Hindi pa man sumisikat ang araw, isang malakas na katok ang gumising kay Megan.
“Megan! Wake up!” Napabalikwas siya ng bangon, halos mahulog sa kama sa sobrang gulat. “Ano ba?!” Pagtingin niya sa orasan, alas-sais pa lang ng umaga! Nagbukas ang pinto at pumasok si Sunny, mukhang overly energetic kahit sobrang aga pa. Hawak nito ang phone niya, at sa isang iglap, itinutok iyon sa mukha ni Megan. “Congratulations, girl! You’re trending!” Nagkandapilipit si Megan habang inagaw ang phone para tingnan ang sinasabi nito. Pagbukas niya ng social media, halos manlaki ang mata niya. “BREAKING NEWS: Primo Giovanni’s Wild Night with His Secret Wife—Caught on Cam!” Kasama sa article ang picture nila ni Primo kagabi—yung sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa sa Truth or Dare challenge. Diretso siyang tumakbo palabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Sa sala, nakaupo si Primo, Levi, Laurence, at ilang ibang kamag-anak nito. May mga laptop at phones sa harapan nila, halatang may crisis meeting. “Primo, this is bad,” seryosong sabi ni Laurence. “The media is going crazy.” “Bad? No, this is entertaining!” natatawang sabi ni Levi. “Look at this headline—’The Billionaire’s Accidental Wife: A Marriage Full of Scandals!’ Damn, sounds like a romance novel!” “Bakit parang ang saya mo?!” sigaw ni Megan habang nagmamartsa papunta sa kanila. “Ako ang nandun sa headline na ‘yan!” Primo sighed and rubbed his temple. “Calm down, Megan.” “Calm down?! How the hell am I supposed to calm down?!” Itinuro niya ang phone kay Primo. “LOOK AT THIS!” Binasa nito ang article at nag-angat ng tingin sa kanya. “Huh. Nice angle.” “PRIMO!” Napatawa si Levi habang si Laurence ay umiling. “This isn’t just about the article,” sabi ni Laurence. “The press is already outside the villa.” Nag-freeze si Megan. “Nasa labas sila?! As in—right now?!” Laurence nodded. “And they won’t leave until they get an exclusive statement from you two.” Megan groaned and covered her face. “This is a nightmare.” Primo smirked. “No, this is just the beginning.” Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matandang lalaki na mukhang mas matapang pa kay Laurence. Lahat ay natahimik. Pumasok si Hugo Giovanni—ang patriarch ng pamilya. Naglakad si Hugo papunta kay Primo, bakas sa mukha nito ang matinding awtoridad. Lahat ay napatayo, kasama si Megan, na biglang kinabahan. “Primo,” malamig ang boses ng matanda. “What the hell is going on?” Primo leaned back on his chair, expressionless. “Morning to you too, Lolo.” “Don’t play games with me,” singhal ni Hugo. “Nasa lahat ng balita ang pangalan mo, at ang pangalan ng pamilyang ito. Bakit nandito pa rin ang babaeng ‘yan?!” Napasinghap si Megan. Damn, okay. Diretso agad sa insulto. “Her name is Megan,” mahinang sabi ni Primo, pero ramdam ang tensyon sa boses niya. Ngumisi si Hugo. “Megan. Fine. Let me ask you then, Megan—ano ang plano mo? Balak mo bang gamitin ang sitwasyong ‘to para makakuha ng pera mula sa amin?” “What?!” Gulat na napaatras si Megan. “Excuse me?!” Nagtaas ng kilay si Hugo. “Lahat ng nangyayari ngayon ay dahil sa isang kasal na hindi ko inaprubahan. At sa tingin mo ba, tatanggapin kita bilang asawa ng apo ko?” Naningkit ang mata ni Megan. Alam niyang matapang siya, pero hindi siya tanga para makipag-away sa isang Hugo Giovanni. Nagising bigla si Primo at tumayo, naglalabas ng matinding presence. “Lolo, you’re being rude.” Humarap si Hugo sa apo niya. “I am saving this family’s reputation.” Nagtagpo ang tingin nilang dalawa. Walang bumibitaw. Nakaramdam si Megan ng pressure. Damn, para akong nasa gitna ng mafia showdown. Hindi siya sigurado kung paano ito tatapusin— Hanggang sa biglang nagsalita si Sunny. “Hey, Grandpa, maybe we should just throw them a honeymoon trip para bumaba ang issue?” Nagkatinginan ang lahat. “Sunny, anong pinagsasabi mo?” inis na sabi ni Laurence. Pero ngumisi lang ito at nagpatuloy. “Think about it! If we make it look like they’re madly in love and off to a secret honeymoon, the press will shift their focus on something romantic instead of scandalous!” Megan’s eyes widened. “WHAT?!” Tumawa si Levi. “Oh my god, that’s genius.” Primo sighed. “That’s stupid.” “Not really,” ani Laurence, mukhang nag-iisip. “It could work. Pero hindi lang ‘to basta vacation. Dapat mukhang totoo.” “What the hell does that mean?” tanong ni Megan, kinakabahan. Ngumisi si Laurence. “It means, Megan… you and Primo have to act like you’re madly in love.” Nag-freeze si Megan. “What?!” Nagkibit-balikat si Primo. “Told you. This is just the beginning.” Sa loob lang ng isang oras, na-finalize agad ang plano. “You’re flying to Santorini tomorrow,” sabi ni Laurence habang inaayos ang documents. “A week-long vacation. Public appearances, couple dates, social media posts. Make sure the world sees how ‘in love’ you are.” “Hindi ako pumayag dito!” protesta ni Megan. “Hindi ka rin pumayag sa kasal pero nandito ka na,” Levi smirked. “Gago ka!” Tumawa lang si Levi. Ngunit bago pa makapagsalita si Megan ulit, tumayo si Hugo. “This will be your last chance, Megan,” aniya, matalim ang tingin. “Prove that you belong in this family. Or else…” Hindi na nito tinapos ang sasabihin, pero ramdam ni Megan ang banta. Lumapit si Primo sa kanya, bumulong sa tenga niya. “Handa ka na bang maging asawa ko sa harap ng buong mundo?” Megan gulped. Damn it. She was really in trouble now.Walang tulog si Megan buong gabi. Kahit anong balikwas niya sa kama, hindi mawala ang kaba sa dibdib niya. A fake honeymoon with Primo? In Santorini? With the whole world watching?Putangina, anong pinasok ko?Bumuntong-hininga siya at tumayo mula sa kama. Kailangan niyang mag-isip. Hindi siya pwedeng magmukhang tanga bukas.Paglabas niya ng kwarto, napansin niyang gising pa si Primo, nakaupo sa sala at may hawak na baso ng whiskey.“Di ka makatulog?” tanong nito nang mapansin siya.“No thanks to you,” sagot niya, sabay upo sa kabilang sofa. “Primo, paano mo nagagawang maging chill sa lahat ng ‘to?”Ngumiti lang si Primo. “Sanay na ako.”“Sanay?”“In this family, you either adapt or get crushed.”Hindi agad nakasagot si Megan.Tiningnan siya ni Primo, halatang may gusto itong sabihin pero nag-alinlangan. Maya-maya, nagbuntong-hininga ito.“You really want to survive this?” tanong ni Primo.Napakunot ang noo ni Megan. “Anong ibig mong sabihin?”Humilig si Primo sa sofa, naglalaro ang d
Hindi pa man siya nakakababa ng eroplano, pakiramdam na ni Megan na isa siyang endangered species na papasok sa teritoryo ng mga gutom na buwaya.Paglabas nila sa private jet, kumislap ang daan-daang camera mula sa press na nag-aabang sa kanila. Paparazzi, reporters, fans—lahat na yata ng klase ng tao na may hawak na cellphone ay andoon.Napalunok si Megan. Damn it.“You okay?” tanong ni Primo habang nakahawak sa bewang niya.Nope. Hindi siya okay. Pero wala siyang choice.Game face on.Huminga siya nang malalim at ngumiti. “Of course. Honeymoon, ‘di ba?”Habang naglalakad sila papunta sa private car, may biglang sumigaw mula sa crowd.“KISS HER!”What the f—?!“Honeymoon kiss!” may isa pang sigaw.At bago pa niya ma-process ang lahat, sabay-sabay nang nagsigawan ang mga tao.“KISS! KISS! KISS!”Nag-freeze si Megan. Putangina. Wala ‘to sa usapan!Mabilis niyang nilingon si Primo, pero ang gago, mukhang hindi man lang nababahala.“Primo—” bulong niya, pero hindi ito sumagot.Instead, n
Nanlamig ang pakiramdam ni Megan nang makita kung sino ang nasa harap nila.Si Allison Arcelli.Ang supposed-to-be fiancée ni Primo.Matangkad, maganda, at mukhang hindi natitinag. Suot nito ang isang mamahaling trench coat, na para bang dumaan lang saglit sa airport para sumugod dito. Pero ang talagang nakakatakot? Ang titig nitong diretso kay Megan.It was sharp. Calculated. And undeniably hostile.Pakiramdam ni Megan, para siyang nahuli sa isang eksenang hindi niya inaasahan—o mas tamang sabihin, isang eksenang hindi niya kailanman gugustuhing mapasukan.Mataas ang kilay ni Allison habang tumatayo sa pinto, hindi man lang nag-abala na hintayin ang paanyaya ni Primo bago pumasok.Napalunok si Megan.Oh, God. This is bad.Pumasok si Allison nang hindi hinihintay ang paanyaya. Napaatras si Megan habang pasimpleng humawak si Primo sa braso niya.“Allison,” malamig na bati ni Primo, pero hindi siya pinansin ng babae.Sa halip, pinasadahan ni Allison ng tingin ang paligid, para bang sinu
Hindi pa man lubusang nag-sink in kay Megan ang presensya ni Allison, biglang bumukas ang pinto. Kasabay ng malamig na hangin mula sa labas, isang presensyang hindi niya inaasahang makikita muli ngayong gabi ang pumasok. Si Enzo Moretti. Nakapamulsa ito habang may bahagyang ngiti sa labi, pero ang tingin nito? Walang bahid ng kaswalidad. Matalim. Mapaglaro. At puno ng isang bagay na hindi pa matukoy ni Megan. “Am I interrupting something?” Naramdaman ni Megan ang paninigas ng katawan ni Primo sa tabi niya. Halos marinig niya ang pigil na buntong-hininga nito—isang malinaw na senyales na hindi ito natuwa sa pagdating ni Enzo. Lumingon si Primo nang matalim kay Enzo. “Anong ginagawa mo rito?” Ngumisi si Enzo. “Nice question.” Napalunok si Megan. Napatingin siya kay Enzo, pero bago pa siya makapagtanong, lumingon si Allison kay Enzo na halatang hindi rin natuwa sa presensya nito. “Huwag mong sabihing sinundan mo ako rito,” malamig na sabi ni Allison. Tumaas ang kil
Nang masigurong wala na sina Allison at Enzo, malalim na bumuntong-hininga si Megan. Pero imbes na mapanatag siya, lalo lang siyang kinabahan.She could still feel the lingering tension in the room, especially from Primo.Tahimik ito. Masyadong tahimik.Kahit hindi niya ito tingnan, ramdam niya ang bigat ng tingin nito sa kanya.At sa isang iglap, bago pa siya makalayo, hinawakan siya ni Primo sa braso at itinulak sa pader.Nanlaki ang mata ni Megan nang maramdaman ang pader sa likod niya. Mabilis ang tibok ng puso niya, hindi lang dahil sa bilis ng pangyayari, kundi dahil sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Primo.Matalim. Masidhi. At puno ng emosyon na hindi niya agad maipaliwanag.Pero hindi niya kailangang itanong kung ano iyon.“Anong sinabi niya sa’yo?” malamig na tanong ni Primo.Nanuyo ang lalamunan niya. “Ha?”“Si Enzo,” madiin ang boses ni Primo. “May sinabi siya sa’yo.”Hindi niya maintindihan kung bakit parang desperado itong malaman ang sagot.Pinakawalan siya ni Primo at
Tahimik na nakatayo si Primo sa harap ni Megan, nakatitig sa kanya na parang sinusuri kung seryoso ba ito sa sinabi niya.Kasali na siya rito.Megan knew she wasn’t supposed to say that. Dapat ay lumayo na siya, dapat ay hindi siya nagpapaka-engot sa sitwasyong ito. Pero sa kabila ng lahat, hindi niya magawang umalis.There was something about Primo that pulled her in.At kahit anong pilit niyang iwaksi ang emosyon na unti-unting lumalalim sa puso niya, hindi niya kayang lokohin ang sarili niya.“Alam mo bang wala kang idea kung anong pinapasok mo?” basag ni Primo sa katahimikan.Napatingin si Megan sa kanya.Hindi na ito galit. Hindi na rin matigas ang ekspresyon nito.Sa halip, may halong lungkot ang mga mata nito, na parang may pilit na tinatago.“You say you’re part of this,” patuloy ni Primo, marahang naglakad papalapit sa kanya. “But do you even understand what that means, Megan?”Hindi siya sumagot.“I don’t want you involved,” marahang dagdag ni Primo. “Hindi kita kayang prote
Megan still couldn’t move.Hindi niya alam kung dahil sa pagkabigla o dahil ayaw lang talagang gumalaw ng katawan niya matapos maramdaman ang mainit na labi ni Primo sa kanyang noo.Good morning?!Ano ‘to, bagong routine niya sa umaga?Bago pa siya tuluyang makapag-isip ng matinong sagot, naramdaman niyang gumalaw si Primo. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at nag-inat, pero nanatili ang isang braso nitong nakapatong sa kanya—parang sinasadya nitong hindi siya pakawalan.She swallowed hard.Primo yawned, stretching his arms. “Hmm. That was a good sleep.”Napakurap si Megan.Good sleep daw? Eh siya halos hindi nakatulog!Primo glanced at her, then smirked. “You’re still staring.”Megan’s face turned red. “Hindi ako nakatingin!”Mabilis siyang tumalikod para lang maramdaman ang mabigat na bisig ni Primo na muling umakap sa kanya.“Primo!” reklamo niya, pilit na inaalis ang bisig nito.Ngunit imbes na pakawalan siya, lalo lang nitong hinigpitan ang yakap.“Five more minutes,” he mumbled a
Isang Gabi, Isang LihimMegan lay on the bed, staring at the ceiling.Tahimik ang buong silid, pero ang isip niya? Gulo-gulo.She should be asleep by now.Pero hindi siya dalawin ng antok.Lalo na’t kasama niya sa isang kwarto si Primo.Bumaling siya sa gilid, pilit ipinipikit ang mga mata. Pero kahit anong gawin niya, bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina—ang mga sinabi ni Primo, ang titig nito, ang init ng katawan nito noong hinawakan siya.Megan groaned, hinila ang unan at tinakpan ang mukha niya.Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin?!She took a deep breath and sat up.Napatingin siya sa wall clock.1:27 AM.Napangiwi siya. Hindi pa rin siya makatulog.Maybe she needed water.Tumayo siya mula sa kama, lumabas ng kwarto, at dumiretso sa mini bar.Ngunit pagdating niya roon—She stopped.Doon, nakaupo sa tabi ng malaking bintana, si Primo.Nakasandal ito sa salamin, walang suot na pang-itaas, tanging maluwag na sweatpants lang ang suot nito.Nakatagilid ito, hawak ang isang basong wh
Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng
Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin
Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo
Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.
Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”
Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp
Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa
Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka
Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag