Share

Chapter 7: Fever

Mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki.

Malalim ang naging buntong-hininga ni Ysabela bago ito tingnan ng diretso sa mata.

“Greig, maghiwalay na tayo.”

“What do you mean?” Malamig nitong tanong.

Mas lalong naging madilim ang mukha ng lalaki. Tila hindi na naging sapat ang liwanag galing sa lamp post.

Humakbang ng isang beses si Greig pero tumigil din.

“Naisip kong babalik na ako rito. Ganoon din naman, wala na ring patutunguhan ang relasyon—”

Pinilit niyang ngumiti ngunit nabitin lamang iyon. Mas namayani ang kirot sa kaniyang puso. Kung kanina ay basag ito, ngayon ay mas lalong naging pino.

“Relasyon?” Kumunot ang noo ni Greig.

Pero nawala rin iyon nang umangat ang sulok ng labi nito.

“Ano ba sa tingin mo ang relasyon natin, Ysabela?” Malamig nitong tanong.

Napatitig siya sa lalaki. Tila ang kaniyang paghinga ay bumagal dahil sa tanong nito.

Tama, simula pa man, naging malinaw si Greig sa intensyon nito. Ang tanging namamagitan lamang sa kanila ay ang pekeng kasal na pinirmahan nila, at labas ang totoo nilang nararamdaman.

Maliban sa pekeng kasal ay wala na sa kanilang namamagitan. At para sa mga taong nakakakilala sa kanila, maliban sa trabaho ay wala na silang relasyon.

Kilala si Greig ng lahat, lalo pa't galing ito sa mayamang pamilya. Ang mga socialites ay palaging nakapalibot sa lalaki, at marami rin ang naghahangad ritong babae.

Ngayon ay pinapaalala nito sa kaniya kung saan ang lugar niya.

Mariing kinagat ni Ysabela ang kaniyang labi, ang pait sa kaniyang lalamunan ay naglakbay sa kaniyang tiyan at para iyong asido na tumutunaw sa kaniyang kalamnan.

Marahan siyang tumango.

“Tama ka, masyado lang pala akong nag-iisip. I go beyond my boarder.”

Napaiwas siya ng tingin dahil hindi niya matagalan ang titig ng lalaki.

“Malinaw na sa akin ngayon ang lahat, Greig. Salamat sa pagpunta, pero sana ito na ang huli.”

Tinalikuran niya ang lalaki bago pa man maglandas ang luha sa kaniyang pisngi. Lihim niya iyong pinalis at saka tumuloy sa pinto ng apartment.

Ito ang tamang gawin, pero bakit nasasaktan pa rin siya?

Siguro nga'y hindi madaling itapon na lang ang sampung taong ginugol niya para mahalin ang lalaki.

Pero ganoon talaga, kahit mahirap, kailangan niyang gawin.

Hindi niya na hahayaan na maging katatawanan ang buhay niya.

Nang matapat siya sa pinto ay mabilis na lumiwanag ang sensor light.

Mas lalong nangliit ang mata ni Greig nang makita ang ginawa ni Ysabela. Nag-isang linya ang kaniyang labi at tila namuno nang tuluyan ang banyagang emosyon sa kaniyang katawan.

Mabilis siyang humakbang patungo sa babae at hinawakan ang braso nito. Pilit niyang pinaharap si Ysabela ngunit nang makita ang namamasa nitong mga mata ay tila tinapunan ng tubig ang nag-aalab niyang galit.

Ito ang unang beses na nakita niya itong umiiyak.

“If this is about Danica—”

“It has nothing to do with her, Sir. Please, just go.”

Sinubukang bawiin ni Ysabela ang kaniyang braso ngunit hindi binitawan ni Greig.

Kumunot lamang ang noo nito habang dinudungaw siya.

Napapagod na siyang makipagbangayan sa lalaki. Kaya isang beses niya pang sinubukan na kumawala rito, nang magawa niya ay binuksan niya agad ang pinto ng apartment.

Mas lalo lamang na hindi natuwa si Greig sa pagmamatigas niya.

Iritable nitong pinaluwag ang suot na kurbata at saka humakbang para muling abutin ang kaniyang pulsuhan.

“Can you stop messing around?”

Sunod ay bumakas sa mukha nito ang pagtataka. Mas lalong nagsalubong ang kilay nito, mabilis nitong inilagay ang mga kamay sa balikat ni Ysabela at pwersahan itong pinaharap.

Umangat ang kamay nito at inilapat sa noo ng babae.

Nasiguro niyang mataas ang lagnat nito. Bakas ang pagod at panghihina sa mukha nito.

“Are you having a fever?”

Pagkasabi no’n ni Greig ay rumihestro pa lamang sa isip ni Ysabela ang matinding pagod. Nahihilo na naman siya dahilan para kamuntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan, mabuti at mabilis siyang naalalayan ng lalaki.

Hawak nito ang kaniyang magkabilang braso, habang ang kaniyang noo ay nakasandal sa dibdib nito.

Kung hindi pa siya tuluyang niyakap ni Greig ay bibigay na ang kaniyang mga tuhod.

Unti-unting bumaba ang mukha ni Greig, ilang pulgada na lamang ay magdidikit na ang kanilang labi, ngunit sinilip lamang siya nito.

“Ysabela?”

Mas lalong bumagal ang pagproseso ni Ysabela sa mga nangyayari. Saglit siyang napapikit para kalmahin ang sarili, nang magmulat siya ulit ng mga mata ay inilapat niya ang kaniyang mga kamay sa dibdib ni Greig para ibalanse ang katawan.

Kailangan niyang lumayo rito.

Ngunit bago pa man siya makalayo ay pumulupot na ang dalawang kamay nito sa kaniyang bewang at kinabig siya palapit. Tila hindi sapat ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

“I'll bring you to the hospital.” Malamig nitong sabi.

Naramdaman ni Ysabela ang pag-angat niya sa lupa. Walang kahirap-hirap siya nitong binuhat at naglakad papunta sa sasakyan nitong naghihintay.

“Ano ba, Greig? Ibaba mo ko.”

Wala siyang lakas para itulak pa muli ang lalaki.

“No, you need to get checked. I'd bring you to the hospital.” Madiin nitong sagot.

“Ayaw ko!”

Bumilis ang tibok ng puso ni Ysabela. Kung dadalhin siya sa ospital ng lalaki ay siguradong malalaman nito ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Maliban pa rito, siguradong pwede siyang bigyan ng infusion, maaari iyong maging banta sa buhay ng kaniyang baby!

Hindi niya hahayaan na mapahamak ito.

Kahit na alam niyang hindi siya handa sa kaniyang pagbubuntis, at hindi niya pa lubos na maisip ang kaniyang kalagayan, obligasyon niya pa rin na protektahan ang inosenteng anghel sa kaniyang sinapupunan.

“Ibaba mo ‘ko, Greig.” May pagsusumamo sa kaniyang boses.

Sinubukan niyang magpumiglas pero hindi pa rin nagpatinag ang lalaki. Mas malakas ito kumpara sa kaniya at ang mga bisig nito'y mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya.

"If you are sick, you have to see a doctor."

Inignora lamang ni Greig ang pagpupumiglas niya, at basi sa tono ng boses nito ay hindi nito papakinggan ang pagtutol niya.

Palapit na sila sa sasakyan nang hawakan niya ang braso ng lalaki. Ma

lakas ang tambol ng kaniyang puso at mas lalo lamang siyang kinakain ng pangamba.

“Please, Greig. I can't go to the hospital!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status