Pagkatapos ng nakakalokang eksena sa pool at ng biglaang paparazzi attack, inihatid si Megan sa isang malaking guest room sa loob ng villa. Malamig ang hangin sa loob, at kahit gaano kaganda ang kwarto, hindi niya mapigilang makaramdam ng pagod at inis.
Nagpalit siya ng oversized shirt at shorts na iniabot ni Sunny habang si Primo naman ay naiwan sa labas, abala sa pakikipag-usap sa mga pinsan niya. Nang matapos magpatuyo ng buhok, napabuntong-hininga siya at lumabas ng kwarto. Paglabas niya ng kwarto, eksaktong bumungad sa kanya si Primo. Halatang bagong paligo rin ito, nakabukas ng bahagya ang itim na polo at kita ang basa pang buhok. “Bakit ka lumabas?” tanong nito, nakapamulsa at nakatitig sa kanya. Nagtaas siya ng kilay. “Bakit, bawal?” Hindi sumagot si Primo, pero ang titig nito ay para bang may binabalak. Napalunok si Megan. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtingin nito sa kanya—parang may alam itong hindi niya alam. Napaatras siya, pero mali ang timing dahil may flower vase pala sa likod niya. Nawalan siya ng balanse, napasigaw— At bago pa siya tuluyang bumagsak, mabilis siyang hinila ni Primo paharap. Hindi niya alam kung paano nangyari, pero ang sunod niyang nalaman, sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. Sobrang lapit na halos maglapat ang kanilang mga labi. Nag-freeze si Megan. Si Primo din, hindi gumagalaw. Parang isang buong minuto silang nagkatitigan, pareho nilang alam na isang maling galaw lang, at magtatama talaga ang labi nila. Megan swallowed. “Uh… Primo—” Biglang bumukas ang pinto sa gilid, at isang malakas na sigaw ang bumasag sa tensyon. “OH MY GOD! Did I just walk in on something scandalous?!” Si Sunny. Mabilis na umiwas si Megan habang si Primo naman ay napailing. “Ikaw talaga, Sunny,” anito, dumiretso ng lakad pababa ng hagdan. Ngumisi lang si Sunny at sumunod kay Megan. “Giiiirl, I swear, akala ko talaga may magaganap na mahalay doon.” “Nonsense,” irap ni Megan. Pero kahit anong pilit niyang burahin sa isip niya ang nangyari, hindi niya maikakaila—may kung anong spark ang naramdaman niya kanina. At hindi niya alam kung gusto ba niya iyon o hindi. Pagdating nila sa malaking sala, nakaupo na ang ilan sa pamilya Giovanni sa isang long couch. May whiskey sa isang side table, may poker chips sa harapan, at mukhang lahat ay nasa mood para sa kasiyahan. “Alright!” sigaw ni Laurence, ang lalaking mukhang business tycoon. “Since our dear Primo is officially married, I think it’s only right na maglaro tayo tonight.” Nagtaas ng kilay si Megan. “Laro?” Ngumiti si Levi, halatang may kapilyuhan na namang binabalak. “Yeah. Let’s play Truth or Dare.” Napatigil si Megan. Truth or Dare? In this family? Parang hindi iyon magandang ideya. “Hard pass,” sabi ni Primo, pero bago pa ito makalayo, agad siyang hinila ni Sunny pabalik. “Oh no, cousin. You’re playing,” anito, nakangiti nang matamis. Wala nang nagawa si Primo kundi ang umupo, kasabay ni Megan. At doon nagsimula ang kaguluhan. “Alright, Megan!” sigaw ni Sunny. “Truth or Dare?” Nag-isip si Megan sandali bago sinabing, “Truth.” Nagtinginan ang mga pinsan ni Primo at parang may naisip na hindi maganda. Laurence smirked. “Okay, Megan. Here’s your question—did you enjoy your wedding night with Primo?” “ANO?!” Halos mahulog si Megan sa upuan niya. Nagtawanan ang lahat, pero si Primo? Diretso lang ang tingin nito sa kanya, naghihintay ng sagot. Biglang uminit ang mukha ni Megan. “That’s a stupid question!” “But you have to answer,” sabi ni Levi, nakangisi. Napangiwi si Megan at hindi alam ang isasagot. Lalo na’t si Primo mismo ay parang enjoy na enjoy sa reaksiyon niya. Huminga siya nang malalim at tinapunan ng masamang tingin ang mga ito. “Fine. Wala akong natatandaan.” “BOO!” sigaw ni Sunny. “Lame answer,” reklamo ni Levi. Pero si Primo? Tumawa lang nang mahina. Tangina nito, bakit parang enjoy na enjoy siya?! Pero bago pa matapos ang laro, si Megan naman ang nagtanong kay Primo. “Truth or Dare?” Ngumiti si Primo. “Dare.” Nag-isip si Megan ng isang pwedeng ipagawa rito. Pero bago pa siya makapagsalita, may sumingit na boses. “Since kasal na sila,” sabi ni Sunny, “I dare Primo to kiss Megan on the lips—right here, right now.” WHAT?! Megan’s eyes widened. “Oh hell no!” Ngunit bago pa siya makapagtalo, may narinig silang isang tunog— Click! Napalingon silang lahat. At doon nila nakita—may isang paparazzi na nakatayo sa labas ng glass window, hawak ang isang camera. Agad na nagtayuan ang lahat. Napamura si Primo at nagmamadaling pumunta sa pinto, pero mabilis na tumakbo palayo ang lalaki. “Damn it!” sigaw ni Primo. “Who the hell let him in?!” sigaw ni Laurence. “Shit,” bulong ni Megan. “Huli ba niya tayong naglalaro ng Truth or Dare?” Tumango si Levi. “And if we’re really unlucky, he got that dare on video.” Lalong nanlamig si Megan. “Oh my god.” “Tomorrow’s headline will be worse,” sabi ni Sunny, hindi mapigilang matawa kahit seryoso ang sitwasyon. “’Newlyweds Playing a Seductive Game in the Giovanni Villa?!’” Pinilig ni Megan ang ulo at napahawak sa sentido. “I can’t believe this. I swear, parang disaster magnet ako simula nang ikasal ako sa ‘yo,” bulong niya kay Primo. Ngumiti lang ito, pero halatang inis. “Welcome to my world, Mrs. Giovanni.” At sa gabing iyon, habang nakahiga si Megan sa malaking kama, hindi niya mapigilan ang isang bagay. Hindi pa man nagtatagal ang kasal nila, pero parang may sumasabog na scandal bawat oras. At alam niyang hindi iyon titigil anumang oras.Hindi pa man sumisikat ang araw, isang malakas na katok ang gumising kay Megan.“Megan! Wake up!”Napabalikwas siya ng bangon, halos mahulog sa kama sa sobrang gulat. “Ano ba?!”Pagtingin niya sa orasan, alas-sais pa lang ng umaga!Nagbukas ang pinto at pumasok si Sunny, mukhang overly energetic kahit sobrang aga pa. Hawak nito ang phone niya, at sa isang iglap, itinutok iyon sa mukha ni Megan.“Congratulations, girl! You’re trending!”Nagkandapilipit si Megan habang inagaw ang phone para tingnan ang sinasabi nito. Pagbukas niya ng social media, halos manlaki ang mata niya.“BREAKING NEWS: Primo Giovanni’s Wild Night with His Secret Wife—Caught on Cam!”Kasama sa article ang picture nila ni Primo kagabi—yung sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa sa Truth or Dare challenge.Diretso siyang tumakbo palabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.Sa sala, nakaupo si Primo, Levi, Laurence, at ilang ibang kamag-anak nito. May mga laptop at phones sa harapan nila, halatang may crisis meeting.“Pri
Walang tulog si Megan buong gabi. Kahit anong balikwas niya sa kama, hindi mawala ang kaba sa dibdib niya. A fake honeymoon with Primo? In Santorini? With the whole world watching?Putangina, anong pinasok ko?Bumuntong-hininga siya at tumayo mula sa kama. Kailangan niyang mag-isip. Hindi siya pwedeng magmukhang tanga bukas.Paglabas niya ng kwarto, napansin niyang gising pa si Primo, nakaupo sa sala at may hawak na baso ng whiskey.“Di ka makatulog?” tanong nito nang mapansin siya.“No thanks to you,” sagot niya, sabay upo sa kabilang sofa. “Primo, paano mo nagagawang maging chill sa lahat ng ‘to?”Ngumiti lang si Primo. “Sanay na ako.”“Sanay?”“In this family, you either adapt or get crushed.”Hindi agad nakasagot si Megan.Tiningnan siya ni Primo, halatang may gusto itong sabihin pero nag-alinlangan. Maya-maya, nagbuntong-hininga ito.“You really want to survive this?” tanong ni Primo.Napakunot ang noo ni Megan. “Anong ibig mong sabihin?”Humilig si Primo sa sofa, naglalaro ang d
Hindi pa man siya nakakababa ng eroplano, pakiramdam na ni Megan na isa siyang endangered species na papasok sa teritoryo ng mga gutom na buwaya.Paglabas nila sa private jet, kumislap ang daan-daang camera mula sa press na nag-aabang sa kanila. Paparazzi, reporters, fans—lahat na yata ng klase ng tao na may hawak na cellphone ay andoon.Napalunok si Megan. Damn it.“You okay?” tanong ni Primo habang nakahawak sa bewang niya.Nope. Hindi siya okay. Pero wala siyang choice.Game face on.Huminga siya nang malalim at ngumiti. “Of course. Honeymoon, ‘di ba?”Habang naglalakad sila papunta sa private car, may biglang sumigaw mula sa crowd.“KISS HER!”What the f—?!“Honeymoon kiss!” may isa pang sigaw.At bago pa niya ma-process ang lahat, sabay-sabay nang nagsigawan ang mga tao.“KISS! KISS! KISS!”Nag-freeze si Megan. Putangina. Wala ‘to sa usapan!Mabilis niyang nilingon si Primo, pero ang gago, mukhang hindi man lang nababahala.“Primo—” bulong niya, pero hindi ito sumagot.Instead, n
Nanlamig ang pakiramdam ni Megan nang makita kung sino ang nasa harap nila.Si Allison Arcelli.Ang supposed-to-be fiancée ni Primo.Matangkad, maganda, at mukhang hindi natitinag. Suot nito ang isang mamahaling trench coat, na para bang dumaan lang saglit sa airport para sumugod dito. Pero ang talagang nakakatakot? Ang titig nitong diretso kay Megan.It was sharp. Calculated. And undeniably hostile.Pakiramdam ni Megan, para siyang nahuli sa isang eksenang hindi niya inaasahan—o mas tamang sabihin, isang eksenang hindi niya kailanman gugustuhing mapasukan.Mataas ang kilay ni Allison habang tumatayo sa pinto, hindi man lang nag-abala na hintayin ang paanyaya ni Primo bago pumasok.Napalunok si Megan.Oh, God. This is bad.Pumasok si Allison nang hindi hinihintay ang paanyaya. Napaatras si Megan habang pasimpleng humawak si Primo sa braso niya.“Allison,” malamig na bati ni Primo, pero hindi siya pinansin ng babae.Sa halip, pinasadahan ni Allison ng tingin ang paligid, para bang sinu
Hindi pa man lubusang nag-sink in kay Megan ang presensya ni Allison, biglang bumukas ang pinto. Kasabay ng malamig na hangin mula sa labas, isang presensyang hindi niya inaasahang makikita muli ngayong gabi ang pumasok. Si Enzo Moretti. Nakapamulsa ito habang may bahagyang ngiti sa labi, pero ang tingin nito? Walang bahid ng kaswalidad. Matalim. Mapaglaro. At puno ng isang bagay na hindi pa matukoy ni Megan. “Am I interrupting something?” Naramdaman ni Megan ang paninigas ng katawan ni Primo sa tabi niya. Halos marinig niya ang pigil na buntong-hininga nito—isang malinaw na senyales na hindi ito natuwa sa pagdating ni Enzo. Lumingon si Primo nang matalim kay Enzo. “Anong ginagawa mo rito?” Ngumisi si Enzo. “Nice question.” Napalunok si Megan. Napatingin siya kay Enzo, pero bago pa siya makapagtanong, lumingon si Allison kay Enzo na halatang hindi rin natuwa sa presensya nito. “Huwag mong sabihing sinundan mo ako rito,” malamig na sabi ni Allison. Tumaas ang kil
Nang masigurong wala na sina Allison at Enzo, malalim na bumuntong-hininga si Megan. Pero imbes na mapanatag siya, lalo lang siyang kinabahan.She could still feel the lingering tension in the room, especially from Primo.Tahimik ito. Masyadong tahimik.Kahit hindi niya ito tingnan, ramdam niya ang bigat ng tingin nito sa kanya.At sa isang iglap, bago pa siya makalayo, hinawakan siya ni Primo sa braso at itinulak sa pader.Nanlaki ang mata ni Megan nang maramdaman ang pader sa likod niya. Mabilis ang tibok ng puso niya, hindi lang dahil sa bilis ng pangyayari, kundi dahil sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Primo.Matalim. Masidhi. At puno ng emosyon na hindi niya agad maipaliwanag.Pero hindi niya kailangang itanong kung ano iyon.“Anong sinabi niya sa’yo?” malamig na tanong ni Primo.Nanuyo ang lalamunan niya. “Ha?”“Si Enzo,” madiin ang boses ni Primo. “May sinabi siya sa’yo.”Hindi niya maintindihan kung bakit parang desperado itong malaman ang sagot.Pinakawalan siya ni Primo at
Tahimik na nakatayo si Primo sa harap ni Megan, nakatitig sa kanya na parang sinusuri kung seryoso ba ito sa sinabi niya.Kasali na siya rito.Megan knew she wasn’t supposed to say that. Dapat ay lumayo na siya, dapat ay hindi siya nagpapaka-engot sa sitwasyong ito. Pero sa kabila ng lahat, hindi niya magawang umalis.There was something about Primo that pulled her in.At kahit anong pilit niyang iwaksi ang emosyon na unti-unting lumalalim sa puso niya, hindi niya kayang lokohin ang sarili niya.“Alam mo bang wala kang idea kung anong pinapasok mo?” basag ni Primo sa katahimikan.Napatingin si Megan sa kanya.Hindi na ito galit. Hindi na rin matigas ang ekspresyon nito.Sa halip, may halong lungkot ang mga mata nito, na parang may pilit na tinatago.“You say you’re part of this,” patuloy ni Primo, marahang naglakad papalapit sa kanya. “But do you even understand what that means, Megan?”Hindi siya sumagot.“I don’t want you involved,” marahang dagdag ni Primo. “Hindi kita kayang prote
Megan still couldn’t move.Hindi niya alam kung dahil sa pagkabigla o dahil ayaw lang talagang gumalaw ng katawan niya matapos maramdaman ang mainit na labi ni Primo sa kanyang noo.Good morning?!Ano ‘to, bagong routine niya sa umaga?Bago pa siya tuluyang makapag-isip ng matinong sagot, naramdaman niyang gumalaw si Primo. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at nag-inat, pero nanatili ang isang braso nitong nakapatong sa kanya—parang sinasadya nitong hindi siya pakawalan.She swallowed hard.Primo yawned, stretching his arms. “Hmm. That was a good sleep.”Napakurap si Megan.Good sleep daw? Eh siya halos hindi nakatulog!Primo glanced at her, then smirked. “You’re still staring.”Megan’s face turned red. “Hindi ako nakatingin!”Mabilis siyang tumalikod para lang maramdaman ang mabigat na bisig ni Primo na muling umakap sa kanya.“Primo!” reklamo niya, pilit na inaalis ang bisig nito.Ngunit imbes na pakawalan siya, lalo lang nitong hinigpitan ang yakap.“Five more minutes,” he mumbled a
Sa loob ng isang black luxury sedan, nakatingin lang si Allison sa labas ng bintana habang binabaybay ng sasakyan ang daan pauwi. Kakatapos lang niyang mamili ng wedding gown, pero imbes na excitement ang maramdaman, isang matinding inis at pagod ang bumalot sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ba isang responsibilidad lang ang kasal niya kay Primo—hindi ito tulad ng mga napapanood sa pelikula kung saan ang bride ay masayang nag-aabang ng kanyang malaking araw.Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata, sinusubukang i-relax ang sarili. Ngunit hindi pa man siya nakakalahati sa kanyang pagrerelax ay biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone.Pagtingin niya sa screen, lumabas ang pangalan ng isang taong hindi niya gustong kausap sa ngayon.Enzo Moretti.Napairap siya bago sinagot ang tawag. “What do you want, Enzo?”Sa kabilang linya, agad siyang sinalubong ng pamilyar na pabirong tono ng lalaki. “Relax, Allison. You sound so tense. Stress sa kasal?”Napahigpit ang h
Sa loob ng isang high-end bridal boutique, nakaupo si Allison Arcelli sa harap ng isang full-length mirror, nakasuot ng isang eleganteng wedding gown. Kulay ivory ito, may intricate lace details at fitted bodice na nagpapatingkad sa kanyang figure. Ngunit kahit gaano kaganda ang gown, hindi siya kuntento.Napansin ito ng designer na si Madame Elise, isang sikat na bridal couturier. “Miss Arcelli, is there something wrong with the dress?”Bumuntong-hininga si Allison at umiling. “It’s beautiful, pero… hindi ko gusto.”Madame Elise raised a brow, obviously displeased. “You already rejected the last three dresses, dear. We handpicked these from the best collections. What exactly are you looking for?”Bago pa makasagot si Allison, isang pamilyar na tinig ang sumingit.“Allison, hija, you’re too picky,” sambit ng kanyang ina, si Rebecca Arcelli, na nakaupo sa isang plush velvet chair habang umiinom ng tea. “You’ve tried on four dresses already. Lahat maganda. Anong problema?”Napatingin si
Maagang dumating si Megan sa café, gaya ng nakasanayan. Pagbukas pa lang niya ng pinto, naamoy na niya ang halimuyak ng freshly brewed coffee, at kahit papaano, nakatulong iyon para pakalmahin ang sarili niyang isip. Mula nang bumalik siya sa normal na pamumuhay, pilit niyang iniiwasang mag-isip tungkol sa nakaraan—sa mga bagay na pilit niyang tinatakasan.Pero hindi ganoon kadali. Lalo na kung may isang taong hindi sumusuko sa pangungulit sa kanya.Pagpasok niya sa stockroom para isuot ang apron niya, saka bumukas ang pintuan ng café. Kahit hindi siya lumingon, alam na niya kung sino ang dumating.Enzo Moretti.Napapikit siya ng mariin bago bumuntong-hininga. Oh God, not again.“Good morning, barista.”Napakunot-noo si Megan nang marinig ang malakas na boses ni Enzo, halatang sinadya nitong iparinig sa kanya. Hindi siya sumagot at itinuloy lang ang ginagawa.“Ang lamig naman ng café na ‘to. Dati, hindi naman ganito,” patuloy ni Enzo habang patay-malisyang lumapit sa counter. “Baka da
Tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan ang lalaking inutusan ni Primo Giovanni. Sanay siya sa ganitong trabaho—ang pagmamanman sa isang target nang hindi napapansin, ang pananatili sa anino habang inaaral ang bawat kilos ng kanyang binabantayan.Sa mga nakalipas na araw ng pagsubaybay niya kay Megan Davis, wala namang kakaiba. Oo, madalas dumadalaw si Enzo Moretti, ngunit bukod doon, normal lang ang kilos ni Megan. Parang wala itong ideya na may mga matang nakatuon sa kanya mula sa malayo.Ngunit ngayong gabi, isang bagay ang hindi niya inaasahan.Sa di kalayuan, isang itim na sasakyan ang nakaparada sa kabilang kalsada. Mula sa posisyon niya, hindi gaanong halata ang presensya nito—maliban na lang sa isang detalye na agad niyang napansin.Nakabukas ang bintana ng sasakyan, at may lalaking nasa loob nito, may hawak na camera.Agad siyang kumunot ang noo.Sino ‘yon?Sa ilang araw ng pagmamanman niya kay Megan, hindi pa niya nakikita ang sasakyang iyon sa paligid. At ang lalakin
Sa isang pribadong opisina sa isang high-rise building sa Makati, nakatayo si Primo Giovanni sa tabi ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa kumikislap na lungsod ng Maynila. May hawak siyang cellphone sa isang kamay, habang ang isa naman ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang slacks.Malamig ang ekspresyon niya, ngunit ang matalim na tingin sa kanyang mga mata ay nagbabadya ng matinding determinasyon. Ilang araw na siyang nasa Pilipinas, at ang bawat galaw niya rito ay may isang malinaw na layunin—si Megan Anastasia Davis.Sa kabilang linya, isang lalaking may mababang boses ang sumagot.“Boss, nasa target location siya ngayon. Kakapasok lang niya sa café na pinagtatrabahuan niya.”Naningkit ang mga mata ni Primo. Sa ilang araw niyang pagpapasubaybay kay Megan, alam na niyang nagtrabaho ito sa isang maliit ngunit kilalang café sa Makati. Ang babaeng minsang naging sentro ng kanyang mundo, ngayon ay tila isang aninong pilit niyang hinahabol.“Sinong mga kasama niya?” tanong niya, habang h
Sa isang marangyang hotel suite sa London, nakaupo si Primo Giovanni sa isang leather armchair, hawak ang baso ng whisky habang tinititigan ang lalaking kaharap niya—Carlisle Jimenez, ang matagal nang secretary ng kanyang ama.Sa edad na 42, si Carlisle ay isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang tao ni Apolo Giovanni, ngunit sa kabila nito, nandito siya ngayon, lihim na nakikipagpulong kay Primo—isang bagay na siguradong ikagagalit ng kanyang boss kung sakaling malaman nito.“Alam mo bang direktang pagsuway ito sa ama mo, Primo?”Walang bakas ng kaba sa mukha ni Primo. Dahan-dahan niyang iniikot ang alak sa baso bago uminom.“Alam ko. Kaya nga kita tinawag dito, Carlisle.”Napabuntong-hininga si Carlisle, halatang hindi nagugustuhan ang sitwasyon.“Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ginagawa ‘to. Napakalaki ng transaksyong ‘to—bakit mo pinasok nang hindi man lang ako binigyan ng malinaw na paliwanag?”Ngumiti si Primo, ngunit malamig ang ekspresyon niya.“Akala ko ba matalino ka, Car
Nasa isang private meeting room sa isang high-end hotel sa Tokyo si Primo, kaharap ang isang Japanese businessman na si Mr. Takahashi. Kilala ito sa pagiging metikuloso at hindi madaling kumbinsihin sa negosyo.Mr. Takahashi: “Giovanni-san, I must say, I am intrigued by your offer. But as you know, my shares are quite valuable. The market is unpredictable, and I do not make decisions based on impulse.”Primo: “I understand, Takahashi-san. That is precisely why I am offering you a deal that guarantees maximum profit. I am willing to pay 35% above the current valuation of your shares. A price no one else will match.”Napataas ang kilay ni Mr. Takahashi, halatang nag-iisip.Mr. Takahashi: “35%? That is indeed generous, but why the urgency? Why are you so eager to buy my shares?”Ngumiti si Primo, iniwasan ang direktang sagot.Primo: “Let’s just say, I see an opportunity others fail to recognize. And I want to ensure I secure it before the market shifts.”Sandaling tumahimik si Mr. Takaha
Nanatiling tahimik si Megan habang iniisip ang mga sinabi nina Alice, Laurence, at Sunny. Totoo naman ang lahat ng sinabi nila—wala siyang utang kay Primo, wala siyang dapat ipaglaban, lalo na kung siya lang naman ang lumalaban mag-isa. Pero sa kabila ng lahat, ang sakit pa rin.Huminga siya nang malalim, saka marahang nagtanong.“Kayo… anong tingin niyo kay Allison?”Napatingin sina Alice at Laurence kay Sunny. Napansin ito ni Megan, kaya nagtaka siya.“Bakit?”Hindi agad nagsalita si Sunny, parang nag-aalangan. Pero sa huli, bumuntong-hininga siya at nag-ayos ng upo.“Ayoko sa kanya,” diretsong sabi nito.Napasinghap si Megan. Hindi niya inaasahan ang prangkang sagot ni Sunny.Nagkibit-balikat si Sunny. “Never ko siyang nagustuhan.”Nag-angat ng kilay si Laurence. “Seryoso? Akala ko okay lang siya sayo.”“Hindi,” madiin na sagot ni Sunny. “Kilala natin si Primo. Hindi niya mahal si Allison, at alam natin lahat kung bakit siya pumapayag sa kasal na ‘yan.”Napatingin si Megan kay Sunn
Magdamag na nakatulala lang si Megan sa kisame ng kanyang maliit na apartment. Halos hindi siya nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang nangyari kagabi—ang yakap ni Primo, ang desperasyong naramdaman niya sa bawat pintig ng puso niya, at ang matinding sakit nang marinig niyang wala na silang dahilan para magkita.Hindi na niya dapat iniisip ito. Hindi na niya dapat iniiyakan. Pero bakit ang sakit-sakit?Mahigpit niyang niyakap ang kumot, pilit na pinipigilan ang muling pag-agos ng luha. Pero kahit anong gawin niya, dumadaloy pa rin ito sa gilid ng kanyang mukha.Pinilit niyang bumangon nang umaga, pero nang tumayo siya, para siyang idinapa ulit ng bigat sa kanyang dibdib. Napaupo siya sa gilid ng kama, tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga palad, at tahimik na umiyak.Isang oras pa siyang nagpakalunod sa sakit bago niya naisipang mag-text sa café.Megan: Boss, masama po pakiramdam ko. Hindi po ako makakapasok ngayon.Saglit lang at nag-reply ang manager niya.Manager