SYNOPSIS: Sa isang marangyang party kung saan alak ang hari at kasiyahan ang batas, nagtagpo sina Megan Anastasia Davis at Primo Rafael Giovanni—isang simpleng babae at isang bilyonaryong sanay sa luho. Sa kalasingan at kapusukan, nadala sila ng laro ng tadhana—isang “pekeng” kasal na tinawanan lang nila noon. Pero paggising nila kinaumagahan, isang legal at totoong marriage certificate ang bumungad sa kanila. Kasado. Pirmado. Walang atrasan. Gulat. Panic. Hindi makapaniwala si Megan. Paano siya napasok sa isang kasal na hindi niya ginusto? Ngunit hindi doon nagtatapos ang gulo. Habang pilit niyang hinahanap ang paraan para makawala, isang mas malalim na sikreto ang kanyang nadiskubre—si Primo ay engaged na pala sa iba! Isang arranged marriage na matagal nang planado, pero hindi niya kailanman ginusto. Ngayon, may isang babaeng lumalaban para sa lugar niya bilang legal na asawa. May isang pamilyang nagdidikta ng kapalaran ni Primo. At may isang pusong unti-unting nahuhulog, kahit na pilit lumalaban. Tatakas ba si Megan mula sa isang pagkakamaling naging totoo? O haharapin niya ang laban para sa lalaking hindi niya inaasahang mamahalin? Samantala, si Primo—mananatili ba siya sa buhay na pinili para sa kanya? O pipiliin niya ang babaeng aksidenteng dumating pero hindi na niya kayang pakawalan?
View MoreSa isang marangyang hotel suite sa London, nakaupo si Primo Giovanni sa isang leather armchair, hawak ang baso ng whisky habang tinititigan ang lalaking kaharap niya—Carlisle Jimenez, ang matagal nang secretary ng kanyang ama.Sa edad na 42, si Carlisle ay isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang tao ni Apolo Giovanni, ngunit sa kabila nito, nandito siya ngayon, lihim na nakikipagpulong kay Primo—isang bagay na siguradong ikagagalit ng kanyang boss kung sakaling malaman nito.“Alam mo bang direktang pagsuway ito sa ama mo, Primo?”Walang bakas ng kaba sa mukha ni Primo. Dahan-dahan niyang iniikot ang alak sa baso bago uminom.“Alam ko. Kaya nga kita tinawag dito, Carlisle.”Napabuntong-hininga si Carlisle, halatang hindi nagugustuhan ang sitwasyon.“Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ginagawa ‘to. Napakalaki ng transaksyong ‘to—bakit mo pinasok nang hindi man lang ako binigyan ng malinaw na paliwanag?”Ngumiti si Primo, ngunit malamig ang ekspresyon niya.“Akala ko ba matalino ka, Car
Nasa isang private meeting room sa isang high-end hotel sa Tokyo si Primo, kaharap ang isang Japanese businessman na si Mr. Takahashi. Kilala ito sa pagiging metikuloso at hindi madaling kumbinsihin sa negosyo.Mr. Takahashi: “Giovanni-san, I must say, I am intrigued by your offer. But as you know, my shares are quite valuable. The market is unpredictable, and I do not make decisions based on impulse.”Primo: “I understand, Takahashi-san. That is precisely why I am offering you a deal that guarantees maximum profit. I am willing to pay 35% above the current valuation of your shares. A price no one else will match.”Napataas ang kilay ni Mr. Takahashi, halatang nag-iisip.Mr. Takahashi: “35%? That is indeed generous, but why the urgency? Why are you so eager to buy my shares?”Ngumiti si Primo, iniwasan ang direktang sagot.Primo: “Let’s just say, I see an opportunity others fail to recognize. And I want to ensure I secure it before the market shifts.”Sandaling tumahimik si Mr. Takaha
Nanatiling tahimik si Megan habang iniisip ang mga sinabi nina Alice, Laurence, at Sunny. Totoo naman ang lahat ng sinabi nila—wala siyang utang kay Primo, wala siyang dapat ipaglaban, lalo na kung siya lang naman ang lumalaban mag-isa. Pero sa kabila ng lahat, ang sakit pa rin.Huminga siya nang malalim, saka marahang nagtanong.“Kayo… anong tingin niyo kay Allison?”Napatingin sina Alice at Laurence kay Sunny. Napansin ito ni Megan, kaya nagtaka siya.“Bakit?”Hindi agad nagsalita si Sunny, parang nag-aalangan. Pero sa huli, bumuntong-hininga siya at nag-ayos ng upo.“Ayoko sa kanya,” diretsong sabi nito.Napasinghap si Megan. Hindi niya inaasahan ang prangkang sagot ni Sunny.Nagkibit-balikat si Sunny. “Never ko siyang nagustuhan.”Nag-angat ng kilay si Laurence. “Seryoso? Akala ko okay lang siya sayo.”“Hindi,” madiin na sagot ni Sunny. “Kilala natin si Primo. Hindi niya mahal si Allison, at alam natin lahat kung bakit siya pumapayag sa kasal na ‘yan.”Napatingin si Megan kay Sunn
Magdamag na nakatulala lang si Megan sa kisame ng kanyang maliit na apartment. Halos hindi siya nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang nangyari kagabi—ang yakap ni Primo, ang desperasyong naramdaman niya sa bawat pintig ng puso niya, at ang matinding sakit nang marinig niyang wala na silang dahilan para magkita.Hindi na niya dapat iniisip ito. Hindi na niya dapat iniiyakan. Pero bakit ang sakit-sakit?Mahigpit niyang niyakap ang kumot, pilit na pinipigilan ang muling pag-agos ng luha. Pero kahit anong gawin niya, dumadaloy pa rin ito sa gilid ng kanyang mukha.Pinilit niyang bumangon nang umaga, pero nang tumayo siya, para siyang idinapa ulit ng bigat sa kanyang dibdib. Napaupo siya sa gilid ng kama, tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga palad, at tahimik na umiyak.Isang oras pa siyang nagpakalunod sa sakit bago niya naisipang mag-text sa café.Megan: Boss, masama po pakiramdam ko. Hindi po ako makakapasok ngayon.Saglit lang at nag-reply ang manager niya.Manager
Dahan-dahang isinara ni Megan ang locker niya, kinuha ang bag, at huminga nang malalim bago lumabas ng staff room.Tapos na ang shift niya. Sa wakas.Malamig ang simoy ng hangin paglabas niya ng café. Gabi na, pero hindi pa siya uuwi. Gusto niyang dumaan muna sa malapit na convenience store para bumili ng ilang gamit. Siguro bibili na rin siya ng ice cream. Deserve niyang mag-reward sa sarili, kahit paunti-unti.Mabigat ang katawan niya matapos ang buong araw na trabaho, pero mas mabigat ang puso niya.Kanina lang, dumaan si Primo sa café. At hindi lang siya basta dumaan—pinuntahan siya nito, hinarap siya sa harap ng maraming tao, at mas lalo lang niya naramdaman kung gaano kahirap umiwas sa lalaking minsan niyang minahal.Hindi, hindi lang minsan. Hanggang ngayon.Megan bit her lip, inis sa sarili. Hindi na dapat siya ganito. She should be moving on. Primo was going to marry Allison soon.Hindi na siya dapat naapektuhan.Pinilit niyang alisin sa isip ang lahat at naglakad nang mabili
“Miss, pwedeng pakiulit ng order?” tanong ng isang customer, nakakunot ang noo.Megan snapped out of her thoughts. Masyado siyang nalibang sa pag-aayos ng mga baso sa counter kaya hindi niya napansin na nakatayo na pala sa harapan niya ang isang customer.“Ah, sorry po!” Napangiti siya ng pilit bago tinipa ulit sa register ang order ng lalaki.“Isang caramel macchiato at isang blueberry cheesecake,” mabilis niyang sabi, pinindot ang confirm order bago ngumiti ulit.The man sighed but nodded, clearly annoyed. Megan exhaled discreetly. Ilang linggo na siyang nagtatrabaho sa café na ito, at kahit na gusto niyang maging normal ang lahat, mahirap talagang hindi marinig ang pangalan ni Primo kahit saan siya magpunta.Kahit sa café, hindi siya nakakaligtas.“She’s so lucky,” narinig niyang sabi ng isang babae mula sa malapit na table. “I mean, to be the future Mrs. Giovanni? I can’t imagine what it’s like to marry someone like Primo.”“Oh my God, have you seen their pre-nup photos? Sobrang b
Pagkatapos ng pre-nup photoshoot, hindi na nag-aksaya ng oras si Primo. Kinuha niya ang coat niya at dumiretso sa labas ng studio, hindi man lang nilingon si Allison. His patience had reached its limit.Ngunit bago pa siya makalayo, biglang humarang si Allison sa harap niya.“Primo, saan ka pupunta?”Pinisil ni Primo ang sentido niya. “May gagawin ako.”“May gagawin o pupunta ka sa babae mo?” Malamig ang tono ni Allison.Saglit na pumikit si Primo, pinipigilang sumabog sa harap ng napakaraming tao. “Allison, huwag mong idamay si Megan dito.”Napangisi si Allison, pero halatang galit. “Bakit ba siya mo pa rin pinoprotektahan? Alam mo bang nakakahiya na ikaw mismo, hindi interesado sa kasal natin?”“Ikaw lang naman ang may gusto nito,” diretsong sagot ni Primo.Naningkit ang mga mata ni Allison. “Ano?!”“You heard me,” malamig na sagot ni Primo. “Ikaw lang ang may gusto ng kasal na ’to. Kung ako ang tatanungin, wala akong pakialam dito.”“Kung wala kang pakialam, bakit mo ako hinayaan?!
Nagpatuloy si Megan sa normal niyang buhay.Trabaho. Bahay. Trabaho. Bahay.Ganoon na lang ang naging paulit-ulit niyang routine. Sa umaga, gigising siya, maghahanda para sa trabaho, tatapusin ang shift niya sa café, at uuwi sa apartment niya na pagod at walang ganang gumawa ng kahit ano.Akala niya, kapag bumalik siya sa normal na buhay, magiging madali na ang lahat. Akala niya, kapag iniwasan niya ang lahat ng may kinalaman kay Primo, tuluyan na niyang makakalimutan ito.Pero mali siya.“Did you hear? Kasal na next month sina Primo Giovanni at Allison Arcelli!”Napapitlag si Megan nang marinig ang pangalan ni Primo mula sa isang grupo ng mga customer na nakaupo malapit sa counter.Hindi niya dapat pinapansin. Hindi niya dapat pinapakinggan. Pero para bang may sariling isip ang tenga niya—hindi niya mapigilang marinig ang usapan ng mga tao.“Nakakakilig, ‘no?” sabi ng isang babae. “Perfect match sila. Imagine, parehong mayaman, parehong galing sa powerful families. Hindi na ako magug
Pagkatapos ng lahat ng sakit at gulong pinagdaanan niya, nagdesisyon si Megan na bumalik sa normal niyang buhay. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula ulit, pero isang bagay ang sigurado siya—hindi siya pwedeng manatili sa nakaraan.Nakahanap siya ng trabaho sa isang café malapit sa apartment niya. Hindi ito marangyang trabaho, pero ayos na rin. Ang mahalaga, may ginagawa siya.Magsisimula na naman siyang bumuo ng panibagong buhay.“Good morning, Miss Megan!” masiglang bati ni Pia, isa sa mga barista sa café.Ngumiti si Megan habang sinusuot ang apron niya. “Good morning din! Ano ba ang kailangan kong gawin?”“Dito ka muna sa counter. Ikaw ang magse-serve ng drinks sa customers.”Tumango si Megan at pumwesto na sa likod ng counter. Masaya siyang pinagmasdan ang ambiance ng café. Malamig ang aircon, may jazz music sa background, at mababango ang bagong timplang kape.Pero kahit gaano ka-peaceful ang paligid, hindi maiwasang kabahan si Megan. First day niya sa trabaho, at gusto ni
Hindi siya makahinga. Hindi siya makagalaw. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Ang boyfriend niyang si Jairus… kasama ang bestfriend niyang si Frida. Hubad. Magkayakap. Halos maglamutakan sa isang kama na hindi sa kanya.“Putangina…” nanlalabo ang paningin ni Megan dahil sa luha. Pilit niyang hinahabol ang paghinga habang paulit-ulit niyang pinapanood ang video. Eight years. Walong taon silang magkaibigan ni Frida. Alam ni Frida kung paano niya kamahal si Jairus. Alam ni Frida kung paano siya naging tanga sa lalaking iyon. Pero anong ginawa niya? Siya mismo ang sumira ng lahat.Sa halip na tawagan si Jairus, bumangon si Megan at tinungo ang bahay ni Frida. Naging mabilis ang kilos niya—wala siyang pakialam kung may makakita sa kanya, wala siyang pakialam kung gulo ang dala niya. Wala na siyang pakialam.Pagkabukas ng pinto, wala siyang sinayang na segundo. Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Frida.“Megan—”“Paano ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments