Megan still couldn’t move.Hindi niya alam kung dahil sa pagkabigla o dahil ayaw lang talagang gumalaw ng katawan niya matapos maramdaman ang mainit na labi ni Primo sa kanyang noo.Good morning?!Ano ‘to, bagong routine niya sa umaga?Bago pa siya tuluyang makapag-isip ng matinong sagot, naramdaman niyang gumalaw si Primo. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at nag-inat, pero nanatili ang isang braso nitong nakapatong sa kanya—parang sinasadya nitong hindi siya pakawalan.She swallowed hard.Primo yawned, stretching his arms. “Hmm. That was a good sleep.”Napakurap si Megan.Good sleep daw? Eh siya halos hindi nakatulog!Primo glanced at her, then smirked. “You’re still staring.”Megan’s face turned red. “Hindi ako nakatingin!”Mabilis siyang tumalikod para lang maramdaman ang mabigat na bisig ni Primo na muling umakap sa kanya.“Primo!” reklamo niya, pilit na inaalis ang bisig nito.Ngunit imbes na pakawalan siya, lalo lang nitong hinigpitan ang yakap.“Five more minutes,” he mumbled a
Isang Gabi, Isang LihimMegan lay on the bed, staring at the ceiling.Tahimik ang buong silid, pero ang isip niya? Gulo-gulo.She should be asleep by now.Pero hindi siya dalawin ng antok.Lalo na’t kasama niya sa isang kwarto si Primo.Bumaling siya sa gilid, pilit ipinipikit ang mga mata. Pero kahit anong gawin niya, bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina—ang mga sinabi ni Primo, ang titig nito, ang init ng katawan nito noong hinawakan siya.Megan groaned, hinila ang unan at tinakpan ang mukha niya.Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin?!She took a deep breath and sat up.Napatingin siya sa wall clock.1:27 AM.Napangiwi siya. Hindi pa rin siya makatulog.Maybe she needed water.Tumayo siya mula sa kama, lumabas ng kwarto, at dumiretso sa mini bar.Ngunit pagdating niya roon—She stopped.Doon, nakaupo sa tabi ng malaking bintana, si Primo.Nakasandal ito sa salamin, walang suot na pang-itaas, tanging maluwag na sweatpants lang ang suot nito.Nakatagilid ito, hawak ang isang basong wh
Nagising si Megan sa lambot ng kama, hinahanap ang presensya ni Primo, pero wala ito sa tabi niya. She groggily sat up and stretched, enjoying the quiet morning—pero saglit lang ang katahimikan.Biglang bumukas ang pinto.“Megan! Bangon ka na!”Napadilat siya at nakita si Sunny na nakasilip sa pinto, may nakakalokong ngiti sa labi.“H-ha? Anong meron?” inaantok pang tanong niya.“May laro tayo,” sabi ni Sunny, saka lumapit at hinila ang kumot niya.“Ano ba?!” reklamo niya, pero hindi na siya pinansin nito.Then, narinig niya ang malakas na tawanan sa labas.“Oh, hell no.”Alam niyang hindi ito isang ordinaryong umaga.Pagbaba niya, nadatnan niyang nakaupo na sina Laurence at Alice sa may terrace, parehong may dalang juice at mukhang may nilulutong masama. Si Primo naman, nakahalukipkip at mukhang hindi natutuwa.At si Sunny? Ngiting-ngiti.“Kita mo ‘to, Alice? Ang bagal ni Megan!” tukso ni Sunny.“Bagal mo, girl,” sabat ni Laurence.Megan groaned. “Ano bang meron?”Alice smirked. “Mag
Matapos ang isang umagang puno ng tawanan at laro kasama ang mga pinsan ni Primo, pakiramdam ni Megan ay para siyang nabunutan ng tinik. Hindi niya inasahan na magiging ganoon kasaya ang araw nila—lalo na kasama ang mga Giovanni cousins na palaging puno ng enerhiya.Nakatambay sila ngayon sa poolside, nagpapahinga at nagkukwentuhan habang tinatamaan ng mainit na araw.“Next time, dapat may mas extreme tayong game,” mungkahi ni Sunny habang sumisimsim ng malamig na inumin.Laurence chuckled. “Baka naman gusto mo na lang ng survival game, Sunny.”“Why not?” Nagkibit-balikat ito. “Para lang ‘to sa mga matatapang.”Alice snorted. “Sige, ikaw na matapang.”Habang nagtatawanan ang lahat, napansin ni Megan na tahimik si Primo. Kanina pa ito nakasandal sa upuan, hawak ang cellphone at parang may hinihintay.She frowned. “Okay ka lang?”Hindi ito agad sumagot. Then—Nag-vibrate ang cellphone ni Primo.Halos kasabay nito, biglang nag-iba ang expression niya.Megan watched as he stared at the sc
Napaatras si Megan nang makita ang lalaking nasa pinto. Hindi niya kilala ito, pero sa paraan ng pagtitig nito sa kanya, alam niyang may masama itong balak.“Who are you?” she asked again, her voice shaking.Ngunit imbes na sumagot, mabilis siyang hinawakan nito sa braso at hinila palapit.“Hey! Ano ba?!”“Megan!” sigaw ni Alice.Bago pa siya makasigaw ulit, lumitaw mula sa dilim ang tatlong lalaki, pawang armado ng baril.Nag-freeze ang lahat.“Don’t move,” malamig na sabi ng isang lalaking may hawak na pistol. “Unless you want this to end badly.”Megan’s heart pounded.“Let her go!” sigaw ni Sunny, galit na galit.Ngunit lalo pang hinigpitan ng lalaki ang hawak kay Megan.“Hindi kami nandito para makipaglaro,” aniya. “Sumunod na lang kayo.”At bago pa makagalaw sina Sunny, Laurence, at Alice—Narinig niya ang pagputok ng baril.BANG!Nanlaki ang mata ni Megan.Isang bala ang tumama sa sahig, malapit sa paa ni Laurence. Napaatras ito, kasabay ng pagkakamanhid ng buong katawan niya sa
Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng apartment ni Megan.Pero hindi ito kasing lamig ng nararamdaman niya ngayon.Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang bumalik siya. Tatlong araw simula nang mapirmahan niya ang divorce papers. Tatlong araw ng pananahimik at pagsubok na intindihin ang lahat ng nangyari.Dapat masaya siya, hindi ba?Dapat gumaan ang pakiramdam niya, kasi tapos na ang lahat.Pero bakit ang bigat-bigat pa rin sa dibdib niya?Napailing siya at hinigpitan ang pagkakabalot ng sarili sa kumot. Tumitig siya sa maliit niyang sala, sa kawalan, at pilit iniiwasang bumalik sa mga alaala ng nakaraang araw.Pero kahit anong pilit niyang takasan ang sakit, bumabalik pa rin ito.Kahit kailan hindi niya inisip na magtatagal ang kasal nila ni Primo. Alam naman nilang parehong mali ito sa umpisa pa lang. Pero kahit ganun, hindi niya napigilan ang sarili na mahulog.At iyon ang pinakamalaking pagkakamali niya.Tok! Tok!Napapitlag siya nang may kumatok sa pinto.Sino naman kaya ‘yo
Tumayo si Primo sa terrace ng mansyon, hawak ang cellphone habang pinagmamasdan ang kumikislap na mga ilaw sa malayo. Tahimik ang gabi, pero sa loob niya, parang may bagyong hindi mapawi.Hawak niya ang numero ni Megan sa screen. Ilang beses na niyang pinindot ang call button, pero agad niya ring pinapatay bago pa man ito mag-ring.Alam niyang wala siyang karapatang tawagan siya. Wala siyang karapatang marinig ang boses niya.Pero sa kabila ng lahat, ginawa niya pa rin.Pagkadikit pa lang ng phone sa tenga niya, agad niyang narinig ang mahina at walang buhay na, “Hello?”Halos napapikit siya. Ilang oras pa lang silang hindi nagkikita, pero parang isang siglo na siyang nauuhaw sa presensya ni Megan.“Megan…” mahina niyang tawag.Biglang nanigas si Megan sa kabilang linya.“…Primo?” May gulat sa boses nito. At sakit.Napalunok siya. Alam niyang kailangan niyang magsalita, pero parang may kung anong pumipigil sa kanya.Bago pa siya makahanap ng sasabihin, narinig niya ang paghinga ni Meg
Pagkatapos ng lahat ng sakit at gulong pinagdaanan niya, nagdesisyon si Megan na bumalik sa normal niyang buhay. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula ulit, pero isang bagay ang sigurado siya—hindi siya pwedeng manatili sa nakaraan.Nakahanap siya ng trabaho sa isang café malapit sa apartment niya. Hindi ito marangyang trabaho, pero ayos na rin. Ang mahalaga, may ginagawa siya.Magsisimula na naman siyang bumuo ng panibagong buhay.“Good morning, Miss Megan!” masiglang bati ni Pia, isa sa mga barista sa café.Ngumiti si Megan habang sinusuot ang apron niya. “Good morning din! Ano ba ang kailangan kong gawin?”“Dito ka muna sa counter. Ikaw ang magse-serve ng drinks sa customers.”Tumango si Megan at pumwesto na sa likod ng counter. Masaya siyang pinagmasdan ang ambiance ng café. Malamig ang aircon, may jazz music sa background, at mababango ang bagong timplang kape.Pero kahit gaano ka-peaceful ang paligid, hindi maiwasang kabahan si Megan. First day niya sa trabaho, at gusto ni
Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng
Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin
Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo
Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.
Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”
Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp
Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa
Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka
Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag