Bumungad sa pinto si Patrick, mukhang paalis na ang lalaki.
Mariin na ikinuyom ni Ysabel ang kaniyang kamao at pilit na itinago ang totoong nararamdaman. Bahagya siyang yumuko bilang pagbati.
“Good morning, Mr. Roa.”
Hindi na niya hinintay na batiin siya pabalik ng lalaki, nilagpasan niya ito at tumuloy sa lamesa ni Greig para dalhin ang dokumento.
Matuwid na nakaupo sa swivel chair ang kaniyang asawa. Mas lalo itong naging matipuno sa suot na formal attire.
Pinasadahan niya saglit ang suot nito, hindi ito ang suot ni Greig kagabi nang umalis.
Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin, mas lalo lamang lumubog ang kaniyang puso.
“Kailangan ang pirma niyo sa mga dokumentong ito, galing ito sa marketing department... Sir.”
Halos pabulong na lamang ang huli niyang salita.
Inabot ng lalaki ang mga dukomento at mabilis na pinirmahan ang mga pahinang kailangan ng pirma. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito nang ibalik sa kaniya ang mga dukomento.
Tinanggap naman niya iyon at mabilis na tinalikuran ang lalaki. Nasa may pintuan pa rin si Patrick at mukhang hindi makapaniwalang naroon siya.
Nang makapasok siya sa elevator ay saka lamang nakabawi ang lalaki.
Humarap ito kay Greig at napamura.
“F**k, tingin mo ba narinig ni Ysabela ang pag-uusap natin?”
Malamig na tingin lamang ang ipinukol ni Greig sa kaibigan.
Noon pa man ay talagang maamo si Ysabela at kahit kailan ay hindi nakaramdam ng panibugho. Alam niyang hangga't maayos ang ipinakita niyang ugali kay Greig ay hindi siya nito pagmamalupitan.
Pagpasok ng elevator ay itinagilid niya ang kaniyang ulo, ayaw niyang tumulo ang mga nagbabadyang luha sa sulok ng kaniyang mga mata. Ngunit kahit anong pigil ay nagsitulo pa rin ito. Mabilis niya naman iyong pinalis.
Akala niya'y sapat na ang dalawang taon nilang pagsasama para makita ni Greig ang pagmamahal niya. Akala niya'y sapat na iyon para makita ng lalaki ang kabutihan niya, ang pagmamalasakit niya rito, at ang pag-aalaga niya rito.
Pero kahit anong gawin niya, hindi niya magagawang higitan o pantayan man lang ang dati nitong kasintahan.
Bumukas ang pinto ng elevator kaya huminga siya ng malalim. Maputla ang kaniyang mukha at may bahid pa ng luha ang sulok ng kaniyang mata.
Pinilit niya ang sarili na bumalik sa normal, tuloy-tuloy ang lakad niya papunta sa pantry. Kailangan niya ng tyaa pang-alu sa sarili.
Break time na rin kaya ang ilan ay nakatambay muna sa pantry.
“Nakita niyo na ba ang balita? Bumalik na pala si Natasha Entrata sa Pilipinas.”
“Sino ‘yon?”
Nasulyapan niya ang grupo ng mga empleyado na mukhang hindi napansin ang pagpasok niya dahil nasa may pinakasulok.
“Hindi mo kilala si Natasha? Celebrity personality iyon! Anak ni Luis Entrata, ang may ari ng Entrata Group of Company. Ang alam ko senior designer na siya ngayon.”
“Anong meron sa kaniya?”
“Siya lang naman ang una at tanging naging girlfriend ng CEO natin,” may pagyayabang na saad ng isang babaeng empleyado.
“Tanging si Natasha lang ang nabalitang girlfriend ni Sir Greig, at kahit kailan hindi itinanggi ni Sir Greig ang relasyon nila. Ang sabi-sabi first love iyon ni Sir.”
“Talaga? Hindi ba balita sa kompanya na may kung ano kay Sir Greig at Miss Ledesma? Iyong assistant.”
“Kay Ysabela? Naku! E, mukhang ka-fubu lang naman iyon ni Sir Greig. Tyaka, wala namang sinabi si Sir Greig na may namamagitan sa kanila, ‘di ba? Huwag niyo nga masyadong palakihin ang ulo ng babaeng iyon, kung ituring mo pa naman ay parang asawa na ng boss natin. Huwag kang papauto ro’n!”
Sarkastikong ngiti ang gumuhit sa labi ni Ysabela nang marinig ang usapan ng mga empleyado. Pakiramdam niya mas nakikita ng mga tao sa paligid niya ang totoo kaysa sa kaniya.
Mukhang tuluyan na siyang binulag ng pagmamahal niya kay Greig.
“Look who's here.”
Mahinang tawa ang narinig niya sa kaniyang likod.
"Hey, has the CEO's wife woken up from her dream?"
Nilingon niya kung sino iyon. Bumungad sa kaniyang paningin si Danica. Pinsan ito ng kaniyang asawa pero noon pa man ay hindi na sila magkasundo ng babae.
Bakas sa mukha nito ang pang-aasar, mukhang narinig din ng babae ang usapan ng mga empleyado.
Wala siyang lakas para sagutin ito kaya naman tinalikuran niya ang babae at handa nang umalis pero mabilis nitong hinarang ang kaniyang dinaraanan.
“Not so fast, Ysabela.”
Hawak ng babae ang isang baso ng kape at natutuwa pa sa pang-iinis sa kaniya.
“I heard that Natasha's back,” mapanuya itong ngumiti sa kaniya.
“Paano ka na niyan ngayon? Tingin mo gugustuhin pa ni Greig na matulog sa tabi ng babaeng kagaya mo? You're so cheap and has no class.”
Nag-iwas siya ng tingin, sinubukan niyang umalis muli pero patuloy na hinarang ni Danica ang daraanan niya.
“How about I introduce you to a few old men? Mukha naman kahit sino ay papatulan mo.”
Ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Danica, naroon pa rin ang smug na ngiti sa mukha nito. Ikinuyom niya ang kaniyang palad.
“I hope you do not misunderstood the setup, Miss Danica. This is a company, not a place for love affair. Kung iyon naman pala ang hanap mo, mukhang sa iba ka dapat pumunta.” Malamig niyang tugon.
Unti-unting napanis ang mapang-asar na ngiti nito. Napalitan iyon ng gulat at pagkapahiya.
“Aba!”
Bumakas ang galit sa mukha ni Danica, hindi nito inaasahan ang pagsagot niya.
“Excuse me.”
Sinubukan niya ulit na umalis pero itinulak siya ng babae kasabay ng pagtapon sa kaniya ng dala nitong kape.
Sunod-sunod na pagsinghap ang narinig sa silid. Mabuti na lamang na mabilis na naiharang ni Ysabela ang kaniyang braso kaya roon natapon ang kape.
Napangiwi siya nang maramdaman ang init ng kape sa kaniyang balat. Nang tingnan niya iyon ay pulang-pula ang kaniyang balat, lalo pa't mala nyebe ang natural niyang kulay kaya ang parteng natapunan ng kape ay kulay makupa na.
Nalukot ang kaniyang mukha at tila naghari nang tuluyan sa kaniyang dibdib ang galit.
“Nababaliw ka na ba?!”
Dahil sa kaniyang pagsigaw ay tila mas maraming tao ang naging usyuso. Marami ang nagpumilit na pumasok sa pantry. May sumisilip sa bintana para lamang makita ang nangyayari.
Kaya naman mas lalong lumakas ang loob ni Danica.
Pinsan niya ang nagpapatakbo ng kompanyang ito, at sa tingin ng mga empleyado hindi importante kung sino ang tama o mali, ang mahalaga ay kung sino ang mas makapangyarihan.
At sa kanilang dalawa, alam niyang siya iyon.
Pinagtaasan niya ng kilay si Ysabela, “Bagay lang ‘yan sa iyo, akala mo kasi kung sino ka. Wala ka namang maipagmamayabang. Ano pa bang ipagyayabang mo? E, halos lahat ng narito alam na wala kang kakampi. You're a b*st*rd without a father or a mother!”
“Oh, I'm sure they're more at peace now that they're gone. At least they don't have to see you growing up like a worthless—”
Natigilan nang tuluyan si Danica nang malakas na dumapo sa kaniyang pisngi ang palad ni Ysabela.
Nanglaki ang mga mata niya at gulat na napatingin sa babae.
Kahit kailan ay hindi naisipan ni Danica na magagawa siyang s*mpalin ni Ysabela. Hindi siya agad nakapag-react dahil sa nangyari.
Ilang saglit lang ay tila umakyat ang lahat dugo sa ulo ni Danica. Pinukol niya ito ng masamang.
“You, you dare to hit me!?”
Malamig na tingin naman ang iginawad ni Ysabela sa babae.“Tinuturuan kita ng pagiging magalang.”Magagawa niyang tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto sa kaniya, huwag lamang ang insultuhin ang kaniyang mga magulang. Hinding-hindi niya masisikmura na hamakin ito ng ibang tao.Kung kanina ay pulang-pula ang mukha ni Danica ngayon namutla ang mukha ng babae dahil sa galit. Noon pa man ay takot na sa kaniya ang mga empleyado dahil alam ng lahat na pinsan siya ni Greig, kaya malaking s*mpal ito sa kaniyang ego na ngayon ay nagagawa siyang sagutin ni Ysabela. Lalo pa't marami ang nakakita sa pags*mpal nito sa kaniya.“You b*st*rd!”Mabilis na kumilos si Danica, hindi niya hahayaan na ipahiya siya ninuman sa harap ng maraming tao. Itinaas niya ang kaniyang kamay at handa nang gantihan ng s*mpal ang kaharap.Ngunit nakahanda na si Ysabela, sinalubong niya ang kamay ni Danica at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan nito.Sa lakas ng pagkakahawak niya ay hindi na halos makakilos si Danica
“Stop now, Danica.” Malamig na saad ng lalaki.Iritableng pinaikot ng babae ang kaniyang mga mata.“The next time I see her, sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang ginawa niya.”Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at humarap sa lalaki.Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang malamig na tingin ni Greig.Madilim ang mukha ng lalaki at walang halong pagbibiro sa ekspresyon nito. Wala sa sarili siyang napaatras.“Don't ever lay a finger on her.” Malamig na saad ng lalaki.Nabuhol na lamang ang kaniyang dila dahil sa takot. Nahihirapan man ay marahan siyang tumango.“O-of course,” utal niyang sagot.Humarap ang lalaki kay Christoff at malamig ang boses na sinabi, “No one who has nothing to do with me is allowed to come in from now on."Kumunot ang noo ni Danica.“Sa laki ng kompanya mo Kuya Greig, tama lang na maging maingat. Those irrelevant persons should not be welcomed here.” Pagsang-ayon niya.Tumango si Christoff kay Greig saka hinawakan ang siko ng babae.“Mi
Wala sa sariling naglakad paalis ng ospital si Ysabela. Pakiramdam niya'y nahihilo na naman siya at mas lalo lamang namanhid ang kaniyang katawan.“Ma'am? Saan po ang punta niyo?”Iyon ang pumukaw sa pagkatulala niya. Dahan-dahan niyang binalingan ang taxi driver at saglit na natigilan sa simpleng tanong na iyon.Saan na nga ba?Ayaw niyang bumalik sa bahay ni Greig, iyon din naman ang patutunguhan, bukas o sa makalawa ay baka paalisin na siya ng lalaki.Pagkatapos ng ilang sandaling pagkakatigil ay paos siyang sumagot.“Sa Nicolas village po.”May nabili siyang maliit na apartment sa village na iyon pagkatapos nilang ikasal ni Greig.Noong una ay plano niyang doon patirahin ang kaniyang Lola para mas madali niyang mabibisita at para na rin maalagaan niya. Maliit lamang ang apartment, ngunit mainam na sa dalawang tao.Naalala niyang ayaw ni Greig sa maliit na apartment na nabili niya, inalok pa siya nito ng mas malaking bahay bilang handog pero inayawan niya iyon.Mas gusto niyang bil
Mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki.Malalim ang naging buntong-hininga ni Ysabela bago ito tingnan ng diretso sa mata.“Greig, maghiwalay na tayo.”“What do you mean?” Malamig nitong tanong.Mas lalong naging madilim ang mukha ng lalaki. Tila hindi na naging sapat ang liwanag galing sa lamp post.Humakbang ng isang beses si Greig pero tumigil din.“Naisip kong babalik na ako rito. Ganoon din naman, wala na ring patutunguhan ang relasyon—”Pinilit niyang ngumiti ngunit nabitin lamang iyon. Mas namayani ang kirot sa kaniyang puso. Kung kanina ay basag ito, ngayon ay mas lalong naging pino.“Relasyon?” Kumunot ang noo ni Greig.Pero nawala rin iyon nang umangat ang sulok ng labi nito.“Ano ba sa tingin mo ang relasyon natin, Ysabela?” Malamig nitong tanong.Napatitig siya sa lalaki. Tila ang kaniyang paghinga ay bumagal dahil sa tanong nito.Tama, simula pa man, naging malinaw si Greig sa intensyon nito. Ang tanging namamagitan lamang sa kanila ay ang pekeng kasal na p
Tuluyang natigil si Greig at nagbaba ng tingin sa nakakapit niyang kamay sa braso nito. Nagtagal ang tingin nito at mas lalong dumilim ang emosyon sa mga mata nito.“Why?”Dahan-dahan niyang iniwas ang mga mata.“Natatakot ako.” Pagsisinungaling niya.Hindi na niya muling ibinalik ang tingin sa lalaki, natatakot siyang makita nitong nagsisinungaling siya. Napakawalang kwentang dahilan no’n, pero umaasa siyang makikinig sa kaniya si Greig.“I-inom ako ng gamot. Kaonting pahinga lang ay magiging maayos na ang pakiramdam ko. Napagod lang siguro ako.” Dagdag niya.Sinubukan nitong hagilapin ang mailap niyang mga mata pero mas lalo lamang niyang itinungo ang kaniyang ulo.Dahilan para makita lamang ng lalaki ang kalahati ng kaniyang mukha.Sa malapitan ay mas lalong napagtanto ni Greig na maliit lamang ang maganda nitong mukha. Mahaba at makurba ang pilik-mata, at tila may naglalarong anino sa ilalim ng mga mata nito. Dahil sa lagnat ay tila maputlang rosas ang kulay ng balat ni Ysabela, a
Pinagmasdan niya ng mabuti ang repleksyon nilang dalawa ni Greig.This could have been perfect.Pero alam niyang ang pagiging perpekto nilang dalawa para sa isa't isa ay isang kathang-isip lamang.Mas lalo lamang siyang mahihirapan kung lalambot na naman ang puso niya sa mga simpleng bagay na ginagawa nito.Nang matapos nitong e-blower ang kaniyang buhok ay sumulyap ito sa salamin dahilan para magtama ang tingin nila.“Thank you.” Mababa ang boses na sabi niya.Nasa likod niya ang lalaki at ramdam niya ang init na galing sa katawan nito. Kaya nang yumuko ito para bumulong ay nanindig agad ang kaniyang balahibo.Itinukod nito ang isang kamay sa mesa para suportahan ang sarili at mas lalo pang lumapit.“How do you thank me again?” Nanunukso nitong tanong.Nanatili ang tingin nito sa kaniya dahilan para magbara ang lalamunan niya. Bahagyang lumaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito.Dati ay sa pamamagitan ng h*lik at pags*p*ng siya magpasalamat pero ngayon hindi niya na iyon maga
Bumaba pa lalo ang kamay ni Natasha hanggang sa mahawakan na lamang nito ang daliri ni Greig.Dahil sa ginawa nito ay wala sa sariling napa-atras ang lalaki. May kung anong mali sa kaniyang pakiramdam dahil sa haplos nito.Dahil sa paglayo ni Greig ay naiwan sa ere ang kamay ni Natasha.Nang pagmasdan niya ang lalaki ay malamig ang tingin nito dahilan para balutin siya ng hiya.Dahan-dahan niyang ibinalik ang kaniyang mga kamay sa gilid ng kama at parang piniga ang kaniyang puso.“Do you hate me, Greig?” Nasasaktan nitong tanong.Kumunot ang noo ni Greig.It was just my subconscious that tells me to step away. But now, seeing her hurting... It feels wrong.Namumula ang mga mata ni Natasha nang pagmasdan niya iyon. Kaonti na lamang ay maiiyak na ng tuluyan."No, don't think too much.” Kaswal niyang sagot.“But I feel like I'm already a burden to you.”At ang nagbabadya nitong luha ay tuluyang pumatak. Inabot ni Greig ang tissue na nakapatong side table ngunit ayaw iyong tanggapin ni Na
Kinabuksan ay magtatanghali na nang magising si Ysabela.Mabuti na lamang ay weekend ngayon, walang ibinilin na trabaho sa kaniya kaya hindi niya kailangan pumunta sa kompanya.Maliban rin naman sa kaniya at kay Christoff ay may apat pang assistant sa opisina ng sekretarya na maaaring utusan ni Greig kung sakaling wala sila. Kung tutuusin, maliit na bagay lamang ang presensya niya.Nang bumangon siya galing sa kama ay napansin niya agad ang basong nakapatong sa bedside table. Natigilan siya nang mapansin iyon.Hindi niya maalala na kumuha siya ng tubig bago matulog.Ngunit hindi na lamang niya iyon pinagtuunan ng pansin, tumuloy siya sa maliit na drawer at sa hunos nito ay kumuha ng thermometer para tingnan kung bumaba na ba ang kaniyang lagnat.Nang makita niyang bumaba na nga ang kaniyang lagnat ay napahinga ng maluwag. Hindi siya sanay na magkasakit.Kaya naman para masiguradong hindi na babalik ang kaniyang lagnat ay tumuloy siya sa banyo para maligo nang mabilis. Pagkatapos ay pi
“Niccolò is in the police station.” Imporma ni Archie pagkatapos ng tawag galing sa isang tauhan.Nasa likod sila ng sasakyan kasunod ng van na sinasakyan ni Alhaj. Halos hindi niya nilulubayan ng tingin ang sasakyan nito, ngunit dahil sa sinabi ni Archie ay agad na napukaw ang kaniyang atensyon.Nilingon niya ang kaibigan. Nabuhayan siya ng loob.“Saan?”Binanggit ni Archie ang lokasyon ng police station. Agad niyang inutusan ang driver na magtungo roon.It only means one thing, Niccolò’s safe!Kanina pa nagmamatigas si Jimenez, ayaw sabihin sa kanila kung saan nito dinala si Niccolò. Mabuti na lamang ay may nagbalita sa kanila na isa sa kanilang mga tauhan kung nasaan ito.Inimporma ni Archie ang driver ng van na dumiretso sa stasyon ng mga pulis kung saan nakita si Niccolò. Dahil doon sila magtutungo.Ilang minuto ang lumipas ay tumigil din sa wakas ang sasakyan. Dali-daling bumaba si Greig, sumunod si Archie, at ang ilang tauhan.Patakbo siyang umakyat sa ilang baitang saka dumire
Humugot ng malalim na hininga si Alhaj. Sobrang lalim ng sugat sa kaniyang puso na hindi siguro titigil ang pagdurugo no’n.Maybe we could love each other more than friends… but we’re not meant to be lovers.Nagtagis ang kaniyang bagang at marahas niyang pinunasan ang kaniyang mga luha.Ang hirap pa rin tanggapin, na kahit minahal siya ni Ysabela, hindi pa rin iyon umabot sa puntong higit sa pagkakaibigan.Ibinaba niya ang tawag at tinakpan ang kaniyang mukha. Umiyak siya hanggang sa pakiramdam niya’y wala na siya iiyak pa.Sobrang sakit.Mukhang wala na talaga. Hanggang dito lang; hanggang dito nalang.Tumayo siya, saka isinuot ang itim na sumbrebro. Nakaitim rin siyang t-shirt at itim na pantaloon. Kahit pa alam niyang wala na siyang pag-asa, susubukan niya pa rin na umalis ng bansang ito.Maaari siyang pumunta ng Guatemala.Pagkalabas niya ng kuwartong inuukupa, sinigurado niyang maayos ang kaniyang sumbrero at hindi makikita ng buo ang kaniyang mukha.Gamit ang taxing binook na ni
“Alj, it’s not too late.” Marahang saad ni Ysabela sa kabilang linya.Kung hindi pa siguro magulo ang isip niya, baka narinig niya nang malinaw ang pagsusumamo sa boses nito.“We can still do something about this.” Panghihikayat nito.Umiling siya.“Tama si Ale, ang sama ko. Ang sama-sama kong tao, Ysabela. Nabulag ako, naging makasarili, at nakipagsabwatan kay Natasha. Nalaman ko ang tungkol sa plano niya. S-sinubukan ko siyang pigilan, Ysa.”Kinagat niya ang ibabang labi habang inaalala ang mga pangyayari ng araw na iyon. Pareho silang nasa ospital ni Natasha, siya ay para makapagpacheck-up sa kaniyang mga sugat at pasa na natamo galing kay Greig nang sumugod ito sa resthouse.Samantalang si Natasha ay nasa ospital, tinitingnan ng mga doktor. Aksidente niyang narinig na may kausap ang assistant nito, si Ada. Nabanggit ang pangalan ni Ysabela kay mas lalo siyang nakuryuso.Nalaman niyang pinapabantayan si Ysabela dahil paniguradong babalik na ito sa Manila kasama si Greig. Iyon na an
“Alhaj, what's going on? According to the news, you’ve kidnapped a kid!” Si Alessandra nang sumunod na umaga.Sinubukan niya itong tawagan para itanong kung kamusta na ang pinapalakad niyang passport at visa.“It was my son, Ale.” Sagot niya.Ipinasok niya sa bag ang ilang gamit na nakakalat sa kama.“Your son? Bella’s son?” Tanong nito.“But according to the news, it was Greig Ramos’ son with Ysabela Ledesma! Hindi ka nagsasabi ng totoo sa akin—”“Ale, please. They’re trying to frame me up. Alam mong hindi ako masamang tao. Hindi ako gagawa ng masama. Umalis ako ng Sicily, kasama ko si Niccolò, dahil hindi kami tinitigilan ni Greig. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mabawi si Bella. Please, Ale. I really need help.” Pagsusumamo niya.Narinig niya ang buntong-hininga ni Alessandra sa kabilang linya. Sinundan iyon ng pagmumura.“I’m sorry, Alj. I’m sorry. Kuya Domingo wouldn't let me meddle with your problem with Greig and Archimedes. Maimpluwensya si Archimedes Garcia, kung malaman niya
“Bakit? Totoo naman, hindi ba? Pinadala mo ang mga litrato namin ni Ysabela kay Greig at Gregory Ramos. Pinalabas mong pinagtataksilan namin si Greig, at ako ang ama ng dinadala ni Ysabela para kahumuhian nila si Ysabela. You were really a cunning b*tch. You know your way around.”Noong una, hindi naman niya talaga gustong agawin si Ysabela sa isang magulong pamamaraan. Nang malaman niyang maghihiwalay na si Greig at Ysabela, nabuhayan siya ng loob, oo.Pero hindi siya umabot sa punto na papatay na siya ng tao para lang makuha ang babaeng gusto niya.Hindi kagaya ni Natasha.“I don’t care what you want to say to me, Alhaj. Pareho lang tayo. Ginusto mong makasama si Ysabela. Ginusto mo siyang itakas!”“Itinakas ko siya dahil alam kong hindi mo siya titigilan hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo! Ano? Naging masaya ka ba nang makuha mo si Greig? Minahal ka ba niya? Napalitan mo ba si Ysabela?”“Tama na!” Sigaw ni Natasha.“Tama na!”Biglang namatay ang tawag kaya naman mapait siyang
Maraming pulis ang nagkalat, may ilang checkpoint na din sa mga highway lalo pa’t namataan na ng mga tauhan ni Greig si Alhaj.Medyo kabado na rin si Alhaj dahil alam niya, binabantayan na rin lahat ng port, pier at station. Kaya kahit taxi ay nagdadalawang-isip na siyang sumakay, baka masita sila sa isang checkpoint at mahuli siya.T*ng*n* lang talaga.Itinapon niya ang cellphone na ginamit ni Niccolò, saka humanap ng store para bumili ng bago. Kabado siya, hindi alam kung saan pa pupunta dahil tila lumiliit na ang mundo para sa kaniya.Gamit ang bagong cellphone, sinubukan niyang tawagan si Natasha. Dalawang beses na niyang sinubukan ngunit ayaw sumagot ng babae.“Niccolò.” Tawag niya sa bata, na kanina pa nakatungo at walang imik.“Nics.” Nag-squat siya sa harap ni Niccolò.Tiningnan siya nito, mugto pa ang mga mata dahil sa pag-iyak.May kakaibang lungkot at sakit ang umukupa sa kaniyang puso nang makita ang takot at pagsisisi sa mga mata ni Niccolò.“I have to… I have to leave yo
“I have loved him with all my heart, Patrick. Siguro, siguro kaya hindi ko siya no’n maalala kasi takot na takot ‘yong isip ko na kapag maalala ko siya, maalala ng puso ko kung paano ko siya minahal. At kung paano ako nasaktan sa huli.”She smiled painfully.“Wala akong maalalang maganda kay Greig. Nang bumalik lahat ng alaala ko, for a moment, nagsisisi rin ako. Kasi naintindihan ko na ngayon kung bakit naging coping mechanism ko ang magbura ng masasakit na alaala. Kasi sobrang sakit pala. Para akong namamatay sa sakit, Patrick.”“I’m sorry, Ysabela.” Nagsisising saad ni Patrick.Hindi niya alam lahat ng sakit na naramdaman ni Ysabela, ang alam niya lang, naging magulo ang relasyon ni Greig at ng babae.Baka mali siya, sana pala ay hindi na siya nagsalita pa.“Pero kahit paano, natanggap ko na, na kailangan kong harapin ang katotohanan at hindi na dapat ‘yon takbuhan pa. Anak ni Greig ang mga anak ko, may karapatan siya, at hindi ko ‘yon ipagkakait sa kaniya. Kung mabawi niya si Nicc
Samantalang hindi mapakali si Ysabela, maya't maya niya kung tingnan ang kaniyang cellphone, umaasa na tatawag muli sa kaniya si Niccolò.Hindi pa rin siya mapanatag.Bumukas ang pinto ng kuwarto, pumasok si Patrick kasama si Athalia na may dalang tray na puno ng pagkain.“Hi, Mommy.” Masayang bati ni Athalia.Hindi alam ni Athalia ang nangyari. Hindi na rin niya sinabi dahil ayaw niyang mag-alala si Athalia sa kambal nito.“Hi.” Marahan niyang tugon.Kumuha si Patrick ng bed table saka iyon inayos sa kama. Inilagay sa maliit na mesa ang dalang tray.“Kumain ka na.” Ani Patrick.Tiningnan niya ang lalaki saka huminga ng malalim.“Kamusta? Nakaalis na ba si Greig at Archie?” Tanong niya.Umakyat si Athalia sa kama na sinundan niya ng tingin, bago ibalik kay Patrick ang mga mata.“Oo, nakaalis na.” Matipid nitong sagot.“How about your men in Mexico? Nagbabantay naman sila, hindi ba? Pati ang mga pulis, alam na nila, hindi ba? Makukuha naman natin ang anak ko, ‘di ba?”Naghila ng upuan
“Are you alright?” Tanong ni Archie nang maupo sa tapat na upuan ni Greig.Mula sa pagtingin sa labas ng bintana ng eroplano, ibinaling niya ang tingin kay Archie.Umayos siya ng upo, saka huminga ng malalim.“I’m, I’m fine.” Sagot niya.“If it’s about Ysabela, don't worry about her. She’d be safe, Patrick is with her.” Ani Archie.Kanina pa napapansin ni Archie na simula nang umalis sila ng mansyon ay madalas nang sa malayo ang kaniyang tingin at hindi gaanong makapagpukos.Mabuti na lamang at may private plane si Edmur, isa sa kaniyang mayamang kaibigan sa Sicily, kaya maaari silang dalhin sa Paris. Mula naman sa Paris, maaari na silang dumiretso sa Mexico.Dahil walang direktang flight mula sa Sicily hanggang Mexico. Imposible ang flight mula Sicily hanggang Mexico, kaya naman kailangan nila ng layover flight.“I’m not worried about Ysabela. I’m worried about my son.” Malalim ang kaniyang tinig, halata sa boses ang pag-aalala.Sumandal si Archie sa kaniyang upuan, hindi na alam ang