Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 37: THE UNEXPECTED ALLY

Share

Chapter 37: THE UNEXPECTED ALLY

Author: Mawi
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CLOUD'S POV

"Anong oras mo pa ba balak bumangon d'yan ha?," bruskong tanong sa akin ng isang boses na hindi ko mapagsino nang mga sandaling iyon.

 Pamilyar sa akin ang boses niya. Pero dahil na rin siguro sa kagigising ko lang at napupuno pa rin ng matinding pagkirot ang ulo ko, kaya hindi ko magawang alalahanin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Hindi ko rin naman agad na maimulat ang mga mata ko dahil nga sa sakit ng ulong nararamdaman ko para sana makita ko na kung sino ang lalaking iyon. 

 But one thing's for sure, hindi iyon si Steffano. 

"Lakas din ng amats mo eh 'no?," may tono ng pambubuska niyang pagpapatuloy nang makaupo na ako, senyales na gising na talaga ako. I heard him chuckled at ramdam ko rin ang panggigigil niya sa akin sa tono pa lang ng pananalita niya. "Biruin mo, matapos mong ilaglag ang grupo namin sa PhilDance, eh bigla ka na lang susulpot dito sa Bulacan na parang kabute at parang walang nangyari?"

 Disappointment can be heard with every words he says na lalo lang pumupuno sa aking kuryosidad. Nakatungo lang ako but my mind's continues boggling kung sino 'tong loko na 'to na nanenermon sa akin ng ganito kaaga at sa loob ng unit ko pa?

"Alam mong matagal nang pinapangarap ni Vier ang kompetisyong 'yon 'di ba? Ginawa niya ang lahat para ipanalo ang grupo namin nung gabing 'yon Cloud. At hindi man niya ipakita sa amin, alam kong sobra siyang nasaktan sa pagkatalo namin."

Pagkatalo namin? 

 Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Sa pagkakataong iyon ay marahas ko ng kinusot-kusot ang mga mata ko para malinaw ko nang makita kung kaninong boses ba iyong naririnig ko. And to my shock, it was Francis.

"Anong ginagawa mo rito?," takang-tanong ko sa kanya which also led me to another question. "Pa'no ako nakauwe?"

 Sa pagkakaalala ko, nagpunta ako kina Vier kagabi after having shots. I was so drunk. Pero naaalala ko pa ang lahat ng nakita ko. Tandang-tanda ko ang mga nasaksihan ko. Pero wala akong maalala na umuwi ako. "Anong nangyari?"

 Pagak siyang napatawa sa bigla kong tanong na 'yon. Kahit naman ako. Hindi ko rin kasi maalala kung ano ba ang nangyari kagabi at kung bakit narito ngayon 'tong mokong na 'to.

"Pupuntahan ko sana si Vier kagabi para sana kausapin siya tungkol sa amin–"

"Bakit, kayo ba?," diretsahan kong tanong na nagpatalim ng tingin niya sa akin.

"Tsk. Hindi lang ako tumuloy nang makita ko 'yung isang umeepal sa kanya ngayon. Nakita mo rin siya 'di ba?"

 Napatango-tango na lang ako sa tanong niyang iyon. 'Coz yes I saw him… I saw them. 

"Paalis na nga sana ako kaso nakita kita." Sinamaan ko siya ng tingin para lang titigan ako at pagtawanan. 

"And?" 

"Umiiyak ka na parang bata." His serious tone made me realize that he's not here to bully me after seeing me in that situation. Naupo siya sa mini table na malapit sakin at tinimpla niyang kape sa maliit na mesa roon.

"Masyado ka yatang feel at home," komento ko nang maupo na siya at prenteng naupo roon para inumin ang kape niya. Hindi naman kasi kami close. Magkakilala, yes but not to the extent of being close para mag-feeling may-ari siya nitong unit ko.

 Mukhang hindi naman nito pinansin ang sinabi ko kaya bumangon na lang din ako para makapaghilamos at nang mahimasmasan ako kahit papaano.

"Alam mo bang ang sakit ng ginawa mo sa amin?," aniya pagkalabas ko ng banyo. "Pinaghirapan ng husto ng mga members namin ang performance na 'yon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakaka-move on sa pagkatalo namin. Deserve nilang manalo. Alam mo 'yan. Kaya kung dahil lang 'yon kay Vier—"

"Hindi ako ang dahilan ng pagkatalo n'yo," pagdepensa ko sa aking sarili. "But, I planned to."

"Tsk," iiling-iling lang niyang tugon bago muling sumeryosong muli ang kanyang anyo. Mukhang may malalim itong iniisip. Ako naman ay gumawi na rin sa may kitchen to have my own cup of coffee. 

"Mag-aabroad na ako."

 May pagtataka man, ay hindi na ako sumagot pa. As I have said, hindi naman kami dikit. Wala akong pake sa kung anumang plano niya sa buhay.

"Mahal ko si Vier," sinsero niyang saad bago lumingon sa akin. Maybe to check if I'm listening. And I am. "Akala ko talaga, tuluyan ka nang mawawala sa buhay niya nung maghiwalay kayo at umalis ka rito," mapakla siyang napatawa habang sinasabi ang mga iyon sa akin. "Akala ko rin may chance na 'ko sa kanya kasi wala ka na… pero mali ako."  

 Malalim na pagbuntung-hininga na ang sumunod kong narinig mula sa kanya. At sa nakikita ko sa kanya, I can say that he really loved Vier. Kaso, hindi iyon nasuklian ni Vier. 

"Nung muli kayong magkita, naramdaman ko na agad na ikaw pa rin ang mahal niya. Pero, syempre umasa pa rin ako. Kaso wala talaga eh. Mahal ka pa rin niya."

 Saglit akong natigilan sa mga narinig. At bigla na lang kumalabog ang dibdib ko ng mga sandaling iyon. And that memory of our first kiss suddenly bumped into my head. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"At sa nakita kong reaksyon mo kagabi habang nakatanaw ka sa kanila, nasisiguro ko na mahal mo pa rin siya–"

"No!," mariin kong pagtanggi. "Of course not," pagpapatuloy ko pa pero nginitian lang niya ang tugon kong iyon na para bang nakarinig lang siya ng isang matinding kasinungalingan mula sa akin.

"Ayoko 'tong sabihin. At ni minsan ay hindi ko rin inakalang masasabi ko 'to sa'yo Cloud pero, mas pipiliin ko namang mapunta si Vier sa'yo kesa sa lalaking 'yon. Atleast ikaw, kilala kita. At alam ko kung ga'no mo siya kamahal."

CAROL'S POV

 Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Jusko! 9:30 pa lang naman, pero heto at on the way na kami papasok sa trabaho. Hindi pa naman ako sanay na maagang gumigising. Pero dahil sa maagang pambubulabog sa akin nitong si Vier, heto at aantok-antok pa 'ko dito sa dyip habang naghihintay na umandar na ito.

 Medyo naiinis na rin ako sa paulit-ulit niyang pagtingin sa screen ng kanyang cellphone para gawing salamin at i-check ang kanyang hitsura roon.

"Maganda ka na," iritable kong bulyaw sa kanya na ginantihan lang niya ng pa-sweet niyang ngiti. Inikutan ko naman siya ng mata para malaman niyang naiinis ako. 

"Sorry na," patuloy niyang pang-aamo sa akin. "Niyaya kasi ako ni Hector ng breakfast bago raw ang trabaho natin. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko, 'di ba?"

"Nakakahiya o gusto mo rin?," taas-kilay kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko kasi nitong mga nakaraang araw ay parang may iba sa kanya. Para bang may tinatago sa akin. At bilang bestfriend niya, pakiramdam ko ay isa iyong pagtataksil sa akin. "Kayo na ba?"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lorna Seprado Soriano
more update author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 38: THE PAST AND THE PRESENT

    VIER'S POV Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil sa tanong na 'yon ni Carol. Hindi pa naman kami ni Hector pero ilang araw ko na ring pinag-iisipan ang tungkol doon. Palagay ang loob ko sa kanya at magaan din siyang kasama. Yun nga lang eh ilang pa lang naman ang nakakalipas mula nang makilala namin siya at ilang araw pa lang rin mula nang ipaalam niya sa akin ang kanyang interes at espesyal niyang pagtingin sa akin. Magiging napaka-easy to get ko namang babae kung kaagad kong tatanggapin ang sinasabi niyang pag-ibig niya para sa akin. Pero sa isang banda, naiisip ko na rin na hindi na rin naman ako bumabata. I, of course, need a partner to be with in the future. Kaya napapaisip na rin ako."Uy! Ano? Kayo na?," pag-uulit pa ni Carol sa naitanong na niya. Hindi ko alam kung curious lang ba talaga siya o parang dismayado sa nararamdaman niya na maaari kong isagot sa tanong niya."H-hindi pa naman–.""Hindi pa naman!," mataas ang tonong pag-uulit niya sa kasasabi ko lang. Bigl

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 39: WAY TO YOU

    CLOUD'S POV Walang humpay at paulit-ulit ang ginagawa kong pagbibilin ngayon kay Steffano patungkol sa mga dapat niyang gawin sa pagpapatakbo nitong restaurant at pati na rin ang mga bagay na dapat na niyang tigilan mula sa araw na ito, kagaya na lang ng panglalandi niya sa halos lahat ng mga babae naming staff. Iyon ay kahit pa kanina ko pa napapansin na hindi naman niya pinakikinggan ang lahat ng sinasabi ko. Well, sabagay nga naman. Kung pagpapatakbo at pagpapatakbo lang din naman nitong maliit naming business, I am so sure that he can handle it. He's great pagdating sa kusina at pati na rin sa pakikipag-usap sa mga clients, pero 'yung pagiging babaero at kalandian niya? Uh, that's another thing. One thing na kadikit na 'yata talaga ng pagkatao niya. Kaya kailangan ko talagang idildil sa kanya, o mas tama 'yatang sabihin na, kailangan kong ipaalala sa kanya ng paulit-ulit ang mga dapat na niyang iwasan o bawasan sa pag-alis ko. He needs some focus from now on."Have you lost you

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 40: A PERFECT DATE

    VIER'S POV Day off ko ngayon at naisipan na rin ni Hector na ayain akong lumabas for a date. Ayon kasi sa kanya ay hindi raw kasi masyadong nakakapag-usap sa tuwing may trabaho ako. Iyon ay kahit pa nga halos araw-araw pa rin naman kaming nagkakasama lalo na tuwing hinahatid niya kami ni Carol pauwe. Hindi ko tuloy napigilan na muling makaramdam ng labis na tuwa na halos magpatalbog sa dibdib ko. Halos prinsesa na niya ako kung ituring sa araw-araw. Bumibisita siya sa restaurant kapag naroon lang siya sa building at kung naman may trabaho o meeting siya sa ibang lugar ay sinisigurado pa rin niyang makakarating siya para ihatid kami pauwi. Minsan nga ay nakakaramdam na rin ako ng matinding hiya sa kanya dahil kahit sobrang pagod na siya ay pinipilit pa rin niya na maihatid kami ni Carol. Parati niya ring ipinapaalala sa akin na mahalaga ako at karapat-dapat na alagaan ng husto kaya raw ganoon na lang kung protektahan niya ako. Such a sweet gesture from a real gentleman like him

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 41: A NEW START

    CLOUD'S POV Sinimulan ko ang araw na ito ng may positibong pananaw sa mga bagay-bagay na maaaring mangyari. Malaki rin ang kumpyansa ko na sasang-ayon si Vier sa mga nais kong mangyari at sa mga plano ko para sa aming dalawa at sa anak namin. Inakala ko na sa wakas ay mapapanindigan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Na matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa ay isang magandang daan pa rin pala ang magiging hantungan namin. Daan na tatahakin namin ng magkasama. Ng magkahawak-kamay. At magkasama sa anumang hamon o hirap na naghihintay sa amin. Pero mukhang hindi iyon ang tadhanang nais ibigay sa amin ng panahon at ng pagkakataon. Papunta na sana ako sa bahay nila pero si Carol ang una kong nakita. Sobrang saya niya na muli akong makita sa 'area namin' kung tawagin namin dati. Masaya rin naman akong makita siya pero si Vier talaga ang pakay ko kaya magpapaalam na sana ako sa kanya nang,"Wala sa kanila si Vier. May date siya ngayon kasama 'yung boss namin. 'Yung

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 42: FAMILY AND LOVE

    Matinding pagkabigla at nag-aapoy na galit sa aking sarili ang patuloy na bumabalot sa akin habang mag-isa akong nakaupo dito sa loob ng restaurant kung saan kami magkikita ni Allen. Masaya ako na muli siyang makita. Kahit nga nang marinig ko pa lang sa telepono ang boses niya na tila masayang-masaya nang kumpirmahin ko na naririto nga akong muli sa Bulacan ay nakaramdam na rin ako ng galak sa puso ko. Masaya ako na may mga kakilala ako dito na excited pa rin na makita ako matapos ang lahat-lahat ng nangyari sa amin ng kapatid niya. Na pamilya pa rin ang turing niya sa akin hanggang ngayon. Pero kahit anong pilit ko na ikubli na lang sa aking sarili ang sakit na nararamdaman at punan na lang ang utak ko ng masayang isipin na may maituturing pa rin akong kapamilya dito ay hindi ko pa rin magawang magsaya. Hindi ko magawang alisin sa isip ko ang nasaksihan ng mismong mga mata ko kanina. Paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak ko na parang sirang plaka na unti-unti ring sumisira sa kalo

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 43: MEETING THE MENDEZES

    VIER'S POV Pakiramdam ko ay patuloy ang pagbaligtad ng sikmura ko habang nakaupo ako rito sa loob ng sasakyan ni Hector na ngayon ay tinatahak ang daan papunta sa bahay ng kanilang pamilya para pormal akong ipakilala bilang nobya niya. Bagay na hindi ko inasahang mangyayari kaagad sa araw na ito. Ang totoo ay wala sa mga nangyari ngayon ang inasahan kong mangyayari. Ilang araw kong pinlano ang araw na ito at inexpect ko na magiging maganda ang bunga ng paghahanda ko dahil nga pinlano at pinaghandaan ko ito ng mabuti. I expected this day to be one of the most memorable ones and I only visioned nothing but good things. Pero wala sa anumang inasahan ko ang natupad. Mula sa biglaang pagsulpot ni Cloud sa mall na nagdulot sa akin ng pag-aalinlangan hangggang sa bigla niyang pagkawala roon na naghatid naman nang hindi ko maipaliwanag na pagdaramdam. At ngayon naman ay ang biglaang pag-aaya sa akin ni Hector sa kanilang bahay para pormal niya akong maipakilala sa kanyang pamilya bilang gi

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 44: CRUELTY OF LIFE

    VIER'S POV"Magandang gabi po," pagbati ko sa lahat ng naroroon gamit ang pilit na pinatatag kong tinig. Ang pagbating iyon ay hindi ko na nagawang sundan pa ng kahit anumang salita dahil sa natanggap kong reaksyon mula sa bawat isang naroroon na hindi itinago ang negatibong impresyon nila sa akin. Matalim ang itinuong tingin sa akin ng matandang Mendez at sa wari ko ay pinag-aaralan niya ang buo kong pagkatao sa pamamagitan lamang ng mga tinging iyon na ipinupukol niya sa akin. Hindi rin maganda ang pagtitig sa akin ng katabi nitong babae na sa palagay ko ay walang iba kundi ang ina naman ni Hector. Napapalamutian siya ng naglalakihang mga perlas at nanginginang na mga ginto sa kanyang katawan na tila ba sumisigaw ng estado ng kanyang pamumuhay. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang literal niyang pagsuri sa akin mula ulo hanggang paa habang nakataas ang mga kilay na nagpapakita ng lubos niyang pagkadisgusto sa akin."Your new assistant?," tanong ng ginang kay Hector na nginiti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 45: THE PAIN

    CLOUD'S POV Matapos ang masayang tanghalian namin sa restaurant sa bayan ay nag-aya pa ang magkakapatid ng mas mahaba-haba pang bonding at usapan kasama ng mga alak sa bahay nila. Hindi na 'ko tumanggi pa dahil bukod sa sobra ko din talaga silang na-miss ay mukhang kailangan na nga rin ng sistema ko ang impluwensya ng matinding inumin para bahagya akong makalimot sa sakit na pilit kong pinaglalabanan ngayon. Dumaan muna kami sa palengke para mamili ng mga sangkap para sa sisig at bicol express na kanina pang hinhirit sa akin ni Raven. Hindi raw kasi niya masyadong na-enjoy ang mga kinain namin kanina dahil mas masarap pa rin daw ang luto ko kumpara sa mga iyon. Hindi naman sa pagmamayabang o pag-aangat ng sarili kong bangko, pero tama naman siya. Para kasing tinipid sa sangkap ang mga inihain nila sa amin kanina, I know it bilang pagkain rin ang ang forte ko. Bago pa dumilim ay natapos na akong magluto at nai-ayos na rin nina Allen at Kristoph ang lamesa sa sala para sa mahaba-ha

Latest chapter

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

DMCA.com Protection Status