Walang sinayang na oras si Megan. Agad siyang tumakbo palabas ng kwarto, iniwan si Primo na naguguluhan at ang marriage contract na nakapatong sa kama.
Napatitig si Primo sa papel, at nang mabasa ang nilalaman, napamura siya. “Putangina…” Ang akala nilang pekeng kontrata—totoo. Samantala, halos lumipad pauwi si Megan. Pero pagdating niya sa apartment, napatigil siya nang makitang may nakatayo sa pinto niya. Si Jairus. “Megan, please! It was a mistake! Mahal pa rin kita!” desperado nitong sabi. Napuno ng inis si Megan. Kailangan niyang tapusin ‘to—ngayon na. “Stop bothering me. I’m already married.” Nagtagis ang panga ni Jairus. “Ano?” Bago pa siya makapagsinungaling ulit, sinara niya ang pinto sa mukha nito. Nanginginig ang kamay niyang humawak sa doorknob. “Ano ba ‘tong pinasok ko?” Tatlong sunod-sunod na katok ang narinig ni Megan sa pinto. Napairap siya. Si Jairus na naman?! Galit niyang binuksan ang pinto—pero hindi si Jairus ang nasa harapan niya. Isang grupo ng lalaking nakaitim. “Ikaw ba si Megan Anastasia Davis?” tanong ng isa. Napalunok si Megan. “Yes.” Sa isang iglap, hinila siya palabas. Dinala siya sa isang engrandeng mansion. Hindi niya na kailangang tanungin—Giovanni Mansion ito. Pagkapasok, bumungad sa kanya si Levi—ang nagbigay sa kanila ng “pekeng” kontrata—at isang matandang lalaking matikas at malamig ang tingin. Si Apolo Giovanni. “Shit.” “Who the hell are you?” malamig nitong tanong. “Ano ang negosyo ng pamilya mo? Anong karapatan mong pumirma sa isang kasal kasama ang anak ko?” Nanigas si Megan, hindi alam ang isasagot. “Sir, kasalanan ko ‘to—” singit ni Levi. “Shut up, Levi,” putol ni Apolo. “Wala akong panahon sa kabobohan mo.” Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Megan. “My son is already engaged to someone who will benefit his future. But because of your stupidity, you ruined everything.” Bago pa siya tuluyang gumuho, isang pamilyar na tinig ang pumuno sa silid. “Why are you shouting at my wife?” Napatingin si Megan. Si Primo, nakatayo sa pintuan, malamig ang ekspresyon. Nagtagpo ang tingin nila ni Apolo. “Fix this mess. I won’t let a billion peso deal go to waste because of this stupidity.” Pero tumawa lang si Primo, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa labi nito. “Don’t worry, Dad. I always clean up after my own mess.” Umismid si Apolo, tinignan si Megan mula ulo hanggang paa bago umiling. “Walang kwenta.” At tuluyang lumabas ng silid. Nang sila na lang ang natira, bumaling si Primo kay Megan. “Pack your things. We’re living together.” Nalaglag ang panga ni Megan. “Ano?!” “You signed that contract. Whether you like it or not, you’re my wife now.” Isang oras lang ang lumipas, natagpuan na ni Megan ang sarili niyang nakatayo sa harap ng isang high-rise condo. “Hindi ako mananatili dito nang matagal,” madiin niyang sabi. Ngumiti si Primo. “Oh? And where will you go, my dear wife?” “We need to get a divorce, Primo. Ngayon na.” Kinuha ni Primo ang baso ng whiskey sa bar at uminom bago naglakad palapit sa kanya. “Do you really think it’s that easy?” “Of course! This was a mistake!” “Drunk or not, a marriage contract is a marriage contract. You need a solid reason for a divorce. At hindi ‘yung ‘nagkamali lang’.” Natahimik si Megan. Hindi niya inisip ‘yon. “Eh ‘di sabihin natin sa judge na may fiancée ka na! That should be enough!” Ngumiti si Primo, pero hindi ito umabot sa mga mata. “You think I’ll let my father win that easily?” “Ano?” “He wants me to marry Allison for money and power. If I divorce you, I give him exactly what he wants. And I don’t do favors for that man.” Nanindig ang balahibo ni Megan. ‘Ano ba ‘tong gulong napasok ko?!’ “Then what do you want me to do?” “Simple. Stay here and don’t do anything stupid.” Tumalikod ito, naglakad papunta sa pinto. “Saan ka pupunta?!” “I have things to do. Just stay put, Mrs. Giovanni.” At umalis ito, iniwang tulala si Megan. Ilang sandali pa ay malakas na bumukas ang pinto. Dalawang babae ang pumasok—isa sa kanila, kitang-kita sa mukha ang galit. “YOU!” Bago pa makagalaw si Megan, hinablot ng babae ang buhok niya. “Aray!” winasak niya ang pagkakahawak nito. “Ano ba?! Sino ka?!” “Ikaw ang sumira ng lahat!” sigaw nito. “Allison, stop!” awat ng kasama nito, pero hindi siya nito pinakawalan. Allison. Ang fiancée ni Primo. “Wala akong ginustong sirain,” matigas na sabi ni Megan. “Really?!” Allison tumawa ng mapakla. “This marriage—your stupid little game—just destroyed a powerful alliance! Giovanni and Arcelli families were supposed to merge, creating billions! Pero dumating ka at sinira mo ang lahat!” Huminga nang malalim si Megan. “Kasalanan n’yo kung bakit ginawa n’yong business deal ang kasal!” “Shut up!” Allison lunged forward, pero— “What the hell is going on here?” Biglang tumigil ang lahat. Megan turned—and there he was. Primo. Nakatayo ito sa pintuan, suot pa ang kanyang itim na coat, mukhang bagong dating. Pero sa tingin nito? Para siyang isang hari na handang paglaruan ang alipin niya. “Primo!” Allison called, her voice shaking. “She ruined everything! You know we were supposed to be together! I love you!” Pero walang reaksyon si Primo. “Who let you in here?” tanong nito, malamig at walang emosyon. Napalunok si Allison. “What?” “I said—who let you in?” ulit nito, mas matalim ang tono. Hindi nakapagsalita si Allison. “Leave.” Nanlaki ang mga mata ni Allison. “Primo, please—” “Now.” Napaatras si Allison. Hindi makapaniwala. At sa ikinagulat ni Megan, biglang lumapit si Primo sa kanya—at hinawakan ang kamay niya. “Let’s go.” “A-anong—?” Pero hindi siya nito binitawan. Sa halip, hinila siya nito palabas ng condo. “Primo!” sigaw ni Allison, pero ni hindi siya nito nilingon. Sa pagbaba nila sa parking lot, isang luxury car ang naghihintay. Pero hindi ‘yon ang kinabahan si Megan— Sa harap ng sasakyan, naghihintay si Apolo Giovanni. “Where the hell are you taking her?” Pero hindi natinag si Primo. “She’s my wife, isn’t she? That means I can take her wherever I want.” Nanigas si Megan. Ano ‘tong binabalak niya?! “Cut the bullshit, Primo,” madiin na sabi ni Apolo. “I gave you one job—to fix this mess.” Pero ngumiti lang si Primo. Bago pa makapagsalita muli si Apolo, binuksan ni Primo ang pinto ng sasakyan at pinalo si Megan sa puwet. “What the—?! PRIMO!” Natawa lang ito. “Buckle up, wifey. We’re going on a trip.” At sa isang iglap, umandar ang sasakyan, iniwan ang nagngangalit na si Apolo Giovanni.Megan sat stiffly in the passenger seat, her arms crossed, her gaze locked onto the road ahead. Nasa loob siya ng isang mamahaling sasakyan, at ang nagmamaneho? Ang lalaking pilit niyang tinatakasan—Primo Rafael Giovanni.Tahimik ang loob ng sasakyan, pero ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Kanina lang, muntik na siyang mabugbog ng fiancée ng lalaking katabi niya ngayon. At ngayon, nasa kotse siya nito, sumasabay sa alon ng kaguluhang hindi niya inasahang hahantong sa ganito.Hindi niya alam kung anong mas nakakabaliw—ang buong sitwasyong ito o ang lalaking mukhang enjoy na enjoy sa gulong pinagdaanan nila.“Hindi pa rin kita maintindihan,” bulong ni Primo habang hindi inaalis ang tingin sa daan. “Gusto mong makawala, pero sumasagot ka sa fiancé ko na parang asawa talaga kita.”Napairap si Megan. “What do you expect? Nanggugulo siya sa condo mo—at sinabunutan ako! Wala akong choice kundi lumaban.”Ngumiti si Primo, halatang naaaliw. “You act like you’re really my wife.”“HINDI ‘YON
Madilim na nang marating nila ang private villa ni Primo. Napapalibutan ito ng matataas na puno, at kahit sa dilim, kita ang engrandeng istruktura ng lugar. Mamahalin ang bawat sulok, pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ni Megan.Ang unang sumalubong sa kanila? Isang babae na halos kasing-liwanag ng araw ang ngiti.“Oh my god! Finally, I get to meet you in person!”Nagulantang si Megan nang biglang yakapin siya ng hindi niya kilalang babae. Makinis ang kutis nito, mahaba ang buhok na bahagyang kulot, at naka-dress na parang bagong labas sa isang summer magazine.Napaatras siya sa sobrang gulat. “H-ha?”Tumawa ang babae at mas lalo pang hinigpitan ang yakap. “I knew it! Ikaw nga ‘yung nasa balita! I knew Primo would marry someone interesting!”Mabilis siyang nilingon ni Megan. “Primo, sino ‘to?!”Nagkibit-balikat lang si Primo, halatang ine-enjoy ang pagkabigla niya. “Sunny Giovanni De Luca, pinsan ko.”“AND I LOVE HER ALREADY!” sigaw ni Sunny bago hinila si Megan papunta sa may i
Pagkatapos ng nakakalokang eksena sa pool at ng biglaang paparazzi attack, inihatid si Megan sa isang malaking guest room sa loob ng villa. Malamig ang hangin sa loob, at kahit gaano kaganda ang kwarto, hindi niya mapigilang makaramdam ng pagod at inis. Nagpalit siya ng oversized shirt at shorts na iniabot ni Sunny habang si Primo naman ay naiwan sa labas, abala sa pakikipag-usap sa mga pinsan niya. Nang matapos magpatuyo ng buhok, napabuntong-hininga siya at lumabas ng kwarto. Paglabas niya ng kwarto, eksaktong bumungad sa kanya si Primo. Halatang bagong paligo rin ito, nakabukas ng bahagya ang itim na polo at kita ang basa pang buhok. “Bakit ka lumabas?” tanong nito, nakapamulsa at nakatitig sa kanya. Nagtaas siya ng kilay. “Bakit, bawal?” Hindi sumagot si Primo, pero ang titig nito ay para bang may binabalak. Napalunok si Megan. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtingin nito sa kanya—parang may alam itong hindi niya alam. Napaatras siya, pero mali ang timing dahil may fl
Hindi pa man sumisikat ang araw, isang malakas na katok ang gumising kay Megan.“Megan! Wake up!”Napabalikwas siya ng bangon, halos mahulog sa kama sa sobrang gulat. “Ano ba?!”Pagtingin niya sa orasan, alas-sais pa lang ng umaga!Nagbukas ang pinto at pumasok si Sunny, mukhang overly energetic kahit sobrang aga pa. Hawak nito ang phone niya, at sa isang iglap, itinutok iyon sa mukha ni Megan.“Congratulations, girl! You’re trending!”Nagkandapilipit si Megan habang inagaw ang phone para tingnan ang sinasabi nito. Pagbukas niya ng social media, halos manlaki ang mata niya.“BREAKING NEWS: Primo Giovanni’s Wild Night with His Secret Wife—Caught on Cam!”Kasama sa article ang picture nila ni Primo kagabi—yung sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa sa Truth or Dare challenge.Diretso siyang tumakbo palabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.Sa sala, nakaupo si Primo, Levi, Laurence, at ilang ibang kamag-anak nito. May mga laptop at phones sa harapan nila, halatang may crisis meeting.“Pri
Walang tulog si Megan buong gabi. Kahit anong balikwas niya sa kama, hindi mawala ang kaba sa dibdib niya. A fake honeymoon with Primo? In Santorini? With the whole world watching?Putangina, anong pinasok ko?Bumuntong-hininga siya at tumayo mula sa kama. Kailangan niyang mag-isip. Hindi siya pwedeng magmukhang tanga bukas.Paglabas niya ng kwarto, napansin niyang gising pa si Primo, nakaupo sa sala at may hawak na baso ng whiskey.“Di ka makatulog?” tanong nito nang mapansin siya.“No thanks to you,” sagot niya, sabay upo sa kabilang sofa. “Primo, paano mo nagagawang maging chill sa lahat ng ‘to?”Ngumiti lang si Primo. “Sanay na ako.”“Sanay?”“In this family, you either adapt or get crushed.”Hindi agad nakasagot si Megan.Tiningnan siya ni Primo, halatang may gusto itong sabihin pero nag-alinlangan. Maya-maya, nagbuntong-hininga ito.“You really want to survive this?” tanong ni Primo.Napakunot ang noo ni Megan. “Anong ibig mong sabihin?”Humilig si Primo sa sofa, naglalaro ang d
Hindi pa man siya nakakababa ng eroplano, pakiramdam na ni Megan na isa siyang endangered species na papasok sa teritoryo ng mga gutom na buwaya.Paglabas nila sa private jet, kumislap ang daan-daang camera mula sa press na nag-aabang sa kanila. Paparazzi, reporters, fans—lahat na yata ng klase ng tao na may hawak na cellphone ay andoon.Napalunok si Megan. Damn it.“You okay?” tanong ni Primo habang nakahawak sa bewang niya.Nope. Hindi siya okay. Pero wala siyang choice.Game face on.Huminga siya nang malalim at ngumiti. “Of course. Honeymoon, ‘di ba?”Habang naglalakad sila papunta sa private car, may biglang sumigaw mula sa crowd.“KISS HER!”What the f—?!“Honeymoon kiss!” may isa pang sigaw.At bago pa niya ma-process ang lahat, sabay-sabay nang nagsigawan ang mga tao.“KISS! KISS! KISS!”Nag-freeze si Megan. Putangina. Wala ‘to sa usapan!Mabilis niyang nilingon si Primo, pero ang gago, mukhang hindi man lang nababahala.“Primo—” bulong niya, pero hindi ito sumagot.Instead, n
Nanlamig ang pakiramdam ni Megan nang makita kung sino ang nasa harap nila.Si Allison Arcelli.Ang supposed-to-be fiancée ni Primo.Matangkad, maganda, at mukhang hindi natitinag. Suot nito ang isang mamahaling trench coat, na para bang dumaan lang saglit sa airport para sumugod dito. Pero ang talagang nakakatakot? Ang titig nitong diretso kay Megan.It was sharp. Calculated. And undeniably hostile.Pakiramdam ni Megan, para siyang nahuli sa isang eksenang hindi niya inaasahan—o mas tamang sabihin, isang eksenang hindi niya kailanman gugustuhing mapasukan.Mataas ang kilay ni Allison habang tumatayo sa pinto, hindi man lang nag-abala na hintayin ang paanyaya ni Primo bago pumasok.Napalunok si Megan.Oh, God. This is bad.Pumasok si Allison nang hindi hinihintay ang paanyaya. Napaatras si Megan habang pasimpleng humawak si Primo sa braso niya.“Allison,” malamig na bati ni Primo, pero hindi siya pinansin ng babae.Sa halip, pinasadahan ni Allison ng tingin ang paligid, para bang sinu
Hindi pa man lubusang nag-sink in kay Megan ang presensya ni Allison, biglang bumukas ang pinto. Kasabay ng malamig na hangin mula sa labas, isang presensyang hindi niya inaasahang makikita muli ngayong gabi ang pumasok. Si Enzo Moretti. Nakapamulsa ito habang may bahagyang ngiti sa labi, pero ang tingin nito? Walang bahid ng kaswalidad. Matalim. Mapaglaro. At puno ng isang bagay na hindi pa matukoy ni Megan. “Am I interrupting something?” Naramdaman ni Megan ang paninigas ng katawan ni Primo sa tabi niya. Halos marinig niya ang pigil na buntong-hininga nito—isang malinaw na senyales na hindi ito natuwa sa pagdating ni Enzo. Lumingon si Primo nang matalim kay Enzo. “Anong ginagawa mo rito?” Ngumisi si Enzo. “Nice question.” Napalunok si Megan. Napatingin siya kay Enzo, pero bago pa siya makapagtanong, lumingon si Allison kay Enzo na halatang hindi rin natuwa sa presensya nito. “Huwag mong sabihing sinundan mo ako rito,” malamig na sabi ni Allison. Tumaas ang kil
Sa loob ng isang black luxury sedan, nakatingin lang si Allison sa labas ng bintana habang binabaybay ng sasakyan ang daan pauwi. Kakatapos lang niyang mamili ng wedding gown, pero imbes na excitement ang maramdaman, isang matinding inis at pagod ang bumalot sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ba isang responsibilidad lang ang kasal niya kay Primo—hindi ito tulad ng mga napapanood sa pelikula kung saan ang bride ay masayang nag-aabang ng kanyang malaking araw.Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata, sinusubukang i-relax ang sarili. Ngunit hindi pa man siya nakakalahati sa kanyang pagrerelax ay biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone.Pagtingin niya sa screen, lumabas ang pangalan ng isang taong hindi niya gustong kausap sa ngayon.Enzo Moretti.Napairap siya bago sinagot ang tawag. “What do you want, Enzo?”Sa kabilang linya, agad siyang sinalubong ng pamilyar na pabirong tono ng lalaki. “Relax, Allison. You sound so tense. Stress sa kasal?”Napahigpit ang h
Sa loob ng isang high-end bridal boutique, nakaupo si Allison Arcelli sa harap ng isang full-length mirror, nakasuot ng isang eleganteng wedding gown. Kulay ivory ito, may intricate lace details at fitted bodice na nagpapatingkad sa kanyang figure. Ngunit kahit gaano kaganda ang gown, hindi siya kuntento.Napansin ito ng designer na si Madame Elise, isang sikat na bridal couturier. “Miss Arcelli, is there something wrong with the dress?”Bumuntong-hininga si Allison at umiling. “It’s beautiful, pero… hindi ko gusto.”Madame Elise raised a brow, obviously displeased. “You already rejected the last three dresses, dear. We handpicked these from the best collections. What exactly are you looking for?”Bago pa makasagot si Allison, isang pamilyar na tinig ang sumingit.“Allison, hija, you’re too picky,” sambit ng kanyang ina, si Rebecca Arcelli, na nakaupo sa isang plush velvet chair habang umiinom ng tea. “You’ve tried on four dresses already. Lahat maganda. Anong problema?”Napatingin si
Maagang dumating si Megan sa café, gaya ng nakasanayan. Pagbukas pa lang niya ng pinto, naamoy na niya ang halimuyak ng freshly brewed coffee, at kahit papaano, nakatulong iyon para pakalmahin ang sarili niyang isip. Mula nang bumalik siya sa normal na pamumuhay, pilit niyang iniiwasang mag-isip tungkol sa nakaraan—sa mga bagay na pilit niyang tinatakasan.Pero hindi ganoon kadali. Lalo na kung may isang taong hindi sumusuko sa pangungulit sa kanya.Pagpasok niya sa stockroom para isuot ang apron niya, saka bumukas ang pintuan ng café. Kahit hindi siya lumingon, alam na niya kung sino ang dumating.Enzo Moretti.Napapikit siya ng mariin bago bumuntong-hininga. Oh God, not again.“Good morning, barista.”Napakunot-noo si Megan nang marinig ang malakas na boses ni Enzo, halatang sinadya nitong iparinig sa kanya. Hindi siya sumagot at itinuloy lang ang ginagawa.“Ang lamig naman ng café na ‘to. Dati, hindi naman ganito,” patuloy ni Enzo habang patay-malisyang lumapit sa counter. “Baka da
Tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan ang lalaking inutusan ni Primo Giovanni. Sanay siya sa ganitong trabaho—ang pagmamanman sa isang target nang hindi napapansin, ang pananatili sa anino habang inaaral ang bawat kilos ng kanyang binabantayan.Sa mga nakalipas na araw ng pagsubaybay niya kay Megan Davis, wala namang kakaiba. Oo, madalas dumadalaw si Enzo Moretti, ngunit bukod doon, normal lang ang kilos ni Megan. Parang wala itong ideya na may mga matang nakatuon sa kanya mula sa malayo.Ngunit ngayong gabi, isang bagay ang hindi niya inaasahan.Sa di kalayuan, isang itim na sasakyan ang nakaparada sa kabilang kalsada. Mula sa posisyon niya, hindi gaanong halata ang presensya nito—maliban na lang sa isang detalye na agad niyang napansin.Nakabukas ang bintana ng sasakyan, at may lalaking nasa loob nito, may hawak na camera.Agad siyang kumunot ang noo.Sino ‘yon?Sa ilang araw ng pagmamanman niya kay Megan, hindi pa niya nakikita ang sasakyang iyon sa paligid. At ang lalakin
Sa isang pribadong opisina sa isang high-rise building sa Makati, nakatayo si Primo Giovanni sa tabi ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa kumikislap na lungsod ng Maynila. May hawak siyang cellphone sa isang kamay, habang ang isa naman ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang slacks.Malamig ang ekspresyon niya, ngunit ang matalim na tingin sa kanyang mga mata ay nagbabadya ng matinding determinasyon. Ilang araw na siyang nasa Pilipinas, at ang bawat galaw niya rito ay may isang malinaw na layunin—si Megan Anastasia Davis.Sa kabilang linya, isang lalaking may mababang boses ang sumagot.“Boss, nasa target location siya ngayon. Kakapasok lang niya sa café na pinagtatrabahuan niya.”Naningkit ang mga mata ni Primo. Sa ilang araw niyang pagpapasubaybay kay Megan, alam na niyang nagtrabaho ito sa isang maliit ngunit kilalang café sa Makati. Ang babaeng minsang naging sentro ng kanyang mundo, ngayon ay tila isang aninong pilit niyang hinahabol.“Sinong mga kasama niya?” tanong niya, habang h
Sa isang marangyang hotel suite sa London, nakaupo si Primo Giovanni sa isang leather armchair, hawak ang baso ng whisky habang tinititigan ang lalaking kaharap niya—Carlisle Jimenez, ang matagal nang secretary ng kanyang ama.Sa edad na 42, si Carlisle ay isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang tao ni Apolo Giovanni, ngunit sa kabila nito, nandito siya ngayon, lihim na nakikipagpulong kay Primo—isang bagay na siguradong ikagagalit ng kanyang boss kung sakaling malaman nito.“Alam mo bang direktang pagsuway ito sa ama mo, Primo?”Walang bakas ng kaba sa mukha ni Primo. Dahan-dahan niyang iniikot ang alak sa baso bago uminom.“Alam ko. Kaya nga kita tinawag dito, Carlisle.”Napabuntong-hininga si Carlisle, halatang hindi nagugustuhan ang sitwasyon.“Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ginagawa ‘to. Napakalaki ng transaksyong ‘to—bakit mo pinasok nang hindi man lang ako binigyan ng malinaw na paliwanag?”Ngumiti si Primo, ngunit malamig ang ekspresyon niya.“Akala ko ba matalino ka, Car
Nasa isang private meeting room sa isang high-end hotel sa Tokyo si Primo, kaharap ang isang Japanese businessman na si Mr. Takahashi. Kilala ito sa pagiging metikuloso at hindi madaling kumbinsihin sa negosyo.Mr. Takahashi: “Giovanni-san, I must say, I am intrigued by your offer. But as you know, my shares are quite valuable. The market is unpredictable, and I do not make decisions based on impulse.”Primo: “I understand, Takahashi-san. That is precisely why I am offering you a deal that guarantees maximum profit. I am willing to pay 35% above the current valuation of your shares. A price no one else will match.”Napataas ang kilay ni Mr. Takahashi, halatang nag-iisip.Mr. Takahashi: “35%? That is indeed generous, but why the urgency? Why are you so eager to buy my shares?”Ngumiti si Primo, iniwasan ang direktang sagot.Primo: “Let’s just say, I see an opportunity others fail to recognize. And I want to ensure I secure it before the market shifts.”Sandaling tumahimik si Mr. Takaha
Nanatiling tahimik si Megan habang iniisip ang mga sinabi nina Alice, Laurence, at Sunny. Totoo naman ang lahat ng sinabi nila—wala siyang utang kay Primo, wala siyang dapat ipaglaban, lalo na kung siya lang naman ang lumalaban mag-isa. Pero sa kabila ng lahat, ang sakit pa rin.Huminga siya nang malalim, saka marahang nagtanong.“Kayo… anong tingin niyo kay Allison?”Napatingin sina Alice at Laurence kay Sunny. Napansin ito ni Megan, kaya nagtaka siya.“Bakit?”Hindi agad nagsalita si Sunny, parang nag-aalangan. Pero sa huli, bumuntong-hininga siya at nag-ayos ng upo.“Ayoko sa kanya,” diretsong sabi nito.Napasinghap si Megan. Hindi niya inaasahan ang prangkang sagot ni Sunny.Nagkibit-balikat si Sunny. “Never ko siyang nagustuhan.”Nag-angat ng kilay si Laurence. “Seryoso? Akala ko okay lang siya sayo.”“Hindi,” madiin na sagot ni Sunny. “Kilala natin si Primo. Hindi niya mahal si Allison, at alam natin lahat kung bakit siya pumapayag sa kasal na ‘yan.”Napatingin si Megan kay Sunn
Magdamag na nakatulala lang si Megan sa kisame ng kanyang maliit na apartment. Halos hindi siya nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang nangyari kagabi—ang yakap ni Primo, ang desperasyong naramdaman niya sa bawat pintig ng puso niya, at ang matinding sakit nang marinig niyang wala na silang dahilan para magkita.Hindi na niya dapat iniisip ito. Hindi na niya dapat iniiyakan. Pero bakit ang sakit-sakit?Mahigpit niyang niyakap ang kumot, pilit na pinipigilan ang muling pag-agos ng luha. Pero kahit anong gawin niya, dumadaloy pa rin ito sa gilid ng kanyang mukha.Pinilit niyang bumangon nang umaga, pero nang tumayo siya, para siyang idinapa ulit ng bigat sa kanyang dibdib. Napaupo siya sa gilid ng kama, tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga palad, at tahimik na umiyak.Isang oras pa siyang nagpakalunod sa sakit bago niya naisipang mag-text sa café.Megan: Boss, masama po pakiramdam ko. Hindi po ako makakapasok ngayon.Saglit lang at nag-reply ang manager niya.Manager