VIER'S POV
Matinding practice ang ginawa namin ng nagdaang araw para siguraduhin na walang sinuman sa mga dancers ang magkakamali at gagalaw silang lahat hindi bilang isang grupo kundi bilang isang pagkatao na gumagalaw sa iba't-ibang katawan lang. Sinigurado rin namin na ang bawat pitik, galaw at routines ay maiisagawa sa kamang-manghang paraan na siguradong tatatak hindi lamang sa mga manonood at sa mga hurado kundi pati na rin sa malawak na mundo ng pagsasayaw gaya ng pinakaaasam at pinapangarap namin. Matapos ang matinding preparasyon ay maaga din namin silang pinagpahinga para makabawi sila ng lakas at makahataw ng buong sigla sa itinuturing namin na 'Gabi ng Tropical'. Yes. We already claimed it! Dahil alam namin na kaya naming makamit iyon. Sinigurado ko na walang naging abala sa kanilang pahinga kagabi gaya ng online games o social media. Maaari kasi 'yong makaapekto sa magiging performance nila mamaya kaya nilimitahan muna namin sila ni Alvin sa mga ganoong distraction para na rin sa pangarap nila at sa ganito kalaking oportunidad para sa aming lahat. Ang key goal namin ay iimpress ang lahat ng makakapanood sa amin mamayang gabi at mangyayari iyon."Hindi ako nagkamali sa paglapit sa iyo para dito," ani Alvin na katulad ko'y nagpapakasasa rin ngayong umaga sa kape. Alam ko na kagaya ko ay matindi rin ang kabang nararamdaman niya para sa grupo at pangpakalma na namin itong mainit na kape sa ngayon. "Pang-international na 'yung piece na ginawa mo para sa amin. Salamat talaga," sinserong saad niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Nagbago na nga talaga ito. Ibang-iba mula sa kilala kong Alvin noon."Pangarap ko rin 'to kaya talagang binigay ko na ang lahat," sabi ko naman at mahigpit rin na hinawakan ang kamay niya. Sa Theatre Maaga kaming nagtungo sa Municipal Theatre kung saan gaganapin ang PhilDance competition at marami-rami na rin ang naroroong grupo. Paroo't parito ang mga organizer na nagsasaayos ng lugar para sa magaganap na kompetisyon na inaabangan ng lahat ng mananayaw sa bansa. Lumapit kami sa harapan ng stage kung saan naroroon ang ilang grupong makakalaban namin at masasabi kong, tulad namin ay kinakabahan din sila. Pero kagaya rin namin ay mukhang handang-handa rin sila sa laban na kakaharapin nila sa stage. 'Ganyan ang fighting spirit naming mga mananayaw na kailanman ay hindi maiiintindihan ng iba,' sa isip ko habang proud na nakatingin sa bawat isa sa kanila."Ano'ng grupo po kayo?," tanong ng isang organizer na lumapit sa amin."Tropical Dancers," sagot ni Alvin at mabilis na tiningnan ng babae ang listahan na hawak niya."Ok. Number 7. Sumunod na lang sa akin ang lahat ng mananayaw. 'Yung mga supporters lang po, pwede po kayong manatili dito sa audience area po," sabi nito bago kami tinalikuran para ituro sa mga dancers ang dressing room ng mga ito."Kaya n'yo 'yan," pagchi-cheer ko pa sa Tropicals bago sila tuluyang mawala sa paningin namin. Gaya ng sinabi ng organizer ay naupo na muna kaming tatlo sa audience area. Mahaba-habang oras pa kasi ang hihintayin namin dahil alas-kwatro pa lang naman at alas-syete pa mag-uumpisa ang program. Sa pinakadulong row kami naupo para kahit papaano ay makapagrelax muna kami. Ang iba namang kasamahan ng ibang grupo ay inabala ang kanilang mga sarili sa pagkukwentuhan patungkol sa kani-kanilang mga grupo at kung gaano sila kakumpyansa na sila ang magkakampeon ngayong taon. Pero 'di kami naaapektuhan sa mga naririnig. We are too sure na this time will be our time. Mabilis lang na lumipas ang oras at unti-unti na ring napuno ang theatre ng mga manonood, pamilya at supporters ng mga kalahok. Nagsimula na ring magset up ng mga cameras ang pamunuan ng PhilDance at ang mga miyembro ng media na magko-cover nitong malaking event. Nagsimula na rin akong kabahan at ma-excite at the same time habang mataman kong tinititigan ang malawak na stage sa harapan ko na sa ilang minuto lamang ay aangkinin na ng aming grupo.'This is our night guys,' sa isip ko habang lumalagabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na naglalaro doon ngayon."Hi," nakangiting bati sa amin, o mas tama yatang sabihin na, bati sa akin ni Steff na bigla na lamang sumulpot dito na may dala pang bulaklak. Nginitian lang siya ni Alvin na busy ng mga sandaling 'yon sa kanyang cellphone. Si Francis naman ay deadma lang sa kanya."Anong ginagawa mo dito?," naiilang kong tanong. Medyo nakakahalata na rin kasi ako sa tila panliligaw nito sa akin nitong mga nakaraang araw."I'm here to congratulate you in advance," sagot niya habang iniaabot sa akin ang dala niyang bulaklak. "At para na rin sumuporta sa grupo n'yo," aniya sabay kindat at pumwesto sa tabi ko."Salamat. Pero hindi pa naman natin alam ang resulta. Wala ka pang iko-congratulate," sabi ko pero hindi niya ako pinansin at sa halip ay tumingin sa 'di kalayuan. Noon ko napansin ang presensya ni Cloud roon na nagdulot ng rigodon sa dibdib ko. Nakatuon sa kanya ang pansin ng lahat ng naririto at 'di magkamayaw ang mga kababaihan sa simpleng presensya pa lamang niya. Hindi ko naman sila masisisi kung magkagulo man sila. Dahil ganoon din ang nararamdaman ko habang nakatitig ako sa kanya. He's standing gracefully like a real prince with his perfectly elegant, soft and gentle smile on his face habang kausap ang isa sa mga staff ng event na hindi rin mapigilan ang mapangiti sa tuwing titignan siya nito sa mukha. Kumikinang rin ang mga mata niyang talaga namang nakakatunaw kung iyong matititigan. He also stood out among the others sa suot niyang white long sleeves na pinatungan niya ng dark blue vestthat compliments his wide broad shoulders and his well-built manly figure. Idagdag pa rito ang suot niyang trousers na humahakab sa mapang-akit niyang pang-upo.. Sh*t! Hindi ko mapigilan na pagpawisan sa simpleng pagtingin lang sa kanya. Bakit ba kasi napakagwapo niya lalo na ngayong gabi? Kung saan-saan tuloy napadpad ang utak ko. At sino ba naman ang hindi maaakit sa pinangangalandakan niyang magandang tanawin?"Oh my! 'Di ba siya 'yung sikat na chef na may-ari ng Jupiter's?," dinig kong sabi ng babae na nakaupo sa unahan namin."My God! Sobrang gwapo pala talaga niya," papuri pa nito sa hindi maitagong kilig sa kanyang pagsasalita."Oo, siya na nga 'yun," manghang sagot ng kasama nito. "Pasyal ulit tayo dun mga minsan," anang kasama nito at sabay pa silang napahiyaw ng malakas dahilan para mapagawi sa direksyon namin ang atensyon ni Cloud. Ngumiti siya sa dalawang babae sa unahan bago tuluyang napako ang tingin sa akin. Para akong kinakapos ng hininga sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Mahigpit tuloy akong napahawak sa aking kinauupuan. His eyes were just neutral pero parang may iba. Parang may laman ang titig niyang iyon sa akin na hindi ko maintindihan. O baka naman nag-ooverthink lang ako sa sobrang kaba."Uy, si Cloud ba 'yon?," gulat na tanong sa 'kin ni Alvin nang mag-angat siya ng tingin at mapalingon sa pinagtitinginan ng lahat. "Judge siya?" aniya na halos mapaluha habang hawak-hawak ang braso ko sa sobrang galak ng makitang iginiya ng head ng organizer si Cloud sa long table na nakalaan para sa mga hurado ng kompetisyon. Ngayon kasing naroroon si Cloud ay mas panatag kami na kami na nga ang magwawagi ngayong gabi. Pilit ko mang itanggi ay kinikilig ako na naririto siya. Sa isa sa mga pinakahihintay kong pagkakataon bilang mananayaw. Ang sabi ni Tiffany ay ilang ulit na raw tinanggihan ni Cloud ang offer na iyon para mag-judge pero heto siya ngayon at nakaupo na bilang hurado.STEFFANO'S POV Nasanay ako na nasa akin lang parati ang spotlight at atensyon ng mga kababaihan. But tonight, magpapaubaya muna ako. Yes. You heard it right. Ibibigay ko muna ang gabing ito kay Cloud at sa kanyang plano. And I must admit, medyo lumamang talaga siya sa 'kin ngayong gabi. He looked awesome tonight. Mukhang pinaghandaan talaga ng loko ang gabing ito to make all the girls go crazy over him. Especially this woman next to me. At hindi naman siya nabigo. Kitang-kita ko kung pa'nong tila huminto ang mundo ni Vier pagkakita sa kanya. She was greatly impressed by his presence alone gaya ng ibang mga babae rito na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa kanya. I was never into romance movies or what, but I think ganito 'yung pakiramdam ng nanonood ng mga romantic dramas. I can even feel the tension between them nang magtama ang mga mata nila at parang ayaw putulin ng kahit na sino sa kanila ang titigan na iyon.Pero, di ba't galit si Cloud kay Vier?"Wow! May plot twist kaya '
VIER'S POV Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa magandang kinahinatnan ng matindi at araw-araw naming pagpapagod para dito sa pinakaaasam naming laban. They did great! At sobrang saya ko dahil parte ako ng nababanaag ko na tagumpay ng Tropical. Makikita ito sa naging reaksyon ng crowd at maging ng mga judges na napatayo pa mula sa kanilang upuan dahil sa napanood nilang talento na hindi inasahan ng lahat. Sa sobrang tuwa ay mangiyak-ngiyak pa kaming nagkayakapan ni Alvin habang tumatalon-talon pa na akala mo'y kami na nga ang nanalo. Limang grupo pa ang nag-perform pagkatapos ng Tropical pero hindi sila nakatanggap ng hiyawan na kasing-lakas ng cheer na natanggap ng aming grupo mula sa crowd. Maging ang mga naunang grupo ay hindi ko rin nakitaan ng malakas na dating. Kumbaga, alam na this! Halos hatinggabi na nang matapos magtanghal ang lahat ng grupo. At dumating na nga ang oras na pinakahihintay naming lahat. Ang awarding."And we have come to an end," panimula ng host ng com
CLOUD'S POV The panel of judges were also called on stage to take photos kasama ang mga nanalong grupo ngayong gabi. At hindi kasama do'n ang grupo nina Vier. At dahil doon ay nakaramdam ako ng bahagyang tuwa sa likod ng isip ko as I smile for the cameras. But I still can't believe what just happened. Masyadong maganda ang ginawa nilang piece at magaling din ang kanilang mga members kaya't tiyak na mapupulaan ako at paghihinalaan ng mga staff kung bibigyan ko sila ng masyadong mababang score gaya ng nais ko sanang gawin. The least I have done was to give them a score not low enough, but not high enough either to win the title. Ahh, whatever happened. Ang mahalaga ay hindi sila nanalo tulad ng gusto ko. At nasisiguro kong durog na durog ngayon si Vier. Ayon pa naman kay Steffano ay asang-asa daw at kampante ang buong team ng Tropical na sila ang uuwing panalo ngayong gabi. That thing painted a grin on my lips. Mas masakit pa namang matalo sa laban na inakala mong ikaw na ang pana
CLOUD'S POVHindi ko akalain na muli ko pang mararamdaman ang ganitong kasiyahan matapos ang ilang taon kong pagsisintir sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Vier. At isang boses lang pala ang muling magpaparamdam sa akin nito. Ang maliit at cute na boses ni George mula sa kabilang linya nitong cellphone ni Vier. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang tahimik ko siyang pinapakinggan kahit pa nga ang lahat ng sinasabi niya ay patungkol sa reklamo niya sa naging resulta ng naging competition na sinalihan ng mommy niya. But, I don't mind the words, ang mahalaga sakin ay ang marinig ko siya sa unang pagkakataon. Naramdaman ko pa nga ang pamamasa ng mga mata ko sa labis na tuwa.'Ganito pala ang pakiramdam na maging ama,' sa isip-isip ko habang ineenjoy ang sandaling ito na hindi ko inaasahang mangyayari ngayong gabi. Pero hindi rin nagtagal ang kasiyahan ko nang magpaalam na siya at sabihing tatawagan na lang daw niya ang ina kapag tapos na ito sa kausap.'Sana pala a
VIER'S POV Nagpahuli na ako sa pag-uwi dahil hindi ko alam kung paano ko masisikmurang harapin ang lahat ng kasamahan ko habang alam ko na ang dahilan ng pagkatalo namin ay ang matinding galit sakin ni Cloud. Bagay na wala naman silang kinalaman pero pangarap nila ang naging kabayaran. Passed two na rin ng madaling araw nang makauwi ako. At dinig kong patuloy pa ring nagdidiskusyon sina Alvin at Francis sa may kusina patungkol sa naging resulta ng kompetisyon at sa kinasapitan ng aming grupo."Hindi kaya nilaglag tayo nung ha**p na Cloud na 'yon?," nanggigigil na saad ni Francis. At tama siya. Nilaglag nga kami ni Cloud. At ang rason ay walang iba kundi ako at ang mga ka**ngahang ginawa ko sa kanya. Hindi ko na pinakinggan ang buo nilang pag-uusap. Sobra na kasi ang guilt na nararamdaman ko na pinabibigat pa ng naging pagtatalo namin kanina ni Cloud. Ni hindi ko pa rin maisip kung paano ko siya makakausap ng matino patungko kay George at kung bakit kinailangan niyang i-deny ang pag
TIFFANY'S POV I can see guilt and fear all over her face habang nililinaw ko sa kanya kung ano at sino ako sa buhay ng lalaking minsan na palang naging kanya. But, past is past. At ngayon ay ako na ang nagmamay-ari kay Cloud. She's now out of the picture."Pina-imbestigahan mo ba ako?," dismayado niyang tanong matapos kong sabihin sa kanya ang lahat-lahat ng nalaman ko patungkol sa kanya. And I can't help but cackle at that foolish question from this foolish person in front of me."Isn't it obvious?," I said, raising my eyebrows wickedly. The fact that I actually have to do it messed up my pride pero kinailangan ko pa ring gawin after a bit of suspicion and proof. Cloud's not a womanizer type, unlike his best friend Steff. He doesn't even want to mingle and have some time with ladies kahit pa nga sa mga kaibigan kong babae o sa kahit na sino pang nabibilang sa alta sosyedad na kagaya ko. Ayon sa kanya, he just doesn't feel comfortable being with other ladies. But he's not gay just
VIER'S POV Gusto kong isipin na lang na masama pala ang ugali ng babaeng ito at ang magandang ugali ay ipinapakita lang niya sa tuwing nariyan si Cloud. Pero hind eh. Totoo naman kasi ang lahat ng sinasabi niya at isinasampal lang niya sakin ngayon ang totoo. Kasi, ano nga bang naging ambag ko sa buhay ni Cloud? Wala! Alam ko ang mga pangarap at ambisyon niya sa buhay. Alam kong lahat ng 'yon pero wala akong nagawa o naitulong man lang sa kanya para makahakbang patungo sa nais niyang buhay. Naging makasarili kasi ako. Puro na lang ako at kasiyahan ko ang nasa isip ko noon. Masakit man isipin at tanggapin, pero tama si Tiffany. Na katawan ko lang ang tanging naipagkaloob ko kay Cloud. Kaya nga may George na nag-eexist ngayon 'di ba."Here's your order ma'am," sabi ng manager na siya pa mismong nagdala ng order namin."Thank you," ani Tiffany na may maaliwalas na ngiti na muli sa kanyang mukha. Napangiti rin ang manager nang iabot na niya ang bayad na tatlong libo para lang sa inord
CLOUD'S POV"Oh whoah whoah!," iiling-iling niyang tugon habang pagak na tumatawa. "I never thought you'll go this crazy brother," sabi pa niya at patay-malisyang ibinaling na ang kanyang atensyon sa kape niya na dinere-deretso niya ang pag-inom kahit umuusok pa iyon."Steffano, I'm serious!," pagtataas ko na ng aking tono. I'm crazy? Yes, I am! And I am not willing to give up anything right now! Not Tiffany, my dreams nor my son na inakala kong matagal nang nawala."HELL NO 'BRO!," madiin niyang pagtutol sa nais ko sanang gawin niya para sa 'kin. And I expected it. Pero desperado na ako eh and I won't take it as an answer. I can't!"Look 'bro, 'di ba sabi ko nga sa'yo, pa-iibigin ko tapos sasaktan ko agad. Pero sabi mo seryosohin ko?," aniya na unti-unti na ring nagtataas ng boses niya sa akin. "Cloud, hindi pa nga ako pumapayag dun sa hinihiling mo eh. Tapos ngayon kasal na? You're impossible 'bro!," dismayado niyang saad. "I know… I understand na marami ka nang pinagdaanan and you
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k