VIER'S POV
Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil sa tanong na 'yon ni Carol. Hindi pa naman kami ni Hector pero ilang araw ko na ring pinag-iisipan ang tungkol doon. Palagay ang loob ko sa kanya at magaan din siyang kasama. Yun nga lang eh ilang pa lang naman ang nakakalipas mula nang makilala namin siya at ilang araw pa lang rin mula nang ipaalam niya sa akin ang kanyang interes at espesyal niyang pagtingin sa akin. Magiging napaka-easy to get ko namang babae kung kaagad kong tatanggapin ang sinasabi niyang pag-ibig niya para sa akin. Pero sa isang banda, naiisip ko na rin na hindi na rin naman ako bumabata. I, of course, need a partner to be with in the future. Kaya napapaisip na rin ako. "Uy! Ano? Kayo na?," pag-uulit pa ni Carol sa naitanong na niya. Hindi ko alam kung curious lang ba talaga siya o parang dismayado sa nararamdaman niya na maaari kong isagot sa tanong niya. "H-hindi pa naman–." "Hindi pa naman!," mataas ang tonong pag-uulit niya sa kasasabi ko lang. Biglaan ko tuloy siyang nahila sa braso para lang ipaalala sa kanya na wala kami sa bahay para sumigaw siya ng ganoon. And thank God at napakalma ko naman siya. Napapatingin na rin kasi sa amin ang ilang kasabayan naming mga pasahero dito. "Hindi pa pero may balak ka na, gano'n ba?," medyo iritado pa rin niyang tanong sa mas mahina nang boses kasama pa rin ng mga nanlalaki niyang mga mata. "Carol, iniisip ko lang din naman kasi hindi na tayo bumabata. Medyo, dapat siguro mag-settle na rin tayo, 'di ba?" Kung wala sigurong ibang tao rito sa dyip, malamang na nasapak na 'ko nitong si Carol sa pagkagigil niya sa sinabi ko. Halata 'yon sa lalim ng hinga at talim ng naging pagtitig niya sa akin. "Hay, ewan ko sayo Vier Kristine," sagot niya at pagkatapos ay nagsimula nang manahimik hanggang sa makarating na kami sa building. Ni hindi niya talaga ako kinibo kahit na nasa loob na kami ng elevator papunta sa opisina ni Hector. Parang hindi tuloy siya ang kasama ko. "Good morning Miss Vier, Miss Carol," bati sa amin ni Grace pagkarating namin. May tinapos daw kasing mga papeles si Hector sa kanyang opisina sa nakaraang magdamag kaya umorder na lang siya ng pagkain at dito na lang niya naisipang ayain kaming mag-almusal kasama niya. "Tuloy na po kayo sa loob. Kanina pa po kayo hinihintay ni sir," nakangiting saad sa amin ni Grace. Hindi ko maiwasang makaramdam ng saya at kilig sa loob ko nang abutan namin si Hector na siya pa mismong nag-aayos ng mesa na espesyal pa niyang ipinalagay roon para sa lang sa pag-aalmusal namin dito ngayong umaga. "Dapat siguro ay turuan mo rin kaming mag-ayos ng table na kasing-ganda niyan," puri ko sa malinis at maganda niyang pagkakaayos ng aming kakainan. May red roses rin siyang inilagay sa gitna ng mesa para lagyan ng romantic vibes ang ayos nito. "Oh, good thing, I'm almost done with this," aniya at iniayos ang mga katiting na lupi sa puting tablecloth na nakalapat sa mesa. Halata sa ayos ng mesa ang pagkadetalyado niya. A perfectionist. Matapos niyon ay humakbang naman siya patungo sa kanyang table at kinuha ang isang malaking bouquet ng red roses na hindi ko agad napansin roon. "Good morning," magiliw niyang pagbati sa akin habang iniaabot ang hawak niyang bulaklak at b****o sa akin. "Good morning, Carol," paling niya rito na nakatayo sa tabi ko. Ngumiti naman siya bilang ganting-bati pero may pag-ikot ng mga mata nang mag-alis na ng tingin sa kanya si Hector. 'Ano bang problema nito,?' sa isip-isip ko. Ayaw ba niya kay Hector? "Let's eat," aya na sa amin ni Hector at iginiya na kami sa mesa na napupuno ng mga tinapay. "Sana pala nag-almusal na muna ako sa amin," biglang saad nitong si Carol habang nakatitig sa mga nakahain sa mesa. "Mas sanay kasi kami sa heavy breakfast eh, 'di ba Vier?," pagdadahilan pa niya. "Ahh- oo," sagot ko na lang. "Gano'n ba?," halata sa kanyang tono ang panlalambot sa narinig. "Sorry. Hindi ko kasi alam kung anong gusto n'yo. And so, I thought you would enjoy Italian style for breakfast. Pero kung gusto n'yo pwede rin naman tayong magpadeliver ng kung anong mas gusto n'yo. Would that be alright?" "Hindi na Hector. Ok na 'to. For a change," nakangiti kong saad at kumuha ng isang croissant bread sa mesa para simulan na ang pag-aalmusal. Mas nilawakan ko rin ang pagngiti ko to give him assurance na talagang nae-enjoy ko ang kung anong inihanda niya. Bahagya ring nawala ang kaba sa hitsura niya nang makita ang naging reaksyon ko at naupo na rin para sinaluhan kami ni Carol. "Atleast, next time alam ko na kung anong gusto n'yo," nakangiti na ulit niya pagsisimula ng usapan. "Tama ka. Kaya nga kasi may mga stages ang panliligaw eh, para mas makilala ng dalawang tao ang isa't-isa. May talking stage, getting to know stage at iba pang mga stages. Para kung sakali mang magdesisyon na silang pumasok sa isang relasyon, eh di alam na nila ang lahat-lahat patungkol sa bawat isa. At malamang na alam na rin nila kung tama ba 'yong taong 'yun para sa kanila o baka pinagtagpo lang sila pero hindi naman nakatadhana. Alam mo 'yon," tila pagpaparinig ni Carol. "Yes, of course. Handa rin naman akong maghintay kay Vier," aniya at nangingislap ang kanyang mga mata na tumitig sa akin. "At kung anuman ang magiging desisyon n'ya in the future, kung mahalin din niya ako o hindi, maluwag ko iyong tatanggapin. Ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay ang maparamdam ko sa kanya 'yung feelings ko para sa kanya," makatunaw dibdib niyang saad na nagpaliwanag pang lalo ng umaga ko ngayon. I think, I really found the one. CLOUD'S POV One month after, Matapos ang malalim naming pag-uusap ni Francis ay napagdesisyunan ko nang bumalik kaagad dito sa Ilocos. Not to stay, but to fix things out. Iiwanan ko na muna kay Steffano ang pamamahala sa buong operasyon ng Jupiter's branch dito habang tututukan ko naman ang branch nito sa Makati. Of course, hindi ko iyon gagawin dahil lang sa iyon ang nais kong gawin, but because gusto kong muling mapalapit kay Vier. Yes. It may sound stupid and foolish of me na muling ilapit ang sarili sa taong minsan ng sumira sa akin. Pero, buo na ang loob ko at sigurado na ako sa nais kong mangyari this time. Gusto ko nang magampanan ang pagiging ama sa aming anak na si George. Gusto kong bumawi sa ilang taon na nabuhay siya ng wala ako sa tabi niya para umalalay sa kanya, para turuan siya, para patulugin siya at para pawiin ang mga luha niya sa tuwinang iiyak siya. Gusto kong makilala na niya ako. Hindi bilang kaibigan lang ng kanyang mommy, kundi bilang ama niya na hindi siya iiwanan at aalagaan siya. And for Vier, gusto kong malaman at maramdaman niya na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal na inialay at ibinigay ko sa kanya noon. At ngayon ko lang iyon na-realize. Natabunan lang ang pagmamahal kong iyon para sa kanya ng matinding galit at hinanakit ko pero hindi iyon tuluyang nawala o nabawasan man lang. At gagawin kong lahat para maibalik kong muli ang pagmamahal namin sa isa't-isa at buhaying muli lahat ng plano namin sa buhay ng magkasama. I want to win her back. I want to be her man…. again.CLOUD'S POV Walang humpay at paulit-ulit ang ginagawa kong pagbibilin ngayon kay Steffano patungkol sa mga dapat niyang gawin sa pagpapatakbo nitong restaurant at pati na rin ang mga bagay na dapat na niyang tigilan mula sa araw na ito, kagaya na lang ng panglalandi niya sa halos lahat ng mga babae naming staff. Iyon ay kahit pa kanina ko pa napapansin na hindi naman niya pinakikinggan ang lahat ng sinasabi ko. Well, sabagay nga naman. Kung pagpapatakbo at pagpapatakbo lang din naman nitong maliit naming business, I am so sure that he can handle it. He's great pagdating sa kusina at pati na rin sa pakikipag-usap sa mga clients, pero 'yung pagiging babaero at kalandian niya? Uh, that's another thing. One thing na kadikit na 'yata talaga ng pagkatao niya. Kaya kailangan ko talagang idildil sa kanya, o mas tama 'yatang sabihin na, kailangan kong ipaalala sa kanya ng paulit-ulit ang mga dapat na niyang iwasan o bawasan sa pag-alis ko. He needs some focus from now on."Have you lost you
VIER'S POV Day off ko ngayon at naisipan na rin ni Hector na ayain akong lumabas for a date. Ayon kasi sa kanya ay hindi raw kasi masyadong nakakapag-usap sa tuwing may trabaho ako. Iyon ay kahit pa nga halos araw-araw pa rin naman kaming nagkakasama lalo na tuwing hinahatid niya kami ni Carol pauwe. Hindi ko tuloy napigilan na muling makaramdam ng labis na tuwa na halos magpatalbog sa dibdib ko. Halos prinsesa na niya ako kung ituring sa araw-araw. Bumibisita siya sa restaurant kapag naroon lang siya sa building at kung naman may trabaho o meeting siya sa ibang lugar ay sinisigurado pa rin niyang makakarating siya para ihatid kami pauwi. Minsan nga ay nakakaramdam na rin ako ng matinding hiya sa kanya dahil kahit sobrang pagod na siya ay pinipilit pa rin niya na maihatid kami ni Carol. Parati niya ring ipinapaalala sa akin na mahalaga ako at karapat-dapat na alagaan ng husto kaya raw ganoon na lang kung protektahan niya ako. Such a sweet gesture from a real gentleman like him
CLOUD'S POV Sinimulan ko ang araw na ito ng may positibong pananaw sa mga bagay-bagay na maaaring mangyari. Malaki rin ang kumpyansa ko na sasang-ayon si Vier sa mga nais kong mangyari at sa mga plano ko para sa aming dalawa at sa anak namin. Inakala ko na sa wakas ay mapapanindigan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Na matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa ay isang magandang daan pa rin pala ang magiging hantungan namin. Daan na tatahakin namin ng magkasama. Ng magkahawak-kamay. At magkasama sa anumang hamon o hirap na naghihintay sa amin. Pero mukhang hindi iyon ang tadhanang nais ibigay sa amin ng panahon at ng pagkakataon. Papunta na sana ako sa bahay nila pero si Carol ang una kong nakita. Sobrang saya niya na muli akong makita sa 'area namin' kung tawagin namin dati. Masaya rin naman akong makita siya pero si Vier talaga ang pakay ko kaya magpapaalam na sana ako sa kanya nang,"Wala sa kanila si Vier. May date siya ngayon kasama 'yung boss namin. 'Yung
Matinding pagkabigla at nag-aapoy na galit sa aking sarili ang patuloy na bumabalot sa akin habang mag-isa akong nakaupo dito sa loob ng restaurant kung saan kami magkikita ni Allen. Masaya ako na muli siyang makita. Kahit nga nang marinig ko pa lang sa telepono ang boses niya na tila masayang-masaya nang kumpirmahin ko na naririto nga akong muli sa Bulacan ay nakaramdam na rin ako ng galak sa puso ko. Masaya ako na may mga kakilala ako dito na excited pa rin na makita ako matapos ang lahat-lahat ng nangyari sa amin ng kapatid niya. Na pamilya pa rin ang turing niya sa akin hanggang ngayon. Pero kahit anong pilit ko na ikubli na lang sa aking sarili ang sakit na nararamdaman at punan na lang ang utak ko ng masayang isipin na may maituturing pa rin akong kapamilya dito ay hindi ko pa rin magawang magsaya. Hindi ko magawang alisin sa isip ko ang nasaksihan ng mismong mga mata ko kanina. Paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak ko na parang sirang plaka na unti-unti ring sumisira sa kalo
VIER'S POV Pakiramdam ko ay patuloy ang pagbaligtad ng sikmura ko habang nakaupo ako rito sa loob ng sasakyan ni Hector na ngayon ay tinatahak ang daan papunta sa bahay ng kanilang pamilya para pormal akong ipakilala bilang nobya niya. Bagay na hindi ko inasahang mangyayari kaagad sa araw na ito. Ang totoo ay wala sa mga nangyari ngayon ang inasahan kong mangyayari. Ilang araw kong pinlano ang araw na ito at inexpect ko na magiging maganda ang bunga ng paghahanda ko dahil nga pinlano at pinaghandaan ko ito ng mabuti. I expected this day to be one of the most memorable ones and I only visioned nothing but good things. Pero wala sa anumang inasahan ko ang natupad. Mula sa biglaang pagsulpot ni Cloud sa mall na nagdulot sa akin ng pag-aalinlangan hangggang sa bigla niyang pagkawala roon na naghatid naman nang hindi ko maipaliwanag na pagdaramdam. At ngayon naman ay ang biglaang pag-aaya sa akin ni Hector sa kanilang bahay para pormal niya akong maipakilala sa kanyang pamilya bilang gi
VIER'S POV"Magandang gabi po," pagbati ko sa lahat ng naroroon gamit ang pilit na pinatatag kong tinig. Ang pagbating iyon ay hindi ko na nagawang sundan pa ng kahit anumang salita dahil sa natanggap kong reaksyon mula sa bawat isang naroroon na hindi itinago ang negatibong impresyon nila sa akin. Matalim ang itinuong tingin sa akin ng matandang Mendez at sa wari ko ay pinag-aaralan niya ang buo kong pagkatao sa pamamagitan lamang ng mga tinging iyon na ipinupukol niya sa akin. Hindi rin maganda ang pagtitig sa akin ng katabi nitong babae na sa palagay ko ay walang iba kundi ang ina naman ni Hector. Napapalamutian siya ng naglalakihang mga perlas at nanginginang na mga ginto sa kanyang katawan na tila ba sumisigaw ng estado ng kanyang pamumuhay. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang literal niyang pagsuri sa akin mula ulo hanggang paa habang nakataas ang mga kilay na nagpapakita ng lubos niyang pagkadisgusto sa akin."Your new assistant?," tanong ng ginang kay Hector na nginiti
CLOUD'S POV Matapos ang masayang tanghalian namin sa restaurant sa bayan ay nag-aya pa ang magkakapatid ng mas mahaba-haba pang bonding at usapan kasama ng mga alak sa bahay nila. Hindi na 'ko tumanggi pa dahil bukod sa sobra ko din talaga silang na-miss ay mukhang kailangan na nga rin ng sistema ko ang impluwensya ng matinding inumin para bahagya akong makalimot sa sakit na pilit kong pinaglalabanan ngayon. Dumaan muna kami sa palengke para mamili ng mga sangkap para sa sisig at bicol express na kanina pang hinhirit sa akin ni Raven. Hindi raw kasi niya masyadong na-enjoy ang mga kinain namin kanina dahil mas masarap pa rin daw ang luto ko kumpara sa mga iyon. Hindi naman sa pagmamayabang o pag-aangat ng sarili kong bangko, pero tama naman siya. Para kasing tinipid sa sangkap ang mga inihain nila sa amin kanina, I know it bilang pagkain rin ang ang forte ko. Bago pa dumilim ay natapos na akong magluto at nai-ayos na rin nina Allen at Kristoph ang lamesa sa sala para sa mahaba-ha
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k