VIER'S POV
Pakiramdam ko ay patuloy ang pagbaligtad ng sikmura ko habang nakaupo ako rito sa loob ng sasakyan ni Hector na ngayon ay tinatahak ang daan papunta sa bahay ng kanilang pamilya para pormal akong ipakilala bilang nobya niya. Bagay na hindi ko inasahang mangyayari kaagad sa araw na ito. Ang totoo ay wala sa mga nangyari ngayon ang inasahan kong mangyayari. Ilang araw kong pinlano ang araw na ito at inexpect ko na magiging maganda ang bunga ng paghahanda ko dahil nga pinlano at pinaghandaan ko ito ng mabuti. I expected this day to be one of the most memorable ones and I only visioned nothing but good things. Pero wala sa anumang inasahan ko ang natupad. Mula sa biglaang pagsulpot ni Cloud sa mall na nagdulot sa akin ng pag-aalinlangan hangggang sa bigla niyang pagkawala roon na naghatid naman nang hindi ko maipaliwanag na pagdaramdam. At ngayon naman ay ang biglaang pag-aaya sa akin ni Hector sa kanilang bahay para pormal niya akong maipakilala sa kanyang pamilya bilang girlfriend niya. Alam ko naman na darating at darating ang panahon na kakailanganin niya akong ipakilala sa kanyang pamilya pero hindi ko inasahan na magaganap na iyon sa araw na ito. Wala din akong kahit katiting na ideya sa kung anong klaseng mga tao ang pamilya ng boyfriend dahil hindi naman namin iyon napag-uusapan ni Hector. Ang tanging alam ko lang ay kilala ang pamilya nila sa business industry, 'yon lang. "Are you ok?," baling sa akin ni Hector nang huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Pinilit kong ngumiti kahit pa pakiramdam ko ay nanginginig na pati ang labi ko hindi ko pa man nakakaharap ang kanyang pamilya. "Y-yes. Ok lang," sagot ko sabay hablot sa bottled water na nakalagay sa pagitan naming dalawa. Halos maubos ko ang laman noon para maibsan kahit papaano ang nararamdaman ko ngayon. Sandali ko ring ibinaling sa labas ang tingin ko para sana mapakalma ko ang sarili ko pero sadyang hindi nakatulong sa pag-ooverthink ko ang halos magkakadikit na sasakyan sa kalsada. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay lalo lang akong naipit sa sitwasyon gaya na lang ng mga sasakyan sa labas. Hindi talaga ako komportable sa pagsama ngayon kay Hector at sa plano niya na iharap na ako sa kanyang pamilya pero ayoko rin naman na madisappoint siya sa akin sa unang araw pa lamang ng aming relasyon. Ayon kay Hector ay ngayong gabi magaganap ang buwanang family dinner ng kanilang pamilya at naniniwala siya na ito na ang tamang pagkakataon para pormal niya akong ipakilala sa kanila bilang nobya niya. Sobrang saya at excited niya sa ideya niyang iyon, bagay na ayaw ko namang sirain. Gusto ko siyang maging masaya kahit na nga ang kapalit pa noon ay ang panginginig ng buo kong katawan sa sobrang takot at kaba sa mga bagay na maaaring mangyari ngayong gabi. "H'wag kang mag-alala honey. Mabait naman ang pamilya ko," aniya habang hawak ang kamay ko para i-assure ako. Dinala pa niya sa kanyang labi ang kamay ko at hinalikan nang maramdaman marahil niya na tensyonado pa rin ako. "Andito lang ako, hon," dagdag niya pa na tuluyang tumunaw sa takot na nararamdaman ko. "Andito na tayo," nakangiti niyang saad at nang ibaling ko ang tingin sa aming harapan ay sumalubong sa aking mga mata ang malawak at pagkataas-taas nilang gate na tila nagpapakilala ng antas ng kanilang pamilya. Saglit akong natulala at mahigpit na napakapit sa braso ni Hector nang muli niyang paandarin ang kanyang sasakyan nang senyasan siya nang gwardya na tuluyan na nitong nabuksan ang gate na iyon na tila ba tumatakip sa isang palasyo. At habang papalapit kami ng papalapit sa kumikinang nilang pamamahay ay lalo lang akong nagigising sa katotohanan na hindi basta-bastang lalaki ang pinili kong makarelasyon. Isa siyang MENDEZ. Hindi ko na inalis ang pagkakakapit ko sa mga braso ni Hector nang alalayan niya ako sa pagbaba ng sasakyan. Pakiramdam ko kasi ay anumang sandali ay bibigay na ang mga paa ko sa panginginig at ibabagsak ako ng mga iyon sa sahig na pakiramdam ko ay siyang kapantay lang ng isang katulad ko kung ikukumpara sa pamilya nila. Nakakalula rin ang laki ng kanilang mansion na lubos na nagpaparamdam sa akin kung gaano ako kaliit. Na hindi ito ang lugar na nababagay sa akin. "Oh, here they are," nakangiting salubong sa amin ng babaeng mukhang kakarating lang din dito. B****o siya kay Hector at pagkatapos ay ibinaling na ang buo niyang pansin sa akin. "Oh hi." "Vier this is Ericka, asawa ng kapatid ko," pagpapakilala niya sa babae. "Hi," bati ko na halos bulong na lang sa hangin. Sa asal pa lamang nito at sa pananalita ay malalaman mo na agad na mabait naman siya pero hindi ko rin maiwasan na ikumpara ang sarili ko sa kanya. She looks so chic, sassy and classy at the same time. Mababanaag rin sa makikinis niyang balat ang antas niya sa sosyedad. She's one of them. Kaya rin siguro napaka-confident niya sa kanyang sarili. Habang ako, heto at isang simpleng waitress lang sa building na pagmamay-ari pa ng boyfriend ko. Ni hindi nga man lang ako nakatapak ng kolehiyo. At ang pagharap sa kanila ngaying gabi ay isa marahil sa pinakamaling desisyong nagawa ko sa buong buhay ko. "Ericka, si Vier," naramdaman ko ang mas mahigpit na paghawak ni Hector sa mga kamay ko at inilahad iyon sa harapan ni Ericka. "My girlfriend," may pagmamalaki niya anunsyo na sadyang ikinagulat ng aming kaharap "Oh, welcome to the family," aniya at mahigpit akong niyakap. Bahagya kong ipinaling ang tingin ko para punasan ang luhang bigla na lang tumulo sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang emosyong pumapaloob sa akin at mukhang hindi ko na nakayanan pang kimkimin ang lahat ng iyon sa dibdib ko. "Just relax, ok?," muling paalala sa akin ni Hector at h******n pa ako sa noo para pagaanin ang nararamdaman ko. "Kanina pa nila tayo hinihintay," sabi ni Ericka at kaagad nang naglakad papunta sa kung saang bahagi nitong mansion. Hindi na rin naman muli pang nagsalita si Hector habang nakasunod kami kay Ericka. Hinayaan ko lang na nakapulupot ang aking braso kay Hector upang panatalihing kalmado ang aking sarili. He keeps me comfortable kahit pa parang kinakain na ako ng buong lugar na ito. Pumasok kami sa kwarto na animo ay isang hall sa sobrang laki ng espasyo nito pero dining area pa lang pala. Sa kalagitnaan ng kwarto ay ang mahabang mesa na kayang pagsilbihan ang dalawampung katao. Magarbo ang pagkakaayos nito at napupuno ng masasarap at iba't ibang uri ng mga pagkain na nababagay lamang sa kanila na nabibilang sa mataas na antas. Of course, dahil sila ang mga Mendez. Lumagpas sa akin si Ericka at nakangiting naglakad papunta sa likuran ko. "Good evening, dad," dinig kong saad niya at pagkatapos ay ang isang malalim na boses ng isang lalaki na ang nadinig ko. "How are you, Ericka?," anang lalaki na tinawag ni Ericka na dad. Nakakatakot ang tono ng pananalita nito. And his voice alone made me tremble. Ni hindi ko magawang pumaling ng tingin sa kung saan sila naroroon. Alam kong kailangan ko silang harapin bilang nobya na ako ngayon ni Hector, pero hindi ko maikakaila na hindi talaga ako handa. At ang paninigas ng buo kong katawan sa aking kinatatayuan ay isang matinding patunay noon. Lalo pang tumindi ang takot ko nang bigla na lang akong bitawan ni Hector para lapitan ang kanyang ama at batiin ito. Laking pasalamat ko na lang at nagawa ko pang manatiling nakatayo kahit parang tanga sa pagkakatayo ko rito na parang estatwa. "Good evening dad," dinig kong saad ni Hector. "And who is she?," tanong ng matandang Mendez na alam ko namang ako ang pinatutungkulan. Muli akong nilapitan ni Hector at ihinarap ako sa mga naroroon. "Dad, this is Vier, my girlfriend."VIER'S POV"Magandang gabi po," pagbati ko sa lahat ng naroroon gamit ang pilit na pinatatag kong tinig. Ang pagbating iyon ay hindi ko na nagawang sundan pa ng kahit anumang salita dahil sa natanggap kong reaksyon mula sa bawat isang naroroon na hindi itinago ang negatibong impresyon nila sa akin. Matalim ang itinuong tingin sa akin ng matandang Mendez at sa wari ko ay pinag-aaralan niya ang buo kong pagkatao sa pamamagitan lamang ng mga tinging iyon na ipinupukol niya sa akin. Hindi rin maganda ang pagtitig sa akin ng katabi nitong babae na sa palagay ko ay walang iba kundi ang ina naman ni Hector. Napapalamutian siya ng naglalakihang mga perlas at nanginginang na mga ginto sa kanyang katawan na tila ba sumisigaw ng estado ng kanyang pamumuhay. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang literal niyang pagsuri sa akin mula ulo hanggang paa habang nakataas ang mga kilay na nagpapakita ng lubos niyang pagkadisgusto sa akin."Your new assistant?," tanong ng ginang kay Hector na nginiti
CLOUD'S POV Matapos ang masayang tanghalian namin sa restaurant sa bayan ay nag-aya pa ang magkakapatid ng mas mahaba-haba pang bonding at usapan kasama ng mga alak sa bahay nila. Hindi na 'ko tumanggi pa dahil bukod sa sobra ko din talaga silang na-miss ay mukhang kailangan na nga rin ng sistema ko ang impluwensya ng matinding inumin para bahagya akong makalimot sa sakit na pilit kong pinaglalabanan ngayon. Dumaan muna kami sa palengke para mamili ng mga sangkap para sa sisig at bicol express na kanina pang hinhirit sa akin ni Raven. Hindi raw kasi niya masyadong na-enjoy ang mga kinain namin kanina dahil mas masarap pa rin daw ang luto ko kumpara sa mga iyon. Hindi naman sa pagmamayabang o pag-aangat ng sarili kong bangko, pero tama naman siya. Para kasing tinipid sa sangkap ang mga inihain nila sa amin kanina, I know it bilang pagkain rin ang ang forte ko. Bago pa dumilim ay natapos na akong magluto at nai-ayos na rin nina Allen at Kristoph ang lamesa sa sala para sa mahaba-ha
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama