Mas lalong kumunot ang noo ni Greig at pinakatitigan niya ng maigi ang mukha ng babae.Ngayon agad? Aalis sila ngayon mismo para pumunta sa regional court?Hindi ba nito ipagpapaliban iyon?Ikiniling niya ang kaniyang ulo at kakaibang inis ang naramdaman para sa sarili. Pinagmasdan niya ang mukha nito, walang nagbago sa pisikal nitong anyo, pero nararamdaman niyang may kakaiba sa babae na hindi niya maipaliwanag. Waring ibang tao na ang kaniyang nasa harap.Gone the Ysabela I knew. Bulong ng kaniyang isip.“I still have an appointment with Mr. Chua later.”Kumunot ang noo ni Ysabela.“Your appointment with Mr. Chua is scheduled tomorrow morning.”Mabilis na inilabas ni Ysabela ang kaniyang cellphone para kumpirmahin iyon. Maliban sa kaniyang written schedule for Greig ay may kopya rin siya sa cellphone para hindi makalimutan.“It says here—”“He called me, and I decided to move our schedule.” Agap na tugon ni Greig.Napatitig siya sa lalaki. Lukot ang mukha nito at halatang pilit na k
Napatitig siya kay Greig at kinunutan ito ng noo. Ngayon ay tuluyang nabuhay ang pagtataka sa kaniyang puso.Hindi niya lubos na maintindihan ang kinikilos ngayon ni Greig. Hindi ba't gusto nitong pirmahan ang divorce agreement para mapabilis ang pagproseso ng divorce nila?Hindi niya iyon pinirmahan dahil hindi naman na kailangan. Susunod naman siya sa gusto nito kahit walang kapalit.Para rin naman iyon sa kaniya, kung mapapabilis ang pagproseso ng divorce paper nila ay mapapabilis din ang pag-alis niya.Ngunit bakit ganito ngayon ang tanong ni Greig?Bago pa man niya maibuka ang bibig para sagutin ang tanong nito ay ikinumpas na ng lalaki ang kamay.“Forget it.” Mabilis nitong saad.“The old man wants to see you this evening, I hope you can come to our old house for dinner.” Malamig nitong sabi.Tumuloy si Greig sa paglalakad at balak na siyang iwan ngunit mabilis niyang tinawag ang pangalan nito.Natigilan ang lalaki, unti-unti itong pumihit ulit paharap sa kaniya.“If we cannot m
Naguguluhan ang guard. Bumaling ito ng tingin kay Ysabela at napangiwi.Alam ni Ysabela na kilala siya ng guard kaya sinulyapan niya ng tingin si Danica.Hindi alam ng babae ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Greig. Pero may pakiramdam siya na kahit malaman nito ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Greig ay hindi pa rin magbabago ang tingin nito sa kaniya.“Ano pang tinat*nga-t*nga mo diyan? Paalisin mo na!”Napailing siya sa kagaspangan ng ugali nito.Umiling ang guwardiya at napakamot sa batok.“Ma'am Danica, hindi po puwede. Sisisantehin ako ni Señor Gregory kapag pinaalis ko si ma'am Ysabela.” Natatakot nitong saad.Nalaglag ang panga ni Danica sa sagot nito.“W-what?!”Namewang ang babae at matalim ang tingin sa guard.“Are you st*p*d or what? I'm Danica Ramos Lee, a Ramos. Which means ako dapat ang sinusunod mo because I'm the granddaughter of Lolo Gregory. While this girl?” Itinuro siya ni Danica.“She's no one! Kaya kahit kaladkarin mo palabas ng mansyon ang babaeng ‘to, walan
“Yes.” Mababa ang boses ni Ysabela nang sagutin niya ang lalaki.Ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kaniya kaya inihanda na niya ang sarili kung sakaling saktan siya ni Greig sa kapangahasan niya.May kaonting kirot na ngayon sa kaniyang dibdib, dahil sa pagiging impulsido niya'y magkakaroon pa ata ng problema sa kanila.Pero ano naman kung sinabi niya kay Danica ang totoo? Ilang araw na lang ay ilalakad na nila ang divorce paper.Hindi ba siya pwedeng mapagbigyan ng lalaki kahit ngayon lang?“Tingnan mo na, Kuya Greig.” Basag ni Danica sa namayaning katahimikan.“She really has the guts to say that.”Naglakad din si Danica palapit para sulsulan lalo si Greig.“We should send her out of the...” natigilan ang babae sa nakita nito.Ganoon din si Ysabela, hindi niya inaasahan na huhubarin ni Greig ang coat at ilalagay iyon sa kaniyang balikat.Inayos nito ang coat hanggang sa matakpan ang kaniyang dibdib. Lalo pa't dahil sa pagkabasa ng kaniyang dress ay bumabakat ang kaniyang bras
“Dad?” Gulat ang mukha ni Daisy nang marinig iyon sa kaniyang ama.Lumapit ang dalawang guard at hinawakan silang mag-ina. Pinalis niya ang mga kamay nito.“What the h*ck?!”“Ma'am, please.” Ani isang guard na humawak sa kaniyang braso.Nilingon ni Daisy ang matanda at hindi pa rin lubos na makapaniwala na paaalisin sila sa mansyon dahil lamang sa babaeng iyon.“Mom, do something!” Sigaw ni Danica.Ngunit wala rin silang nagawa dahil dalawa pang guard ang lumapit para tuluyan silang kaladkarin palabas ng mansyon.“Those two were my pain in the *ss.” Saad ng matanda nang tuluyang mawala sa kanilang paningin ang mag-ina.Bumaling ito kay Ysabela at naiiling.“Danica is a spoiled brat, and I must admit that Daisy failed to raise her.”“Lolo,” tawag ni Greig sa matanda.“I have to send Ysabela upstairs, kailangan niyang magpalit ng damit.”Tumango ang señor.“Matit? Samahan niyo si Ysabela nang makapagpalit na.” Malamig na saad ng matanda.Naglakad ito palapit kay Ysabela, kakikitaan pa r
Sumikip ang dibdib ni Ysabela. Alam niyang mabuting tao si Señor Gregory, at sa kabila ng malaking agwat ng kanilang estado ni Greig ay hindi siya nito nilait o pinagmalupitan.Dahil kay Señor Gregory ay nabigyan siya ng dahilan para makasama si Greig.Ngayon ay paunti-unting bumabaon ang kakaibang emosyon sa kaniyang puso.“B-baka hindi na kayanin ng tuhod niyo, Lolo.” Idinaan niya sa biro ang nararamdaman.Ngunit nauutal pa rin siya dahil sa pinaghalong kaba at guilt.“Hija, malakas pa naman ako. Kung hindi ko na kayang makipaghabulan sa mga bata ay babantayan ko nalang habang nagtatakbuhan sila diyan sa may hardin.”“Sila?” Nakakunot-noo niyang tanong, nahihiwagaan siya sa mga sinasabi nito.“Oo, sila. Gusto ko marami silang mga apo ko sa tuhod.” Nangingiti nitong sabi.Muli na naman siyang nasamid ng sariling laway.“Alam mo ba, pangarap ko ang masaya, malaki, at maingay na pamilya.” Imporma nito.Natigilan siya at napatitig sa mukha ng Señor.Nasasaktan siya ng husto sa mga sinas
Tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan at kung hindi pa dahil sa madalas na pagbuntong-hininga ni Greig ay mabibingi na siya sa katahimikan nilang dalawa.Alam niyang may nais sabihin ang lalaki ngunit hindi ito maisatinig.Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic, kaya may pagkakataon itong lingunin siya.Pinanatili niya ang mga mata sa daan.“About our divorce,” saad nito.“Don't tell Lolo about it yet.” Dagdag nito sa mababang boses.Alam niyang iyon ang bumabagabag kay Greig. Base sa interaksyon nila kanina ng Señor, wala pa talaga itong alam tungkol sa plano nilang dibursyo.Marahan siyang tumango.“Okay.” Aniya.Hindi rin niya kaya na sa kaniya mismo mangaling ang balitang iyon, baka kung mapaano pa ang matanda.Ngayon ay naisip niya, maari pa ba niyang bisitahin ang matanda kung sakaling hiwalay na sila ni Greig?Ibinaling niya ang tingin sa bintana.“You can still visit the old man even if we get divorced.”Wala sa sariling nilingon niya si Greig, akala niya'y pinaglalaruan l
“I told you to stop the car.” Malamig niyang saad.Biglaan ang naging pagpreno ni Greig sa gilid ng daan. Malalim ang paghinga ng lalaki.“Have you lost your mind?” Bumaling ito sa kaniya, namumula ang mga mata sa galit.“You're so reckless! Why do you have to do this?”Ngunit ang pagtaas ng boses nito ay baliwala kay Ysabela.“Because I don't want to accompany you to her, Greig.” Agaran niyang sagot, tuluyan nang pinapangunahan ng emosyon.“Ano bang gusto mo? Na sumama ako sa iyo papunta sa kaniya? Do I really have to disrespect myself, Greig? Asawa mo pa rin ako! At kahit sa papel lang ‘yon, nakakatawa naman kung hahayaan ko ang sarili na sumama sa asawa ko papunta sa kabit niya. Isn't too much?”Napatitig ito sa kaniya, ngayon ay nawala na ang galit sa mga mata nito.“Why do you have to do this to me? Don't you think it's rude? Or that you're being cruel?”Hindi ito nakasagot kaya muli niyang hinawakan ang door handle para umalis na pero naabutan ni Greig ang kaniyang kamay, at pin
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a
“Hindi mo na mababawi si Ysabela, Alhaj!” Frustrated na sigaw ni Natasha, matinding galit ang kaniyang nararamdaman.“We’re already outnumbered, wala na tayong magagawa kung hindi ang magtago nalang muna pansamantala.”“She will come to me, Natasha. Nasa akin si Niccolò.” Buong-puso niyang tiwala sa sarili.Bumaba ng sasakyan si Natasha, kaya sumunod siya. Samantalang nasa backseat pa rin si Niccolò kasama ang isang tauhan nila.“That’s your only chance to get her, Alhaj. Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon, sirang-sira na ang tiwala niya sa’yo! Napatunayan mo pa sa kaniya na hindi mo anak ang mga batang ‘yon! Why did you f*ck*ng admit it?”Ihinilamos ni Alhaj ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Pagod na pagod na siya, pero hindi na sila pwedeng bumalik sa mansyon nila Alessandra dahil mapahahamak ang pamilya nito kung doon pa sila tutuloy, kaya ngayon ay nasa byahe sila paalis ng Sicily.Nawala nila ang mga tauhan ni Greig at Archie. Mabuti na lamang at nakapag-emergency landing
“Please, Alj, let Niccolò go.” Nanghihina niyang saad nang makitang natatakot ng husto ang batang lalaki. “I’ve done everything for you, Bella! Isinuko ko ang buhay ko sa Pilipinas. Iniwan ko lahat para makasama ka at ang mga anak mo! Pero ito ang isusukli mo sa’kin?” Umawang ang kaniyang bibig. Kahit siya nagulat nang marinig ang sinabi nito. He’s admitting it… isn't he? Mga anak ko? Ibigsabihin... Una palang, alam na ni Alhaj na si Athalia at Niccolò, ay hindi sa kaniya. Kung ganoon, totoo nga ang mga sinabi sa kaniya ni Greig. Pinagsamantalahan nga ni Alhaj ang kaniyang kawalan ng alaala. Kinagat niya ang ibabang labi at napahagulhol. Parang dinudurog ang kaniyang dibdib. “You lied to me! You lied.” Umiling siya. “Kaya ano pang gusto mo? I tried to love you, Alj. I really tried, but I couldn't trust you. Kahit hindi ko maalala, kahit wala akong maalala, alam ng puso ko.” Tinuro niya ang kaniyang dibdib at mas lalong napaiyak. “Na hindi ikaw ang nagmamay-ari nito.” Malungko
Samantalang hindi makapasok ang mga tauhan ni Greig, kahit sa sala lang dahil nakapwesto sa taas ang mga tauhan ni Alhaj. Nasa likod sila ng pinto, naghihintay na maubusan ng bala ang mga bumabaril sa taas nang makapasok na sila. Maraming patay na katawan ang nagkalat sa labas ng mansyon, at iilan na lamang ang tauhan ni Alhaj na buhay pa. Hula niya, nahati ang mga tauhan ni Alhaj, ang ilan ay dumiretso rito at ang ilan ay sa isa pang mansyon dahil may sumubok rin na pumasok sa kabilang mansyon. Tatlong lalaki lang, pero agad na napatumba ng kaniyang mga tauhan. “Sa likod kami dadaan.” Imporma ni Archie sa kaniyang tabi. “Don’t let them catch us. Kunin niyo lang ang atensyon nila, kami na ang papasok.” Saad ng lalaki. Tumango siya. Nakipagpalitan sila ng putok ng kaniyang mga kasama, samantalang ang ilang tauhan ay sumunod kay Archie para sa likod ng mansyon dumaan. There’s a fire exit in the back. Naalala niya. Pwede silang dumaan doon, at tumuloy sa kusina para masalisihan a