Nang makita ni Ysabela ang plano nitong pagsampal sa kaniya ay umatras siya. Dahil sa pag-iwas niya ay nawalan ng balanse ang lalaki.Natisod pa nito ang isang paa dahilan para sumalampak sa sahig si Arthur.Kung hindi pa nito naitukod ang mga kamay ay makikipagface-to-face na ito sa lupa.Mas lalo lang nagalit si Arthur sa nangyari. Nang makabawi ito ay mabilis na bumangon at nagngingitngit na humarap sa kaniya.“The f*ck with you? Gusto mo talagang masaktan, ano?”Susugod na naman sana ito."What are you doing?"Napabaling silang pareho sa nagsalita. Nakakunot ang noo ni Yvonne habang nakatingin sa kanila.Kadarating lang nito, at dahil naiinip na sa paghihintay ay nagplano itong hanapin sila.Ngunit hindi nito inaasahan ang nakitang eksena.Magsasalita na dapat si Ysabela nang maunahan siya ni Arthur. Nagkukumahog itong lumapit sa kaniyang kaibigan at hinawakan ang mga kamay nito.“Babe, look what she had done to me!” Sumbong nito.“She's asking for my telegram and I refused to giv
Halos mapapalakpak si Yvonne sa kaniyang kaibigan. Alam niya kung ano ang mga sakripisyo ni Ysabela para kay Greig, at isa nga sa kinakatakot niya ay ang mapag-iwanan ito. Pero matalino si Ysabela, nakikita niyang maganda ang desisyon nito.“I'm glad to hear that, Sabby!” Nangingiti siya sa babae.“Dapat nga ay noong una mo pa iyan ginawa. What would you get from serving coffee and water everyday? You're very beautiful and capable. You even won awards for your designs when we were in college. You should get back on making designs!”Ngumiti siya sa babae. Kahit anong maging desisyon nito ay susuportahan niya.“I bet, you'd be more successful without him.” Dagdag niya.Matagal na niyang kinikimkim ang saloobin, ngunit dahil ayaw niyang masaktan si Ysabela ay pinipili na lamang niyang manahimik. Alam niya ang nararamdaman nito para kay Greig, at wala siyang lakas ng loob para pigilan ito.Dahil kahit naman noong pinagsasabihan niya si Ysabela, hindi pa rin ito nakinig. Pumayag pa rin ito
Dahil sa pagiging kuryuso niya noon ay nabasa niya sa isang website ang tungkol sa kalagayan ng babae. Na-diagnose ito ng cuagulopathy at kasalukuyang ginagamot.Tumigil si Danica at pilit na pinakalma ang sarili. Binalingan niya ng tingin si Natasha at pekeng ngumiti.“Nat, I guess I have to introduce to you Kuya Greig's assistant.” Makahulugan ang boses nito.“This is Ysabela Ledesma. Nang umalis ka, siya ang pumalit sa iyo at ginalingan ang pag-aalaga kay Kuya Greig.” Mas malakas na ang boses ni Danica dahilan para mangunot ang noo ni Ysabela.Gusto talaga siyang eskandaluhin ng babae.May ilan pa nga ang napatingin sa gawi nila.Samantalang si Natasha ay gulat na napatingin sa kaniya. Namutla rin ang mukha nito.Ngunit mabilis rin itong nakabawi. Unti-unti itong bumaling sa kaniya at ngumiti.“So, you were the assistant? Greig's assistant.” Saad nito.Sinulyapan nito ng tingin si Danica.“Danica? My bag seems to have been left in the restaurant, pwede mo bang balikan?” Masuyo nito
“I'm sorry, Sir. I couldn't find Ysabela, there's no surveillance system on the vicinity that's why I couldn't track her too.” Si Christoff sa kabilang linya.Napahilot sa sentido si Greig nang marinig iyon.“I'll call again.” Saad niya bago ibaba ang tawag.Nasa loob na ng emergency room si Natasha at tinitingnan ng doktor, pero hindi mapakali si Greig.Patuloy na bumabagabag sa kaniya ang mukha ni Ysabela. Hindi niya alam kung napalakas ba ang pagkakatulak niya sa babae sa pagmamadaling tingnan ang kalagayan ni Natasha.Masyado siyang napangunahan ng emosyon kanina.Pabalik-balik siya sa corridor habang naghihintay na matapos ang doktor. Hindi na siya nakabalik para tingnan ang kalagayan ni Ysabela kaya si Christoff ang inutusan niya pero wala na roon ang kaniyang asawa. Kung umalis na ito, ibigsabihin ay maayos ang kalagayan ni Ysabela.Ngunit hindi siya mapakali, nakita niyang bumakas sa mukha ni Ysabela ang sakit. Baka may sugat ito.O baka nabalian. May iniindang sakit marahil
Nanatili sa loob ng silid si Greig katulad ng pangako nito. Ipinikit naman ni Natasha ang mga mata pero nanatiling gising ang kaniyang diwa.Masaya siya't nanatili ito kahit na pakiramdam niya na pinagdudahan siya nito tungkol sa pagkakatulak sa kaniya ni Ysabela.Naalala niya ang mukha ng babae, kahit paano ay nakaramdam siya ng kasiyahan nang makita ang pagkabigo at hinagpis sa mga mata nito nang piliin siya ni Greig.Dapat alam ng babaeng ‘yon kung saan ang lugar niya. Bulong ng kaniyang isip.Isa pa, tama lamang na sinabi niya kay Greig na aksidente lamang ang pagkakatulak sa kaniya ni Ysabela, at nagmamagandang-loob lang ito ngunit nauwi sa disgrasya.Sa pamamagitan nito, kung sakaling magsusumbong si Ysabela kay Greig at siraan siya, mas lalo lamang na magagalit ang lalaki rito.She couldn't frame me up. Aniya sa sarili.Maliban pa roon, sisiguraduhin niyang aalisin niya ito sa buhay ni Greig nang hindi dinudumihan ang kaniyang kamay.Ikinuyom niya ang kaniyang palad at halos b
“Ano?” Naguguluhan niyang tanong sa lalaki.Tumango ito at saka inilabas ang cellphone. Nagtipa ito at pagkaraan ay ipinakita sa kaniya ang screen.Kumunot ang kaniyang noo habang tinitingnan kung ano ang meron doon.Isa iyong text message, nakalagay ang pangalan niya sa contact at ang laman ng mensahe ay simpleng “Happy New Year, Ysabela.”Nagsalubong ang kaniyang kilay habang inaalala kung may natanggap ba siyang mensaheng ganoon.“You messaged me?” Nagtataka niyang tanong.“Yes.” Sagot nito.“And you blocked me.”Muli niyang ibinalik ang tingin sa screen at nakitang nagreply siya sa lalaki.“Who's this?”Kasunod ay ang reply ni Alhaj.“Alj.”Parang pinukpok ang kaniyang ulo nang maalalang may natanggap nga siyang mensahe galing sa isang unknown number.Pagkatapos siya nitong batiin ng Happy New Year ay nagpakilala bilang si Alj.Naalala niya iyon. Pero hindi siya naniniwala na ang kagaya ni Alhaj ay mag-aaksaya ng panahon para batiin siya, akala niya ay niloloko lamang siya.Kaya n
Nang makarating sila sa village ay gusto pa sanang manatili ni Yvonne para mabantayan siya. Pero pinaalis niya ang babae.“Your Dad called you, Von. Umuwi ka na, kaya ko naman ang sarili ko.”“H**k! That was fast though? Sino naman ang nagsabi sa kaniya tungkol sa nangyari?”Lukot ang mukha ng babae dahil nalaman na ng daddy nito ang tungkol sa nangyaring problema sa parking lot.“Kaya kailangan mo nang umuwi, Von. Baka mamaya ay magalit lang lalo si Tito Adonis.”Umirap sa hangin si Yvonne bago ito naglakad papunta sa pinto.“Just call me if you ever need anything, okay?” Bilin nito.Pagod siyang ngumiti at tumango na lamang.Hindi na niya nahatid sa labas ang kaibigan. Narinig niya na lamang na nakaalis na ang sasakyan nito.Pumikit siya para makapagpahinga.Mabilis na nakatulog si Ysabela. Dala iyon marahil ng pagod.Pero apat na oras lamang ang tulog niya.Dahil nagising siyang muli nang maramdaman na kumakalam ang kaniyang sikmura.Hinaplos niya iyon at napabangon.Naalala niyang
Mariin ang pagkatitig ni Greig sa kaniya dahilan para mas lalo lamang siyang kabahan.Humakbang ito palapit at mabilis naman siyang umatras.Sumagi sa kaniyang isip ang naging panaginip niya sa ospital. Kung paano siya nito tingnan ng masama at pagsabihan ng mga katagang hindi niya inaasahan.Umiling siya sa lakaki.“W-wala ‘to, masama lang siguro ang pakiramdam ko.” Pagsisinungaling niya.Naalala niya kung paano sabihin ni Greig na ipalaglag ang bata. Kahit pa panaginip lang iyon, parang sinas*ks*k pa rin ang puso niya.Posibleng iyon din ang sabihin ng lalaki pagnalaman nito ang pagbubuntis niya.“You should get back to your room and take a rest,” sagot ni Greig.Humakbang ito palapit at kahit gusto niyang lumayo rito ay hindi na niya nagawa. Kinain na ng lalaki ang pagitan nilang dalawa at inilapat ang palad nito sa kaniyang noo.Parang napaso siya. Napansin naman ni Greig ang pagkislot niya.Pinagmasdan siya nito.“Lalabas ako. I'll buy you something to eat. And some medicine.”Hi
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital.Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito.Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela.Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad.“Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae.“Who is he?”Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata.Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga siya. Ima
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a
“Hindi mo na mababawi si Ysabela, Alhaj!” Frustrated na sigaw ni Natasha, matinding galit ang kaniyang nararamdaman.“We’re already outnumbered, wala na tayong magagawa kung hindi ang magtago nalang muna pansamantala.”“She will come to me, Natasha. Nasa akin si Niccolò.” Buong-puso niyang tiwala sa sarili.Bumaba ng sasakyan si Natasha, kaya sumunod siya. Samantalang nasa backseat pa rin si Niccolò kasama ang isang tauhan nila.“That’s your only chance to get her, Alhaj. Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon, sirang-sira na ang tiwala niya sa’yo! Napatunayan mo pa sa kaniya na hindi mo anak ang mga batang ‘yon! Why did you f*ck*ng admit it?”Ihinilamos ni Alhaj ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Pagod na pagod na siya, pero hindi na sila pwedeng bumalik sa mansyon nila Alessandra dahil mapahahamak ang pamilya nito kung doon pa sila tutuloy, kaya ngayon ay nasa byahe sila paalis ng Sicily.Nawala nila ang mga tauhan ni Greig at Archie. Mabuti na lamang at nakapag-emergency landing
“Please, Alj, let Niccolò go.” Nanghihina niyang saad nang makitang natatakot ng husto ang batang lalaki. “I’ve done everything for you, Bella! Isinuko ko ang buhay ko sa Pilipinas. Iniwan ko lahat para makasama ka at ang mga anak mo! Pero ito ang isusukli mo sa’kin?” Umawang ang kaniyang bibig. Kahit siya nagulat nang marinig ang sinabi nito. He’s admitting it… isn't he? Mga anak ko? Ibigsabihin... Una palang, alam na ni Alhaj na si Athalia at Niccolò, ay hindi sa kaniya. Kung ganoon, totoo nga ang mga sinabi sa kaniya ni Greig. Pinagsamantalahan nga ni Alhaj ang kaniyang kawalan ng alaala. Kinagat niya ang ibabang labi at napahagulhol. Parang dinudurog ang kaniyang dibdib. “You lied to me! You lied.” Umiling siya. “Kaya ano pang gusto mo? I tried to love you, Alj. I really tried, but I couldn't trust you. Kahit hindi ko maalala, kahit wala akong maalala, alam ng puso ko.” Tinuro niya ang kaniyang dibdib at mas lalong napaiyak. “Na hindi ikaw ang nagmamay-ari nito.” Malungko
Samantalang hindi makapasok ang mga tauhan ni Greig, kahit sa sala lang dahil nakapwesto sa taas ang mga tauhan ni Alhaj. Nasa likod sila ng pinto, naghihintay na maubusan ng bala ang mga bumabaril sa taas nang makapasok na sila. Maraming patay na katawan ang nagkalat sa labas ng mansyon, at iilan na lamang ang tauhan ni Alhaj na buhay pa. Hula niya, nahati ang mga tauhan ni Alhaj, ang ilan ay dumiretso rito at ang ilan ay sa isa pang mansyon dahil may sumubok rin na pumasok sa kabilang mansyon. Tatlong lalaki lang, pero agad na napatumba ng kaniyang mga tauhan. “Sa likod kami dadaan.” Imporma ni Archie sa kaniyang tabi. “Don’t let them catch us. Kunin niyo lang ang atensyon nila, kami na ang papasok.” Saad ng lalaki. Tumango siya. Nakipagpalitan sila ng putok ng kaniyang mga kasama, samantalang ang ilang tauhan ay sumunod kay Archie para sa likod ng mansyon dumaan. There’s a fire exit in the back. Naalala niya. Pwede silang dumaan doon, at tumuloy sa kusina para masalisihan a