“Okay na ba, Lucy?” Baling ni Ysabela sa babae.Naguguluhan man ay tumango ito. Inilagay niya ang ilang importanteng folder sa mesa nito at ngumiti.“Don't worry, nariyan naman si Christoff. Pwede mo sa kaniya itanong ang mga bagay na hindi mo alam.” Bilin niya.Malapit nang maglunchbreak kaya kinuha na niya ang pagkakataon na ibilin lahat ng kailangan gawin at work schedule ni Greig kay Lucy.Kahit na naguguluhan ng husto si Lucy ay tumango ito.“But this is your job, right?” Nakakunot-noo nitong tanong.“Intern assistant lang ako, Miss Ledesma.” Dagdag nito.Nginitian niya ang babae.“I know, pero kakausapin ko naman si Christoff para mapromote ka sa posisyon ko. You're the most qualified for this.” Sagot niya.Gumuhit ang gulat sa mukha ng babae, hindi nito inaasahan ang kaniyang sinabi.Magsasalita na sana ito nang mag-ring ang telepono sa internal line. Binalingan niya ito ng tingin at sinagot iyon.“Come to my office.” Ani Greig sa kabilang linya.Ibinaba nito iyon at hindi na h
Mas lalong kumunot ang noo ni Greig at pinakatitigan niya ng maigi ang mukha ng babae.Ngayon agad? Aalis sila ngayon mismo para pumunta sa regional court?Hindi ba nito ipagpapaliban iyon?Ikiniling niya ang kaniyang ulo at kakaibang inis ang naramdaman para sa sarili. Pinagmasdan niya ang mukha nito, walang nagbago sa pisikal nitong anyo, pero nararamdaman niyang may kakaiba sa babae na hindi niya maipaliwanag. Waring ibang tao na ang kaniyang nasa harap.Gone the Ysabela I knew. Bulong ng kaniyang isip.“I still have an appointment with Mr. Chua later.”Kumunot ang noo ni Ysabela.“Your appointment with Mr. Chua is scheduled tomorrow morning.”Mabilis na inilabas ni Ysabela ang kaniyang cellphone para kumpirmahin iyon. Maliban sa kaniyang written schedule for Greig ay may kopya rin siya sa cellphone para hindi makalimutan.“It says here—”“He called me, and I decided to move our schedule.” Agap na tugon ni Greig.Napatitig siya sa lalaki. Lukot ang mukha nito at halatang pilit na k
Napatitig siya kay Greig at kinunutan ito ng noo. Ngayon ay tuluyang nabuhay ang pagtataka sa kaniyang puso.Hindi niya lubos na maintindihan ang kinikilos ngayon ni Greig. Hindi ba't gusto nitong pirmahan ang divorce agreement para mapabilis ang pagproseso ng divorce nila?Hindi niya iyon pinirmahan dahil hindi naman na kailangan. Susunod naman siya sa gusto nito kahit walang kapalit.Para rin naman iyon sa kaniya, kung mapapabilis ang pagproseso ng divorce paper nila ay mapapabilis din ang pag-alis niya.Ngunit bakit ganito ngayon ang tanong ni Greig?Bago pa man niya maibuka ang bibig para sagutin ang tanong nito ay ikinumpas na ng lalaki ang kamay.“Forget it.” Mabilis nitong saad.“The old man wants to see you this evening, I hope you can come to our old house for dinner.” Malamig nitong sabi.Tumuloy si Greig sa paglalakad at balak na siyang iwan ngunit mabilis niyang tinawag ang pangalan nito.Natigilan ang lalaki, unti-unti itong pumihit ulit paharap sa kaniya.“If we cannot m
Naguguluhan ang guard. Bumaling ito ng tingin kay Ysabela at napangiwi.Alam ni Ysabela na kilala siya ng guard kaya sinulyapan niya ng tingin si Danica.Hindi alam ng babae ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Greig. Pero may pakiramdam siya na kahit malaman nito ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Greig ay hindi pa rin magbabago ang tingin nito sa kaniya.“Ano pang tinat*nga-t*nga mo diyan? Paalisin mo na!”Napailing siya sa kagaspangan ng ugali nito.Umiling ang guwardiya at napakamot sa batok.“Ma'am Danica, hindi po puwede. Sisisantehin ako ni Señor Gregory kapag pinaalis ko si ma'am Ysabela.” Natatakot nitong saad.Nalaglag ang panga ni Danica sa sagot nito.“W-what?!”Namewang ang babae at matalim ang tingin sa guard.“Are you st*p*d or what? I'm Danica Ramos Lee, a Ramos. Which means ako dapat ang sinusunod mo because I'm the granddaughter of Lolo Gregory. While this girl?” Itinuro siya ni Danica.“She's no one! Kaya kahit kaladkarin mo palabas ng mansyon ang babaeng ‘to, walan
“Yes.” Mababa ang boses ni Ysabela nang sagutin niya ang lalaki.Ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kaniya kaya inihanda na niya ang sarili kung sakaling saktan siya ni Greig sa kapangahasan niya.May kaonting kirot na ngayon sa kaniyang dibdib, dahil sa pagiging impulsido niya'y magkakaroon pa ata ng problema sa kanila.Pero ano naman kung sinabi niya kay Danica ang totoo? Ilang araw na lang ay ilalakad na nila ang divorce paper.Hindi ba siya pwedeng mapagbigyan ng lalaki kahit ngayon lang?“Tingnan mo na, Kuya Greig.” Basag ni Danica sa namayaning katahimikan.“She really has the guts to say that.”Naglakad din si Danica palapit para sulsulan lalo si Greig.“We should send her out of the...” natigilan ang babae sa nakita nito.Ganoon din si Ysabela, hindi niya inaasahan na huhubarin ni Greig ang coat at ilalagay iyon sa kaniyang balikat.Inayos nito ang coat hanggang sa matakpan ang kaniyang dibdib. Lalo pa't dahil sa pagkabasa ng kaniyang dress ay bumabakat ang kaniyang bras
“Dad?” Gulat ang mukha ni Daisy nang marinig iyon sa kaniyang ama.Lumapit ang dalawang guard at hinawakan silang mag-ina. Pinalis niya ang mga kamay nito.“What the h*ck?!”“Ma'am, please.” Ani isang guard na humawak sa kaniyang braso.Nilingon ni Daisy ang matanda at hindi pa rin lubos na makapaniwala na paaalisin sila sa mansyon dahil lamang sa babaeng iyon.“Mom, do something!” Sigaw ni Danica.Ngunit wala rin silang nagawa dahil dalawa pang guard ang lumapit para tuluyan silang kaladkarin palabas ng mansyon.“Those two were my pain in the *ss.” Saad ng matanda nang tuluyang mawala sa kanilang paningin ang mag-ina.Bumaling ito kay Ysabela at naiiling.“Danica is a spoiled brat, and I must admit that Daisy failed to raise her.”“Lolo,” tawag ni Greig sa matanda.“I have to send Ysabela upstairs, kailangan niyang magpalit ng damit.”Tumango ang señor.“Matit? Samahan niyo si Ysabela nang makapagpalit na.” Malamig na saad ng matanda.Naglakad ito palapit kay Ysabela, kakikitaan pa r
Sumikip ang dibdib ni Ysabela. Alam niyang mabuting tao si Señor Gregory, at sa kabila ng malaking agwat ng kanilang estado ni Greig ay hindi siya nito nilait o pinagmalupitan.Dahil kay Señor Gregory ay nabigyan siya ng dahilan para makasama si Greig.Ngayon ay paunti-unting bumabaon ang kakaibang emosyon sa kaniyang puso.“B-baka hindi na kayanin ng tuhod niyo, Lolo.” Idinaan niya sa biro ang nararamdaman.Ngunit nauutal pa rin siya dahil sa pinaghalong kaba at guilt.“Hija, malakas pa naman ako. Kung hindi ko na kayang makipaghabulan sa mga bata ay babantayan ko nalang habang nagtatakbuhan sila diyan sa may hardin.”“Sila?” Nakakunot-noo niyang tanong, nahihiwagaan siya sa mga sinasabi nito.“Oo, sila. Gusto ko marami silang mga apo ko sa tuhod.” Nangingiti nitong sabi.Muli na naman siyang nasamid ng sariling laway.“Alam mo ba, pangarap ko ang masaya, malaki, at maingay na pamilya.” Imporma nito.Natigilan siya at napatitig sa mukha ng Señor.Nasasaktan siya ng husto sa mga sinas
Tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan at kung hindi pa dahil sa madalas na pagbuntong-hininga ni Greig ay mabibingi na siya sa katahimikan nilang dalawa.Alam niyang may nais sabihin ang lalaki ngunit hindi ito maisatinig.Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic, kaya may pagkakataon itong lingunin siya.Pinanatili niya ang mga mata sa daan.“About our divorce,” saad nito.“Don't tell Lolo about it yet.” Dagdag nito sa mababang boses.Alam niyang iyon ang bumabagabag kay Greig. Base sa interaksyon nila kanina ng Señor, wala pa talaga itong alam tungkol sa plano nilang dibursyo.Marahan siyang tumango.“Okay.” Aniya.Hindi rin niya kaya na sa kaniya mismo mangaling ang balitang iyon, baka kung mapaano pa ang matanda.Ngayon ay naisip niya, maari pa ba niyang bisitahin ang matanda kung sakaling hiwalay na sila ni Greig?Ibinaling niya ang tingin sa bintana.“You can still visit the old man even if we get divorced.”Wala sa sariling nilingon niya si Greig, akala niya'y pinaglalaruan l
"Do you still need the invitation letter?" Tanong ni Patrick nang pumasok ito sa kaniyang opisina. Mula sa pagtipa sa kaniyang laptop ay nag-angat siya ng tingin sa pinto kung saan pumasok si Patrick. Nakasuot ito ng puting long sleeve at itim na slacks. Kumunot ang kaniyang noo nang mapatitig sa buhok nito. He obviously dyed his hair with dark brown and he shaved his stubborn beard. Hindi man lang niya itinago na binabago na niya ang sarili para lang bumagay sa lugar kung saan pilit niyang isinisiksik ang sarili. Kumento ng kaniyang isip. Sinundan niya ng tingin si Patrick nang palapit na ito sa kaniyang mesa. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Ngayon na nasa malapitan na ito, saka niya napagtanto na mukhang pagod din ito sa maghapon na trabaho sa ospital. Ngumisi siya. Ngayon ay napapaisip siya kung talaga bang nakakaramdam pa ito ng pagod. Baka hindi na? Lalo pa at nakakasama nito palagi sa trabaho ang dating asawa. "Nakakapanindig balahibo kapag ngumingiti ka. Para kang n
Nang makaalis si Dra. Azuela, naglakad siya papasok ng silid. Nang matanaw siya ni Marissa na isa sa mga therapeutic staff, ngumiti ito agad. "Sir Archie." Bati nito, ngiting-ngiti. Ngumiti na rin siya pabalik. "I'm going to visit her." Imporma niya saka sumulyap kung nasaan si Yves. Tumango si Marissa. "Sure. Dalawang araw na siyang nagpipinta. Mas maayos na niyang nahahawakan ang paint brush at mas nagiging makulay na rin ang mga ipinipinta niya." Balita nito. Nasa mid-thirties na si Marissa. Ito ang madalas na kasama ni Yves kapag ganitong oras dahil hilig ng ginang ang pagpipinta at si Marissa naman espesyalista sa art therapy na nagtuturo at gumagabay dito. Magkasama silang lumapit kung nasaan si Yves. Tatlong pasyente pa ang kasama sa art therapy session. Ang lahat ng narito ay pukos lamang sa ginagawang painting. Halos hindi na pinapansin ng mga pasyente ang ibang bagay dahil sa pagiging abala sa pagpipinta. Sinilip niya ang canvas nito at nakita ang ipinipinta ng babae
Nang sumunod na araw, sinalubong siya ni Aira sa parking lot. Nakangiti itong bumati sa kaniya nang bumaba siya sa sasakyan."Good morning, Kuya Archie." Ngiting-ngiti ito sa kaniya.Ngumiti siya pabalik sa babae."Good morning din, Nurse."Binuksan niya ang backseat at kinuha ang lagayan ng special waffle na inorder niya sa paboritong café nito na kaniyang nadaanan.Nang makita ni Aira ang kaniyang dala, mas lalong bumungisngis ang babae."Kaya gustong-gusto ko na bumibisita ka, kasi palagi kaming may pagkain sa station." Natatawa nitong sabi."Kaya hindi ka pumapayat kasi ang hilig mo pa rin sa pagkain." Pang-aasar niya sa babae.Umikot naman ang mga mata nito saka humakbang palapit para kunin sa kaniya ang mga pagkain."Minsan kapag hindi nauubos ni Ma'am Yves ang pagkain niya, ako na lang ang kumakain. Kaya huwag ka nang magtaka kung hindi na ako papayat."Marahan naman siyang tumawa.Si Aira ay isa sa mga psychiatric nurse na nagtratrabaho sa pribadong institusyon kung saan naka-
May kaunting pag-asa sa puso ni Archie na unti-unting umuusbong. Iyon ang nagtutulak sa kaniya na hanapin ang babaeng nakita niya mula sa teresa. Gusto niyang makita ito sa malapitan at makausap kahit sa kaunting panahon lang. Gusto niyang makita ito. Gusto niyang makita ulit ito. Simula nang makita niya si Ysabela sa Sicily, palagi na niyang napapanaginipan ang senaryo kung kailan niya unang nakita ang babae at kung paano niya ito nahanap. Ngunit sa kaniyang panaginip, hindi si Ysabela ang kaniyang natagpuan, kung hindi... si Yvonne. Paano nga kaya kung si Yvonne ang kaniyang natagpuan sa Sicily? Paano kung si Yvonne ang aksidente niyang natagpuan nang walang alaala sa kaniya? Paano kung kagaya ni Ysabela ay buhay pa rin pala ito? Sa tuwing nagigising siya mula sa panaginip na ‘yon, hindi niya maiwasan na hindi ibulong sa hangin na sana magkatotoo iyon. Gabi-gabi siyang nangangarap na sana balang araw ay aksidente niyang matagpuan sa ibang lugar si Yvonne. Nangangarap siya na san
Sigurado si Archie sa kaniyang nakita. Hindi siya namamalik-mata at mas lalong hindi siya nagkakamali na nakita niya ang pamilyar na mukha ni Yvonne Santiago. Siya iyon, malinaw niyang natanaw mula sa terrace ng second floor ang babae.Pababa sa hagdan ay nagkasalubong niya ang ilang bisita, may ilan na bumati sa kaniya, ngunit hindi na niya nabati pabalik dahil sa pagmamadali."Archie!"Malalaki ang kaniyang hakbang, tila may hinahabol, at dahil sa pagtawag sa kaniya ni Patrick ay mas lalong napukaw ang kuryusidad ng mga tao. Sinusundan siya ng tingin ng ilang bisita, nagtataka kung ano ang nangyayari."Archie." Bati sa kaniya ni Reinella.Ang babae ay nasa bulwagan ng malaking pinto, sinalubong siya nito nang may ngiti sa labi, ngunit napanis lamang iyon nang hindi niya ito pansinim at tumuloy sa paglalakad.Nang nasa labas na siya ng mansion, tumigil siya at dali-daling inilibot ang tingin sa nagkukumpulang mga bisita.Sa sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso ay masakit na iyon.
Humugot ng malalim na hininga si Patrick. Would she allow that? Probably yes. Dahil hindi na rin naman makakapagsalita si Yvonne, kaya walang kokontra sa ideya ng kaniyang kaibigan. Teka. Hindi ba't ideya niya iyon? Hinilot niya ang kaniyang sintido. Sumasakit iyon dahil alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit naisip ni Archie ang ganitong kahibangan. "Lindsy came to my office," bigla'y naalala niya ang kaniyang pakay. "She really wants to see you. She wants to talk to you. Inaayos na ng abogado mo ang reklamo ni Lindsy Alcazar, pero mukhang hindi pera ang gusto niyang makuha. Gusto niya lang malaman kung bakit," tumigil siya at sinundan ng tingin si Archie nang abutin nito ang larawan ni Yvonne na nasa sahig. "Kung bakit hindi ka pumunta sa kasal niyo." Tuloy niya. Hindi nagsalita si Archie. Pinunasan lamang nito ang larawan at tinitigan iyon. Kumunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Archie. Mabagal itong kumurap-k
Umawang ang bibig ni Patrick, ngunit nanuyo naman ang kaniyang lalamunan.Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang nakapagpabago sa isip ni Archie para hindi ito sumipot sa kasal kay Lindsy. Buong akala niya ay buo na ang desisyon nito na magpakasal sa babae.Hindi pa sila nagkakausap ng matino simula nang mailibing si Yvonne, dahil simula nang araw na ‘yon, palagi nang tulala si Archie at hindi makausap ng matino.Hindi na ito nagtratrabaho, mas madalas niya pa itong matagpuan sa sementeryo kaysa sa opisina o condo nito. Nakaupo palagi sa tabi ng libingan ni Yvonne habang nakatulala sa lapida ng babae. Tila nakikipag-usap ngunit hindi kayang ibuka ang bibig para magsalita.Akala niya ay nagbago ang isip ni Archie dahil nabagok ito at napagtanto na hindi magandang ideya na pakasalan si Lindsy lalo na kung wala naman itong nararamdaman para rito.Ngunit mukhang mas malalim pa ang dahilan nito para hindi siputin ang babae sa kasal.Humakbang siya palapit hanggang sa maabot
Nagbuntong-hininga si Patrick, pinagmamasdan sa malayo ang kaniyang kaibigan na nakaupo sa tabi ng libingan ni Yvonne.Kagaya ng kaniyang inaasahan, dito niya matatagpuan si Archie. Ngunit nag-aalangan siyang bumaba sa kaniyang sasakyan at lapitan ito. Kaya hindi na siya tumuloy at nanatili na lang sa kung nasaan siya habang pinagmamasdan ito mula sa malayo.Malaki ang pagkakaiba ni Archie at Greig pagdating sa pagharap sa mga suliranin at kabiguan. Si Greig, hindi na halos lumabas ng bahay at ayaw na humarap sa kahit na kanino. Nagkukulong na lamang ito sa kuwarto simula nang mailibing si Ysabela.Ayaw na ayaw ni Greig na mababanggit ang pagkamatay ni Ysabela. Hindi nito matanggap na nailibing na ang asawa at hindi na umuusad ang kaso nito. Samantalang si Archie, walang araw na hindi nito binibisita ang libingan ni Yvonne. Ayaw nitong umuwi, mas gusto nito na nasa tabi lang ng libingan ni Yvonne, araw man o gabi, mainit man o umuulan.Minsan pa nga, hindi umuuwi si Archie, dito na i
Alas syete nang gabi nang pumunta si Reinella sa bahay ng mga Alcazar, kasama si Jake Olivares.Sa malaking gate pa lang ng mansion ng mga Alcazar ay ramdam na agad ni Reinella ang pagdadalawang-isip ng mga tauhan na tanggapin sila, ngunit nang sabihin ni Jake na pinadala sila ni Mr. Garcia ay pinapasok din naman sila ng guwardiya.Inilibot niya ang tingin sa mahabang harden na dinadaanan ng sasakyan at medyo nalula pa sa yaman ng mga Alcazar.Sure, she's also rich, but not this rich.Ang kaniyang Papa ay dating mayor sa Albay. Ang kaniyang Mama naman ay tagapamahala sa isang azucarera. Komportable ang kanilang buhay. Malaki ang kanilang bahay at malawak ang kanilang lupain, ngunit hindi sila nangahas na ipagyabang iyon sa ganitong paraan kagaya ng mga Alcazar.Masyadong engrande kahit na ang pathway pa lang papunta sa malaking mansion. Mararamdaman agad ng mga bisita ang nag-uumapaw na karangyaan ng pamilyang ito sa pagmamasid pa lang sa harden na may nakakamanghang landscape. Marami