Pero hindi natigil ang pagring nito, dahilan para magbuntong-hininga si Greig.Unti-unti itong lumayo at pagkaraan ay tumayo. Sinundan ng tingin ni Ysabela ang lalaki.Ngayon ay naramdaman niyang may kung anong nawala sa kaniya. Dapat ay masaya siyang lumayo ito, pero kasalungat ang kaniyang naramdaman.Lumayo si Greig at tumuloy sa balkonahe.Nagbaba ng tingin si Ysabela sa kaniyang mga kamay. Napansin niyang dumudugo ang kaniyang daliri, marahil dahil iyon sa pagpupumiglas niya kanina.Ngunit hindi niya man lang naramdaman na humapdi iyon.Inabot niya ang bulak at naiinis na pinunasan ang dugo. Pilit niyang kinumbinsi ang sarili na hindi siya nadarang sa h*l*k ng lalaki.Sinubukan niyang itulak si Greig.Sinubukan niyang lumayo.Naghihimutok pa siya sa kaniyang sarili nang bumalik ito. Inaayos na nito ang butones ng suot na long sleeve.Seryoso na ang mukha nito kaya naman napatitig siya sa lalaki.“I'll order food for you, or I'll tell Christoff to send you here some food and medici
Bago pa man hawakan ni Greig ang seradura ng pinto ay bumukas na iyon. Bumungad ang nurse sa kaniya at mabilis na ngumiti.“Miss Natasha is already awake, sir.” Imporma nito.Tinanguan niya ito.Umalis rin agad ang nurse at naiwan muli sila ni Patrick. Narinig niyang nagbuntong-hininga ang kaibigan. “Sige na, pumasok ka na. Kanina ka pa niyan hinahanap. I'll wait for you at the bar.” Saad nito.Hindi na niya nilingon ang lalaki, tumuloy siya sa kuwarto ni Natasha at naabutan itong kausap si Ada.“G-greig?” Utal nitong tawag sa pangalan niya nang makita siya sa may pinto.“How are you feeling?” Naglakad siya palapit sa babae.Humarap sa kaniya si Ada, ang personal na nag-aalaga kay Natasha, at bumati.“Sabi ng doktor bumaba na ang lagnat ni Natasha, pero kung patuloy na magpapabalik-balik ang lagnat niya, magiging banta iyon sa buhay ni Natasha.” Malamig ang boses ng babae.“Dahil sa bone marrow transplant niya ay mas naging mahina ang immune system ni Natasha. Repeated fevers were no
“Natasha.” Dumulog agad si Ada sa babae para pakalmahin ito.Matagal na siyang nagtatrabaho sa pamilya ni Natasha kaya alam na niya ang ugali ng babae.Mula pa man pagkabata ay pinagsisilbihan na niya ito kaya sanay na siya sa biglaang pagbabago ng mood nito at sa pagiging malupit nito.“You shouldn't have done that.” Paalala niya sa babae.“Kung natamaan ang nurse ay mas malaking—”“I don't care!” Putol nito sa kaniya.“I don't f*ck*ng care at all! Nakita mo ba si Greig? He walked away from me! He left again.”Tumango siya ng marahan.Ngayon ay madaling uminit ang ulo ni Natasha dahil kay Greig. Lalo pa kapag hindi nito makita ang lalaki, mabilis na nagagalit.“Ada,” tawag nito sa kaniya.“Why do you think Greig is so cold to me? Ni ayaw niyang hawakan ko siya! He even refused to k*ss me, Ada.”Namumula ang mga mata nito sa galit.“Ano, ayaw na niya sa akin?”Mabilis siyang umiling.“Hind naman siguro sa ganoon, Natasha.” Sagot niya.“Then, why? Why would he leave me here? Why would
Napasimsim siya sa inumin at natatawang umiling.“Wala, wala ‘yon. Just ignore me.”Nang magkaroon ng malaking problema ang pamilya ni Archie, si Adonis Santiago, ang daddy ni Yvonne ay pinakansela ang engagement ng dalawa. Tila nagsisisi ito sa pagpayag na maengage ang kaniyang anak kay Archie.Dahil sa nangyari, mas lalo lamang na naglakas-loob ang mga shareholders na bumitaw na sa kompanya, dahilan para mabilis na bumagsak ang kompanya.Wala nang nagawa ang kaniyang pamilya, at para hindi siya madamay sa nangyayaring gulo ay pinadala siya sa ibang bansa.Doon ay mas lalong naging miserable ang kaniyang buhay. Iba't ibang panganib ang kinaharap niya, at ilang insidente na ang muntik na siyang m*m*tay.Dahilan kung bakit marami ang kaniyang pilat sa mukha at katawan. Parang walang katapusang paghihirap ang pinagdaanan niya noon, mabuti na lamang at hindi siya sumuko.Napangiti ng mapait si ArchieYvonne Santiago, that beautiful woman who once was his heaven, but only brought him suff
“Okay na ba, Lucy?” Baling ni Ysabela sa babae.Naguguluhan man ay tumango ito. Inilagay niya ang ilang importanteng folder sa mesa nito at ngumiti.“Don't worry, nariyan naman si Christoff. Pwede mo sa kaniya itanong ang mga bagay na hindi mo alam.” Bilin niya.Malapit nang maglunchbreak kaya kinuha na niya ang pagkakataon na ibilin lahat ng kailangan gawin at work schedule ni Greig kay Lucy.Kahit na naguguluhan ng husto si Lucy ay tumango ito.“But this is your job, right?” Nakakunot-noo nitong tanong.“Intern assistant lang ako, Miss Ledesma.” Dagdag nito.Nginitian niya ang babae.“I know, pero kakausapin ko naman si Christoff para mapromote ka sa posisyon ko. You're the most qualified for this.” Sagot niya.Gumuhit ang gulat sa mukha ng babae, hindi nito inaasahan ang kaniyang sinabi.Magsasalita na sana ito nang mag-ring ang telepono sa internal line. Binalingan niya ito ng tingin at sinagot iyon.“Come to my office.” Ani Greig sa kabilang linya.Ibinaba nito iyon at hindi na h
Mas lalong kumunot ang noo ni Greig at pinakatitigan niya ng maigi ang mukha ng babae.Ngayon agad? Aalis sila ngayon mismo para pumunta sa regional court?Hindi ba nito ipagpapaliban iyon?Ikiniling niya ang kaniyang ulo at kakaibang inis ang naramdaman para sa sarili. Pinagmasdan niya ang mukha nito, walang nagbago sa pisikal nitong anyo, pero nararamdaman niyang may kakaiba sa babae na hindi niya maipaliwanag. Waring ibang tao na ang kaniyang nasa harap.Gone the Ysabela I knew. Bulong ng kaniyang isip.“I still have an appointment with Mr. Chua later.”Kumunot ang noo ni Ysabela.“Your appointment with Mr. Chua is scheduled tomorrow morning.”Mabilis na inilabas ni Ysabela ang kaniyang cellphone para kumpirmahin iyon. Maliban sa kaniyang written schedule for Greig ay may kopya rin siya sa cellphone para hindi makalimutan.“It says here—”“He called me, and I decided to move our schedule.” Agap na tugon ni Greig.Napatitig siya sa lalaki. Lukot ang mukha nito at halatang pilit na k
Napatitig siya kay Greig at kinunutan ito ng noo. Ngayon ay tuluyang nabuhay ang pagtataka sa kaniyang puso.Hindi niya lubos na maintindihan ang kinikilos ngayon ni Greig. Hindi ba't gusto nitong pirmahan ang divorce agreement para mapabilis ang pagproseso ng divorce nila?Hindi niya iyon pinirmahan dahil hindi naman na kailangan. Susunod naman siya sa gusto nito kahit walang kapalit.Para rin naman iyon sa kaniya, kung mapapabilis ang pagproseso ng divorce paper nila ay mapapabilis din ang pag-alis niya.Ngunit bakit ganito ngayon ang tanong ni Greig?Bago pa man niya maibuka ang bibig para sagutin ang tanong nito ay ikinumpas na ng lalaki ang kamay.“Forget it.” Mabilis nitong saad.“The old man wants to see you this evening, I hope you can come to our old house for dinner.” Malamig nitong sabi.Tumuloy si Greig sa paglalakad at balak na siyang iwan ngunit mabilis niyang tinawag ang pangalan nito.Natigilan ang lalaki, unti-unti itong pumihit ulit paharap sa kaniya.“If we cannot m
Naguguluhan ang guard. Bumaling ito ng tingin kay Ysabela at napangiwi.Alam ni Ysabela na kilala siya ng guard kaya sinulyapan niya ng tingin si Danica.Hindi alam ng babae ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Greig. Pero may pakiramdam siya na kahit malaman nito ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Greig ay hindi pa rin magbabago ang tingin nito sa kaniya.“Ano pang tinat*nga-t*nga mo diyan? Paalisin mo na!”Napailing siya sa kagaspangan ng ugali nito.Umiling ang guwardiya at napakamot sa batok.“Ma'am Danica, hindi po puwede. Sisisantehin ako ni Señor Gregory kapag pinaalis ko si ma'am Ysabela.” Natatakot nitong saad.Nalaglag ang panga ni Danica sa sagot nito.“W-what?!”Namewang ang babae at matalim ang tingin sa guard.“Are you st*p*d or what? I'm Danica Ramos Lee, a Ramos. Which means ako dapat ang sinusunod mo because I'm the granddaughter of Lolo Gregory. While this girl?” Itinuro siya ni Danica.“She's no one! Kaya kahit kaladkarin mo palabas ng mansyon ang babaeng ‘to, walan
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital.Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito.Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela.Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad.“Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae.“Who is he?”Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata.Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga siya. Ima
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a
“Hindi mo na mababawi si Ysabela, Alhaj!” Frustrated na sigaw ni Natasha, matinding galit ang kaniyang nararamdaman.“We’re already outnumbered, wala na tayong magagawa kung hindi ang magtago nalang muna pansamantala.”“She will come to me, Natasha. Nasa akin si Niccolò.” Buong-puso niyang tiwala sa sarili.Bumaba ng sasakyan si Natasha, kaya sumunod siya. Samantalang nasa backseat pa rin si Niccolò kasama ang isang tauhan nila.“That’s your only chance to get her, Alhaj. Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon, sirang-sira na ang tiwala niya sa’yo! Napatunayan mo pa sa kaniya na hindi mo anak ang mga batang ‘yon! Why did you f*ck*ng admit it?”Ihinilamos ni Alhaj ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Pagod na pagod na siya, pero hindi na sila pwedeng bumalik sa mansyon nila Alessandra dahil mapahahamak ang pamilya nito kung doon pa sila tutuloy, kaya ngayon ay nasa byahe sila paalis ng Sicily.Nawala nila ang mga tauhan ni Greig at Archie. Mabuti na lamang at nakapag-emergency landing
“Please, Alj, let Niccolò go.” Nanghihina niyang saad nang makitang natatakot ng husto ang batang lalaki. “I’ve done everything for you, Bella! Isinuko ko ang buhay ko sa Pilipinas. Iniwan ko lahat para makasama ka at ang mga anak mo! Pero ito ang isusukli mo sa’kin?” Umawang ang kaniyang bibig. Kahit siya nagulat nang marinig ang sinabi nito. He’s admitting it… isn't he? Mga anak ko? Ibigsabihin... Una palang, alam na ni Alhaj na si Athalia at Niccolò, ay hindi sa kaniya. Kung ganoon, totoo nga ang mga sinabi sa kaniya ni Greig. Pinagsamantalahan nga ni Alhaj ang kaniyang kawalan ng alaala. Kinagat niya ang ibabang labi at napahagulhol. Parang dinudurog ang kaniyang dibdib. “You lied to me! You lied.” Umiling siya. “Kaya ano pang gusto mo? I tried to love you, Alj. I really tried, but I couldn't trust you. Kahit hindi ko maalala, kahit wala akong maalala, alam ng puso ko.” Tinuro niya ang kaniyang dibdib at mas lalong napaiyak. “Na hindi ikaw ang nagmamay-ari nito.” Malungko
Samantalang hindi makapasok ang mga tauhan ni Greig, kahit sa sala lang dahil nakapwesto sa taas ang mga tauhan ni Alhaj. Nasa likod sila ng pinto, naghihintay na maubusan ng bala ang mga bumabaril sa taas nang makapasok na sila. Maraming patay na katawan ang nagkalat sa labas ng mansyon, at iilan na lamang ang tauhan ni Alhaj na buhay pa. Hula niya, nahati ang mga tauhan ni Alhaj, ang ilan ay dumiretso rito at ang ilan ay sa isa pang mansyon dahil may sumubok rin na pumasok sa kabilang mansyon. Tatlong lalaki lang, pero agad na napatumba ng kaniyang mga tauhan. “Sa likod kami dadaan.” Imporma ni Archie sa kaniyang tabi. “Don’t let them catch us. Kunin niyo lang ang atensyon nila, kami na ang papasok.” Saad ng lalaki. Tumango siya. Nakipagpalitan sila ng putok ng kaniyang mga kasama, samantalang ang ilang tauhan ay sumunod kay Archie para sa likod ng mansyon dumaan. There’s a fire exit in the back. Naalala niya. Pwede silang dumaan doon, at tumuloy sa kusina para masalisihan a