Nanginig ang kaniyang kamay. Naalala niyang pinakansela ni Greig ang meeting nito kaninang hapon at umalis.
Ang suot ng lalaki sa litrato ay kaparehas ng suot ni Greig ng hapong iyon.
Ibigsabihin pinuntahan ni Greig ang dati niyang kasintahan para personal na sunduin ito?
Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang pagsakit ng kaniyang puso. Parang isang malaking bato ang dumagan doon.
Itinipa niya ang numero ni Greig sa kaniyang cellphone ngunit ilang beses siyang nagkamali dahil sa panginginig nito.
Malalim siyang nagbuntong-hininga nang marinig na nagri-ring ang kabilang linya.
Ilang ring na ay hindi pa rin sumasagot ang kaniyang asawa kaya nauubusan siya ng pag-asa.
"Hello——"
Naestatwa si Ysabel nang marinig ang banayad na boses ng babae.
Muli niyang sinulyapan ang numerong tinawagan, tama naman siya. Numero iyon ni Greig.
“Hello?” Ulit ng babae sa kabilang linya.
Parang may kung anong nabasag sa kaniyang dibdib.
Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang panghihina, kasabay nito ay ang pagsakit ng kaniyang tiyan.
Dahan-dahan siyang naglakad papuntang banyo at nasuka na lamang dahil sa pagkahilo.
Kung hindi niya pa nagawang bumalik sa kama ay tuluyan siyang nawalan ng malay sa banyo.
Madaling araw ay pinilit niyang bumangon. Laking pasasalamat niya na nawala na rin sa wakas ang pagsakit ng kaniyang tiyan at ang pagkahilo.
Maaga siyang pumasok sa trabaho kagaya ng nakasanayan.
Pagkatapos ng biglaang kasal, mas gusto ni Greig na sa bahay na lamang siya, pero ayaw niyang dumepende na lamang sa lalaki kaya pinilit niya itong papasukin pa rin siya sa trabaho.
Pinagbigyan naman siya ni Greig, pero kapalit nito ay ang pananatili niya sa tabi ng lalaki bilang second personal assistant nito. Sa kaniya inaatas ang pagtitimpla ng tyaa at kape o kaya'y pagsasalin ng tubig.
Dahil ang mga mabibigat na trabaho ay inuutos ni Greig sa personal assistant nitong si Christoff.
Tanging si Christoff lamang ang totoong nakakaalam sa namamagitan kay Greig at Ysabela. Maliban rito, wala ng ibang empleyado ang nakakaalam tungkol sa kanilang pagpapakasal.
Dagdag pa rito, ang opisina ni Greig ay tumatanggap lamang ng mga lalaking assistant kaya naman sa nakalipas na dalawang taon, tanging si Ysabela lamang ang nag-iisang babae na tinanggap sa puwesto. Kaya naman ang lahat sa kompanya ay nagkaroon ng haka-haka at sariling opinyon na may namamagitan sa kanilang dalawa ng CEO ng kompanya.
Ngunit sa paglipas ng panahon, nang makita nilang walang pagkakaiba ang trato ni Greig sa kaniya at sa mga empleyado ng kompanya ay kinamuhian na siya.
Sa isip nila'y maganda lamang si Ysabela kaya pinaburan ng CEO, ngunit hindi sapat ang pagiging maganda lang.
“Miss Ledesma?”
Mula sa kaniyang laptop ay nag-angat siya sa kasamahang pumukaw sa kaniyang atensyon.
“Pakidala naman nitong mga dokumento sa opisina ni Sir,” pilit ang ngiti ng babae.
Tiningnan niya ang mga folder na dala ng babae. Maliit na ngiti ang iginawad niya rito bago ito tanggapin.
“Sure.”
Kagabi ay hindi umuwi si Greig, nakatulugan na lamang niya ang paghihintay.
Kung hindi pa siya napagod sa pag-iisip ay talagang mananatili siyang gising hanggang mag-umaga. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa kaniya ang babaeng sumagot sa kaniyang tawag.
Kung hindi umuwi si Greig kagabi, malamang ay kasama nito ang babae sa magdamag.
Muli ay naramdaman niya ang pagkurot ng maliit na kamay sa kaniyang puso.
May kutob siyang alam na niya ang mga kasagutan sa mga tanong na iyon, pero natatakot ang puso niyang alamin o aminin iyon.
Siguro nga ay may mga taong kailangan masampal para magising sa katotohanan.
Pinakalma niya ang sarili bago tumuloy sa opisina ni Greig. Sa isip niya'y kahit anong mangyari, kailangan niyang maging kalmado dahil hindi siya nagtiis ng sampung taon na tahimik na minamahal ang lalaki para mapunta lang sa wala ang paghihirap na ‘yon.
Pumasok siya sa elevator dala ang mga dokumento na dadalhin sa opisina ni Greig. Nang makarating sa tamang palapag, mabilis niyang sinuklay ang kaniyang buhok upang masigurado na maayos siyang tingnan kapag makaharap niya ang lalaki.
Nang matapat sa pinto ng opisina ay plano niya sanang kumatok muna bago pumasok pero natigil siya nang marinig ang pamilyar na boses.
“May gusto ka ba kay Ysabel?”
Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naririnig niya ang boses galing sa loob ng opisina.
Kumunot ang kaniyang noo, ang pamilyar na boses ay galing kay Patrick, matalik na kaibigan ni Greig.
"What do you want to say?"
Malamig ang boses ni Greig, tila hindi natutuwa sa tanong ng kaibigan.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Patrick, “Tingin ko maayos naman si Ysabel, pero hindi kagaya niya ang tipo mo. Hindi ba?”
“So, what do you want? I'll introduce her to you?”
Halos kaswal ang pagkakasabi noon ni Greig.
Napaatras siya
"Forget it." Mabilis na tugon ni Patrick.
Ang mapanlait na tawa ni Patrick ang sumunod na pumuno sa opisina. Mas lalong nagsumikip ang dibdib ni Ysabel. Umaalingawngaw sa kaniyang pandinig ang masakit sa tainga na tawa ng lalaki.
Kung pag-usapan siya ng dalawa ay para lamang silang nag-uusap tungkol sa isang materyal na bagay.
Mas lalo naging mahirap para kay Ysabel ang paghinga, parang may bumabara sa kaniyang lalamunan. Humigpit ang hawak niya sa dalang dokumento, at ang mga palad niya'y tila nanlamig.
Pagkaraan ay muli niyang narinig ang boses ni Patrick.
“Ikaw ang tinutukoy sa balita tungkol kay Natasha, ano?”
"Yeah."
"Gagawin mo talaga ang lahat para sa ikakasaya ni Natasha, kahit ano gagawin mo para sa kaniya."
Nagbuntong-hininga si Patrick at natatawa na namang muli.
“Magkasama kayo kagabi ni Natasha. Totoo nga yata na ang saglit na pagkakahiwalay ay mas makakabuti kaysa mabilisang pagpapakasal.”
Parang may kidlat na tumama sa ulo ni Ysabel nang marinig iyon.
Namutla siya at nanlamig ang buong katawan.
Ang saglit na pagkakahiwalay ay mas makakabuti kaysa mabilisang pagpapakasal.
Parang bawat kataga ay gumuguhit ng bagong sugat sa kaniyang puso. Malalim ang bawat sugat na ‘yon.
Samu't saring ideya ang pumapasok sa isipan ni Ysabel dahilan para muli siyang makaramdam ng pagkahilo. Wala na siyang marinig kaya ipinikit niya saglit ang mga mata.
Nagbabadya ang mga luha sa sulok ng kaniyang mga mata.
Mukhang maling desisyon ang pagpunta niya rito. Isang beses pa siyang umatras at handa nang umalis nang biglang bumukas ang pinto.
“Ysabel?”
Bumungad sa pinto si Patrick, mukhang paalis na ang lalaki.Mariin na ikinuyom ni Ysabel ang kaniyang kamao at pilit na itinago ang totoong nararamdaman. Bahagya siyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Mr. Roa.”Hindi na niya hinintay na batiin siya pabalik ng lalaki, nilagpasan niya ito at tumuloy sa lamesa ni Greig para dalhin ang dokumento.Matuwid na nakaupo sa swivel chair ang kaniyang asawa. Mas lalo itong naging matipuno sa suot na formal attire.Pinasadahan niya saglit ang suot nito, hindi ito ang suot ni Greig kagabi nang umalis.Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin, mas lalo lamang lumubog ang kaniyang puso.“Kailangan ang pirma niyo sa mga dokumentong ito, galing ito sa marketing department... Sir.”Halos pabulong na lamang ang huli niyang salita.Inabot ng lalaki ang mga dukomento at mabilis na pinirmahan ang mga pahinang kailangan ng pirma. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito nang ibalik sa kaniya ang mga dukomento.Tinanggap naman niya iyon at mabilis na tinalikur
Malamig na tingin naman ang iginawad ni Ysabela sa babae.“Tinuturuan kita ng pagiging magalang.”Magagawa niyang tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto sa kaniya, huwag lamang ang insultuhin ang kaniyang mga magulang. Hinding-hindi niya masisikmura na hamakin ito ng ibang tao.Kung kanina ay pulang-pula ang mukha ni Danica ngayon namutla ang mukha ng babae dahil sa galit. Noon pa man ay takot na sa kaniya ang mga empleyado dahil alam ng lahat na pinsan siya ni Greig, kaya malaking s*mpal ito sa kaniyang ego na ngayon ay nagagawa siyang sagutin ni Ysabela. Lalo pa't marami ang nakakita sa pags*mpal nito sa kaniya.“You b*st*rd!”Mabilis na kumilos si Danica, hindi niya hahayaan na ipahiya siya ninuman sa harap ng maraming tao. Itinaas niya ang kaniyang kamay at handa nang gantihan ng s*mpal ang kaharap.Ngunit nakahanda na si Ysabela, sinalubong niya ang kamay ni Danica at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan nito.Sa lakas ng pagkakahawak niya ay hindi na halos makakilos si Danica
“Stop now, Danica.” Malamig na saad ng lalaki.Iritableng pinaikot ng babae ang kaniyang mga mata.“The next time I see her, sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang ginawa niya.”Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at humarap sa lalaki.Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang malamig na tingin ni Greig.Madilim ang mukha ng lalaki at walang halong pagbibiro sa ekspresyon nito. Wala sa sarili siyang napaatras.“Don't ever lay a finger on her.” Malamig na saad ng lalaki.Nabuhol na lamang ang kaniyang dila dahil sa takot. Nahihirapan man ay marahan siyang tumango.“O-of course,” utal niyang sagot.Humarap ang lalaki kay Christoff at malamig ang boses na sinabi, “No one who has nothing to do with me is allowed to come in from now on."Kumunot ang noo ni Danica.“Sa laki ng kompanya mo Kuya Greig, tama lang na maging maingat. Those irrelevant persons should not be welcomed here.” Pagsang-ayon niya.Tumango si Christoff kay Greig saka hinawakan ang siko ng babae.“Mi
Wala sa sariling naglakad paalis ng ospital si Ysabela. Pakiramdam niya'y nahihilo na naman siya at mas lalo lamang namanhid ang kaniyang katawan.“Ma'am? Saan po ang punta niyo?”Iyon ang pumukaw sa pagkatulala niya. Dahan-dahan niyang binalingan ang taxi driver at saglit na natigilan sa simpleng tanong na iyon.Saan na nga ba?Ayaw niyang bumalik sa bahay ni Greig, iyon din naman ang patutunguhan, bukas o sa makalawa ay baka paalisin na siya ng lalaki.Pagkatapos ng ilang sandaling pagkakatigil ay paos siyang sumagot.“Sa Nicolas village po.”May nabili siyang maliit na apartment sa village na iyon pagkatapos nilang ikasal ni Greig.Noong una ay plano niyang doon patirahin ang kaniyang Lola para mas madali niyang mabibisita at para na rin maalagaan niya. Maliit lamang ang apartment, ngunit mainam na sa dalawang tao.Naalala niyang ayaw ni Greig sa maliit na apartment na nabili niya, inalok pa siya nito ng mas malaking bahay bilang handog pero inayawan niya iyon.Mas gusto niyang bil
Mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki.Malalim ang naging buntong-hininga ni Ysabela bago ito tingnan ng diretso sa mata.“Greig, maghiwalay na tayo.”“What do you mean?” Malamig nitong tanong.Mas lalong naging madilim ang mukha ng lalaki. Tila hindi na naging sapat ang liwanag galing sa lamp post.Humakbang ng isang beses si Greig pero tumigil din.“Naisip kong babalik na ako rito. Ganoon din naman, wala na ring patutunguhan ang relasyon—”Pinilit niyang ngumiti ngunit nabitin lamang iyon. Mas namayani ang kirot sa kaniyang puso. Kung kanina ay basag ito, ngayon ay mas lalong naging pino.“Relasyon?” Kumunot ang noo ni Greig.Pero nawala rin iyon nang umangat ang sulok ng labi nito.“Ano ba sa tingin mo ang relasyon natin, Ysabela?” Malamig nitong tanong.Napatitig siya sa lalaki. Tila ang kaniyang paghinga ay bumagal dahil sa tanong nito.Tama, simula pa man, naging malinaw si Greig sa intensyon nito. Ang tanging namamagitan lamang sa kanila ay ang pekeng kasal na p
Tuluyang natigil si Greig at nagbaba ng tingin sa nakakapit niyang kamay sa braso nito. Nagtagal ang tingin nito at mas lalong dumilim ang emosyon sa mga mata nito.“Why?”Dahan-dahan niyang iniwas ang mga mata.“Natatakot ako.” Pagsisinungaling niya.Hindi na niya muling ibinalik ang tingin sa lalaki, natatakot siyang makita nitong nagsisinungaling siya. Napakawalang kwentang dahilan no’n, pero umaasa siyang makikinig sa kaniya si Greig.“I-inom ako ng gamot. Kaonting pahinga lang ay magiging maayos na ang pakiramdam ko. Napagod lang siguro ako.” Dagdag niya.Sinubukan nitong hagilapin ang mailap niyang mga mata pero mas lalo lamang niyang itinungo ang kaniyang ulo.Dahilan para makita lamang ng lalaki ang kalahati ng kaniyang mukha.Sa malapitan ay mas lalong napagtanto ni Greig na maliit lamang ang maganda nitong mukha. Mahaba at makurba ang pilik-mata, at tila may naglalarong anino sa ilalim ng mga mata nito. Dahil sa lagnat ay tila maputlang rosas ang kulay ng balat ni Ysabela, a
Pinagmasdan niya ng mabuti ang repleksyon nilang dalawa ni Greig.This could have been perfect.Pero alam niyang ang pagiging perpekto nilang dalawa para sa isa't isa ay isang kathang-isip lamang.Mas lalo lamang siyang mahihirapan kung lalambot na naman ang puso niya sa mga simpleng bagay na ginagawa nito.Nang matapos nitong e-blower ang kaniyang buhok ay sumulyap ito sa salamin dahilan para magtama ang tingin nila.“Thank you.” Mababa ang boses na sabi niya.Nasa likod niya ang lalaki at ramdam niya ang init na galing sa katawan nito. Kaya nang yumuko ito para bumulong ay nanindig agad ang kaniyang balahibo.Itinukod nito ang isang kamay sa mesa para suportahan ang sarili at mas lalo pang lumapit.“How do you thank me again?” Nanunukso nitong tanong.Nanatili ang tingin nito sa kaniya dahilan para magbara ang lalamunan niya. Bahagyang lumaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito.Dati ay sa pamamagitan ng h*lik at pags*p*ng siya magpasalamat pero ngayon hindi niya na iyon maga
Bumaba pa lalo ang kamay ni Natasha hanggang sa mahawakan na lamang nito ang daliri ni Greig.Dahil sa ginawa nito ay wala sa sariling napa-atras ang lalaki. May kung anong mali sa kaniyang pakiramdam dahil sa haplos nito.Dahil sa paglayo ni Greig ay naiwan sa ere ang kamay ni Natasha.Nang pagmasdan niya ang lalaki ay malamig ang tingin nito dahilan para balutin siya ng hiya.Dahan-dahan niyang ibinalik ang kaniyang mga kamay sa gilid ng kama at parang piniga ang kaniyang puso.“Do you hate me, Greig?” Nasasaktan nitong tanong.Kumunot ang noo ni Greig.It was just my subconscious that tells me to step away. But now, seeing her hurting... It feels wrong.Namumula ang mga mata ni Natasha nang pagmasdan niya iyon. Kaonti na lamang ay maiiyak na ng tuluyan."No, don't think too much.” Kaswal niyang sagot.“But I feel like I'm already a burden to you.”At ang nagbabadya nitong luha ay tuluyang pumatak. Inabot ni Greig ang tissue na nakapatong side table ngunit ayaw iyong tanggapin ni Na