Tuluyan siyang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuan. Narinig niya iyon ng malinaw.Talagang pinagyayabang pa ni Natasha si Greig?At hindi man lang itinama ng lalaki ang pagiging malisyoso ng mga clerk?Sumipa ang kakaibang emosyon sa dibdib ni Ysabela. Sumikip ang kaniyang paghinga at bahagyang lumabo ang kaniyang paningin.“Miss?” Tawag sa kaniya ng guwardiya.Lumapit ito at nagsquat. Nilingon niya ang guwardiya at napansin na nabitiwan niya pala ang mga dala-dala. Nagkalat iyon sa tiles at pinupulot na ng lalaki.“Ayos lang po ba kayo, miss?” Tanong nito.Nagsquat din siya para pulutin ang mga nagkalat na damit pang bata.“Ysabela?” Narinig niya ang boses ni Greig kaya mas binilisan niya pa.Ipinasok niya lahat sa paperbag ang mga damit pangbata sa takot na makita iyon ni Greig.Huli na niyang napansin ang libro.Si Greig pa ang pumulot no’n.“A-akin na,” hinawakan niya iyon ngunit hindi binitawan ni Greig.“What is this?” Nagtataka nitong tanong.Pinakli ni Greig ang pahina dahil wala
“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Yvonne nang mapansin ang pagiging tahimik niya.Nilingon niya ang babae at umayos ng upo.“Yeah.”“But you look like not.” Saad nito.“What happened? Kanina ka pa tahimik sa mall.”Ipinilig niya ang kaniyang ulo, hindi niya masabi kay Yvonne ang nangyari kanina.Hindi niya kayang sabihin dito ang kahibangan ni Natasha, at ang patuloy na paniniwala ni Greig sa kahibangan nito.“Napagod lang ako.” Pagdadahilan niya.Nang makarating sila sa apartment niya ay nanatili pa ng ilang minuto si Yvonne, pero dahil sa pagod ay tumuloy na siya sa kaniyang kuwarto.Hindi niya napansin na nakatulog siya kaya hindi niya alam kung anong oras umalis ang kaibigan.Hapon na nang magising siya at nakitang nag-order din pala ng pizza si Yvonne, pero dahil nakita nitong natutulog na siya ay hindi na nagbalak na gisingin pa siya.Kumuha siya ng pizza at bumalik sa kuwarto.Naupo siya sa tapat ng salamin at natulala sa sariling repleksyon.Wala naman masyadong nagbago s
“It's not like that.” Malamig na saad ng lalaki.Mabilis ang kaniyang pag-iling.“Talaga? What if I told you that she's only trying to frame me up? That she's trying to make me look bad in front of you?”Kumunot ang noo ni Greig.“Pupuntahan mo ba siya para itanong ‘yon? Kagaya ng ginagawa mo ngayon sa akin?”“She will never do that.” Naging madilim ang anyo ni Greig.Natawa si Ysabela.“See, you would not believe me. Pero bakit kapag si Natasha, naniniwala ka agad?”“I saw you pushing her away!” May diin sa boses ni Greig.Nagngitngit ang kaloob ni Ysabela sa sinabi nito.“Is that so?”Tumayo ito, at dahil matangkad ang lalaki ay hanggang balikat lang siya nito.Kailangan niya pang mag-angat ng tingin para magpantay ang tingin nila.“Natasha's weak and fragile, Ysabela. She couldn't even control her body for too long.”Umiling siya.Ngunit hindi niya masabi sa lalaki ang bumabagabag sa kaniyang isip. Kung totoong mahina na si Natasha, paano nito nakayang tumayo ng ganoon katagal sa h
Nang sumunod na araw maagang gumising si Ysabela para maghanda sa pagpunta sa regional court.Ang alam niya'y alas nuebe y media ang appointment niya roon, pero dahil gusto niyang maaga siyang pumunta ay naghanda na siya.Baka may mga papel pang kailangan lakarin kung sakali.Dahil sa pagpunta ni Greig sa kaniya kagabi, tuluyan siyang nawalan ng ganang kumain. Kaya ngayong umaga ay pinagluto niya ng masarap na putahe ang sarili para makabawi.Adobong manok, fried rice, at pritong isda ang niluto niya.Iniwasan niyang malagyan ng maraming bawang ang adobo at fried rice dahil ayaw niya sa amoy nito.Napapansin niyang nahihilo siya sa amoy ng bawang.Nagbook na rin siya ng taxi papunta sa regional court dahil alam niyang matatagalan siya kung sasakay pa siya ng bus.Mas mabuting bago pa mag-alas nuebe ay naroon na siya.Sa labas ng village naghintay ang taxi kaya may pagkakataon siyang makapaglakad-lakad.Isang oras din ang naging byahe niya papunta sa regional court. Kaya nang makaratin
Isinugod siya sa ospital at binigyan ng paunang lunas. Maliban sa ilang galos at sugat sa kaniyang palad ay wala na siyang ibang ininda.Iyon nga lang, maraming dugo rin ang nawala sa kaniya dahil malaki at malalim ang sugat. Kinailangan niya pang ipatahi ang sugat ng walang anesthesia.Ayaw niyang magpaturok ng anesthesia dahil baka makasama iyon sa kaniyang baby. Kaya't habang tinatahi ang kaniyang sugat ay umiiyak siya sa balikat ni Gretchen, ang babaeng tinulungan niya.Yakap-yakap siya nito at inaalu, ngunit walang paglagyan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Bawat pagtusok ng karayom sa kaniyang laman ay hindi niya maipaliwanag ang sakit na dulot.Basang-basa ang kaniyang pisngi dahil sa luha. Dumudugo na rin ang kaniyang labi dahil sa mariin na pagkagat.Noon pa man ay takot na siya sa karayom at sa dugo. Kaya ngayon na kailangan niyang indahin ang lahat ng ito ay parang nahihirapan siyang huminga.“You're so brave, Ysabela.” Komento ni Gretchen nang matapos na gamutin ang kan
Ilang minuto pa lang ang kaniyang pag-idlip nang malakas na bumukas ang pinto ng emergency room.Nagmulat siya ng mga mata at napabaling doon.Napaawang ang kaniyang bibig nang makita ang lalaking pumasok. Madilim ang anyo ni Greig nang inilibot nito ang tingin.Nang makita siya ay malalaki ang hakbang na naglakad ito papunta sa kaniya.Sumikip ang kaniyang dibdib. Ngayon niya mas lalong naramdaman na masakit ang sugat sa kaniyang kamay.Gusto niyang umiyak at yakapin ang lalaki. Sabihin dito kung gaano iyon kasakit.Nanubig ang kaniyang mga mata. At nang makalapit ito sa kaniya'y tuluyang pumatak ang kaniyang mga luha.I was so scared, Greig. Bulong ng kaniyang isip.“Ysabela.” Tawag nito sa kaniya.Malalaki ang hakbang nito dahilan para mabilis itong makarating sa kaniya.Pinagmasdan niya si Greig. Gusto niyang isipin na hindi siya pinaglalaruan ng kaniyang isipan, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Umigting ang panga nito nang makita ang kaniyang kamay.“What happened?” Malamig an
Bumukas muli ang pinto kaya mabilis na bumaling doon si Ysabela. Akala niya'y bumalik na ang doktor para ibigay ang bagong prescription.“I brought you food, Ysabela.” Ngumiti sa kaniya si Gretchen.Nangunot ang kaniyang noo. Nakasuot ito ng mahabang dress na kulay pula. Hindi kagaya kanina na parang chic ang dating nito, ngayon ay napaka-elegante at sopistikada nito.Ang pulang dress ay umabot hanggang sa ibaba ng tuhod at may malaking bulaklak sa kanan nitong balikat.Muntik na niyang hindi makilala ang babae, kung hindi pa siya nito tinawag sa kaniyang pangalan.Naglakad ito palapit dahilan para mapalingon si Greig at Natasha.“I've already paid for your bills.” Dagdag ng babae.Hindi siya makapaniwala na ang chic-mid-thirties na Gretchen kanina ay bilang naging sopistikadang early-fourties na ngayon ang dating.Inilapag ng babae sa maliit na mesa sa tabi ng kaniyang kama ang dalang pagkain.Humarap ito kayna Greig at bahagyang nagtaas ng kilay nang makita ang nakakapit na si Natas
Kung noon ay nagpapanggap lamang si Natasha na mahina siya, ngayon ay nararamdaman niyang totoong nauubos ang kaniyang lakas. Parang nauubusan siya ng hininga.Pakiramdam niya'y kung hindi niya makokontrol ang sarili ay talagang sasabog siya sa galit dahil sa mga sinasabi ng mommy ni Greig.Galing siya sa prominenteng pamilya, kaya ngayon na tinatawag siyang kabit ay tuluyang nagdidilim ang kaniyang paningin.How dare this old witch call me a mistress?!Alam niyang nakikilala siya nito, ngunit halatang pilit nitong isinasantabi ang pagkakakilanlan niya.Kahit kailan ay hindi pa siya nakaramdam ng ganitong pagkapahiya sa tanang buhay niya.Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang humilig kay Greig at sa mahinang boses ay magsalita.“Mrs. Ramos, you really misunderstood everything.”Pinilit niyang magmukhang kaawa-awa.Inalalayan naman siya ni Greig.“I don't think so. I think it would be best if you keep a distance with my son. You should understand that seducing a married man is a
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F
Lindsy was more than excited to hear some information from Atty. Dela Paz. Lalo pa nang sabihin nito na may importante silang pag-uusapan tungkol kay Archie ay mas lalo lamang siyang nabuhay.Hindi na siya makapaghintay na marinig kung ano man ang dala nitong balita.For gods sake! She's been waiting for an update about Archie.Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na magkakaayos sila ni Archie, lalo pa't hindi naman nito tinapos ang kanilang relasyon. Maliban sa hindi ito sumipot sa kasal, wala naman itong sinabi sa kaniya na hindi na itutuloy ang pangako nitong pakakasalan siya.Para sa kaniya, hindi opisyal ang paghihiwalay nila ni Archie. May utang na loob pa rin ito sa kaniya na dapat na bayaran!Dininig na rin siguro ng mga Santo ang kaniyang mga paningin. Napagtanto na marahil ni Archie na kailangan siya nito para maging matagumpay sa buhay.Kaysa isipin na posible na masamang balita ang dala ni Atty. Dela Paz, napuno ng mga positibong ideya ang isipan ng babae. Ngumingiti siya
"At ngayon naman na bumalik siya, may kasama na siyang babae na kamukhang-kamukha ni Yvonne." Dagdag niya sa malalim na boses. Ayaw niyang maniwala na nagkataon lamang ang mga bagay na iyon, dahil hindi siya t*ng* para mapapaniwala ng ganoon lang. Hindi nagsalita si Patrick, bagkus, humugot ito ng malalim na buntong-hininga. Ramdam niya na may gusto itong sabihin, ngunit hindi siya magawang direktahin. "Let's say that Anais is Yvonne, and she's only pretending to be someone else. But what would you do about it? Guguluhin mo na naman ang buhay niya?" Natigilan siya nang marinig ang kabiguan sa boses ni Patrick. Hindi siya nakapagsalita nang makita ang awa sa ekspresyon ng mga mukha. Sigurado siya na ang awa na ‘yon ay hindi para sa kaniya, kung hindi para kay Yvonne. Tuluyan siyang napatahimik at napaisip sa tanong ni Patrick. Guguluhin niya lang ba ulit ang buhay ni Yvonne? Hindi niya namamalayan na unti-unti nang kumukuyom ang kaniyang mga palad at mas lalo pang nagdidilim ang
"Do you still need the invitation letter?" Tanong ni Patrick nang pumasok ito sa kaniyang opisina. Mula sa pagtipa sa kaniyang laptop ay nag-angat siya ng tingin sa pinto kung saan pumasok si Patrick. Nakasuot ito ng puting long sleeve at itim na slacks. Kumunot ang kaniyang noo nang mapatitig sa buhok nito. He obviously dyed his hair with dark brown and he shaved his stubborn beard. Hindi man lang niya itinago na binabago na niya ang sarili para lang bumagay sa lugar kung saan pilit niyang isinisiksik ang sarili. Kumento ng kaniyang isip. Sinundan niya ng tingin si Patrick nang palapit na ito sa kaniyang mesa. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Ngayon na nasa malapitan na ito, saka niya napagtanto na mukhang pagod din ito sa maghapon na trabaho sa ospital. Ngumisi siya. Ngayon ay napapaisip siya kung talaga bang nakakaramdam pa ito ng pagod. Baka hindi na? Lalo pa at nakakasama nito palagi sa trabaho ang dating asawa. "Nakakapanindig balahibo kapag ngumingiti ka. Para kang n
Nang makaalis si Dra. Azuela, naglakad siya papasok ng silid. Nang matanaw siya ni Marissa na isa sa mga therapeutic staff, ngumiti ito agad. "Sir Archie." Bati nito, ngiting-ngiti. Ngumiti na rin siya pabalik. "I'm going to visit her." Imporma niya saka sumulyap kung nasaan si Yves. Tumango si Marissa. "Sure. Dalawang araw na siyang nagpipinta. Mas maayos na niyang nahahawakan ang paint brush at mas nagiging makulay na rin ang mga ipinipinta niya." Balita nito. Nasa mid-thirties na si Marissa. Ito ang madalas na kasama ni Yves kapag ganitong oras dahil hilig ng ginang ang pagpipinta at si Marissa naman espesyalista sa art therapy na nagtuturo at gumagabay dito. Magkasama silang lumapit kung nasaan si Yves. Tatlong pasyente pa ang kasama sa art therapy session. Ang lahat ng narito ay pukos lamang sa ginagawang painting. Halos hindi na pinapansin ng mga pasyente ang ibang bagay dahil sa pagiging abala sa pagpipinta. Sinilip niya ang canvas nito at nakita ang ipinipinta ng babae
Nang sumunod na araw, sinalubong siya ni Aira sa parking lot. Nakangiti itong bumati sa kaniya nang bumaba siya sa sasakyan."Good morning, Kuya Archie." Ngiting-ngiti ito sa kaniya.Ngumiti siya pabalik sa babae."Good morning din, Nurse."Binuksan niya ang backseat at kinuha ang lagayan ng special waffle na inorder niya sa paboritong café nito na kaniyang nadaanan.Nang makita ni Aira ang kaniyang dala, mas lalong bumungisngis ang babae."Kaya gustong-gusto ko na bumibisita ka, kasi palagi kaming may pagkain sa station." Natatawa nitong sabi."Kaya hindi ka pumapayat kasi ang hilig mo pa rin sa pagkain." Pang-aasar niya sa babae.Umikot naman ang mga mata nito saka humakbang palapit para kunin sa kaniya ang mga pagkain."Minsan kapag hindi nauubos ni Ma'am Yves ang pagkain niya, ako na lang ang kumakain. Kaya huwag ka nang magtaka kung hindi na ako papayat."Marahan naman siyang tumawa.Si Aira ay isa sa mga psychiatric nurse na nagtratrabaho sa pribadong institusyon kung saan naka-
May kaunting pag-asa sa puso ni Archie na unti-unting umuusbong. Iyon ang nagtutulak sa kaniya na hanapin ang babaeng nakita niya mula sa teresa. Gusto niyang makita ito sa malapitan at makausap kahit sa kaunting panahon lang. Gusto niyang makita ito. Gusto niyang makita ulit ito. Simula nang makita niya si Ysabela sa Sicily, palagi na niyang napapanaginipan ang senaryo kung kailan niya unang nakita ang babae at kung paano niya ito nahanap. Ngunit sa kaniyang panaginip, hindi si Ysabela ang kaniyang natagpuan, kung hindi... si Yvonne. Paano nga kaya kung si Yvonne ang kaniyang natagpuan sa Sicily? Paano kung si Yvonne ang aksidente niyang natagpuan nang walang alaala sa kaniya? Paano kung kagaya ni Ysabela ay buhay pa rin pala ito? Sa tuwing nagigising siya mula sa panaginip na ‘yon, hindi niya maiwasan na hindi ibulong sa hangin na sana magkatotoo iyon. Gabi-gabi siyang nangangarap na sana balang araw ay aksidente niyang matagpuan sa ibang lugar si Yvonne. Nangangarap siya na san
Sigurado si Archie sa kaniyang nakita. Hindi siya namamalik-mata at mas lalong hindi siya nagkakamali na nakita niya ang pamilyar na mukha ni Yvonne Santiago. Siya iyon, malinaw niyang natanaw mula sa terrace ng second floor ang babae.Pababa sa hagdan ay nagkasalubong niya ang ilang bisita, may ilan na bumati sa kaniya, ngunit hindi na niya nabati pabalik dahil sa pagmamadali."Archie!"Malalaki ang kaniyang hakbang, tila may hinahabol, at dahil sa pagtawag sa kaniya ni Patrick ay mas lalong napukaw ang kuryusidad ng mga tao. Sinusundan siya ng tingin ng ilang bisita, nagtataka kung ano ang nangyayari."Archie." Bati sa kaniya ni Reinella.Ang babae ay nasa bulwagan ng malaking pinto, sinalubong siya nito nang may ngiti sa labi, ngunit napanis lamang iyon nang hindi niya ito pansinim at tumuloy sa paglalakad.Nang nasa labas na siya ng mansion, tumigil siya at dali-daling inilibot ang tingin sa nagkukumpulang mga bisita.Sa sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso ay masakit na iyon.