Hindi siya pumasok nang Sabado at nanatili lamang sa bahay buong araw. Nilinis niya ang buong bahay at naggrocery ng hapon para may stock ng pagkain sa refrigerator.Kinabukasan ay niyaya siya ni Yvonne na mag-shopping. Pumayag naman siya agad dahil kakaonti lamang ang mga damit niya sa apartment.Hindi niya pa rin nakukuha ang mga damit niya sa bahay ni Greig.“I'll treat you naman!” Ani Yvonne.Pinipilit siya nitong magpaface spa nang madaan sila sa spa and salon.“Ikaw na lang muna, Von.” Nginitian niyo ito.“Just send me a text message kapag tapos ka na. Kailangan ko ng bagong sala set dahil mukhang masisira na ‘yong nasa bahay. Titingin muna ako kung may magustuhan ba ako rito.”Hindi siya napilit ng kaibigan. Bigo itong tumuloy sa spa samantalang iniwan niya naman ito para ituloy ang pagsho-shopping.Totoo naman na plano niyang humanap ng bagong sala set, pero wala pa siyang pera para roon. Gusto niya lang na hindi na siya kulitan ni Yvonne na magpa-face spa. Baka hindi makabuti
Tuluyan siyang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuan. Narinig niya iyon ng malinaw.Talagang pinagyayabang pa ni Natasha si Greig?At hindi man lang itinama ng lalaki ang pagiging malisyoso ng mga clerk?Sumipa ang kakaibang emosyon sa dibdib ni Ysabela. Sumikip ang kaniyang paghinga at bahagyang lumabo ang kaniyang paningin.“Miss?” Tawag sa kaniya ng guwardiya.Lumapit ito at nagsquat. Nilingon niya ang guwardiya at napansin na nabitiwan niya pala ang mga dala-dala. Nagkalat iyon sa tiles at pinupulot na ng lalaki.“Ayos lang po ba kayo, miss?” Tanong nito.Nagsquat din siya para pulutin ang mga nagkalat na damit pang bata.“Ysabela?” Narinig niya ang boses ni Greig kaya mas binilisan niya pa.Ipinasok niya lahat sa paperbag ang mga damit pangbata sa takot na makita iyon ni Greig.Huli na niyang napansin ang libro.Si Greig pa ang pumulot no’n.“A-akin na,” hinawakan niya iyon ngunit hindi binitawan ni Greig.“What is this?” Nagtataka nitong tanong.Pinakli ni Greig ang pahina dahil wal
“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Yvonne nang mapansin ang pagiging tahimik niya.Nilingon niya ang babae at umayos ng upo.“Yeah.”“But you look like not.” Saad nito.“What happened? Kanina ka pa tahimik sa mall.”Ipinilig niya ang kaniyang ulo, hindi niya masabi kay Yvonne ang nangyari kanina.Hindi niya kayang sabihin dito ang kahibangan ni Natasha, at ang patuloy na paniniwala ni Greig sa kahibangan nito.“Napagod lang ako.” Pagdadahilan niya.Nang makarating sila sa apartment niya ay nanatili pa ng ilang minuto si Yvonne, pero dahil sa pagod ay tumuloy na siya sa kaniyang kuwarto.Hindi niya napansin na nakatulog siya kaya hindi niya alam kung anong oras umalis ang kaibigan.Hapon na nang magising siya at nakitang nag-order din pala ng pizza si Yvonne, pero dahil nakita nitong natutulog na siya ay hindi na nagbalak na gisingin pa siya.Kumuha siya ng pizza at bumalik sa kuwarto.Naupo siya sa tapat ng salamin at natulala sa sariling repleksyon.Wala naman masyadong nagbago s
“It's not like that.” Malamig na saad ng lalaki.Mabilis ang kaniyang pag-iling.“Talaga? What if I told you that she's only trying to frame me up? That she's trying to make me look bad in front of you?”Kumunot ang noo ni Greig.“Pupuntahan mo ba siya para itanong ‘yon? Kagaya ng ginagawa mo ngayon sa akin?”“She will never do that.” Naging madilim ang anyo ni Greig.Natawa si Ysabela.“See, you would not believe me. Pero bakit kapag si Natasha, naniniwala ka agad?”“I saw you pushing her away!” May diin sa boses ni Greig.Nagngitngit ang kaloob ni Ysabela sa sinabi nito.“Is that so?”Tumayo ito, at dahil matangkad ang lalaki ay hanggang balikat lang siya nito.Kailangan niya pang mag-angat ng tingin para magpantay ang tingin nila.“Natasha's weak and fragile, Ysabela. She couldn't even control her body for too long.”Umiling siya.Ngunit hindi niya masabi sa lalaki ang bumabagabag sa kaniyang isip. Kung totoong mahina na si Natasha, paano nito nakayang tumayo ng ganoon katagal sa h
“Congratulations, you are pregnant!”Hindi pa rin mawala sa isip ni Ysabela ang balitang iyon galing sa doktor. Napapatulala na lamang siya sa tuwing sumasagi iyon sa kaniyang isip.Napakurap siya nang maramdaman ang mahinang pagkurot sa kaniya ni Greig.“What are you thinking about?”Muli siyang napakurap, hindi niya alam na malalim na naman ang kaniyang iniisip. Ngunit bago pa man siya makasagot ay hanawakan na ng lalaki ang kaniyang batok at siniil siya ng mariing h*l*k.Pagkatapos ng h*l*k na iyon ay tumayo ang lalaki at naiwan siya roon habang sinusundan ito ng tingin papuntang banyo. Paano nito nagagawang maglakad palayo pagkatapos siyang lunurin sa h*l*k?Nanghihina siyang napahiga sa kama. Pakiramdam niya'y naubos ang kaniyang lakas, basa rin ang kaniyang buhok dahil sa pawis at kitang-kita ang pagod sa kaniyang mukha.Pagkaraan ay napagdesisyunan niyang tumayo para kunin ang pregnancy report sa kaniyang drawer. It was all unexpected, kaninang hapon ay pumunta siya sa ospital
Nanginig ang kaniyang kamay. Naalala niyang pinakansela ni Greig ang meeting nito kaninang hapon at umalis.Ang suot ng lalaki sa litrato ay kaparehas ng suot ni Greig ng hapong iyon.Ibigsabihin pinuntahan ni Greig ang dati niyang kasintahan para personal na sunduin ito?Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang pagsakit ng kaniyang puso. Parang isang malaking bato ang dumagan doon.Itinipa niya ang numero ni Greig sa kaniyang cellphone ngunit ilang beses siyang nagkamali dahil sa panginginig nito.Malalim siyang nagbuntong-hininga nang marinig na nagri-ring ang kabilang linya.Ilang ring na ay hindi pa rin sumasagot ang kaniyang asawa kaya nauubusan siya ng pag-asa. "Hello——"Naestatwa si Ysabel nang marinig ang banayad na boses ng babae.Muli niyang sinulyapan ang numerong tinawagan, tama naman siya. Numero iyon ni Greig.“Hello?” Ulit ng babae sa kabilang linya.Parang may kung anong nabasag sa kaniyang dibdib.Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang panghihina, kasabay nit
Bumungad sa pinto si Patrick, mukhang paalis na ang lalaki.Mariin na ikinuyom ni Ysabel ang kaniyang kamao at pilit na itinago ang totoong nararamdaman. Bahagya siyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Mr. Roa.”Hindi na niya hinintay na batiin siya pabalik ng lalaki, nilagpasan niya ito at tumuloy sa lamesa ni Greig para dalhin ang dokumento.Matuwid na nakaupo sa swivel chair ang kaniyang asawa. Mas lalo itong naging matipuno sa suot na formal attire.Pinasadahan niya saglit ang suot nito, hindi ito ang suot ni Greig kagabi nang umalis.Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin, mas lalo lamang lumubog ang kaniyang puso.“Kailangan ang pirma niyo sa mga dokumentong ito, galing ito sa marketing department... Sir.”Halos pabulong na lamang ang huli niyang salita.Inabot ng lalaki ang mga dukomento at mabilis na pinirmahan ang mga pahinang kailangan ng pirma. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito nang ibalik sa kaniya ang mga dukomento.Tinanggap naman niya iyon at mabilis na tinalikur
Malamig na tingin naman ang iginawad ni Ysabela sa babae.“Tinuturuan kita ng pagiging magalang.”Magagawa niyang tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto sa kaniya, huwag lamang ang insultuhin ang kaniyang mga magulang. Hinding-hindi niya masisikmura na hamakin ito ng ibang tao.Kung kanina ay pulang-pula ang mukha ni Danica ngayon namutla ang mukha ng babae dahil sa galit. Noon pa man ay takot na sa kaniya ang mga empleyado dahil alam ng lahat na pinsan siya ni Greig, kaya malaking s*mpal ito sa kaniyang ego na ngayon ay nagagawa siyang sagutin ni Ysabela. Lalo pa't marami ang nakakita sa pags*mpal nito sa kaniya.“You b*st*rd!”Mabilis na kumilos si Danica, hindi niya hahayaan na ipahiya siya ninuman sa harap ng maraming tao. Itinaas niya ang kaniyang kamay at handa nang gantihan ng s*mpal ang kaharap.Ngunit nakahanda na si Ysabela, sinalubong niya ang kamay ni Danica at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan nito.Sa lakas ng pagkakahawak niya ay hindi na halos makakilos si Danica