“I told you to stop the car.” Malamig niyang saad.Biglaan ang naging pagpreno ni Greig sa gilid ng daan. Malalim ang paghinga ng lalaki.“Have you lost your mind?” Bumaling ito sa kaniya, namumula ang mga mata sa galit.“You're so reckless! Why do you have to do this?”Ngunit ang pagtaas ng boses nito ay baliwala kay Ysabela.“Because I don't want to accompany you to her, Greig.” Agaran niyang sagot, tuluyan nang pinapangunahan ng emosyon.“Ano bang gusto mo? Na sumama ako sa iyo papunta sa kaniya? Do I really have to disrespect myself, Greig? Asawa mo pa rin ako! At kahit sa papel lang ‘yon, nakakatawa naman kung hahayaan ko ang sarili na sumama sa asawa ko papunta sa kabit niya. Isn't too much?”Napatitig ito sa kaniya, ngayon ay nawala na ang galit sa mga mata nito.“Why do you have to do this to me? Don't you think it's rude? Or that you're being cruel?”Hindi ito nakasagot kaya muli niyang hinawakan ang door handle para umalis na pero naabutan ni Greig ang kaniyang kamay, at pin
Hindi siya pumasok nang Sabado at nanatili lamang sa bahay buong araw. Nilinis niya ang buong bahay at naggrocery ng hapon para may stock ng pagkain sa refrigerator.Kinabukasan ay niyaya siya ni Yvonne na mag-shopping. Pumayag naman siya agad dahil kakaonti lamang ang mga damit niya sa apartment.Hindi niya pa rin nakukuha ang mga damit niya sa bahay ni Greig.“I'll treat you naman!” Ani Yvonne.Pinipilit siya nitong magpaface spa nang madaan sila sa spa and salon.“Ikaw na lang muna, Von.” Nginitian niyo ito.“Just send me a text message kapag tapos ka na. Kailangan ko ng bagong sala set dahil mukhang masisira na ‘yong nasa bahay. Titingin muna ako kung may magustuhan ba ako rito.”Hindi siya napilit ng kaibigan. Bigo itong tumuloy sa spa samantalang iniwan niya naman ito para ituloy ang pagsho-shopping.Totoo naman na plano niyang humanap ng bagong sala set, pero wala pa siyang pera para roon. Gusto niya lang na hindi na siya kulitan ni Yvonne na magpa-face spa. Baka hindi makabuti
Tuluyan siyang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuan. Narinig niya iyon ng malinaw.Talagang pinagyayabang pa ni Natasha si Greig?At hindi man lang itinama ng lalaki ang pagiging malisyoso ng mga clerk?Sumipa ang kakaibang emosyon sa dibdib ni Ysabela. Sumikip ang kaniyang paghinga at bahagyang lumabo ang kaniyang paningin.“Miss?” Tawag sa kaniya ng guwardiya.Lumapit ito at nagsquat. Nilingon niya ang guwardiya at napansin na nabitiwan niya pala ang mga dala-dala. Nagkalat iyon sa tiles at pinupulot na ng lalaki.“Ayos lang po ba kayo, miss?” Tanong nito.Nagsquat din siya para pulutin ang mga nagkalat na damit pang bata.“Ysabela?” Narinig niya ang boses ni Greig kaya mas binilisan niya pa.Ipinasok niya lahat sa paperbag ang mga damit pangbata sa takot na makita iyon ni Greig.Huli na niyang napansin ang libro.Si Greig pa ang pumulot no’n.“A-akin na,” hinawakan niya iyon ngunit hindi binitawan ni Greig.“What is this?” Nagtataka nitong tanong.Pinakli ni Greig ang pahina dahil wala
“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Yvonne nang mapansin ang pagiging tahimik niya.Nilingon niya ang babae at umayos ng upo.“Yeah.”“But you look like not.” Saad nito.“What happened? Kanina ka pa tahimik sa mall.”Ipinilig niya ang kaniyang ulo, hindi niya masabi kay Yvonne ang nangyari kanina.Hindi niya kayang sabihin dito ang kahibangan ni Natasha, at ang patuloy na paniniwala ni Greig sa kahibangan nito.“Napagod lang ako.” Pagdadahilan niya.Nang makarating sila sa apartment niya ay nanatili pa ng ilang minuto si Yvonne, pero dahil sa pagod ay tumuloy na siya sa kaniyang kuwarto.Hindi niya napansin na nakatulog siya kaya hindi niya alam kung anong oras umalis ang kaibigan.Hapon na nang magising siya at nakitang nag-order din pala ng pizza si Yvonne, pero dahil nakita nitong natutulog na siya ay hindi na nagbalak na gisingin pa siya.Kumuha siya ng pizza at bumalik sa kuwarto.Naupo siya sa tapat ng salamin at natulala sa sariling repleksyon.Wala naman masyadong nagbago s
“It's not like that.” Malamig na saad ng lalaki.Mabilis ang kaniyang pag-iling.“Talaga? What if I told you that she's only trying to frame me up? That she's trying to make me look bad in front of you?”Kumunot ang noo ni Greig.“Pupuntahan mo ba siya para itanong ‘yon? Kagaya ng ginagawa mo ngayon sa akin?”“She will never do that.” Naging madilim ang anyo ni Greig.Natawa si Ysabela.“See, you would not believe me. Pero bakit kapag si Natasha, naniniwala ka agad?”“I saw you pushing her away!” May diin sa boses ni Greig.Nagngitngit ang kaloob ni Ysabela sa sinabi nito.“Is that so?”Tumayo ito, at dahil matangkad ang lalaki ay hanggang balikat lang siya nito.Kailangan niya pang mag-angat ng tingin para magpantay ang tingin nila.“Natasha's weak and fragile, Ysabela. She couldn't even control her body for too long.”Umiling siya.Ngunit hindi niya masabi sa lalaki ang bumabagabag sa kaniyang isip. Kung totoong mahina na si Natasha, paano nito nakayang tumayo ng ganoon katagal sa h
Nang sumunod na araw maagang gumising si Ysabela para maghanda sa pagpunta sa regional court.Ang alam niya'y alas nuebe y media ang appointment niya roon, pero dahil gusto niyang maaga siyang pumunta ay naghanda na siya.Baka may mga papel pang kailangan lakarin kung sakali.Dahil sa pagpunta ni Greig sa kaniya kagabi, tuluyan siyang nawalan ng ganang kumain. Kaya ngayong umaga ay pinagluto niya ng masarap na putahe ang sarili para makabawi.Adobong manok, fried rice, at pritong isda ang niluto niya.Iniwasan niyang malagyan ng maraming bawang ang adobo at fried rice dahil ayaw niya sa amoy nito.Napapansin niyang nahihilo siya sa amoy ng bawang.Nagbook na rin siya ng taxi papunta sa regional court dahil alam niyang matatagalan siya kung sasakay pa siya ng bus.Mas mabuting bago pa mag-alas nuebe ay naroon na siya.Sa labas ng village naghintay ang taxi kaya may pagkakataon siyang makapaglakad-lakad.Isang oras din ang naging byahe niya papunta sa regional court. Kaya nang makaratin
Isinugod siya sa ospital at binigyan ng paunang lunas. Maliban sa ilang galos at sugat sa kaniyang palad ay wala na siyang ibang ininda.Iyon nga lang, maraming dugo rin ang nawala sa kaniya dahil malaki at malalim ang sugat. Kinailangan niya pang ipatahi ang sugat ng walang anesthesia.Ayaw niyang magpaturok ng anesthesia dahil baka makasama iyon sa kaniyang baby. Kaya't habang tinatahi ang kaniyang sugat ay umiiyak siya sa balikat ni Gretchen, ang babaeng tinulungan niya.Yakap-yakap siya nito at inaalu, ngunit walang paglagyan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Bawat pagtusok ng karayom sa kaniyang laman ay hindi niya maipaliwanag ang sakit na dulot.Basang-basa ang kaniyang pisngi dahil sa luha. Dumudugo na rin ang kaniyang labi dahil sa mariin na pagkagat.Noon pa man ay takot na siya sa karayom at sa dugo. Kaya ngayon na kailangan niyang indahin ang lahat ng ito ay parang nahihirapan siyang huminga.“You're so brave, Ysabela.” Komento ni Gretchen nang matapos na gamutin ang kan
Ilang minuto pa lang ang kaniyang pag-idlip nang malakas na bumukas ang pinto ng emergency room.Nagmulat siya ng mga mata at napabaling doon.Napaawang ang kaniyang bibig nang makita ang lalaking pumasok. Madilim ang anyo ni Greig nang inilibot nito ang tingin.Nang makita siya ay malalaki ang hakbang na naglakad ito papunta sa kaniya.Sumikip ang kaniyang dibdib. Ngayon niya mas lalong naramdaman na masakit ang sugat sa kaniyang kamay.Gusto niyang umiyak at yakapin ang lalaki. Sabihin dito kung gaano iyon kasakit.Nanubig ang kaniyang mga mata. At nang makalapit ito sa kaniya'y tuluyang pumatak ang kaniyang mga luha.I was so scared, Greig. Bulong ng kaniyang isip.“Ysabela.” Tawag nito sa kaniya.Malalaki ang hakbang nito dahilan para mabilis itong makarating sa kaniya.Pinagmasdan niya si Greig. Gusto niyang isipin na hindi siya pinaglalaruan ng kaniyang isipan, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Umigting ang panga nito nang makita ang kaniyang kamay.“What happened?” Malamig an
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi.Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig.“Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig.Nagsalubong ang kilay ni Gretchen.“H-huh?”“Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig.Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig?“Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya.Umiling si Greig bilang tugon.“Hindi pa. What did she tell you?”Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig.Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman?Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa lalaki sa mga
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a