Ibinilin ng nurse na dalhin si Ysabela sa ward dahil may kailangan pang tingnan ang doktor.Naisip niyang baka tumagal pa ang hinihintay niyang prescription dahil nasabi niya sa doktor na buntis siya.Pero mas mabuti na iyon, dahil ayaw niyang maging banta sa buhay ng kaniyang anak ang mga gamot na ibibigay sa kaniya ng doktor.Inayos ni Gretchen ang dalang pagkain at naupo ito sa gilid ng kama.Balak nitong pagsilbihan siya na tinanggihan naman niya agad.“Tita, huwag na. Ako na po.” Nahihiya niyang sabi.Magagawa pa naman niyang kumain gamit ang kaliwang kamay, iyon nga lang medyo mahirap iyon dahil hindi naman siya kaliwete.Tahimik siyang pinagmasdan ni Gretchen habang kumakain. Madalas nitong ayosin ang kaniyang buhok at punasan ang kaniyang bibig ng tissue kapag may kaonting dumi.“Don't be hesitant with me, Ysabela. Hindi ka naman iba sa akin. Let me take care of you until you get better.” Malambing nitong saad.Ayaw niyang makaabala sa ginang kaya naman hindi na lang niya ito
Bumukas ang pinto kaya napabaling silang dalawa ni Gretchen doon.Unti-unti siyang lumayo sa babae nang makita si Greig.Hindi niya inaasahan na babalik pa ito pagkatapos umalis kasama si Natasha.Kanina ay mainit ang kaniyang puso dahil sa kabutihan ni Gretchen, ngayon ay parang unti-unti na naman iyong binabalot ng lamig.May nakalimutan ba ito kaya bumalik?Kumunot ang kaniyang noo nang maglakad ito papunta sa kaniya.“Did you already send your mistress home?” Pigil ni Gretchen sa kaniyang anak.Pumagitna ang ginang sa kaniya at kay Greig.Nakita niya ang mabilis na pagdilim ng mukha ni Greig. Wari bang gusto siya nitong lapitan pero dahil humarang ang ina ay wala nang nagawa.“I want to see, Ysabela.” Ani Greig.Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Ysabela ng ilang minuto.Hindi naman siya pinaglalaruan ng kaniyang pandinig hindi ba?Isang hakbang pa ang ginawa nito pero hinarang ulit ng ginang ang kaniyang anak.“She needs a lot of rest, Greig. At mukhang hindi makakabuti na pa
“M-medyo kumikirot lang, pero magiging okay din naman ako agad.” Utal niyang dagdag nang mas tumagal ang tingin ni Greig sa kaniya.Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling iyon sa may pinto. Ayaw niyang lokohin ang sarili, imposibleng nag-aalala ito sa kaniya.“You were stitched without an anesthesia.”Nanindig ang kaniyang balahibo sa paraan ng pagkakasabi nito.Wari bang alam din ng lalaki ang naramdaman niyang sakit, at hanggang ngayon ay ginagambala pa rin ito.Kumurap siya para walain ang nagbabadyang luha.Kanina lamang ay gusto niyang magsumbong kay Greig, gusto niyang sabihin kung gaano kasakit ang pagtusok ng karayom sa kaniyang laman, at kailangan niya iyong indahin hanggang sa huling tahi.“I'm f-fine.” Para siyang nauubusan ng hininga.Napatitig sa kaniya si Greig.Alam ng lalaki na nagsisinungaling siya. Hinding-hindi makakalimutan ni Greig ang mga pagkakataon na halos mawalan siya ng malay kapag nakakakita ng dugo.Sa dalawang taon nilang pagsasama, alam na nito ang mga kin
Nang makapasok ng kuwarto si Ysabela, inilibot ni Greig ang kaniyang mga mata sa maliit na apartment.“Should I install surveillance system here?” Kausap niya sa sarili.Maliit lamang ang apartment, at hindi mahihirapan ang magnanakaw na hanapin ang mga importanteng bagay.Maliban sa exit door malapit sa kusina, wala nang ibang pinto na pwedeng daanan para makatakas.Kung maglalagay ng CCTV, masasakop agad ang buong sala at kusina.“What are you doing?”Ibinaling niya ang tingin kay Ysabela, nakaupo na ito sa kama at nagtatakang nakatingin sa kaniya.“Nothing.” Payak niyang sagot.“You can leave now.” Mababa ang boses nito, halatang pagod na.Kaysa sundin ang gusto nito, tumuloy siya sa kusina at tiningnan kung may pagkain doon.Kumunot ang kaniyang noo nang makita ang chicken adobo sa isang kawali.Tatlong piraso pa iyon.Wala pang kanin, at mukhang kaninang umaga pa iyon niluto ni Ysabela.She really loves to eat cold food?Alam niyang hindi naman mabilis ma-contaminate ang pagkain,
Nabanggit ni Ysabela na papupuntahin nito si Yvonne, pero hindi siya mapakali.Is it more comfortable for her to have Yvonne than her husband? Himutok niya.Nang makababa ng sasakyan ay madilim na ang kaniyang anyo.Sinalubong siya agad ni Christoff at ng isa pang lalaki. Sigurado siya iyon ang mga bagong hire na tauhan ni Christoff.“He's already inside, Sir.” Imporma ni Christoff.“Breathing?” Malamig niyang tanong.“Barely.” Mababa ang boses na sagot ng lalaki.“Not bad, I'd like to see him suffer for long.”Inilibot niya ang tingin, lumang bodega iyon ng pamilya ni Archie. Marami ang nakatambak na lumang gamit at hindi na gaanong pinupuntahan ng mga tao.Dati iyong bagsakan ng mga supplies, pero simula nang malugi ang negosyo ng pamilya ni Archie, inabandona na iyon.Alam niyang hindi na iyon ipapaayos ng kaniyang kaibigan dahil madalas din na rito dinadala ang mga taong may atraso sa lalaki para turuan ng leksyon.Wala sa sariling napalingon siya nang marinig ang tunog ng sasakya
Kung hindi pa dahil sa pagring ng kaniyang cellphone ay hindi pa magigising si Ysabela.Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata, madilim ang buong paligid. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa sofa.Dala marahil ng pagod ay hindi niya inaasahan na makakatulog sa sofa. Gamit ang kaliwang kamay, kinapa niya ang gilid ng sofa para hanapin ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.Mabilis na nasilaw ang kaniyang mga mata dala ng liwanag galing sa screen nito. Numero lang ang nakalagay doon kaya naman sinagot na lamang niya iyon at inilagay sa tainga.Nakaharap siya sa backrest ng sofa at nakasiksik doon, rinig niyang bukas pa ang television at mukhang nakatulugan niya iyon. Pero wala siyang lakas para pumihit paharap.Kaya nanatili siya sa ganoong puwesto.“Hello?”Ilang segundo rin bago nagsalita ang nasa kabilang linya.“Did I bother your sleep?” Tanong nito.Kumunot ang kaniyang noo.“Huh?”“You sound like you're from sleep.” Medyo natatawa nitong sabi.Muli niyang
“Are you jealous, Ysabela?” Tanong muli nito.Napailing siya at kung hindi pa napigilan ay baka natawa na kay Greig.God, forgive me. How could this man be so insensitive with his words?Dati ay wala naman talaga siyang pinagseselosan na babae kay Greig. Walang naging eskandalo sa pagsasama nila.Pero simula nang bumalik si Natasha, wala na siyang ibang naramdaman kung hindi ang paghihirap ng damdamin.Nagagalit siya ngayon kay Greig, bakit itatanong iyon ng lalaki?Matagal-tagal na rin niyang pilit na itinatago ang totoong nararamdaman. Sa paulit-ulit na pagpili ni Greig kay Natasha, alam na niya kung saan ang lugar niya.Umiling siya ulit, ngunit walang lumalabas na salita sa kaniyang bibig.Tumayo siya at balak na sanang iwan ang lalaki ngunit hinawakan nito ang kaliwa niyang kamay.“Are you, Ysabela?” Mariin nitong tanong.Binawi niya ang kamay kay Greig at mapait na natawa sa lalaki.“What do you think, Greig?” Hamon niya.Hinding-hindi niya aaminin sa lalaki na nakakaramdam siya
“What's the matter, Greig?” Tanong ni Patrick nang mapansin ang pagiging tahimik niya.Nasa tapat ang mga kaibigan kasama ang apat na babae.Dala-dalawa ang babae ni Patrick, ganoon din si Archie na madalas bugahan ng usok ang mukha ng babaeng nasa kanan habang h*n*h*likan nito ang leeg ng lalaki.Hindi naman siya apektado sa eksenang nagaganap sa harap niya dahil sanay siyang ganiyan si Archie sa mga babae.Ngunit hindi nito mapansin ang babaeng nasa kaliwa na kanina pa hinahaplos ang hita ni Archie.Kumuha siya ng bagong inumin at nagsindi ng sigarilyo.Mag-isa siya sa mahabang sofa habang nakatingin sa mga taong nagsasayaw sa ibaba. Nasa ikalawang palapag sila ng club kaya halos tanaw niya ang lahat ng nangyayari sa ibaba.Marami ang tao at marami rin ang mga babaeng nakakalat, pero hindi pa rin mawala ang isip niya sa mukha ni Ysabela.“Something's bothering you. Si Natasha ba?” Tanong ulit ni Patrick habang nagsasalin ng inumin.Nilingon niya ang lalaki, hindi niya magawang sagut
Umalis din si Archie pagkatapos ng saglit nitong pagbisita sa kaniya. Sa sobrang inis ay itinapon niya ang pagkain sa sahig.Bakit ba hindi na lang nito tapusin ang paghihirap niya?! Bakit kailangan na paulit-ulit siya nitong durugin?Gusto ba talaga nito na unti-unting sirain ang kaniyang katinuan?!Dahil sa matinding frustrasyon, itinapon ni Yvonne ang lahat ng gamit sa ibabaw ng mesa. Sumisigaw siya at minumura ang pangalan ni Archie.“You b*st*rd! How could you f*ck*ng do this to me?! Why don’t you just k*ll me?!”Noong umalis si Archie at naiwan siya, para siyang pinapatay sa bawat araw na lumilipas. She couldn't live without him.Hindi niya kaya na mawalay kay Archie. Kahit na alam niyang maaari siyang bumagsak kasama nito sa putikan, wala siyang pakialam basta’t kasama niya lang ito.Pinakansela ng kaniyang ama ang kanilang engagement kahit pa sinabi niyang pakakasalan niya si Archie hindi dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga pamilya, kung hindi dahil mahal na mahal niya i
Ang katotohanan na hindi siya kayang pakawalan ni Archie ay mas lalong nagpahirap sa kalooban ni Yvonne.Nobody was able to find her. Hindi nalaman ng kaniyang Mommy, ni Agatha, ni Luna, o ni Ysabela kung nasaan siya. Isang araw pagkatapos maconfine sa ospital, dinala siya ni Archie sa isang abandonadong bahay na nabili nito sa Isabela.Dalawang palapag iyon. Luma na ang mga gamit, ngunit maayos pa naman ang buong bahay. Ang desinyo ng bahay ay hango sa impluwensya ng mga Kastila. Parang daang-daang taon na ang tinagal ng bahay dahil na rin sa wala iyong tao at matagal nang hindi tinitirahan.May kasama siyang isang katulong, ngunit sa gabi umuuwi ito dahil narito sa bahay si Archie.Dalawang gabi na siya rito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Archie para gawin ito sa kaniya.Pagod na pagod na siya kay Archie. Kahit na nasa bahay ito ay hindi siya nakikipag-usap. Buong akala niya, dinala siya nito para pagsawaan na naman ang kaniyang katawan, ngunit dalawang gabi na ay hindi s
There's an unexplainable feeling inside her. Kahit na labag sa kaniyang loob, hindi siya tumutol nang ilipat siya ng mga nars sa isang private room.Puno ng katahimikan ang silid nang dalhin siya ng dalawang nars sa pribadong ward. Kakaiba ang tibok ng kaniyang puso. Mabagal, ngunit masakit. Ang galit ay nasa kaibuturan nito at isinusumpa ang pangalan ni Archimedes Garcia.Kagaya ng kaniyang inaasahan, pagkaalis ng dalawang nars ay saka naman pumasok si Archie.Nakapamulsa ang lalaki.Bago na ang damit nito at maayos na ang hitsura.Naglakad ito palapit sa kaniyang higaan at sinipat siya ng tingin.If there’s another life, if resurrection is true, I'd rather die young than be engaged with this man again. Bulong niya sa hangin.Mas pipiliin niyang isumpa at kamuhian ang lalaking ito, kaysa ibigin.Ang minahal niyang Archie ay malayong-malayo sa Archie na nasa kaniyang harap. The man in front of her is no longer a human. He must be the devil.“Does it still hurts?” Tanong nito na sinuly
Nagising siya na nakahiga na siya sa hospital bed. May bali sa kaniyang paa, may sugat siya sa tuhod at mga kamay. Kaya nang magising siya ay napansin niya ang benda sa kaniyang paa at ang ilang sugat na ngayon ay nagamot na ng mga nars.Nasa public ward siya, kasama ang ilang pasyente.Sinubukan niyang maupo, pero sobrang sakit ng buo niyang katawan na mahirap para sa kaniya na bumangon.Lumapit ang isang matandang babae, tinulungan siya nito.“Mabuti naman at nagising ka na.” Nakangiting sabi nito.Pilit siyang ngumiti at nagpasalamat sa pag-alalay nito sa kaniya.“Hindi na bumalik iyong waiter at manager na nagdala sa iyo rito. Hahanapin daw nila ang cellphone mo sa restaurant para matawagan ang pamilya mo.” Imporma ng ginang.Natigilan siya.Parang may kakaibang lamig sa kaniyang tiyan na siyang dahilan kung bakit gusto niyang masuka. Naalala niya ang nangyari sa restaurant, kung paano siya sinugod at sinaktan ni Lindsy at hamakin ni Archie.Tiningnan niya ang kaniyang mga daliri.
Tila wala pa rin pakialam si Archie kahit na nasa labas si Lindsy. Ngumisi ang lalaki nang makita ang labis niyang pamumutla.Hindi pa rin tumitigil si Lindsy sa pagkatok sa pinto.“I’m gonna break it!” Rinig niyang sigaw ni Lindsy mula sa labas.She’s a woman with class. She has been a respectable and honorable lady in a society.Mataas ang antas ng kaniyang pinag-aralan. Galing siya sa isang mayaman at respetadong pamilya. Kung makakapasok si Lindsy at makikita siya kasama si Archie, alam niyang hindi na niya maitatago ang mga sikreto niya sa dilim.Binitawan siya ni Archie. Umatras ito at napailing sa kaniya. Ramdam ni Archie ang kaniyang panginginig at takot.Archie scoffed.Mapang-insulto itong tumingin sa kaniya. Isang hakbang lang ay naabot na nito ang kaniyang bewang at hinalikan siya ng mariin.Napasinghap siya. Itinulak niya ang dibdib ni Archie, ngunit ayaw nitong lumayo.Biglang bumukas ang pinto.Nasa ganoon silang eksena nang makita sila ng mga staff at ni Lindsy. Agad n
Naibalik na niya sa loob ng kaniyang bag ang mga cosmetics nang biglang bumukas ang pinto. Nilingon niya iyon at agad siyang natigilan nang makita kung sino ang pumasok.Archie's eyes were obviously aggressive. Agad na kumabog ang kaniyang dibdib nang magtama ang kanilang tingin. Napalunok siya, nagbaba siya ng tingin at mahigpit na hinawakan ang kaniyang bag.Handa na siyang umalis, pero humarang si Archie sa kaniyang dinaraanan. Sinipa muli nito ang pinto at sumara iyon. Umatras ang lalaki at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang ini-lock nito ang pinto.“What the h*ck are you doing, Archie?” Taranta niyang tanong sa lalaki.Nagtaas ng kilay si Archie. Humakbang ito palapit sa kaniya, kaya napaatras siya. Patuloy ito sa paglapit hanggang sa maramdaman na lamang niya ang malamig na lababo sa kaniyang likod. Tumigil siya, alam sa kaniyang sarili na hindi na niya matatakasan si Archie.Itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi. May kakaibang emosyon sa mga mat
It was hard to persuade Agatha at first, but eventually, she agreed.“But if there’s anything critical in the company, we need another opinion from a professional person before we finally make a decision.” Ani Agatha.Tumango siya at ngumiti. Nauunawaan niyang hindi pa gaanong confident si Agatha sa pagbabalik nito sa business world.“Ang mahalaga, kasama kita sa paggawa ng mga desisyon para sa kompanya. I really need your help now.” Nakangiti niyang saad sa babae.Ang tanging dahilan lang naman kung bakit natatakot na ang mga investor at stock holders ay dahil sa kagagawan ni Archie. Kung susundin niya ang gusto ng lalaki, hindi na nito gagalawin ang kanilang kompanya.Hindi pwedeng mabankrupt nang tuluyan ang kanilang mga negosyo. Lalo pa ngayon na nasa ospital ang kaniyang Daddy at kailangan ng sustento, dapat gumawa siya ng paraan na maging maayos ang pamamahala sa kompanya habang nililibang niya ang d*m*ny*ng may kagagawan ng lahat ng kanilang paghihirap.Wala sa sariling napatin
Maliban kay Ysabela, si Agatha ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Yvonne. Magpinsang buo sila, ang ina ni Agatha ay kapatid ng ama ni Yvonne. Halos sabay silang lumaki at hindi mapaghiwalay noong elementarya, ngunit dahil sa ibang bansa nagkolehiyo si Agatha, nawalan sila saglit ng koneksyon.Nitong nakaraang taon lamang sila ulit nagkita dahil bumalik ang babae para sa engagement nito. Mabuti at walang nagbago sa kanilang relasyon. Malapit pa rin sila sa isa’t isa.Nang makarating si Agatha sa restaurant ay nalukot agad ang maganda nitong mukha nang makita ang kaniyang buhok.Sinubukan niyang ngumiti.“Did you cut your hair?” Tanong agad ni Agatha.Hinawakan niya ang kaniyang buhok at nagtanong, “Bakit? Hindi ba bagay sa akin?”“It looks different from before, but it looks good.” Sagot nito at saka naupo sa kaniyang harap.Maganda si Yvonne, ang kaniyang balat ay maputi ngunit hindi maputla. Natural na mapula ang kaniyang maliit na labi at ang magkabilang pisngi, matangos ang i
Hinaplos ni Lindsy ang likod ni Archie. Dahil wala itong suot na pang-itaas, nakikita niya ang mga peklat nito sa likod. Magaspang iyon sa kaniyang palad at halos hindi niya makayanan na hawakan. Naramdaman niyang nanigas si Archie dahil sa kaniyang haplos. Ang likod nito ay punong-puno ng nakakadiring mga peklat at naghilom na sugat. Kumpara sa nakakaakit na mukha ni Archie, ang likod hito’y hindi halos maatim na tingnan ng mga tao. Ang totoo, nandidiri rin si Lindsy sa mga naghilom na sugat ni Archie, ngunit hindi niya iyon ipinapahalata kay Archie. Ayaw niyang isipin nito na kagaya rin siya ng ibang tao. Dahil sa nakaraan nito, nagagawa niyang kontrolin at paamuhin si Archie. Alam niyang walang ibang tatanggap sa lalaki, kung hindi siya at ang kaniyang pamilya. Kaya para kay Archie, isa iyong malaking utang na loob. Archie was very skilled and he treated me very well. What else could I ask for? Bulong ng kaniyang isip. Maayos siyang itrato ni Archie. Maganda ang kanilang pagsa