Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 44: CRUELTY OF LIFE

Share

Chapter 44: CRUELTY OF LIFE

Author: Mawi
last update Last Updated: 2024-06-23 19:58:19

VIER'S POV

"Magandang gabi po," pagbati ko sa lahat ng naroroon gamit ang pilit na pinatatag kong tinig.

 Ang pagbating iyon ay hindi ko na nagawang sundan pa ng kahit anumang salita dahil sa natanggap kong reaksyon mula sa bawat isang naroroon na hindi itinago ang negatibong impresyon nila sa akin.

 Matalim ang itinuong tingin sa akin ng matandang Mendez at sa wari ko ay pinag-aaralan niya ang buo kong pagkatao sa pamamagitan lamang ng mga tinging iyon na ipinupukol niya sa akin. Hindi rin maganda ang pagtitig sa akin ng katabi nitong babae na sa palagay ko ay walang iba kundi ang ina naman ni Hector. Napapalamutian siya ng naglalakihang mga perlas at nanginginang na mga ginto sa kanyang katawan na tila ba sumisigaw ng estado ng kanyang pamumuhay. 

 Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang literal niyang pagsuri sa akin mula ulo hanggang paa habang nakataas ang mga kilay na nagpapakita ng lubos niyang pagkadisgusto sa akin.

"Your new assistant?," tanong ng ginang kay Hector na nginitian lamang ng aking nobyo bago siya lumapit sa akin at hinapit ako sa aking beywang.

"This is Vier, mom. My girlfriend," anunsyo niya sa mga naroroon na ikinataas pang lalo ng kilay ng kanyang ina.

"What about discussing it over dinner?," nakangiting sabad ni Ericka sa gitna ng usapan na halata naman na bumubuo ng tensyon sa mga naririto.

"Yeah, let's eat first," pagsang-ayon ng lalaking katabi niya na sa tingin ko ay ang kapatid ni Hector base na rin sa hitsura nito na halos walang pinagkaiba kay Hector. Hindi rin maitatanggi ang pagkayamot nito sa narinig.

 Pakiramdam ko nga ay tuluyan na akong nilisan ng aking kaluluwa sa gitna ng mga nangyayari sa akin dito. Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong gawin kaya nanatili na lang akong nakadikit sa tabi ni Hector. Kahit papaano ay komportable ako kapag nasa tabi ko siya. 

 Tahimik lang ang lahat habang pumupwesto sa kani-kanyang upuan pero hindi ang dibdib ko. Parang anumang oras kasi ay mababasag ang katahimikan dito at natatakot ako na hindi papabor sa akin ang mga mangyayari sa mga susunod na sandali.

 Naupo na ang ama ni Hector sa kanyang pwesto sa unahan na animo ay hari na naupo na sa kanyang trono para pamunuan ang kanyang mga tagasunod. Sa upuan na sumunod sa kanya ay pumwesto na rin ang asawa nito. Sina Ericka naman at ang asawa nito ang umokupa sa upuan na katapat ng kung saan kami pumwesto ni Hector. Nginitian pa ako ni Ericka pero hindi ganoon ang nasa hitsura ng asawa niya.

 Hindi mababanaag sa mukha niya ang kasiyahan o kahit pa welcoming na attitude para sa akin, bagkus ay ang nag-aapoy na galit lamang sa kanyang mga mata ang nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kanyang reaksyon pero mukhang maging si Hector ay iniiwasan din ang tingin na iyon ng kanyang kapatid.

"Are you working?," tanong ng ama ni Hector nang 'di man lang ako tinatapunan ng tingin.

 Hindi agad ako nakasagot sa ibinatong tanong na iyon ng matandang Mendez dahil sa pagkapahiya ko sa aking sarili. Paano ko naman kasi sasabihin sa harap nilang lahat na ang nobya ng kanilang anak ay ganito lamang kababa ang pagkatao.

 Naramdaman ko naman ang kaagad na pag-alalay sa akin ni Hector nang hawakan niya ang aking kamay at siya na ang nagsalita para sa akin.

"She works at The Lounge, dad."

"As?," agad na pahabol na tanong ni Donya Victoria habang matalim ang tingin na pinupukol sa akin.

"Ahm, she's a waitress—"

"What?," putol ng donya sa mga susunod pa sanang sasabihin ni Hector habang tila nagngangalit sa galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. 

 Napahinto rin sa kanyang pagkain ang kanyang ama at tiim-bagang na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Hector.

"Nawalan na 'ko ng gana," sabi pa nito bago mabilis na humakbang papalabas ng dining area na sinundan din ng kanyang asawa na tila ba hindi makayanan ang aking presensya dito.

 Matapos lumisan ng kanilang mga magulang ay pinuno na ng katahimikan ang buong silid. Nakakabingi ngunit nakakatakot na katahimikan. At ilang saglit nga lang ang lumipas ay halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang padabog na ibagsak ng kanyang kapatid ang hawak nitong kubyertos sa mesa.

"We have to talk!," mariin nitong utos kay Hector bago mabigat ang mga paa na nilisan rin ang kwarto. Walang segundo ang bumilang at bumalikwas din kaagad si Hector para sundan ito.

 Lubha silang nadismaya sa pagkakalantad pa lamang ng aking trabaho. Paano pa kaya kung malaman nila ang pagiging single parent ko? Mali ba talaga na magmahal ako ng isang kagaya ni Hector?

 Ganun na lamang ang pagkwestyon ko sa aking sarili at sa halaga ko bilang tao matapos ang mga nangyari at natanggap na pagtrato ng pamilya Mendez. Nagmahal lang naman ako, ngunit mali yata. Mali yata na pumasok ako sa buhay ng taong muling nagparamdam sa akin ng pagmamahal.

 Tuluyan na akong nawalan ng ganang kumilos mula sa puntong iyon at napatungo na lamang ako sa kinauupuan ko. 

 Simula pa lang naman ay mulat na ang aking isipan sa malaking pagkakaiba namin ni Hector. Isinilang siya na may gintong kutsara sa kanyang bibig at ang lahat ng nakapalibot sa kanya ay ginto. Napakalayo sa simple at hamak kong pamumuhay. Ngunit ang pagkakaiba naming iyon na pumapagitan sa amin ay nakalimutan ko nang dahil na rin sa ipinakita niyang pagmamahal at importansya sa akin. Ipinaramdam niya sa akin na hindi kami magkaiba. Na wala namang yaman na pumapagitna o naghihiwalay sa aming dalawa. 

 Pero ngayong gabi, winasak ng kanyang pamilya ang samahan na binuo ng pagmamahal namin para sa isa't-isa. At kasama ng pagkawasak na iyon ay ang tila pagbagsak rin ng aking buong pagkatao.

"I guess, nabigla lang sina dad. Don't worry, masasanay ka rin," mahinahon na saad ni Ericka na katulad ko ay naiwan lang rin sa kanyang pwesto.

 Hindi kababanaagan ng kahit anong emosyon ang kanyang mukha pero nakasisiguro ako na hindi niya lubos na nauunawaan ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. She's one of them. At malamang ay hindi niya naranasan ang panghahamak ng pamilyang ito nang ipakilala siya ng kanyang asawa sa mga ito.

"Saan dito ang restroom?," sa halip ay tanong ko na lang sa kanya.

"Pakisamahan naman si Vier," pakisuyo niya sa isa sa mga katulong na nakapaligid sa amin.

 Mabilis akong tumayo at sumunod sa babae ngunit sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay natanaw ko ang magkapatid sa labas at tila nagtatalo ang mga ito.

 Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ako sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan kaya awtomatikong humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanila. Ayoko naman kasing maging sanhi pa ako ng sigalot nilang magkapatid kaya nais ko sanang ayusin ang kung anumang gulo ang naidulot ko sa kanila.

 Ngunit hindi pa man ako lubos na nakakalapit sa kanila ay klaro ko nang narinig ang mga sinasabi ng kanyang kapatid. Halos huminto ang mundo ko sa mga naririnig sa kanya at hindi ko napigil ang pagtulo ng luha kong kanina pa nananahan sa aking mga mata.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ignalig Odesa
more update please......
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
di ka kasi nag iisip vier masyado rin mataas lipad mo ang bilis mo sagutin ni hindi mo masyado kinilala,di ka pa natuto sa una mong karanasan ni hindi mo pa nga ata nasabi na single mom ka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 45: THE PAIN

    CLOUD'S POV Matapos ang masayang tanghalian namin sa restaurant sa bayan ay nag-aya pa ang magkakapatid ng mas mahaba-haba pang bonding at usapan kasama ng mga alak sa bahay nila. Hindi na 'ko tumanggi pa dahil bukod sa sobra ko din talaga silang na-miss ay mukhang kailangan na nga rin ng sistema ko ang impluwensya ng matinding inumin para bahagya akong makalimot sa sakit na pilit kong pinaglalabanan ngayon. Dumaan muna kami sa palengke para mamili ng mga sangkap para sa sisig at bicol express na kanina pang hinhirit sa akin ni Raven. Hindi raw kasi niya masyadong na-enjoy ang mga kinain namin kanina dahil mas masarap pa rin daw ang luto ko kumpara sa mga iyon. Hindi naman sa pagmamayabang o pag-aangat ng sarili kong bangko, pero tama naman siya. Para kasing tinipid sa sangkap ang mga inihain nila sa amin kanina, I know it bilang pagkain rin ang ang forte ko. Bago pa dumilim ay natapos na akong magluto at nai-ayos na rin nina Allen at Kristoph ang lamesa sa sala para sa mahaba-ha

    Last Updated : 2024-06-25
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

    Last Updated : 2024-07-02
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

    Last Updated : 2024-07-05
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

    Last Updated : 2024-07-08
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

    Last Updated : 2024-07-12
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

    Last Updated : 2024-07-16
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

    Last Updated : 2024-07-19
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

    Last Updated : 2024-07-21

Latest chapter

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status