CLOUDS POV Her luscious sexy body intoxicates my whole being, especially the one down there na dahilan ng matinding pagsikip sa akin ng suot kong pantalon. Para akong nahihibang sa sarap habang nilalasap ko ang bawat parte ng kanyang katawan. Lalo pa 'kong pinag-init ng mga simple niyang paghawak sa aking braso na marahil ay dahil sa nararamdamang panghihina sa ginagawa ko sa kanya. Idagdag pa rito ang impit niyang mga halinghing na parang musika sa aking pandinig at tila ba nagbibigay sa akin ng permiso na magpatuloy sa pagpaparanas sa kanya ng sarap. Saglit ko tiningala ang kanyang mukha bago ako magpatuloy. Nakapikit ito at kagat-kagat ang kanyang labi na para bang pinipigilan niya ang sarili na mapahiyaw o makagawa ng kahit anong ingay. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa nakita. 'I really miss this woman,' gusto ko sana iyong aminin sa kanya at ipagsigawan sa lahat ng mga kasamahan niya. But NO! I won't do that and she will never know. 'I just came here out of lust,' giit k
CLOUD'S POV Hindi ko mapigilan ang panginginig ng buo kong katawan sa sobrang galit! Sh*t! Ano pa bang ineexpect ko sa babaeng iyon na walang inisip kundi ang kagustuhan at sarili lang niya? Dumiretso ako sa kitchen ng restaurant ko at naabutang nagkukwentuhan lang ang mga staffs. "Good afternoon, sir!," nakangiting bati pa sa 'kin ni Steffano, ang tinuturing kong bestfriend na assistant chef ko rin dito sa resto. He's good at cooking as well as with girls. At parati ko siyang naaabutang nakikipaglandian sa mga waitress ko, gaya na lang ngayon. "What's with the line on your head bro?," pang-aasar nito habang pinaaalis si Lilian, ang kanyang kalandian ng mga sandaling iyon.."What's happening here? Don't you have works?," sa halip ay singhal ko sa lahat ng naroroon na kaagad namang nagsipagbalikan sa kani-kanilang mga trabaho mula sa naabutan kong pag-uumpukan nila."Dude, what's the problem?," kalmadong tanong muli ni Steff. Napabuntung-hininga na lamang ako bago parang talunan n
CLOUD'S POV Alas kwatro pa lang ng umaga at halos wala pa 'kong tulog kakaisip sa babaeng 'yon. Haisst! Mabilis akong bumangon para makaligo at makapagsipilyo na kesa naman bangungotin pa 'ko ng gising dahil lang sa walang kwentang babaeng 'yon. Sabado ngayon at tiyak na mapupuno ng tao sa restaurant kaya kailangan kong makapamili ng mga fresh seafoods na karaniwang inoorder sa amin. Short at simpleng t-shirt lang ang gayak ko para presko sa pakiramdam. Masyado kasing mainit 'pag nagsimula ka nang mag-ikot-ikot sa wet market kaya ganito ang lagi kong gayak sa tuwing magpupunta roon. Una akong nagtungo sa pwesto ni Manang Lena, ang suki naming tindera ng seafoods. Palagi siyang maaga sa palengke kaya sa kanya rin napapapunta ang karamihan ng malalaki at de kalidad na crabs at sugpo na hanap ko."Napaaga ka yata sir Cloud ah," anito na nginitian ko lang. Alam niyang darating ako dahil nga Sabado ngayon pero madalas ay mga alas-singko pa 'ko dumarating kaya itinatabi na niya ang mag
VIER'S POV Maaga akong nagising kahit na mag-aalas dos na kaming nagsitulog. Hindi kasi ako mapakali dahil nakaligtaan ko pala siyang tawagan and I miss him so much, kaya naman kahit pupungas-pungas pa ang mga mata ko at inaantok pa ay bumangon na 'ko sabay dampot sa cellphone ko sa table. Sigurado naman akong mahimbing pa ang tulog ng lahat ng kasamahan ko dito sa bahay dahil pagod at puyat ang mga ito kaya kampante 'kong tinungo ang kusina para makapagkape at pagkatapos ay mabilis ko nang idinial ang number ni Miss Cynthia. Si Miss Cynthia ang may-ari ng dance studio sa London kung saan ako nagtrabaho bilang dance instructor. Single lady ito sa edad na 53 kaya marahil ganoon na lamang ang pagkasabik at tuwa nito nang malamang buntis pala ako.Yes. Lumipad ako papuntang London kasama ang aming anak ni Cloud sa aking sinapupunan. Hindi ko siya ipinala*l*g gaya ng sinabi ko noon kay Cloud. Sinabi ko lang naman 'yun sa kanya dahil alam kong hindi siya papayag na umalis ako at magtr
CLOUD'S POV"Hindi ko naman akalain na ganyan pala kakapal ang mukha mo Vier," harapang saad ko sa kanya habang pilit na pinipigil ang nagkukumuyos na galit sa loob ko. Anumang sandali kasi ay malamang na sumulpot na rin si Alvin at ayoko namang makita nito ang pagtatalo namin. Mamaya niyan, ako pa ang lumabas na masama dahil hindi pa nila kilala ang tunay na ugali ng babaeng kasama nila."Cloud sorry," hinging-paumanhin niya. Pero ano pa bang magagawa ng sorry niya? Wala na! Nagawa na niya eh! Saka, bakit ba gano'n na lang kadali sa kanya na gawin ang bagay na 'yon? Bakit parang hindi ko makita sa kanya 'yung sakit na nararamdaman ko para sa aming anak? Ganoon ba talaga siya kawalang puso? Kawalang-kwentang babae?"Ay, ang bongga naman! Parang mag-asawa lang ang peg," ani Alvin nang maabutan kami sa kusina. "O siya, ipagkape mo na 'tong asawa mo Vier para mainitan man lang ang sikmura bago niya tayo ipaghanda ng almusal," malawak ang ngiting utos niya kay Vier bago nagpalipat-lipat
VIER'S POV Naunang pumasok sa loob si Steff at sumunod ako sa kanya. Hindi ko pa alam kung pa'no sasabihin kay Cloud ang totoo at kung ano ang magiging reaksyon niya pero bahala na lang si batman o kahit si superman. Ang mahalaga ay masabi ko na sa kanya ang totoong nangyari at ang rason ko kung bakit kinailangan kong magsinungaling sa kanya ng ganoon. Tunay nga ang sinabi ni Alvin na sa labas pa lamang ay mababanaag mo na ang ganda ng restaurant ni Cloud pero nang makapasok ako roon ay tanging ang laki na lang ng lugar ang napansin ko at hindi ang ganda nito. Agad kasing napako ang buo kong atensyon ko kay Cloud habang komportable siyang nakasandal sa may counter at mahigpit na nakahawak ang isang kamay sa beywang ng babae na bahagyang nakadagan sa harapan niya. Animo'y isang modelo ang tindig ng babae na nakadagan sa knyang harapan at halos magkapantay lang din ang kanilang taas kaya halos hangin lang ang pumapagitan sa kanilang mga mukha habang masaya silang naghaharutan. Agad
TIFFANY'S POV I was so worried after hearing about the accident na kinasangkutan ng boyfriend kong si Cloud kaya naman agad akong umuwi ng Pilipinas pagkatapos na pagkatapos ng event na dinaluhan ko sa Paris. It was a very special fashion event kaya naroroon ang lahat ng fashion icon from different countries but Cloud's more important than them. I called him as soon as I arrived and was told na nasa restaurant lang siya. I felt so relieved seeing him fine. Without injuries or any bruises on."I told you, you don't have to worry. I'm fine, love," he calmly said as he put little kisses on top of my head as he usually does."Yah, I know but I just can't help it. And… I missed you so much," bulong ko habang marahang pinapaikot ang kanyang buhok sa aking mga daliri. He smiled sweetly after hearing that. He knows what I mean. His hands suddenly tightened his grip on my waist while our sights were locked on each other. Sharing that smile of longingness on our faces.Oh hell, how I miss
CLOUD'S POV Almost one week na rin nang huli kaming magkita ni Vier sa restaurant and I loved how she reacted nang makita niya kami ni Tiffany. She looked troubled sa nadatnang posisyon namin. I can't help but smirk nang maalala iyon. Sayang nga lang dahil hindi ko na naituloy ang paghalik kay Tiffany dahil mukhang naistorbo na rin siya sa presensya ni Vier. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung natuloy ang paghahalikan namin sa harap niya? 'It will be a great scene for sure' Muli kong sinimsim ang alak sa basong hawak ko habang nakangiti sa naisip. Mukhang hindi pa siya nakaka-move on sa aming nakaraan base na rin sa nakita kong reaksyon sa mukha niya. O baka naman ako lang ang nag-iisip ng ganito. Pwede rin na gusto na niya talaga akong muli sa buhay niya, pero hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil may maipagmamalaki na 'ko sa buhay ngayon."Tsk tsk. Oh life," nasambit ko out of frustration. Bakit ba kasi kailangan ko pa siyang isipin? She's nothing but dust! Nagsisimula
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k