“Yes.” Mababa ang boses ni Ysabela nang sagutin niya ang lalaki.Ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kaniya kaya inihanda na niya ang sarili kung sakaling saktan siya ni Greig sa kapangahasan niya.May kaonting kirot na ngayon sa kaniyang dibdib, dahil sa pagiging impulsido niya'y magkakaroon pa ata ng problema sa kanila.Pero ano naman kung sinabi niya kay Danica ang totoo? Ilang araw na lang ay ilalakad na nila ang divorce paper.Hindi ba siya pwedeng mapagbigyan ng lalaki kahit ngayon lang?“Tingnan mo na, Kuya Greig.” Basag ni Danica sa namayaning katahimikan.“She really has the guts to say that.”Naglakad din si Danica palapit para sulsulan lalo si Greig.“We should send her out of the...” natigilan ang babae sa nakita nito.Ganoon din si Ysabela, hindi niya inaasahan na huhubarin ni Greig ang coat at ilalagay iyon sa kaniyang balikat.Inayos nito ang coat hanggang sa matakpan ang kaniyang dibdib. Lalo pa't dahil sa pagkabasa ng kaniyang dress ay bumabakat ang kaniyang bras
“Dad?” Gulat ang mukha ni Daisy nang marinig iyon sa kaniyang ama.Lumapit ang dalawang guard at hinawakan silang mag-ina. Pinalis niya ang mga kamay nito.“What the h*ck?!”“Ma'am, please.” Ani isang guard na humawak sa kaniyang braso.Nilingon ni Daisy ang matanda at hindi pa rin lubos na makapaniwala na paaalisin sila sa mansyon dahil lamang sa babaeng iyon.“Mom, do something!” Sigaw ni Danica.Ngunit wala rin silang nagawa dahil dalawa pang guard ang lumapit para tuluyan silang kaladkarin palabas ng mansyon.“Those two were my pain in the *ss.” Saad ng matanda nang tuluyang mawala sa kanilang paningin ang mag-ina.Bumaling ito kay Ysabela at naiiling.“Danica is a spoiled brat, and I must admit that Daisy failed to raise her.”“Lolo,” tawag ni Greig sa matanda.“I have to send Ysabela upstairs, kailangan niyang magpalit ng damit.”Tumango ang señor.“Matit? Samahan niyo si Ysabela nang makapagpalit na.” Malamig na saad ng matanda.Naglakad ito palapit kay Ysabela, kakikitaan pa r
Sumikip ang dibdib ni Ysabela. Alam niyang mabuting tao si Señor Gregory, at sa kabila ng malaking agwat ng kanilang estado ni Greig ay hindi siya nito nilait o pinagmalupitan.Dahil kay Señor Gregory ay nabigyan siya ng dahilan para makasama si Greig.Ngayon ay paunti-unting bumabaon ang kakaibang emosyon sa kaniyang puso.“B-baka hindi na kayanin ng tuhod niyo, Lolo.” Idinaan niya sa biro ang nararamdaman.Ngunit nauutal pa rin siya dahil sa pinaghalong kaba at guilt.“Hija, malakas pa naman ako. Kung hindi ko na kayang makipaghabulan sa mga bata ay babantayan ko nalang habang nagtatakbuhan sila diyan sa may hardin.”“Sila?” Nakakunot-noo niyang tanong, nahihiwagaan siya sa mga sinasabi nito.“Oo, sila. Gusto ko marami silang mga apo ko sa tuhod.” Nangingiti nitong sabi.Muli na naman siyang nasamid ng sariling laway.“Alam mo ba, pangarap ko ang masaya, malaki, at maingay na pamilya.” Imporma nito.Natigilan siya at napatitig sa mukha ng Señor.Nasasaktan siya ng husto sa mga sinas
Tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan at kung hindi pa dahil sa madalas na pagbuntong-hininga ni Greig ay mabibingi na siya sa katahimikan nilang dalawa.Alam niyang may nais sabihin ang lalaki ngunit hindi ito maisatinig.Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic, kaya may pagkakataon itong lingunin siya.Pinanatili niya ang mga mata sa daan.“About our divorce,” saad nito.“Don't tell Lolo about it yet.” Dagdag nito sa mababang boses.Alam niyang iyon ang bumabagabag kay Greig. Base sa interaksyon nila kanina ng Señor, wala pa talaga itong alam tungkol sa plano nilang dibursyo.Marahan siyang tumango.“Okay.” Aniya.Hindi rin niya kaya na sa kaniya mismo mangaling ang balitang iyon, baka kung mapaano pa ang matanda.Ngayon ay naisip niya, maari pa ba niyang bisitahin ang matanda kung sakaling hiwalay na sila ni Greig?Ibinaling niya ang tingin sa bintana.“You can still visit the old man even if we get divorced.”Wala sa sariling nilingon niya si Greig, akala niya'y pinaglalaruan l
“I told you to stop the car.” Malamig niyang saad.Biglaan ang naging pagpreno ni Greig sa gilid ng daan. Malalim ang paghinga ng lalaki.“Have you lost your mind?” Bumaling ito sa kaniya, namumula ang mga mata sa galit.“You're so reckless! Why do you have to do this?”Ngunit ang pagtaas ng boses nito ay baliwala kay Ysabela.“Because I don't want to accompany you to her, Greig.” Agaran niyang sagot, tuluyan nang pinapangunahan ng emosyon.“Ano bang gusto mo? Na sumama ako sa iyo papunta sa kaniya? Do I really have to disrespect myself, Greig? Asawa mo pa rin ako! At kahit sa papel lang ‘yon, nakakatawa naman kung hahayaan ko ang sarili na sumama sa asawa ko papunta sa kabit niya. Isn't too much?”Napatitig ito sa kaniya, ngayon ay nawala na ang galit sa mga mata nito.“Why do you have to do this to me? Don't you think it's rude? Or that you're being cruel?”Hindi ito nakasagot kaya muli niyang hinawakan ang door handle para umalis na pero naabutan ni Greig ang kaniyang kamay, at pin
Hindi siya pumasok nang Sabado at nanatili lamang sa bahay buong araw. Nilinis niya ang buong bahay at naggrocery ng hapon para may stock ng pagkain sa refrigerator.Kinabukasan ay niyaya siya ni Yvonne na mag-shopping. Pumayag naman siya agad dahil kakaonti lamang ang mga damit niya sa apartment.Hindi niya pa rin nakukuha ang mga damit niya sa bahay ni Greig.“I'll treat you naman!” Ani Yvonne.Pinipilit siya nitong magpaface spa nang madaan sila sa spa and salon.“Ikaw na lang muna, Von.” Nginitian niyo ito.“Just send me a text message kapag tapos ka na. Kailangan ko ng bagong sala set dahil mukhang masisira na ‘yong nasa bahay. Titingin muna ako kung may magustuhan ba ako rito.”Hindi siya napilit ng kaibigan. Bigo itong tumuloy sa spa samantalang iniwan niya naman ito para ituloy ang pagsho-shopping.Totoo naman na plano niyang humanap ng bagong sala set, pero wala pa siyang pera para roon. Gusto niya lang na hindi na siya kulitan ni Yvonne na magpa-face spa. Baka hindi makabuti
Tuluyan siyang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuan. Narinig niya iyon ng malinaw.Talagang pinagyayabang pa ni Natasha si Greig?At hindi man lang itinama ng lalaki ang pagiging malisyoso ng mga clerk?Sumipa ang kakaibang emosyon sa dibdib ni Ysabela. Sumikip ang kaniyang paghinga at bahagyang lumabo ang kaniyang paningin.“Miss?” Tawag sa kaniya ng guwardiya.Lumapit ito at nagsquat. Nilingon niya ang guwardiya at napansin na nabitiwan niya pala ang mga dala-dala. Nagkalat iyon sa tiles at pinupulot na ng lalaki.“Ayos lang po ba kayo, miss?” Tanong nito.Nagsquat din siya para pulutin ang mga nagkalat na damit pang bata.“Ysabela?” Narinig niya ang boses ni Greig kaya mas binilisan niya pa.Ipinasok niya lahat sa paperbag ang mga damit pangbata sa takot na makita iyon ni Greig.Huli na niyang napansin ang libro.Si Greig pa ang pumulot no’n.“A-akin na,” hinawakan niya iyon ngunit hindi binitawan ni Greig.“What is this?” Nagtataka nitong tanong.Pinakli ni Greig ang pahina dahil wala
“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Yvonne nang mapansin ang pagiging tahimik niya.Nilingon niya ang babae at umayos ng upo.“Yeah.”“But you look like not.” Saad nito.“What happened? Kanina ka pa tahimik sa mall.”Ipinilig niya ang kaniyang ulo, hindi niya masabi kay Yvonne ang nangyari kanina.Hindi niya kayang sabihin dito ang kahibangan ni Natasha, at ang patuloy na paniniwala ni Greig sa kahibangan nito.“Napagod lang ako.” Pagdadahilan niya.Nang makarating sila sa apartment niya ay nanatili pa ng ilang minuto si Yvonne, pero dahil sa pagod ay tumuloy na siya sa kaniyang kuwarto.Hindi niya napansin na nakatulog siya kaya hindi niya alam kung anong oras umalis ang kaibigan.Hapon na nang magising siya at nakitang nag-order din pala ng pizza si Yvonne, pero dahil nakita nitong natutulog na siya ay hindi na nagbalak na gisingin pa siya.Kumuha siya ng pizza at bumalik sa kuwarto.Naupo siya sa tapat ng salamin at natulala sa sariling repleksyon.Wala naman masyadong nagbago s
“How’s Niccolò?” Agad na tanong ni Archie nang harapin niya si Greig.“Stable na ang anak ko.” Mababa ang boses na sagot ni Greig.“T*ng*n*. Buti nalang hindi gaanong malala ang nangyari kay Niccolò, kung hindi, babalatan ko ng buhay ang g*g*ng Jimenez na ‘yan!”“Ililipit na ba sa ward si Niccolò?”Tumango si Greig bilang tugon. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod at pag-aalala. Hindi siya umalis sa pintuan ng emergency room hangga’t hindi lumabas ang doktor at sinabi sa kaniyang maayos naman kahit paano ang naging examination kay Niccoló.Walang major injury at wala rin internal bleeding. Iyon nga lang, dahil hindi pa kaya ng kaniyang katawan ang nangyari sa kaniya, nagcollapse ito nang hindi na kayang indahin ng bata. Pinipilit lang pala ni Niccolò na tiisin ang lahat ng kaniyang mga pasa at sakit ng katawan.Kanina pa nagdidilim ang kaniyang paningin, at ilang beses na niyang naisip na b*r*l*n si Jimenez. Paulanan ito ng bala sa katawan hanggang sa makuntento siya, pero hindi niya gi
“Ako na, Ysabela.” Pinigilan ni Patrick si Ysabela na bumaba pa ng kama para pulutin ang basong nahulog.“Pasensya na, ‘di ko sinasadya.” Hinging-paumanhin ni Ysabela sa lalaki.Bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo at nabitiwan niya ang hawak na baso kaya nabasag tuloy nang tumama sa sahig.Umuklo si Patrick para pulutin ang kalat, sakto naman na pumasok si Athalia sa kuwarto, matamlay at medyo namumutla ang mukha ng kaniyang anak.“Athy?” Tawag niya, nag-aalala.“I don’t feel well, Mom.” Malungkot na imporma ng kaniyang anak habang lumalakad palapit.“Come here, baby.”Dahan-dahan lumapit si Athalia at umakyat sa kama. Tumingin ito kay Patrick na ngayon ay namumulot ng mga basag na parte ng baso.“What happened?” Kuryuso nitong tanong.Inilapat niya ang kaniyang palad sa noo ng kaniyang anak at pinakiramdaman, hindi naman ito mainit.“The glass slipped in my hand.” Paliwanag niya.“Patrick?” Tawag niya sa lalaki na ngayon ay dahan-dahan nag-angat sa kaniya ng tingin.“P-pwe
“Niccolò is in the police station.” Imporma ni Archie pagkatapos ng tawag galing sa isang tauhan.Nasa likod sila ng sasakyan kasunod ng van na sinasakyan ni Alhaj. Halos hindi niya nilulubayan ng tingin ang sasakyan nito, ngunit dahil sa sinabi ni Archie ay agad na napukaw ang kaniyang atensyon.Nilingon niya ang kaibigan. Nabuhayan siya ng loob.“Saan?”Binanggit ni Archie ang lokasyon ng police station. Agad niyang inutusan ang driver na magtungo roon.It only means one thing, Niccolò’s safe!Kanina pa nagmamatigas si Jimenez, ayaw sabihin sa kanila kung saan nito dinala si Niccolò. Mabuti na lamang ay may nagbalita sa kanila na isa sa kanilang mga tauhan kung nasaan ito.Inimporma ni Archie ang driver ng van na dumiretso sa stasyon ng mga pulis kung saan nakita si Niccolò. Dahil doon sila magtutungo.Ilang minuto ang lumipas ay tumigil din sa wakas ang sasakyan. Dali-daling bumaba si Greig, sumunod si Archie, at ang ilang tauhan.Patakbo siyang umakyat sa ilang baitang saka dumire
Humugot ng malalim na hininga si Alhaj. Sobrang lalim ng sugat sa kaniyang puso na hindi siguro titigil ang pagdurugo no’n.Maybe we could love each other more than friends… but we’re not meant to be lovers.Nagtagis ang kaniyang bagang at marahas niyang pinunasan ang kaniyang mga luha.Ang hirap pa rin tanggapin, na kahit minahal siya ni Ysabela, hindi pa rin iyon umabot sa puntong higit sa pagkakaibigan.Ibinaba niya ang tawag at tinakpan ang kaniyang mukha. Umiyak siya hanggang sa pakiramdam niya’y wala na siya iiyak pa.Sobrang sakit.Mukhang wala na talaga. Hanggang dito lang; hanggang dito nalang.Tumayo siya, saka isinuot ang itim na sumbrebro. Nakaitim rin siyang t-shirt at itim na pantaloon. Kahit pa alam niyang wala na siyang pag-asa, susubukan niya pa rin na umalis ng bansang ito.Maaari siyang pumunta ng Guatemala.Pagkalabas niya ng kuwartong inuukupa, sinigurado niyang maayos ang kaniyang sumbrero at hindi makikita ng buo ang kaniyang mukha.Gamit ang taxing binook na ni
“Alj, it’s not too late.” Marahang saad ni Ysabela sa kabilang linya.Kung hindi pa siguro magulo ang isip niya, baka narinig niya nang malinaw ang pagsusumamo sa boses nito.“We can still do something about this.” Panghihikayat nito.Umiling siya.“Tama si Ale, ang sama ko. Ang sama-sama kong tao, Ysabela. Nabulag ako, naging makasarili, at nakipagsabwatan kay Natasha. Nalaman ko ang tungkol sa plano niya. S-sinubukan ko siyang pigilan, Ysa.”Kinagat niya ang ibabang labi habang inaalala ang mga pangyayari ng araw na iyon. Pareho silang nasa ospital ni Natasha, siya ay para makapagpacheck-up sa kaniyang mga sugat at pasa na natamo galing kay Greig nang sumugod ito sa resthouse.Samantalang si Natasha ay nasa ospital, tinitingnan ng mga doktor. Aksidente niyang narinig na may kausap ang assistant nito, si Ada. Nabanggit ang pangalan ni Ysabela kay mas lalo siyang nakuryuso.Nalaman niyang pinapabantayan si Ysabela dahil paniguradong babalik na ito sa Manila kasama si Greig. Iyon na an
“Alhaj, what's going on? According to the news, you’ve kidnapped a kid!” Si Alessandra nang sumunod na umaga.Sinubukan niya itong tawagan para itanong kung kamusta na ang pinapalakad niyang passport at visa.“It was my son, Ale.” Sagot niya.Ipinasok niya sa bag ang ilang gamit na nakakalat sa kama.“Your son? Bella’s son?” Tanong nito.“But according to the news, it was Greig Ramos’ son with Ysabela Ledesma! Hindi ka nagsasabi ng totoo sa akin—”“Ale, please. They’re trying to frame me up. Alam mong hindi ako masamang tao. Hindi ako gagawa ng masama. Umalis ako ng Sicily, kasama ko si Niccolò, dahil hindi kami tinitigilan ni Greig. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mabawi si Bella. Please, Ale. I really need help.” Pagsusumamo niya.Narinig niya ang buntong-hininga ni Alessandra sa kabilang linya. Sinundan iyon ng pagmumura.“I’m sorry, Alj. I’m sorry. Kuya Domingo wouldn't let me meddle with your problem with Greig and Archimedes. Maimpluwensya si Archimedes Garcia, kung malaman niya
“Bakit? Totoo naman, hindi ba? Pinadala mo ang mga litrato namin ni Ysabela kay Greig at Gregory Ramos. Pinalabas mong pinagtataksilan namin si Greig, at ako ang ama ng dinadala ni Ysabela para kahumuhian nila si Ysabela. You were really a cunning b*tch. You know your way around.”Noong una, hindi naman niya talaga gustong agawin si Ysabela sa isang magulong pamamaraan. Nang malaman niyang maghihiwalay na si Greig at Ysabela, nabuhayan siya ng loob, oo.Pero hindi siya umabot sa punto na papatay na siya ng tao para lang makuha ang babaeng gusto niya.Hindi kagaya ni Natasha.“I don’t care what you want to say to me, Alhaj. Pareho lang tayo. Ginusto mong makasama si Ysabela. Ginusto mo siyang itakas!”“Itinakas ko siya dahil alam kong hindi mo siya titigilan hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo! Ano? Naging masaya ka ba nang makuha mo si Greig? Minahal ka ba niya? Napalitan mo ba si Ysabela?”“Tama na!” Sigaw ni Natasha.“Tama na!”Biglang namatay ang tawag kaya naman mapait siyang
Maraming pulis ang nagkalat, may ilang checkpoint na din sa mga highway lalo pa’t namataan na ng mga tauhan ni Greig si Alhaj.Medyo kabado na rin si Alhaj dahil alam niya, binabantayan na rin lahat ng port, pier at station. Kaya kahit taxi ay nagdadalawang-isip na siyang sumakay, baka masita sila sa isang checkpoint at mahuli siya.T*ng*n* lang talaga.Itinapon niya ang cellphone na ginamit ni Niccolò, saka humanap ng store para bumili ng bago. Kabado siya, hindi alam kung saan pa pupunta dahil tila lumiliit na ang mundo para sa kaniya.Gamit ang bagong cellphone, sinubukan niyang tawagan si Natasha. Dalawang beses na niyang sinubukan ngunit ayaw sumagot ng babae.“Niccolò.” Tawag niya sa bata, na kanina pa nakatungo at walang imik.“Nics.” Nag-squat siya sa harap ni Niccolò.Tiningnan siya nito, mugto pa ang mga mata dahil sa pag-iyak.May kakaibang lungkot at sakit ang umukupa sa kaniyang puso nang makita ang takot at pagsisisi sa mga mata ni Niccolò.“I have to… I have to leave yo
“I have loved him with all my heart, Patrick. Siguro, siguro kaya hindi ko siya no’n maalala kasi takot na takot ‘yong isip ko na kapag maalala ko siya, maalala ng puso ko kung paano ko siya minahal. At kung paano ako nasaktan sa huli.”She smiled painfully.“Wala akong maalalang maganda kay Greig. Nang bumalik lahat ng alaala ko, for a moment, nagsisisi rin ako. Kasi naintindihan ko na ngayon kung bakit naging coping mechanism ko ang magbura ng masasakit na alaala. Kasi sobrang sakit pala. Para akong namamatay sa sakit, Patrick.”“I’m sorry, Ysabela.” Nagsisising saad ni Patrick.Hindi niya alam lahat ng sakit na naramdaman ni Ysabela, ang alam niya lang, naging magulo ang relasyon ni Greig at ng babae.Baka mali siya, sana pala ay hindi na siya nagsalita pa.“Pero kahit paano, natanggap ko na, na kailangan kong harapin ang katotohanan at hindi na dapat ‘yon takbuhan pa. Anak ni Greig ang mga anak ko, may karapatan siya, at hindi ko ‘yon ipagkakait sa kaniya. Kung mabawi niya si Nicc