“Are you jealous, Ysabela?” Tanong muli nito.Napailing siya at kung hindi pa napigilan ay baka natawa na kay Greig.God, forgive me. How could this man be so insensitive with his words?Dati ay wala naman talaga siyang pinagseselosan na babae kay Greig. Walang naging eskandalo sa pagsasama nila.Pero simula nang bumalik si Natasha, wala na siyang ibang naramdaman kung hindi ang paghihirap ng damdamin.Nagagalit siya ngayon kay Greig, bakit itatanong iyon ng lalaki?Matagal-tagal na rin niyang pilit na itinatago ang totoong nararamdaman. Sa paulit-ulit na pagpili ni Greig kay Natasha, alam na niya kung saan ang lugar niya.Umiling siya ulit, ngunit walang lumalabas na salita sa kaniyang bibig.Tumayo siya at balak na sanang iwan ang lalaki ngunit hinawakan nito ang kaliwa niyang kamay.“Are you, Ysabela?” Mariin nitong tanong.Binawi niya ang kamay kay Greig at mapait na natawa sa lalaki.“What do you think, Greig?” Hamon niya.Hinding-hindi niya aaminin sa lalaki na nakakaramdam siya
“What's the matter, Greig?” Tanong ni Patrick nang mapansin ang pagiging tahimik niya.Nasa tapat ang mga kaibigan kasama ang apat na babae.Dala-dalawa ang babae ni Patrick, ganoon din si Archie na madalas bugahan ng usok ang mukha ng babaeng nasa kanan habang h*n*h*likan nito ang leeg ng lalaki.Hindi naman siya apektado sa eksenang nagaganap sa harap niya dahil sanay siyang ganiyan si Archie sa mga babae.Ngunit hindi nito mapansin ang babaeng nasa kaliwa na kanina pa hinahaplos ang hita ni Archie.Kumuha siya ng bagong inumin at nagsindi ng sigarilyo.Mag-isa siya sa mahabang sofa habang nakatingin sa mga taong nagsasayaw sa ibaba. Nasa ikalawang palapag sila ng club kaya halos tanaw niya ang lahat ng nangyayari sa ibaba.Marami ang tao at marami rin ang mga babaeng nakakalat, pero hindi pa rin mawala ang isip niya sa mukha ni Ysabela.“Something's bothering you. Si Natasha ba?” Tanong ulit ni Patrick habang nagsasalin ng inumin.Nilingon niya ang lalaki, hindi niya magawang sagut
“Ayos na ba ang pakiramdam mo, Ysabela?” Nag-aalang tanong ni Manang Lora.Pinunasan niya ang bibig pagkatapos magmumog.Ipinilig niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili. Ang dali-dali niyang mahilo sa amoy ng bawang.Hinawakan niya ang tiyan at nailing sa sarili.“Ayos na po ako, Manang.” Sagot niya sa mababang boses.Pinadala ni Gretchen ang babae para tumulong sa kaniya ngayong gabi. Noon una, ayaw niya sanang tanggapin ang kasambahay dahil nakakahiya, pero ayaw nitong bumalik sa mansyon dahil siguradong sisisantehin ito ni Señor Gregory, o ni Gretchen mismo.Naawa naman siya sa babae. Ibinilin niyang pwede naman itong umalis pagkatapos siyang paghandaan ng pagkain at tulungan sa magagaan na gawain. Lalo pa't isa lang ang kuwarto sa kaniyang apartment, hindi niya kayang patulugin ang babae sa kaniyang sofa.“Nahilo lang ako kanina.” Dagdag niya nang makita ang pag-aalala sa mukha nito.Huminga ito ng malalim.“Hindi ba natin tatawagan si Sir Greig, Ysabela?” Tanong nito.Mariin s
Dumilim ang emosyon sa mga mata ni Greig. Tila bumaba ang temperatura ng silid sa lamig ng tingin nito.Hindi niya gustong makipagbangayan sa lalaki. Ayos lang sa kaniya kung sa sala na lamang siya matutulog, mas mabuti na iyon kaysa magkasama sila sa isang kama.Tinalikuran niya ito at naglakad papunta sa pinto pero bago niya pa mahawakan ang seradura nito ay nahawakan na ni Greig ang kaniyang bewang at iniangat siya sa sahig.Napatili siya kasabay ng pagkapit sa braso nito gamit ang kaliwang kamay.“Greig!” Gulat niyang sigaw.“You're not sleeping in the couch.” Malamig nitong saad.“Ibaba mo ‘ko!”Sinunod naman siya nito, ibinaba siya ng lalaki sa kama pero kinapos siya agad ng hininga nang hilahin siya nito pahiga at kubabawan.Parang ilang segundo rin na naputol ang kaniyang paghinga dahil sa ginawa nito.“You told me you're already tired, why don't we rest?”Nasa tapat niya ang mukha nito. Namumungay pa rin ang mga mata nito dahil sa pagod, at marahil dahil sa alak.Sasagot na d
Magaan ang kaniyang katawan nang magising siya. Sa unang pagkakataon, parang ang himbing ng kaniyang tulog kagabi.Nang buksan niya ang mga mata, wala na si Greig sa kaniyang tabi. Hindi niya alam kung kailan ito umalis o kung saan ito natulog.Masyadong naging mahimbing ang kaniyang pagkakatulog kagabi para malaman pa ang nangyayari sa kaniyang paligid.Dahan-dahan siyang bumangon at inilibot ang tingin.Maliit lang ang kaniyang apartment. Sapat para sa isa hanggang dalawang tao.Hindi kagaya ng villa ni Greig, malawak iyon at maraming kuwarto ang bahay. Kahit bente katao pa ang tumira.Hinding-hindi masasanay ang lalaki sa maliit na espasyo. Siguro nang makatulog siya umalis ito agad.Pinuntahan siguro si Natasha? Mapait na bulong ng kaniyang isip.Huminga siya ng malalim, ayaw niyang sirain ang kaniyang umaga.Ano naman kung wala na si Greig? Dapat lang naman.Bumangon siya at inayos ang kama. Papasok na dapat siya sa banyo para gawin ang morning routine nang pumasok si Greig.Nati
Kumatok si Manang Lora sa kaniyang kuwarto kaya pinagbuksan niya ito. Halata ang pangamba sa mga mata nito kaya nagtaka siya.“May bisita ka Ysabela.” Mababa ang boses na saad nito.Mabilis na bumaling ang tingin niya sa may pinto at nakita ang tinutukoy nitong bisita.Kumunot ang kaniyang noo.Ngumiti naman si Natasha at pumasok sa bahay kahit hindi naman niya inimbitahan. Marahan nitong inilibot ang tingin sa sala bago siya muling balingan ng tingin.“How's your wound, Ysabela?” Masuyo nitong tanong.Umasim ang kaniyang sikmura. Kahit anong pagpapanggap nitong maging maamo, alam na niya ang tunay na kulay nito.Tumuloy si Natasha sa kaniyang sofa at naglapag ng lunchbox sa maliit na mesa.Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ng babae sa kaniyang apartment. Paano nito nalaman kung saan siya nakatira?Sinabi ni Greig?“What are you doing here?” Malamig niyang tanong sa babae.Ngumiti it ng matamis.“I was just worried about you, Ysabela. You look pitiful when we went in the hospita
Mapait siyang ngumiti. Ikinuyom niya ang kamay at nalukot naman agad ang cheque.Napaawang ang labi ni Natasha nang makita ang ginawa nito. Kita ang gulat sa mga mata nito sa ginawa niya.Akala talaga nito ay hindi niya matatanggihan ang pera?“Hindi lahat ng bagay nabibili ng pera.” Itinapon niya sa dibdib ng babae ang lukot na cheque.Napamaang ito. Kita niya ang gulat at galit sa mga mata ni Natasha.“Tingin ko mas kailangan mo ng pera. Buy some manners.”Tinalikuran niya ito, ngunit mabilis itong kumilos at hinawakan ang kaniyang braso. Marahas siyang hinila pabalik at pinaharap.Dumapo sa kaniyang pisngi ang malakas nitong sampal.Napabaling siya sa kabilang direksyon dahil sa sampal nito. Malakas iyon na pakiramdam niya'y saglit na namanhid ang kaniyang mukha.Nang makabawi ay dahan-dahan niyang inayos ang sarili, humarap siyang muli sa babae at nakita ang matinding galit sa mga mata nito. Magsasalita pa lang sana si Natasha nang suklian niya ang sampal nito.Mabilis na napabali
“As you can see the sales for this month is growing, Sir. We have plotted the future plans in order to—”“Sir.” Natigil ang pagsasalita ng representative ng finance team nang pumasok si Christoff at tinawag ang atensyon ni Greig.Seryoso ang mukha nito dahilan para maging kuryuso siya.Madalas niyang ibilin sa kaniyang assistant na huwag guguluhin ang kaniyang meeting, maliban na lamang kung importante ang dahilan.Lumapit ang lalaki at ibinigay sa kaniya ang telepono.Kinunutan niya ito ng noo.“The housemaid is trying to contact you, Sir.” Imporma nito.Tiningnan niya ang telepono at tumayo para kunin iyon.“I'll be back. Let's take a break for a few minutes.”Nanatili ang mga empleyado sa meeting room habang lumabas naman siya at inilagay sa tainga ang teleponong ibinigay ni Christoff.“Sir Greig.” Bati agad ni Manang Lora.“S-sir, pasensya na. Napatawag na ako kasi natataranta ako.”“Manang Lora?”Ito ang kasambahay na kasama ni Ysabela sa apartment.Bumagal ang tibok ng kaniyang
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi.Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig.“Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig.Nagsalubong ang kilay ni Gretchen.“H-huh?”“Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig.Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig?“Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya.Umiling si Greig bilang tugon.“Hindi pa. What did she tell you?”Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig.Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman?Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa lalaki sa mga
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a