Megan sat stiffly in the passenger seat, her arms crossed, her gaze locked onto the road ahead.
Nasa loob siya ng isang mamahaling sasakyan, at ang nagmamaneho? Ang lalaking pilit niyang tinatakasan—Primo Rafael Giovanni. Tahimik ang loob ng sasakyan, pero ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Kanina lang, muntik na siyang mabugbog ng fiancée ng lalaking katabi niya ngayon. At ngayon, nasa kotse siya nito, sumasabay sa alon ng kaguluhang hindi niya inasahang hahantong sa ganito. Hindi niya alam kung anong mas nakakabaliw—ang buong sitwasyong ito o ang lalaking mukhang enjoy na enjoy sa gulong pinagdaanan nila. “Hindi pa rin kita maintindihan,” bulong ni Primo habang hindi inaalis ang tingin sa daan. “Gusto mong makawala, pero sumasagot ka sa fiancé ko na parang asawa talaga kita.” Napairap si Megan. “What do you expect? Nanggugulo siya sa condo mo—at sinabunutan ako! Wala akong choice kundi lumaban.” Ngumiti si Primo, halatang naaaliw. “You act like you’re really my wife.” “HINDI ‘YON ANG POINT KO!” sigaw ni Megan, frustrated. “Then ano?” Binalingan siya ni Primo, ang mga mata nitong nagniningning sa amusement. “Gusto mong mag-divorce, gusto mong lumayo, pero nandito ka sa kotse ko. At kanina, mas galit ka pa kay Allison kesa sa’kin.” Megan clenched her fists. “Dahil kahit anong sabihin mo, kasal tayo sa papel! Kung may isang taong dapat mong ayusin, siya ‘yon, hindi ako!” Primo smirked. “Kaya nga kita inalis doon, di ba? Para hindi ka na niya guluhin.” “Para kang baliw,” bulong ni Megan. Bigla siyang napalingon kay Primo. Gusto niyang pag-aralan ang ekspresyon nito, pero hindi niya mabasa. Bakit parang hindi siya naaapektuhan sa nangyayari? Bakit parang nag-eenjoy pa siya? Napahinga nang malalim si Megan. Hindi niya na alam kung paano siya nalagay sa ganitong sitwasyon. Napakabilis ng mga pangyayari, hindi siya makasabay. Mula sa pagkahuli niya sa boyfriend niyang nangangaliwa, hanggang sa isang lasing na gabi na nagresulta sa isang kasal na hindi niya kailanman inakala. And now? Now, she was stuck with Primo Rafael Giovanni. Biglang huminto ang sasakyan sa gilid ng isang mataas na gusali. Napakunot ang noo niya. “Bakit tayo nandito?” Primo unbuckled his seatbelt and looked at her. “Kailangan natin pag-usapan ang kasal natin—ng maayos.” Megan followed Primo inside, hesitant but with no other choice. Pumasok sila sa isang private lounge sa penthouse ng hotel. Ang lugar ay tahimik at napaka-elegante. Hindi pa siya nakakapagsalita nang biglang dumating ang isang matandang lalaki na mukhang abogado. “Ito si Attorney Suarez,” pakilala ni Primo. “Siya ang magpapaliwanag sa’yo kung bakit hindi ganon kadali ang hinihingi mong divorce.” Megan’s jaw tightened. “Alam ko na ‘yan—kailangan ng strong reason. Pero paano kung sabihin nating napilitan lang tayo?” Napailing ang abogado. “Miss Davis, kahit pa sabihin nating lasing kayo, may mga pirma kayo sa kasal. At dahil si Mr. Giovanni ay isang public figure, magiging malaking issue ito.” “Magkano?” tanong ni Megan bigla. Napatingin sa kanya si Primo. “Ano?” Nagpatuloy siya. “Magkano ang kailangan ko para mapawalang-bisa ang kasal na ‘to?” Tumawa si Primo, halatang nagulat sa tanong niya. “Oh, so you think money can solve this?” Megan’s lips pressed into a thin line. “Hindi ba ganyan gumagana ang mundo mo? Lahat may presyo?” Primo leaned in, his gaze unwavering. “Some things are more complicated than that, Megan. And this?” He pointed between them. “This is one of them.” Biglang nag-ring ang phone ni Primo. He answered, and as soon as he did, his expression darkened. “What the hell?” His voice was sharp, controlled, but Megan could sense the underlying tension. “Who released it?” Megan frowned. “Anong nangyari?” Hindi sumagot si Primo. Sa halip, ibinaling niya ang screen kay Megan. Doon niya nakita ang isang viral article— “Billionaire Heir Primo Giovanni, Secretly Married?” Kasama ang isang blurry photo nila kagabi habang masayang nagtatawanan sa party, may hawak na papel. At ang mas nakakapanindig-balahibo? “The mystery woman is suspected to be a gold-digger.” Napasinghap si Megan. “Gold-digger?! Are they insane?!” Primo sighed. “Welcome to my world.” Nanghina si Megan sa nakita niya. Hindi siya sanay sa ganito—sa atensyon, sa intriga. She was just an ordinary girl trying to live her life, and now, she was being painted as some manipulative woman who married a billionaire for money. “This is crazy,” she muttered. “This is absolutely crazy.” Primo put his phone down and leaned forward, his expression serious. “Listen to me.” Napalunok siya. “You want out of this marriage?” tanong ni Primo. “Then follow my lead. For now, you’ll stay with me. No more running, no more escaping.” “And if I say no?” Megan challenged. Primo’s smirk returned, but his eyes were dead serious. “Then prepare yourself—because the media will hunt you down.” Megan was still in shock when Primo continued, his tone leaving no room for argument. “Alam ko ang iniisip mo—gusto mong tumakas, gusto mong mabuhay nang tahimik. Pero hindi mo na mababawi ‘to, Megan. You married a Giovanni. This isn’t just a mistake—it’s a goddamn mess that we need to fix. And the only way to fix it…” He took a deep breath. “Is to play along.” Megan’s heart pounded. “You’re insane.” Primo shrugged. “Maybe.” Pero hindi siya nagbibiro. Ramdam ni Megan ‘yon. Napalunok siya. She was officially trapped in Primo Rafael Giovanni’s world. Biglang bumukas ang pinto nang walang pasabi. Megan at Primo parehong napalingon. Isang matangkad na lalaki ang pumasok, naka-relax na ngiti sa labi, pero may bahagyang pang-aasar sa mga mata. Halatang hindi ito simpleng bisita lang. Napatingin si Primo sa lalaki, kita sa mukha ang inis. “May random na lang bang pumapasok sa mga kwarto ng hotel mo ngayon, Enzo?” Ngumiti si Enzo Moretti—ang lalaking dati niyang pinagkakatiwalaan pero ngayon ay hindi na. “Relax, old friend. My hotel, my rules.” Nilagpasan nito si Primo at dumiretso sa minibar na parang siya ang may-ari ng kwarto. Well, technically, siya nga. Megan watched as Enzo casually poured himself a drink, acting like he belonged. Sino ‘to? Bakit parang ang laki ng galit ni Primo sa kanya? Primo crossed his arms. “Your hotel’s privacy is a trash.” Enzo chuckled. “Ouch. That hurts, Giovanni. Pero kung ako sa’yo, I’d stop worrying about my hotel and start worrying about your wife.” He turned to Megan, eyes gleaming with amusement. “Hi, Mrs. Giovanni.” Megan blinked. Napairap si Primo. “Cut the crap, Enzo.” Pero hindi natinag si Enzo. He turned to Megan, his smirk widening. “So, Mrs. Giovanni, how’s married life? Or is this a temporary position?” Napaawang ang bibig ni Megan, hindi niya alam ang isasagot. Primo stepped forward, his presence radiating dominance. “You’re testing my patience.” Enzo grinned. “Oh, I know.” He leaned against the minibar, sipping his drink nonchalantly. “Pero seryoso, Primo. Bakit masyado kang abala sa paghusga sa hotel ko? Ang dapat mong iniisip ngayon…” His gaze flicked to Megan before returning to Primo with a playful glint. “…eh kung paano mo mapapanatili ang asawa mo. Baka mas magustuhan niya akong kasama.” Megan stiffened. “Excuse me—” Bago pa siya makapag react, kumilos si Primo—mabilis. Sa isang iglap, hinablot niya si Enzo sa kwelyo at isinandal ito sa pader nang may puwersa. Napigtas ang hawak nitong baso, bumagsak sa sahig, at nabasag. Napatalon si Megan sa gulat. “Primo!” Pero si Enzo? Tumawa lang, may halong pang-aasar. “Ayan. Ito ang Primo na kilala ko.” “Shut up.” Primo’s voice was low, deadly. “You don’t touch her. You don’t talk about her. You don’t even breathe in her direction.” Ngumisi si Enzo, walang bahid ng takot. Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Primo. Puti na ang kanyang mga kamao sa tindi ng galit. Megan, nanghihina pa rin sa nakita, dali-daling lumapit sa kanila. “Primo, bitawan mo siya!” Hindi gumalaw si Primo. Nagtagpo ang mga mata nila ni Enzo, isang tahimik pero matinding digmaan ang naganap sa pagitan nila. Hanggang sa, matapos ang ilang nakakapasong segundo, binitiwan din niya ito. Agad namang inayos ni Enzo ang gusot sa kanyang suit, waring walang nangyari. Pinagpag pa ang manggas nito na parang may alikabok. “Tsk. Tense much?” Nanigas ang panga ni Primo, nanginginig sa pagpipigil. “Get the hell out.” Ngumiti si Enzo, saka tumingin kay Megan. “Pleasure meeting you, Mrs. Giovanni. I’m sure we’ll see more of each other soon.” Binigyan niya si Primo ng isang makahulugang tingin bago siya umalis—kalma, walang bahid ng takot, at tila siya pa ang may kontrol sa sitwasyon. Pagkasara ng pinto, agad na hinarap ni Megan si Primo, hinihingal. “Ano ‘yon?!” Napahawak si Primo sa buhok niya, mariing bumuntong-hininga.Madilim na nang marating nila ang private villa ni Primo. Napapalibutan ito ng matataas na puno, at kahit sa dilim, kita ang engrandeng istruktura ng lugar. Mamahalin ang bawat sulok, pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ni Megan.Ang unang sumalubong sa kanila? Isang babae na halos kasing-liwanag ng araw ang ngiti.“Oh my god! Finally, I get to meet you in person!”Nagulantang si Megan nang biglang yakapin siya ng hindi niya kilalang babae. Makinis ang kutis nito, mahaba ang buhok na bahagyang kulot, at naka-dress na parang bagong labas sa isang summer magazine.Napaatras siya sa sobrang gulat. “H-ha?”Tumawa ang babae at mas lalo pang hinigpitan ang yakap. “I knew it! Ikaw nga ‘yung nasa balita! I knew Primo would marry someone interesting!”Mabilis siyang nilingon ni Megan. “Primo, sino ‘to?!”Nagkibit-balikat lang si Primo, halatang ine-enjoy ang pagkabigla niya. “Sunny Giovanni De Luca, pinsan ko.”“AND I LOVE HER ALREADY!” sigaw ni Sunny bago hinila si Megan papunta sa may i
Pagkatapos ng nakakalokang eksena sa pool at ng biglaang paparazzi attack, inihatid si Megan sa isang malaking guest room sa loob ng villa. Malamig ang hangin sa loob, at kahit gaano kaganda ang kwarto, hindi niya mapigilang makaramdam ng pagod at inis. Nagpalit siya ng oversized shirt at shorts na iniabot ni Sunny habang si Primo naman ay naiwan sa labas, abala sa pakikipag-usap sa mga pinsan niya. Nang matapos magpatuyo ng buhok, napabuntong-hininga siya at lumabas ng kwarto. Paglabas niya ng kwarto, eksaktong bumungad sa kanya si Primo. Halatang bagong paligo rin ito, nakabukas ng bahagya ang itim na polo at kita ang basa pang buhok. “Bakit ka lumabas?” tanong nito, nakapamulsa at nakatitig sa kanya. Nagtaas siya ng kilay. “Bakit, bawal?” Hindi sumagot si Primo, pero ang titig nito ay para bang may binabalak. Napalunok si Megan. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtingin nito sa kanya—parang may alam itong hindi niya alam. Napaatras siya, pero mali ang timing dahil may fl
Hindi pa man sumisikat ang araw, isang malakas na katok ang gumising kay Megan.“Megan! Wake up!”Napabalikwas siya ng bangon, halos mahulog sa kama sa sobrang gulat. “Ano ba?!”Pagtingin niya sa orasan, alas-sais pa lang ng umaga!Nagbukas ang pinto at pumasok si Sunny, mukhang overly energetic kahit sobrang aga pa. Hawak nito ang phone niya, at sa isang iglap, itinutok iyon sa mukha ni Megan.“Congratulations, girl! You’re trending!”Nagkandapilipit si Megan habang inagaw ang phone para tingnan ang sinasabi nito. Pagbukas niya ng social media, halos manlaki ang mata niya.“BREAKING NEWS: Primo Giovanni’s Wild Night with His Secret Wife—Caught on Cam!”Kasama sa article ang picture nila ni Primo kagabi—yung sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa sa Truth or Dare challenge.Diretso siyang tumakbo palabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.Sa sala, nakaupo si Primo, Levi, Laurence, at ilang ibang kamag-anak nito. May mga laptop at phones sa harapan nila, halatang may crisis meeting.“Pri
Walang tulog si Megan buong gabi. Kahit anong balikwas niya sa kama, hindi mawala ang kaba sa dibdib niya. A fake honeymoon with Primo? In Santorini? With the whole world watching?Putangina, anong pinasok ko?Bumuntong-hininga siya at tumayo mula sa kama. Kailangan niyang mag-isip. Hindi siya pwedeng magmukhang tanga bukas.Paglabas niya ng kwarto, napansin niyang gising pa si Primo, nakaupo sa sala at may hawak na baso ng whiskey.“Di ka makatulog?” tanong nito nang mapansin siya.“No thanks to you,” sagot niya, sabay upo sa kabilang sofa. “Primo, paano mo nagagawang maging chill sa lahat ng ‘to?”Ngumiti lang si Primo. “Sanay na ako.”“Sanay?”“In this family, you either adapt or get crushed.”Hindi agad nakasagot si Megan.Tiningnan siya ni Primo, halatang may gusto itong sabihin pero nag-alinlangan. Maya-maya, nagbuntong-hininga ito.“You really want to survive this?” tanong ni Primo.Napakunot ang noo ni Megan. “Anong ibig mong sabihin?”Humilig si Primo sa sofa, naglalaro ang d
Hindi pa man siya nakakababa ng eroplano, pakiramdam na ni Megan na isa siyang endangered species na papasok sa teritoryo ng mga gutom na buwaya.Paglabas nila sa private jet, kumislap ang daan-daang camera mula sa press na nag-aabang sa kanila. Paparazzi, reporters, fans—lahat na yata ng klase ng tao na may hawak na cellphone ay andoon.Napalunok si Megan. Damn it.“You okay?” tanong ni Primo habang nakahawak sa bewang niya.Nope. Hindi siya okay. Pero wala siyang choice.Game face on.Huminga siya nang malalim at ngumiti. “Of course. Honeymoon, ‘di ba?”Habang naglalakad sila papunta sa private car, may biglang sumigaw mula sa crowd.“KISS HER!”What the f—?!“Honeymoon kiss!” may isa pang sigaw.At bago pa niya ma-process ang lahat, sabay-sabay nang nagsigawan ang mga tao.“KISS! KISS! KISS!”Nag-freeze si Megan. Putangina. Wala ‘to sa usapan!Mabilis niyang nilingon si Primo, pero ang gago, mukhang hindi man lang nababahala.“Primo—” bulong niya, pero hindi ito sumagot.Instead, n
Nanlamig ang pakiramdam ni Megan nang makita kung sino ang nasa harap nila.Si Allison Arcelli.Ang supposed-to-be fiancée ni Primo.Matangkad, maganda, at mukhang hindi natitinag. Suot nito ang isang mamahaling trench coat, na para bang dumaan lang saglit sa airport para sumugod dito. Pero ang talagang nakakatakot? Ang titig nitong diretso kay Megan.It was sharp. Calculated. And undeniably hostile.Pakiramdam ni Megan, para siyang nahuli sa isang eksenang hindi niya inaasahan—o mas tamang sabihin, isang eksenang hindi niya kailanman gugustuhing mapasukan.Mataas ang kilay ni Allison habang tumatayo sa pinto, hindi man lang nag-abala na hintayin ang paanyaya ni Primo bago pumasok.Napalunok si Megan.Oh, God. This is bad.Pumasok si Allison nang hindi hinihintay ang paanyaya. Napaatras si Megan habang pasimpleng humawak si Primo sa braso niya.“Allison,” malamig na bati ni Primo, pero hindi siya pinansin ng babae.Sa halip, pinasadahan ni Allison ng tingin ang paligid, para bang sinu
Hindi pa man lubusang nag-sink in kay Megan ang presensya ni Allison, biglang bumukas ang pinto. Kasabay ng malamig na hangin mula sa labas, isang presensyang hindi niya inaasahang makikita muli ngayong gabi ang pumasok. Si Enzo Moretti. Nakapamulsa ito habang may bahagyang ngiti sa labi, pero ang tingin nito? Walang bahid ng kaswalidad. Matalim. Mapaglaro. At puno ng isang bagay na hindi pa matukoy ni Megan. “Am I interrupting something?” Naramdaman ni Megan ang paninigas ng katawan ni Primo sa tabi niya. Halos marinig niya ang pigil na buntong-hininga nito—isang malinaw na senyales na hindi ito natuwa sa pagdating ni Enzo. Lumingon si Primo nang matalim kay Enzo. “Anong ginagawa mo rito?” Ngumisi si Enzo. “Nice question.” Napalunok si Megan. Napatingin siya kay Enzo, pero bago pa siya makapagtanong, lumingon si Allison kay Enzo na halatang hindi rin natuwa sa presensya nito. “Huwag mong sabihing sinundan mo ako rito,” malamig na sabi ni Allison. Tumaas ang kil
Nang masigurong wala na sina Allison at Enzo, malalim na bumuntong-hininga si Megan. Pero imbes na mapanatag siya, lalo lang siyang kinabahan.She could still feel the lingering tension in the room, especially from Primo.Tahimik ito. Masyadong tahimik.Kahit hindi niya ito tingnan, ramdam niya ang bigat ng tingin nito sa kanya.At sa isang iglap, bago pa siya makalayo, hinawakan siya ni Primo sa braso at itinulak sa pader.Nanlaki ang mata ni Megan nang maramdaman ang pader sa likod niya. Mabilis ang tibok ng puso niya, hindi lang dahil sa bilis ng pangyayari, kundi dahil sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Primo.Matalim. Masidhi. At puno ng emosyon na hindi niya agad maipaliwanag.Pero hindi niya kailangang itanong kung ano iyon.“Anong sinabi niya sa’yo?” malamig na tanong ni Primo.Nanuyo ang lalamunan niya. “Ha?”“Si Enzo,” madiin ang boses ni Primo. “May sinabi siya sa’yo.”Hindi niya maintindihan kung bakit parang desperado itong malaman ang sagot.Pinakawalan siya ni Primo at
Sa loob ng isang black luxury sedan, nakatingin lang si Allison sa labas ng bintana habang binabaybay ng sasakyan ang daan pauwi. Kakatapos lang niyang mamili ng wedding gown, pero imbes na excitement ang maramdaman, isang matinding inis at pagod ang bumalot sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ba isang responsibilidad lang ang kasal niya kay Primo—hindi ito tulad ng mga napapanood sa pelikula kung saan ang bride ay masayang nag-aabang ng kanyang malaking araw.Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata, sinusubukang i-relax ang sarili. Ngunit hindi pa man siya nakakalahati sa kanyang pagrerelax ay biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone.Pagtingin niya sa screen, lumabas ang pangalan ng isang taong hindi niya gustong kausap sa ngayon.Enzo Moretti.Napairap siya bago sinagot ang tawag. “What do you want, Enzo?”Sa kabilang linya, agad siyang sinalubong ng pamilyar na pabirong tono ng lalaki. “Relax, Allison. You sound so tense. Stress sa kasal?”Napahigpit ang h
Sa loob ng isang high-end bridal boutique, nakaupo si Allison Arcelli sa harap ng isang full-length mirror, nakasuot ng isang eleganteng wedding gown. Kulay ivory ito, may intricate lace details at fitted bodice na nagpapatingkad sa kanyang figure. Ngunit kahit gaano kaganda ang gown, hindi siya kuntento.Napansin ito ng designer na si Madame Elise, isang sikat na bridal couturier. “Miss Arcelli, is there something wrong with the dress?”Bumuntong-hininga si Allison at umiling. “It’s beautiful, pero… hindi ko gusto.”Madame Elise raised a brow, obviously displeased. “You already rejected the last three dresses, dear. We handpicked these from the best collections. What exactly are you looking for?”Bago pa makasagot si Allison, isang pamilyar na tinig ang sumingit.“Allison, hija, you’re too picky,” sambit ng kanyang ina, si Rebecca Arcelli, na nakaupo sa isang plush velvet chair habang umiinom ng tea. “You’ve tried on four dresses already. Lahat maganda. Anong problema?”Napatingin si
Maagang dumating si Megan sa café, gaya ng nakasanayan. Pagbukas pa lang niya ng pinto, naamoy na niya ang halimuyak ng freshly brewed coffee, at kahit papaano, nakatulong iyon para pakalmahin ang sarili niyang isip. Mula nang bumalik siya sa normal na pamumuhay, pilit niyang iniiwasang mag-isip tungkol sa nakaraan—sa mga bagay na pilit niyang tinatakasan.Pero hindi ganoon kadali. Lalo na kung may isang taong hindi sumusuko sa pangungulit sa kanya.Pagpasok niya sa stockroom para isuot ang apron niya, saka bumukas ang pintuan ng café. Kahit hindi siya lumingon, alam na niya kung sino ang dumating.Enzo Moretti.Napapikit siya ng mariin bago bumuntong-hininga. Oh God, not again.“Good morning, barista.”Napakunot-noo si Megan nang marinig ang malakas na boses ni Enzo, halatang sinadya nitong iparinig sa kanya. Hindi siya sumagot at itinuloy lang ang ginagawa.“Ang lamig naman ng café na ‘to. Dati, hindi naman ganito,” patuloy ni Enzo habang patay-malisyang lumapit sa counter. “Baka da
Tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan ang lalaking inutusan ni Primo Giovanni. Sanay siya sa ganitong trabaho—ang pagmamanman sa isang target nang hindi napapansin, ang pananatili sa anino habang inaaral ang bawat kilos ng kanyang binabantayan.Sa mga nakalipas na araw ng pagsubaybay niya kay Megan Davis, wala namang kakaiba. Oo, madalas dumadalaw si Enzo Moretti, ngunit bukod doon, normal lang ang kilos ni Megan. Parang wala itong ideya na may mga matang nakatuon sa kanya mula sa malayo.Ngunit ngayong gabi, isang bagay ang hindi niya inaasahan.Sa di kalayuan, isang itim na sasakyan ang nakaparada sa kabilang kalsada. Mula sa posisyon niya, hindi gaanong halata ang presensya nito—maliban na lang sa isang detalye na agad niyang napansin.Nakabukas ang bintana ng sasakyan, at may lalaking nasa loob nito, may hawak na camera.Agad siyang kumunot ang noo.Sino ‘yon?Sa ilang araw ng pagmamanman niya kay Megan, hindi pa niya nakikita ang sasakyang iyon sa paligid. At ang lalakin
Sa isang pribadong opisina sa isang high-rise building sa Makati, nakatayo si Primo Giovanni sa tabi ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa kumikislap na lungsod ng Maynila. May hawak siyang cellphone sa isang kamay, habang ang isa naman ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang slacks.Malamig ang ekspresyon niya, ngunit ang matalim na tingin sa kanyang mga mata ay nagbabadya ng matinding determinasyon. Ilang araw na siyang nasa Pilipinas, at ang bawat galaw niya rito ay may isang malinaw na layunin—si Megan Anastasia Davis.Sa kabilang linya, isang lalaking may mababang boses ang sumagot.“Boss, nasa target location siya ngayon. Kakapasok lang niya sa café na pinagtatrabahuan niya.”Naningkit ang mga mata ni Primo. Sa ilang araw niyang pagpapasubaybay kay Megan, alam na niyang nagtrabaho ito sa isang maliit ngunit kilalang café sa Makati. Ang babaeng minsang naging sentro ng kanyang mundo, ngayon ay tila isang aninong pilit niyang hinahabol.“Sinong mga kasama niya?” tanong niya, habang h
Sa isang marangyang hotel suite sa London, nakaupo si Primo Giovanni sa isang leather armchair, hawak ang baso ng whisky habang tinititigan ang lalaking kaharap niya—Carlisle Jimenez, ang matagal nang secretary ng kanyang ama.Sa edad na 42, si Carlisle ay isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang tao ni Apolo Giovanni, ngunit sa kabila nito, nandito siya ngayon, lihim na nakikipagpulong kay Primo—isang bagay na siguradong ikagagalit ng kanyang boss kung sakaling malaman nito.“Alam mo bang direktang pagsuway ito sa ama mo, Primo?”Walang bakas ng kaba sa mukha ni Primo. Dahan-dahan niyang iniikot ang alak sa baso bago uminom.“Alam ko. Kaya nga kita tinawag dito, Carlisle.”Napabuntong-hininga si Carlisle, halatang hindi nagugustuhan ang sitwasyon.“Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ginagawa ‘to. Napakalaki ng transaksyong ‘to—bakit mo pinasok nang hindi man lang ako binigyan ng malinaw na paliwanag?”Ngumiti si Primo, ngunit malamig ang ekspresyon niya.“Akala ko ba matalino ka, Car
Nasa isang private meeting room sa isang high-end hotel sa Tokyo si Primo, kaharap ang isang Japanese businessman na si Mr. Takahashi. Kilala ito sa pagiging metikuloso at hindi madaling kumbinsihin sa negosyo.Mr. Takahashi: “Giovanni-san, I must say, I am intrigued by your offer. But as you know, my shares are quite valuable. The market is unpredictable, and I do not make decisions based on impulse.”Primo: “I understand, Takahashi-san. That is precisely why I am offering you a deal that guarantees maximum profit. I am willing to pay 35% above the current valuation of your shares. A price no one else will match.”Napataas ang kilay ni Mr. Takahashi, halatang nag-iisip.Mr. Takahashi: “35%? That is indeed generous, but why the urgency? Why are you so eager to buy my shares?”Ngumiti si Primo, iniwasan ang direktang sagot.Primo: “Let’s just say, I see an opportunity others fail to recognize. And I want to ensure I secure it before the market shifts.”Sandaling tumahimik si Mr. Takaha
Nanatiling tahimik si Megan habang iniisip ang mga sinabi nina Alice, Laurence, at Sunny. Totoo naman ang lahat ng sinabi nila—wala siyang utang kay Primo, wala siyang dapat ipaglaban, lalo na kung siya lang naman ang lumalaban mag-isa. Pero sa kabila ng lahat, ang sakit pa rin.Huminga siya nang malalim, saka marahang nagtanong.“Kayo… anong tingin niyo kay Allison?”Napatingin sina Alice at Laurence kay Sunny. Napansin ito ni Megan, kaya nagtaka siya.“Bakit?”Hindi agad nagsalita si Sunny, parang nag-aalangan. Pero sa huli, bumuntong-hininga siya at nag-ayos ng upo.“Ayoko sa kanya,” diretsong sabi nito.Napasinghap si Megan. Hindi niya inaasahan ang prangkang sagot ni Sunny.Nagkibit-balikat si Sunny. “Never ko siyang nagustuhan.”Nag-angat ng kilay si Laurence. “Seryoso? Akala ko okay lang siya sayo.”“Hindi,” madiin na sagot ni Sunny. “Kilala natin si Primo. Hindi niya mahal si Allison, at alam natin lahat kung bakit siya pumapayag sa kasal na ‘yan.”Napatingin si Megan kay Sunn
Magdamag na nakatulala lang si Megan sa kisame ng kanyang maliit na apartment. Halos hindi siya nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang nangyari kagabi—ang yakap ni Primo, ang desperasyong naramdaman niya sa bawat pintig ng puso niya, at ang matinding sakit nang marinig niyang wala na silang dahilan para magkita.Hindi na niya dapat iniisip ito. Hindi na niya dapat iniiyakan. Pero bakit ang sakit-sakit?Mahigpit niyang niyakap ang kumot, pilit na pinipigilan ang muling pag-agos ng luha. Pero kahit anong gawin niya, dumadaloy pa rin ito sa gilid ng kanyang mukha.Pinilit niyang bumangon nang umaga, pero nang tumayo siya, para siyang idinapa ulit ng bigat sa kanyang dibdib. Napaupo siya sa gilid ng kama, tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga palad, at tahimik na umiyak.Isang oras pa siyang nagpakalunod sa sakit bago niya naisipang mag-text sa café.Megan: Boss, masama po pakiramdam ko. Hindi po ako makakapasok ngayon.Saglit lang at nag-reply ang manager niya.Manager