VIER'S POV
Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal. "Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito. "Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin. "'Nay, anong–" "Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape. "Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntahan na si inay para ihain na sa mesa ang niluto nito. "O, magsiupo na kayo," saad ni inay sa tatlo at kaagad na ngang nagsipwesto ang mga loko sa kani-kanilang upuan. "O, anak, kumain kang marami ha," saad naman niya sa akin habang ipinaglalagay ako sa plato ng sinangang at tocino. "Nay, ano bang meron?" "Wala, ate. Na-miss ka lang namin. 'Di ba mga kuya?," tatawa-tawang sagot ni Raven na sinang-ayunan naman nilang lahat kahit hindi naman nakakakumbinsi ang palusot nila. Na-miss? Ilang buwan na akong narito pero ngayon nila ako na-miss? 'May kinalaman na naman kaya dito si Cloud?,' agad kong naisip nang makita ko ang labis na kasiyahan ng bawat isa habang kumakain kami. Well, masiyahin naman talaga kami. Nagbibiruan tuwing nasa hapag gaya ng ibang pamilya. Pero hindi naman ganito. Medyo dama ko rin na may pinagmumulan ang kasiyahan nilang iyon, hindi ko nga lang mawari. At si Cloud ang kaagad na pumasok sa utak ko. As always. Bago pa 'ko mabaliw kakaisip sa kung anuman ang meron ay binilisan ko na lang ang pagkain ko tutal, eh male-late na rin ako sa trabaho. Mabuti na lang at halos kalalabas lang din ni Carol ng bahay ng dumaan ako sa kanila. Mukhang late din nagising ang bruha. "Mukhang makakaharap ko na naman ang galit ni Miss Claire ngayong araw ah," pasimple kong pagbati habang sinasabayan siya sa paglalakad. "Hmm, kaya ikalma mo na ang sarili mo," aniya at pagkatapos ay tinawanan ako na parang nakakaloko. Natingnan ko na lang tuloy siya ng masama habang iniisip kung ano ba ang meron sa araw na ito. Hindi ko naman birthday para mag-expect ako ng surprise o ano pa man. Kaya anong meron? "Carol, may hindi ka sinasabi sa 'kin 'no?," tanong ko na sa kanya nang makarating na kami sa sakayan at hindi ko na matiis pa ang inaakto nito. "Ako ba talaga Vier? Ako talaga?," balik niyang tanong na pinagtaasan pa ako ng kilay. "Anong sinasabi mo d'yan? Eh lahat nga ng tungkol sa 'kin ay alam mo," nakamangot kong tugon at sumampa na sa nakaparadang jeep. Wala naman na 'kong narinig pa mula sa kanya hanggang sa maupo na nga kami at muli na lang niyang kinalikot ang laman ng kanyang bag. 'Baka may nalimutan na naman,' sa isip-isip ko hanggang sa ilantad niya sa harapan ko ang screen ng kanyang cellphone na naglalaman ng larawan ni George. "Ang cute, 'di ba?," saad niya habang nakatunghay sa screen at parang gustong pisil-pisilin pa ang larawan na naroroon. "O, ngayon mo sabihin sa 'kin na pinapaalam mo ang lahat-lahat ng tungkol sa 'yo sa akin," may pag-irap na nitong saad habng binabalik na sa bag niya ang kanyang telepono. "Sa'n mo nakuha 'yan?" "Bakit mo muna tinago sa akin?," sa halip ay balik niyang tanong sa akin. "Vier, buong akala ko talaga ganyan tayo oh," aniya na pinagkrus pa ang gitnang daliri at ang kanyang hintuturo na simbolo ng pagiging close ng dalawang indibidwal. "Soul-sisters tayo, tapos ganyan kalaking bagay nagawa mong ilihim sa 'kin?," aniya na iiling-iling at halatang masama ang loob sa natukyan at tinalikuran na ako. "Balak ko naman talagang sabihin sa 'yo eh. Wala lang akong chance–" "Madami kang chance Vier, ayaw mo lang talagang sabihin," prangka niyang saad. At baka nga. Baka nahihiya akong aminin sa kanila dahil sa maaari kong matanggap na panghuhusga. Hindi man kay Carol o sa pamilya ko, ngunit mula sa ibang taong nakakakilala sa akin. "Pasalamat ka na lang talaga at napaka-gwapo at napaka-cute ng pamangkin ko. Mana syempre sa akin," aniya na with full confidence pa. "Kaya pinatatawad na kita." Kung matutuwa ba ako o maaasar sa nangyayari ay hindi ko din sigurado. Ang awkward ng lahat mula pa kanina. At nasisigurado ko na ako ngayon 'yung may hindi alam sa mga nangyayari. "Carol," "Hmm?" "Pa'no mo nalaman?," tanong ko kahit na may ideya na ako kung kanino niya nalaman. "Sa pinakamamahal mo," hirit niya na mukhang kinikilig pa sa sinabi. "Hoy, sabihin mo nga sa 'kin," muli ay naka-serious mode on na naman ito. "Totoo bang ikaw ang nakipaghiwalay?" "'Wag na natin 'yon balikan. Tapos na 'yun eh," sagot ko na lang. "Ano pang sinabi niya sa 'yo?," tanong ko kasabay ng matinding takot sa ilang detalye na maaaring nasabi sa kanya ni Cloud. "Wala na nga eh. Sabi ng jowa mong mahal na mahal ka, eh ikaw na lang daw ang tanungin ko. Kaya kailangan mong ikwento sa 'kin ang lahat-lahat ng nangyari mula sa simula," matindi niyang demand sa akin. Sabagay, ito rin naman 'yung gusto ko. Ang sa akin nila mismo marinig ang lahat ng nangyari nang sa gayon ay makapagpaliwanag rin ako at maipagtanggol ko ang aking sarili kung bakit ako humantong sa ganoong punto at kinailangan ko pang ilihim mula sa mga mahal ko ang isang bagong buhay na kaloob sa akin ng nasa taas. Sinabihan ko siya na ikukwento ko na lang ang lahat pagkababang-pagkababa namin ng sinasakyan naming dyip. Dikit-dikit kasi kaming mga pasahero kaya malamang na may iba na makarinig at makiusyoso pa sa madilim na bahagi ng aking pagkatao. At gaya ng ipinangako ko kay Carol ay ibinahagi ko na nga sa kanya ang detalyadong mga pangyayari apat na taon na ang nakakaraan. Mula sa hindi ko ginustong pakikipaghiwalay kay Cloud hanggang sa pakikipagsapalaran ko sa ibang bansa habang pilit na itinatago sa lahat ang tunay kong sitwasyon. Nagsisimula na 'kong maiyak sa mga pinagdaanan ko pero hindi ko napigilan ang mapahalakhak nang bigla aking mapatingin sa bestfriend ko. Para na siyang nagluluksa kung makaiyak ngayon. "Tama na nga 'yan. Ang panget mo na oh," biro ko para kahit papaano ay gumaan nang muli ang pakiramdam naming dalawa. "Oh my! Ang panget ko na nga! Bwisit ka Vier," aniya na nagsimula na ngang magalit nang makita sa screen ng kanyang cellphone kung paanong halos magmukha na siyang zombie nang dahil sa pagkalat ng mga koloreteng in-apply niya sa kanyang mukha. Halos takbuhin tuloy namin ang elevator at mabilis din kami, siya pala. Nagmamadali siyang lumabas ng elevator upang maisaayos niya ang naging horror-look niyang make up bago ang oras ng trabaho. Pangiti-ngiti pa 'ko habang papasok sa restaurant pero nabura iyon nang matanaw ko ang isang pamilyar na mukha habang kausap nito si Miss Claire. "Narito ka na pala," malumanay niyang pagkakabigkas ngunit gaya ng dati ay hindi naman ganoon ang sinasabi ng kanyang mga mata. "Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ni Miss Ericka?" "Don't worry about it Claire. I'm fine," saad ni Ericka na mukhang batid din ang tunay na ugali ng aking boss. "By the way, Vier, can we have some time?"VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
Apat na taon na pala ang nakalipas! At ngayon nga ay muli nang nakatapak ang mga paa ko sa sarili kong bayan. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama at hindi rin kayang pantayan ng kahit anong materyal na bagay ang ngiting nakapinta ngayon sa labi ko nang sa wakas ay matanaw ko na sina inay at ang mga kapatid kong sina Allen, Kristoph at Raven. Kasama rin syempre nila ang bestfriend kong si Carol na buong-lakas pang kumakaway habang papalapit sila sa akin. I was welcomed by so much warm hugs and kisses na tuluyan na ngang nagpaluha sa akin. I missed them a lot. "Kumusta ang byahe anak? Pagod ka ba? Baka nahihilo ka pa ha, magsabi ka kaagad?," ani inay na kagaya ko ay lumuluha pa rin sa tuwa. "Ayos lang po inay," paniniyak ko sa kanya habang hinahagod-hagod ko ang likod niya. "Kayo, kumusta kayo? Baka sumasakit na ulo n'yo sa tatlong ito ha," dagdag ko habang mataman kong tinitingnan ang tatlo kong kapatid na nakapalibot sa amin. "Mababait kami ha, di ba 'nay?," depensa agad
CLOUD'S POV: Ilang ulit ko na marahil tiningnan ang sarili ko sa rear-view mirror just to check how I look. And I smiled at what I saw. I look fine. And I'm feeling great habang nakatingin ako sa glove compartment nitong sasakyan kung saan nakalagay ang espesyal na bagay na iyon. Masyado yata akong nadala sa aking emosyon at hindi ko napansin na matagal na pala akong nakatingin roon at hindi na napagtuunan pa ng pansin ang kalsada. Nagulat na lang tuloy ako nang biglang may gumalabog sa harapan kasabay ng malakas na pag-bounce nitong sasakyan ko na muntik ko pang ikadisgrasya kung hindi lamang sa suot kong seatbelt. Nagmamadali agad akong bumaba ng sasakyan nang malinawan ako sa nakatunghay sa akin na isang sira at umuusok pa na sasakyan sa harapan. "Ay jusko! Ano ba 'yan? Marunong ka bang mag-drive hijo?" Nakakabingi ang boses na iyon kaya hindi ko na lang binigyang-pansin kung sino mang nilalang iyon at sinuri ko na lang ang nagawa kong disgrasya sa itim na van na mukhang
VIER'S POV VIER'S POV Kinabukasan ay maaga akong nagbalik sa ospital para palitan si Alvin sa pagbabantay nito kay Francis sa ospital. Iyon ay kahit na ako mismo ay wala ring naging maayos na tulog sa nagdaang gabi dahil sa hindi ko napaghandaang pagtatagpo ng landas namin ni Cloud kahapon. Alam ko rin naman sa sarili ko na hindi pa din matatahimik ang utak ko sa pag-iisip kaya mas mabuti na siguro na abalahin ko na lang ang sarili ko sa may kabuluhang bagay bago pa ako mabaliw sa kakaisip ko sa kanya. Hindi pa nagigising si Francis pero ayon naman sa doctor na tumingin sa kanya ay wala daw kaming dapat na ipag-alala sa kalagayan niya. Maayos na raw ang kasama namin at ang mga itinurok na gamot sa kanya lang ang dahilan kung bakit natatagalan ang pagkakamalay-tao nito. Antok na antok na rin talaga si Alvin nang abutan ko siya sa kwarto kaya agad na siyang umalis pagkarating ko doon. Malinis at maayos naman na ang kwarto kaya matapos kong ilapag sa mini table ang pinamili kong p
CLOUD'S POV Matapos ang kahangalan kong pagpunta sa ospital ay dumiretso na agad ako sa bahay namin, sa bahay ng aking ama. Magmula noong mamatay ang aking lola Miling ay dito na ako nanirahan, kasama ng aking amang umabandona sa akin noon, ang bago nitong asawa na si Lanie at ang dalawa nilang anak na sina Richard at Jackson. Nanirahan ako dito hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil kailangan ko noong lumayo sa lugar na aking kinalakhan. Sa lugar na iyon na punong-puno ng masasakit na alaala. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng maiinom. Kailangan ko ng pampakalma at ito lamang ang naiisip ko na solusyon sa naguguluhan kong isip. Mabilis kong pinuno ng whiskey ang aking baso at inisang lagok iyon. FLASHBACK "Tapusin na natin 'to Cloud. Kesa naman mahirapan pa tayo. Mabait ka naman eh. Gwapo. Siguradong makakahanap ka pa ng ibang babaeng mamahalin. 'Yung mas mamahalin ka,” aniya na nakuha pang ngumiti habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Mas mamahalin ako? Bakit Vier, hindi k
CLOUD'S POV Kinahapunan ay nagbalik ako sa bahay na tinutuluyan ng grupo ni Alvin. Tumawag ako sa ospital at ang sabi doon ay nakauwi na daw ang Francis na 'yun kaya nasisiguro ko na naroroon na rin si Vier. Ramdam ko pa ang malakas na tama sa akin ng alak na ininom ko mula kaninang umaga pero nakayanan ko pa rin namang mag-drive papunta roon. Power of love? Nope. It's the power of lust! Hindi pa rin kasi maalis-alis sa isip ko ang hitsura niya nang madatnan ko siya kanina sa ospital. Masyado siyang abala sa kanyang laptop kaya malaya kong napagmasdan ang kabuuan niya mula ulo hanggang paa. And I must say na mas mature na siya ngayon. Mature in a very sexy way. In a seductive way to be exact kahit pa sa simpleng fitted shirt at jeans lang na suot niya na humahakab sa napakagandang hubog ng kanyang katawan. She's not just a beautiful lady, but a perfectly gorgeous…….. woman. And I want her. FRANCIS POV Parang umiikot pa ang paligid ko habang binabagtas ko ang hagdanan pa
CLOUDS POV Her luscious sexy body intoxicates my whole being, especially the one down there na dahilan ng matinding pagsikip sa akin ng suot kong pantalon. Para akong nahihibang sa sarap habang nilalasap ko ang bawat parte ng kanyang katawan. Lalo pa 'kong pinag-init ng mga simple niyang paghawak sa aking braso na marahil ay dahil sa nararamdamang panghihina sa ginagawa ko sa kanya. Idagdag pa rito ang impit niyang mga halinghing na parang musika sa aking pandinig at tila ba nagbibigay sa akin ng permiso na magpatuloy sa pagpaparanas sa kanya ng sarap. Saglit ko tiningala ang kanyang mukha bago ako magpatuloy. Nakapikit ito at kagat-kagat ang kanyang labi na para bang pinipigilan niya ang sarili na mapahiyaw o makagawa ng kahit anong ingay. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa nakita. 'I really miss this woman,' gusto ko sana iyong aminin sa kanya at ipagsigawan sa lahat ng mga kasamahan niya. But NO! I won't do that and she will never know. 'I just came here out of lust,' giit k
CLOUD'S POV Hindi ko mapigilan ang panginginig ng buo kong katawan sa sobrang galit! Sh*t! Ano pa bang ineexpect ko sa babaeng iyon na walang inisip kundi ang kagustuhan at sarili lang niya? Dumiretso ako sa kitchen ng restaurant ko at naabutang nagkukwentuhan lang ang mga staffs. "Good afternoon, sir!," nakangiting bati pa sa 'kin ni Steffano, ang tinuturing kong bestfriend na assistant chef ko rin dito sa resto. He's good at cooking as well as with girls. At parati ko siyang naaabutang nakikipaglandian sa mga waitress ko, gaya na lang ngayon. "What's with the line on your head bro?," pang-aasar nito habang pinaaalis si Lilian, ang kanyang kalandian ng mga sandaling iyon.."What's happening here? Don't you have works?," sa halip ay singhal ko sa lahat ng naroroon na kaagad namang nagsipagbalikan sa kani-kanilang mga trabaho mula sa naabutan kong pag-uumpukan nila."Dude, what's the problem?," kalmadong tanong muli ni Steff. Napabuntung-hininga na lamang ako bago parang talunan n
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k