CLOUD'S POV
Almost one week na rin nang huli kaming magkita ni Vier sa restaurant and I loved how she reacted nang makita niya kami ni Tiffany. She looked troubled sa nadatnang posisyon namin. I can't help but smirk nang maalala iyon. Sayang nga lang dahil hindi ko na naituloy ang paghalik kay Tiffany dahil mukhang naistorbo na rin siya sa presensya ni Vier. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung natuloy ang paghahalikan namin sa harap niya? 'It will be a great scene for sure' Muli kong sinimsim ang alak sa basong hawak ko habang nakangiti sa naisip. Mukhang hindi pa siya nakaka-move on sa aming nakaraan base na rin sa nakita kong reaksyon sa mukha niya. O baka naman ako lang ang nag-iisip ng ganito. Pwede rin na gusto na niya talaga akong muli sa buhay niya, pero hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil may maipagmamalaki na 'ko sa buhay ngayon."Tsk tsk. Oh life," nasambit ko out of frustration. Bakit ba kasi kailangan ko pa siyang isipin? She's nothing but dust! Nagsisimula na namang uminit ang dugo ko dahil sa pag-iisip sa kanya nang mag-ring ang cellphone ko. "Hi love," masigla kong tugon matapos sagutin ang tawag."Love, are you free tonight? I'll be going out. Would you like to join us?" "I loved to but…""Okay. Then I'll be going." Alam niyang hindi ako sasama dahil hindi ko naman hilig ang paglabas-labas lalo na kung sa bar lang rin nman kami pupunta. Hindi ko kasi kayang tagalan ang ingay at gulo sa lugar na 'yon. Isang bagay na kaya naman niyang intindihin. Hindi ko rin naman kailangang mag-alala pa sa safety niya habang nasa bar dahil lagi naman siyang may kasamang bodyguard sa tuwing lumalabas. She only called to let me know. "Bye." Nang matapos ang tawag ay muli ko nang ibinalik sa ibabaw ng mesa ang aking telepono dahilan para mapatuon sa mini drawer sa ibaba noon ang atensyon ko. Binuksan ko 'yon at pinagmasdan ang maliit na box roon na naglalaman ng engagement ring na ipinagawa ko para sa kanya. It is a classic four-prong solitaire engagement ring na pina-personalized ko to make her feel more special. I was about to propose bago pa siya lumipad papuntang Paris week ago kaso hindi ko iyon nagawa dahil nga sa nangyaring aksidente. At ngayon nmang nakabalik na siya, parang bigla na akong naguluhan. At hindi ko maitatanggi sa sarili ko na si Vier ang dahilan ng malaking kaguluhan ko sa sarili at sa nararamdaman ko. Tiffany's a great person. A very supportive girlfriend. At alam kong hinding-hindi niya gagawin ang ginawa sa 'kin ni Vier. Pero dahil sa muling pagkabuhay ng galit na matagal ko nang ibinaon sa limot ay tila hindi ko na maramdaman ang pagmamahal ko sa kanya. Ayoko namang pakasalan si Tiffany nang hindi ako buo. She is the best person I've known and she deserves only the best. At iyon ang gusto kong iparanas at iparamdam sa kanya kapag naikasal na kami. At magagawa ko lang iyon sa oras na maisara ko na ang lahat-lahat ng tungkol sa amin ni Vier.VIER'S POVGusto ko na talagang sabunutan ang sarili ko sa kat*ngahang ginawa ko! At sa harap pa mismo ng malisyong si Alvin. Nadagdagan pa tuloy ang isipin ko ngayon. Hindi ko pa nga nasasabi kay Cloud ang tungkol sa anak namin at hindi ko rin alam kung paano ko 'yun gagawin. At ngayon, pati si Francis ay kailangan ko na ring isipin. Ilang araw ko na rin siyang pilit na iniiwasan. Panigurado kasing ipipilit niyang pag-usapan namin 'yung ginawa ko kung magkasarilinan kami at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko siya maiiwasan ganitong sa iisang bubong lang kami tumutuloy. Idagdag pa ang patuloy na pang-aasar sa amin ng mga dancers na marahil ay napagkwentuhan na ni Alvin ng kung anuman ang nakita niya.'Gaga ka kasi Vier!,' ngitngit ko sa sarili habang bahagyang hinahampas-hampas ang ulo kong naalog na ata."Vier!" Agad akong napalingon kay Alvin at mabilis siyang nilapitan para matakpan ang bibig nitong pinaglihi sa speaker. "Ano ba? Grabe ka naman makatakip sa bunganga ko," reklamo nito matapos kong tanggalin ang kamay ko sa bibig niya."Ang lakas kasi ng boses mo," giit ko at bumalik na sa kinauupuan ko at hinigop na ang kape kong mukhang nanlamig na…. parang siya. Excited naman itong umupo sa katabing upuan at kinikilig na ipinakita sa akin ang kanyang cellphone."I want to see her." Iyon ang nakalagay sa message sa kanyang telepono na siyang pinagtakhan ko. Her?"Kay Cloud galing ang message na 'yan." Agad na sumalakay sa buo kong sistema ang kaba at matinding selos sa pagkakabanggit pa lang niya sa pangalan ni Cloud. Hindi na siguro maaalis sa akin ang ganoong epekto sa akin ni Cloud. Siya lang kasi ang nag-iisang lalaking minahal ko at patuloy kong minamahal kahit pa ngayon na alam kong hindi na pwede."Hindi ko alam kung bakit ha, pero kinikilig pa rin ako sa inyo kahit alam naman nating hindi na kayo pwede.""And she's better," malungkot kong saad bilang tugon sa masakit na katotohanang sinabi niya."Ay grabe!," mabilis akong napalingon sa naging reaksyon nito. Ang taas naman kasi eh. "Akala ko naman magaling ka sa english kasi apat na taon ka sa ibang bansa.""Ha?," litong tanong ko. Bakit naman kasi napasok ang english sa diskusyon namin aber?"Sabi mo kasi, SHE'S better. Baka ang ibig mong sabihin ay HE! Jusko Vier. He at she lang hindi mo pa alam." Nanlaki na lang ang mga mata ko sa pagkadismayang nakikita ko sa mukha niya sa sinasabi nitong pagkakamali ko. So, hindi pala si Tiffany ang tinutukoy niya? Eh ano'ng hindi na kami pwede?"Hindi ko naman kayo pagbabawalan sa relasyon n'yo ni Francis, kung 'yon ang iniisip mo. Ang sa 'kin lang, ay h'wag na h'wag 'yan makaapekto sa kampyonato natin ha." Tumango lang ako bilang tugon. Ano na lang kasi ang iisipin niya sa akin kapag sinabi ko dito na wala naman talagang namamagitan sa amin at ang nangyari ay wala lang kundi purong kat*ngahan ko lang."Pero kausapin mo pa rin si Cloud. Mukhang umaasa pa rin siya sa'yo eh. Kawawa naman," sabi pa nito na mukhang sinsero sa sinasabing awa para kay Cloud.'Dapat sa 'kin ka maawa Alvin,' gusto ko sanang sabihin dahil 'yon naman ang totoo. Ako 'yung umaasa at hindi si Cloud.VIER'S POV Maaga kong pinuntahan ang address na ibinigay sa 'kin ni Cloud sa pamamagitan ng text na siyang address pala ng kanilang bahay dito sa Ilocos. Dito raw kami magkita para na rin makaiwas sa mga mapanirang issue na maaring makarating pa kay Tiffany."Tuloy na po kayo ma'am. Bababa na rin daw po si sir Cloud," anang kasambahay na sumalubong sa akin kanina nang balikan ako sa may gate matapos kumpirmahin kay Cloud ang tungkol sa pagdating ko. Ilang minuto pa lang akong naghihintay sa sala ay bumaba na si Cloud na mukhang kagigising lang dahil medyo magulo pa ang buhok nito at namumungay pa ang mga matang mukhang kulang pa sa tulog. Napangiti ako sa loob ko at 'di ko naiwasan ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko sa pagkakita ko sa kanya sa ganoon niyang anyo. Wala pa ring nagbago sa kanya. Simple pa rin siya pero nag-multiply 'ata ang appeal niya. He's now well-postured than before na dahilan para mas mapansin ang kanyang katangkaran. Also, his broad shoulders and wide ch
CLOUD'S POV Nasabi ko na kay Vier ang lahat ng kailangan kong sabihin sa kanya para tuluyan ko nang maisarado ang bahaging iyon ng buhay at sarili ko na kasama siya. Ngayon ay handa ko nang harapin ang bago kong buhay nang walang anumang alalahanin o sakit mula sa nakaraan. Sa nakaraan namin ni Vier. Ngunit laking gulat ko nang harangin niya ako para lang iabot sa akin ang isang kahon. May sinasabi pa siya pero hindi ko na iyon inintindi at basta ko na lang na tinabig ang iniaabot niya sa akin. Kung sa tingin niya ay maibabalik pa niya ang nakaraan namin sa pamamagitan ng mga alaalang pilit niyang ibinabalik ay nagkakamali siya. Hindi na 'ko muling magiging sa kanya. NOT AFTER WHAT SHE DID!"Cloud, si George," sabi niya habang nakatingin sa mga nagkalat na laman ng kahon. At laking gulat ko nang sundan ko ang kanyang tingin at makita ang mga larawan na ngayon ay nagkalat na sa sahig. Hindi iyon mga alaala naming dalawa kundi larawan ng isang bata. Napukaw ng isa sa mga larawan doo
STEFFANO'S POV I may be just a playful guy pagdating sa mga babae but I'm a serious, supportive friend at hindi naman ako makapapayag na palampasin na lang ang ginawa ni Vier sa kaibigan ko. Ilang araw ko ring pilit na kinumbinsi si Cloud para suportahan ako sa plano kong pagpapa-ibig sa kanya but he just kept on saying na 'she's not an easy stuff'. But kid, I'm Steffano Ramirez, the chick magnet of the gang. No one says "no" sa karisma ko. And today, bitbit ang napakasarap kong katawan, I mean, the best ever cheesecake pala na ako mismo ang nag-bake ay nagtungo na ako sa tinutuluyan ni Vier. I wanted to surprise her pero siya pala itong may matinding pa-sorpresa sa akin."Ano'ng gusto mong isipin ko dun sa ginawa natin?," dinig kong sabi ng kausap niyang lalaki sa may gate. So, may nakauna na palang maka-score sa akin? Iba din pala talaga ang kamandag ng babaing ito. Sisimple-simple but she can make a man go crazy gaya ng ginawa niya kay Cloud."Good morning Vier," I simply gre
CLOUD'S POV"You're kidding, right?," ani Steffano habang dismayadong nakapamay-awang sa harapan ko. Mukhang hinihintay niya na sabihin ko na nagbibiro lang ako. Pero hindi iyon nangyari kaya ganoon na lamang ang paghilamos niya sa pinagmamalaki niyang mukha. Habang nanatili naman akong nakatitig sa kanya at naghihintay rin sa isasagot niya. Hindi na 'ko nabigla pa sa naging reaksyon niya sa mga sinabi ko. Kahit naman ako ay hindi rin makapaniwalang hinihiling ko ang pabor na ito sa kanya. Kaso wala na akong maisip na iba pang paraan. I need to get Vier out of my life and take care of my son at the same time. And Steffano is the only man I know na pwedeng makatulong sa 'kin. He's the master playboy as everyone knows but he's actually more than that. He even has more influence and money than I have. He can even have power if he wants to. He is the only son of the honorable Senator Ferdinand Ramirez and his father's too willing to give him everything and anything he wants. Ayaw lang
VIER'S POV Matinding practice ang ginawa namin ng nagdaang araw para siguraduhin na walang sinuman sa mga dancers ang magkakamali at gagalaw silang lahat hindi bilang isang grupo kundi bilang isang pagkatao na gumagalaw sa iba't-ibang katawan lang. Sinigurado rin namin na ang bawat pitik, galaw at routines ay maiisagawa sa kamang-manghang paraan na siguradong tatatak hindi lamang sa mga manonood at sa mga hurado kundi pati na rin sa malawak na mundo ng pagsasayaw gaya ng pinakaaasam at pinapangarap namin. Matapos ang matinding preparasyon ay maaga din namin silang pinagpahinga para makabawi sila ng lakas at makahataw ng buong sigla sa itinuturing namin na 'Gabi ng Tropical'. Yes. We already claimed it! Dahil alam namin na kaya naming makamit iyon. Sinigurado ko na walang naging abala sa kanilang pahinga kagabi gaya ng online games o social media. Maaari kasi 'yong makaapekto sa magiging performance nila mamaya kaya nilimitahan muna namin sila ni Alvin sa mga ganoong distraction pa
STEFFANO'S POV Nasanay ako na nasa akin lang parati ang spotlight at atensyon ng mga kababaihan. But tonight, magpapaubaya muna ako. Yes. You heard it right. Ibibigay ko muna ang gabing ito kay Cloud at sa kanyang plano. And I must admit, medyo lumamang talaga siya sa 'kin ngayong gabi. He looked awesome tonight. Mukhang pinaghandaan talaga ng loko ang gabing ito to make all the girls go crazy over him. Especially this woman next to me. At hindi naman siya nabigo. Kitang-kita ko kung pa'nong tila huminto ang mundo ni Vier pagkakita sa kanya. She was greatly impressed by his presence alone gaya ng ibang mga babae rito na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa kanya. I was never into romance movies or what, but I think ganito 'yung pakiramdam ng nanonood ng mga romantic dramas. I can even feel the tension between them nang magtama ang mga mata nila at parang ayaw putulin ng kahit na sino sa kanila ang titigan na iyon.Pero, di ba't galit si Cloud kay Vier?"Wow! May plot twist kaya '
VIER'S POV Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa magandang kinahinatnan ng matindi at araw-araw naming pagpapagod para dito sa pinakaaasam naming laban. They did great! At sobrang saya ko dahil parte ako ng nababanaag ko na tagumpay ng Tropical. Makikita ito sa naging reaksyon ng crowd at maging ng mga judges na napatayo pa mula sa kanilang upuan dahil sa napanood nilang talento na hindi inasahan ng lahat. Sa sobrang tuwa ay mangiyak-ngiyak pa kaming nagkayakapan ni Alvin habang tumatalon-talon pa na akala mo'y kami na nga ang nanalo. Limang grupo pa ang nag-perform pagkatapos ng Tropical pero hindi sila nakatanggap ng hiyawan na kasing-lakas ng cheer na natanggap ng aming grupo mula sa crowd. Maging ang mga naunang grupo ay hindi ko rin nakitaan ng malakas na dating. Kumbaga, alam na this! Halos hatinggabi na nang matapos magtanghal ang lahat ng grupo. At dumating na nga ang oras na pinakahihintay naming lahat. Ang awarding."And we have come to an end," panimula ng host ng com
CLOUD'S POV The panel of judges were also called on stage to take photos kasama ang mga nanalong grupo ngayong gabi. At hindi kasama do'n ang grupo nina Vier. At dahil doon ay nakaramdam ako ng bahagyang tuwa sa likod ng isip ko as I smile for the cameras. But I still can't believe what just happened. Masyadong maganda ang ginawa nilang piece at magaling din ang kanilang mga members kaya't tiyak na mapupulaan ako at paghihinalaan ng mga staff kung bibigyan ko sila ng masyadong mababang score gaya ng nais ko sanang gawin. The least I have done was to give them a score not low enough, but not high enough either to win the title. Ahh, whatever happened. Ang mahalaga ay hindi sila nanalo tulad ng gusto ko. At nasisiguro kong durog na durog ngayon si Vier. Ayon pa naman kay Steffano ay asang-asa daw at kampante ang buong team ng Tropical na sila ang uuwing panalo ngayong gabi. That thing painted a grin on my lips. Mas masakit pa namang matalo sa laban na inakala mong ikaw na ang pana
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k