiting-ngiti.Ngumiti na rin siya pabalik."I'm going to visit her." Imporma niya saka sumulyap kung nasaan si Yves.Tumango si Marissa."Sure. Dalawang araw na siyang nagpipinta. Mas maayos na niyang nahahawakan ang paint brush at mas nagiging makulay na rin ang mga ipinipinta niya." Balita nito.Nasa mid-thirties na si Marissa. Ito ang madalas na kasama ni Yves kapag ganitong oras dahil hilig ng ginang ang pagpipinta at si Marissa naman espesyalista sa art therapy na nagtuturo at gumagabay dito.Magkasama silang lumapit kung nasaan si Yves.Tatlong pasyente pa ang kasama sa art therapy session. Ang lahat ng narito ay pukos lamang sa ginagawang painting. Halos hindi na pinapansin ng mga pasyente ang ibang bagay dahil sa pagiging abala sa pagpipinta.Sinilip niya ang canvas nito at nakita ang ipinipinta ng babae. Malapi
Nang sumunod na araw, sinalubong siya ni Aira sa parking lot. Nakangiti itong bumati sa kaniya nang bumaba siya sa sasakyan."Good morning, Kuya Archie." Ngiting-ngiti ito sa kaniya.Ngumiti siya pabalik sa babae."Good morning din, Nurse."Binuksan niya ang backseat at kinuha ang lagayan ng special waffle na inorder niya sa paboritong café nito na kaniyang nadaanan.Nang makita ni Aira ang kaniyang dala, mas lalong bumungisngis ang babae."Kaya gustong-gusto ko na bumibisita ka, kasi palagi kaming may pagkain sa station." Natatawa nitong sabi."Kaya hindi ka pumapayat kasi ang hilig mo pa rin sa pagkain." Pang-aasar niya sa babae.Umikot naman ang mga mata nito saka humakbang palapit para kunin sa kaniya ang mga pagkain."Minsan kapag hindi nauubos ni Ma'am Yves ang pagkain niya, ako na lang ang kumakain. Kaya huwag ka nang magtaka kung hindi na ako papayat."Marahan naman siyang tumawa.Si Aira ay isa sa mga psychiatric nurse na nagtratrabaho sa pribadong institusyon kung saan naka-
May kaunting pag-asa sa puso ni Archie na unti-unting umuusbong. Iyon ang nagtutulak sa kaniya na hanapin ang babaeng nakita niya mula sa teresa. Gusto niyang makita ito sa malapitan at makausap kahit sa kaunting panahon lang.Gusto niyang makita ito. Gusto niyang makita ulit ito.Simula nang makita niya si Ysabela sa Sicily, palagi na niyang napapanaginipan ang senaryo kung kailan niya unang nakita ang babae at kung paano niya ito nahanap. Ngunit sa kaniyang panaginip, hindi si Ysabela ang kaniyang natagpuan, kung hindi... si Yvonne.Paano nga kaya kung si Yvonne ang kaniyang natagpuan sa Sicily? Paano kung si Yvonne ang aksidente niyang natagpuan nang walang alaala sa kaniya?Paano kung kagaya ni Ysabela ay buhay pa rin pala ito?Sa tuwing nagigising siya mula sa panaginip na ‘yon, hindi niya maiwasan na hindi ibulong sa hangin na sana magkatotoo iyon. Gabi-gabi siyang nangangarap na sana balang araw ay aksidente niyang matagpuan sa ibang lugar si Yvonne. Nangangarap siya na sana ma
Sigurado si Archie sa kaniyang nakita. Hindi siya namamalik-mata at mas lalong hindi siya nagkakamali na nakita niya ang pamilyar na mukha ni Yvonne Santiago. Siya iyon, malinaw niyang natanaw mula sa terrace ng second floor ang babae.Pababa sa hagdan ay nagkasalubong niya ang ilang bisita, may ilan na bumati sa kaniya, ngunit hindi na niya nabati pabalik dahil sa pagmamadali."Archie!"Malalaki ang kaniyang hakbang, tila may hinahabol, at dahil sa pagtawag sa kaniya ni Patrick ay mas lalong napukaw ang kuryusidad ng mga tao. Sinusundan siya ng tingin ng ilang bisita, nagtataka kung ano ang nangyayari."Archie." Bati sa kaniya ni Reinella.Ang babae ay nasa bulwagan ng malaking pinto, sinalubong siya nito nang may ngiti sa labi, ngunit napanis lamang iyon nang hindi niya ito pansinim at tumuloy sa paglalakad.Nang nasa labas na siya ng mansion, tumigil siya at dali-daling inilibot ang tingin sa nagkukumpulang mga bisita.Sa sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso ay masakit na iyon.
Humugot ng malalim na hininga si Patrick. Would she allow that? Probably yes. Dahil hindi na rin naman makakapagsalita si Yvonne, kaya walang kokontra sa ideya ng kaniyang kaibigan. Teka. Hindi ba't ideya niya iyon? Hinilot niya ang kaniyang sintido. Sumasakit iyon dahil alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit naisip ni Archie ang ganitong kahibangan. "Lindsy came to my office," bigla'y naalala niya ang kaniyang pakay. "She really wants to see you. She wants to talk to you. Inaayos na ng abogado mo ang reklamo ni Lindsy Alcazar, pero mukhang hindi pera ang gusto niyang makuha. Gusto niya lang malaman kung bakit," tumigil siya at sinundan ng tingin si Archie nang abutin nito ang larawan ni Yvonne na nasa sahig. "Kung bakit hindi ka pumunta sa kasal niyo." Tuloy niya. Hindi nagsalita si Archie. Pinunasan lamang nito ang larawan at tinitigan iyon. Kumunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Archie. Mabagal itong kumurap-kurap, nil
Umawang ang bibig ni Patrick, ngunit nanuyo naman ang kaniyang lalamunan.Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang nakapagpabago sa isip ni Archie para hindi ito sumipot sa kasal kay Lindsy. Buong akala niya ay buo na ang desisyon nito na magpakasal sa babae.Hindi pa sila nagkakausap ng matino simula nang mailibing si Yvonne, dahil simula nang araw na ‘yon, palagi nang tulala si Archie at hindi makausap ng matino.Hindi na ito nagtratrabaho, mas madalas niya pa itong matagpuan sa sementeryo kaysa sa opisina o condo nito. Nakaupo palagi sa tabi ng libingan ni Yvonne habang nakatulala sa lapida ng babae. Tila nakikipag-usap ngunit hindi kayang ibuka ang bibig para magsalita.Akala niya ay nagbago ang isip ni Archie dahil nabagok ito at napagtanto na hindi magandang ideya na pakasalan si Lindsy lalo na kung wala naman itong nararamdaman para rito.Ngunit mukhang mas malalim pa ang dahilan nito para hindi siputin ang babae sa kasal.Humakbang siya palapit hanggang sa maabot
Nagbuntong-hininga si Patrick, pinagmamasdan sa malayo ang kaniyang kaibigan na nakaupo sa tabi ng libingan ni Yvonne.Kagaya ng kaniyang inaasahan, dito niya matatagpuan si Archie. Ngunit nag-aalangan siyang bumaba sa kaniyang sasakyan at lapitan ito. Kaya hindi na siya tumuloy at nanatili na lang sa kung nasaan siya habang pinagmamasdan ito mula sa malayo.Malaki ang pagkakaiba ni Archie at Greig pagdating sa pagharap sa mga suliranin at kabiguan. Si Greig, hindi na halos lumabas ng bahay at ayaw na humarap sa kahit na kanino. Nagkukulong na lamang ito sa kuwarto simula nang mailibing si Ysabela.Ayaw na ayaw ni Greig na mababanggit ang pagkamatay ni Ysabela. Hindi nito matanggap na nailibing na ang asawa at hindi na umuusad ang kaso nito. Samantalang si Archie, walang araw na hindi nito binibisita ang libingan ni Yvonne. Ayaw nitong umuwi, mas gusto nito na nasa tabi lang ng libingan ni Yvonne, araw man o gabi, mainit man o umuulan.Minsan pa nga, hindi umuuwi si Archie, dito na i
Alas syete nang gabi nang pumunta si Reinella sa bahay ng mga Alcazar, kasama si Jake Olivares.Sa malaking gate pa lang ng mansion ng mga Alcazar ay ramdam na agad ni Reinella ang pagdadalawang-isip ng mga tauhan na tanggapin sila, ngunit nang sabihin ni Jake na pinadala sila ni Mr. Garcia ay pinapasok din naman sila ng guwardiya.Inilibot niya ang tingin sa mahabang harden na dinadaanan ng sasakyan at medyo nalula pa sa yaman ng mga Alcazar.Sure, she's also rich, but not this rich.Ang kaniyang Papa ay dating mayor sa Albay. Ang kaniyang Mama naman ay tagapamahala sa isang azucarera. Komportable ang kanilang buhay. Malaki ang kanilang bahay at malawak ang kanilang lupain, ngunit hindi sila nangahas na ipagyabang iyon sa ganitong paraan kagaya ng mga Alcazar.Masyadong engrande kahit na ang pathway pa lang papunta sa malaking mansion. Mararamdaman agad ng mga bisita ang nag-uumapaw na karangyaan ng pamilyang ito sa pagmamasid pa lang sa harden na may nakakamanghang landscape. Marami
Sa rounded table ay naupo si Reinella kasama si Jake at ang kaniyang kaibigan na si Carlo. Galing na sila sa opisina at balak nang maglunch-break muna nang bigla silang ipinatawag ni Jake para pag-usapan ang kaso ng isang kliyente nito. Dahil mas mataas ang posisyon ni Jake kumpara sa kaniya, wala rin siyang nagawa kung hindi siputin ang lalaki at alamin kung ano’ng kaso ang hawak nito ngayon. Pagkatapos na mag-order ng pagkain, ay ibinaba ni Atty. Jake Olivares ang folder na dala nito sa ibabaw ng mesa at itinulak iyon sa direksyon ni Reinella. Sinundan ng tingin ni Reinella ang folder. "The information inside this folder contains Mr. Archimedes Garcia's detailed explanation about his conflict with the other party. Atty. Pasquito wants us to resolve this case immediately before the press makes a fuss about it." Imporma ni Jake sa kanilang dalawa ni Carlo. Tinanggap ni Reinella ang folder at binuksan iyon. Ilang pahina lamang ang nakapaloob sa folder kaya mabilis niyang ini-scan a