VIER'S POV
Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa magandang kinahinatnan ng matindi at araw-araw naming pagpapagod para dito sa pinakaaasam naming laban. They did great! At sobrang saya ko dahil parte ako ng nababanaag ko na tagumpay ng Tropical. Makikita ito sa naging reaksyon ng crowd at maging ng mga judges na napatayo pa mula sa kanilang upuan dahil sa napanood nilang talento na hindi inasahan ng lahat. Sa sobrang tuwa ay mangiyak-ngiyak pa kaming nagkayakapan ni Alvin habang tumatalon-talon pa na akala mo'y kami na nga ang nanalo. Limang grupo pa ang nag-perform pagkatapos ng Tropical pero hindi sila nakatanggap ng hiyawan na kasing-lakas ng cheer na natanggap ng aming grupo mula sa crowd. Maging ang mga naunang grupo ay hindi ko rin nakitaan ng malakas na dating. Kumbaga, alam na this! Halos hatinggabi na nang matapos magtanghal ang lahat ng grupo. At dumating na nga ang oras na pinakahihintay naming lahat. Ang awarding."And we have come to an end," panimula ng host ng competition na si Chris Lee, isa sa mga sikat na aktor ngayon sa bansa habang umaakyat sa stage ang lahat ng kalahok na grupo. "Sa ating labindalawang grupo rito, congratulations na agad for you all did great tonight." pagbati niya sa mga ito at pinalakpakan pa ang mga grupo na nasa stage na."Pero dahil sa isa itong kompetisyon, hindi naman pwedeng lahat kayo ay manalo 'di ba?," aniya sa audience na ang isinagot ay ang kanya-kanyang mga pambato."Go Tropical!!!!" pakikisabay namin ni Alvin sa lahat. Hindi naman kami makakapayag na walang taga-cheer ang aming grupo kaya kahit halos hindi namin marinig ang mga sarili naming boses ay paulit-ulit lang kami sa paghiyaw bilang suporta sa aming grupo."At ang mahirap na trabahong 'yan ay ipinagpaubaya na natin sa mga pinagpipitagan nating mga hurado na I'm sure ay sumakit ang ulo ngayong gabi," dagdag ni Chris at awtomatikong sumentro ang mga cameras sa mga nabanggit. Nakangiti at hindi maitatanggi ang naggagandahan at naggagwapuhang mga hurado pero sa iisang tao lang napako ang tingin ko. Kay Cloud lang. My one and only true love na ngayon ay hindi na sa akin. Sa naisip ay agad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng matinding kirot sa dibdib na para bang pumipigil sa malaya kong paghinga na 'di ko maintindihan. Halos isang buwan ko na rin namang alam na pagmamay-ari na siya ni Tiffany at ito na ang mahal niya pero hindi ko pa rin magawang tanggapin ang katotohanang iyon sa loob ko. At hindi ko rin alam kung kailan o kung tuluyan ko pa nga ba siyang maiaalis sa puso at isipan ko. Bahagya kong naiwasan ang pag-iisip sa kanya dahil sa pagiging abala ko para sa kompetisyon. Pero ngayong tapos na kami, malamang na siya na naman ang pupuno sa isipan ko araw at gabi. Napapikit na lang ako at napabuntung-hininga sa naiisip kong pagdurusa sa mga susunod na araw."Kalma Vier. Atin ang gabing 'to," nakangiting turan sa akin ni Alvin sa pag-aakalang ang kompetisyon ang inaalala ko."Oo naman," sabi ko na lang at muling ibinaling ang atensyon sa stage ."Before anything else, let me take a little time to appreciate our very important guest tonight, the big man of Ilocos, Don Benjamin del Fuente," pagbati at pagkilala ni Chris sa lalaking nakaupo sa unahan katabi ni Tiffany. Bahagya lang itong ngumiti ng i-focus ang camera sa kanya at sa simpleng gesture na iyon makikita na agad ang pagiging dominante ng sinabing don na ama ni Tiffany. No doubt na malakas rin ang dating ng anak nito."And now let's proceed to the exciting part of this evening," pagpapatuloy na ni Chris at binuksan ang maliit na envelope na iniabot sa kanya ng staff. "Our 2nd placer to receive 200 thousand and a plaque of recognition—-" Kaagad na sinundan ng dumadagundong na drumroll ang linya niyang iyon na kaagad na sinabayan ng malakas na lagabog ng dibdib ko. "The Slayers!," anunsyo ni Chris na bahagyang nakapagpaluwag ng dibdib ko. Hindi kasi ganun kagalingan ang grupong tinawag at marami-rami rin ang nagawa nilang kalat sa stage. Sa totoo lang ay nakakadismaya bilang isang mananayaw na naka-place pa sila sa ganito kalaking kompetisyon sa bansa. Pero okay na rin 'yon. At least ngayon ay mas nakasisiguro kami sa mas mataas na pwesto kesa sa kanila."Thank you and congratulations Slayers," aniya habang binubuksan na ang pangalawang envelope na para naman sa 1st placer. "And for the next group na nagpamalas ng kakaibang husay ngayong gabi… Congratulations," pagbati muli niya na binitin ng malakas at mahabang drumroll. "Hip Hop Philippines!" Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang pagkunot ng noo ko habang nagdiriwang sa gitna ng entablado ang tinawag na grupo. Hindi naman sa pagmamagaling, pero hindi talaga pang-1st place ang ginawa nila ngayong gabi. Napatingin tuloy ako sa mga hurado ng kompetisyon. 'May mga mata ba sila?', sa loob-loob ko na lamang muna at baka naman mapaayaw ako ng hindi oras sa mga supporters nila."Before I announce the grand champion of the PhilDance 2024, I would like to first call on the very gorgeous face and the heiress of The Lux Hotel, Miss Tiffany del Fuerte to please come and join us on stage to present the one million worth of cash prize to our winner courtesy of The Lux Hotel." Ang lahat ay nakabaling ang tingin kay Tiffany pero hindi ako. Kay Cloud kasi awtomatikong napadako ang tingin ko at ang sakit na makita siyang tumitig ng ganoon kay Tiffany. He looked at her with so much love in his eyes. A look that once belonged to me. Pero sino nga ba naman ako kumpara kay Tiffany? She's a representation of beauty and power. Para siyang isang mahalagang ginto na kailanman ay hindi ko matatapatan. "And this year's PhilDance champion is…..None other than, 'D Genzie!" Namali ba 'ko ng dinig? O sadyang pinaglalaruan ako ng mga nangyayari dito ngayon? Napupuno na ang dibdib ko ng sobrang sakit na ipinararamdam sa 'kin ng presensya pa lang ni Tiffany at…"B-baka na-Miss Colombia lang tayo Vier, 'di ba?," nangangatal na wika sa akin ni Alvin pero wala din akong ideya sa nangyayari at tila huminto na ang isip ko. Kasi, bakit? At pano'ng sila ang naging kampeon samantalang halos walang dating at puro exhibition lang ng pag-tumbling na walang saysay lang ang ginawa nila sa stage. Did we expect too much? O may kababalaghan talgang nangyari?CLOUD'S POV The panel of judges were also called on stage to take photos kasama ang mga nanalong grupo ngayong gabi. At hindi kasama do'n ang grupo nina Vier. At dahil doon ay nakaramdam ako ng bahagyang tuwa sa likod ng isip ko as I smile for the cameras. But I still can't believe what just happened. Masyadong maganda ang ginawa nilang piece at magaling din ang kanilang mga members kaya't tiyak na mapupulaan ako at paghihinalaan ng mga staff kung bibigyan ko sila ng masyadong mababang score gaya ng nais ko sanang gawin. The least I have done was to give them a score not low enough, but not high enough either to win the title. Ahh, whatever happened. Ang mahalaga ay hindi sila nanalo tulad ng gusto ko. At nasisiguro kong durog na durog ngayon si Vier. Ayon pa naman kay Steffano ay asang-asa daw at kampante ang buong team ng Tropical na sila ang uuwing panalo ngayong gabi. That thing painted a grin on my lips. Mas masakit pa namang matalo sa laban na inakala mong ikaw na ang pana
CLOUD'S POVHindi ko akalain na muli ko pang mararamdaman ang ganitong kasiyahan matapos ang ilang taon kong pagsisintir sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Vier. At isang boses lang pala ang muling magpaparamdam sa akin nito. Ang maliit at cute na boses ni George mula sa kabilang linya nitong cellphone ni Vier. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang tahimik ko siyang pinapakinggan kahit pa nga ang lahat ng sinasabi niya ay patungkol sa reklamo niya sa naging resulta ng naging competition na sinalihan ng mommy niya. But, I don't mind the words, ang mahalaga sakin ay ang marinig ko siya sa unang pagkakataon. Naramdaman ko pa nga ang pamamasa ng mga mata ko sa labis na tuwa.'Ganito pala ang pakiramdam na maging ama,' sa isip-isip ko habang ineenjoy ang sandaling ito na hindi ko inaasahang mangyayari ngayong gabi. Pero hindi rin nagtagal ang kasiyahan ko nang magpaalam na siya at sabihing tatawagan na lang daw niya ang ina kapag tapos na ito sa kausap.'Sana pala a
VIER'S POV Nagpahuli na ako sa pag-uwi dahil hindi ko alam kung paano ko masisikmurang harapin ang lahat ng kasamahan ko habang alam ko na ang dahilan ng pagkatalo namin ay ang matinding galit sakin ni Cloud. Bagay na wala naman silang kinalaman pero pangarap nila ang naging kabayaran. Passed two na rin ng madaling araw nang makauwi ako. At dinig kong patuloy pa ring nagdidiskusyon sina Alvin at Francis sa may kusina patungkol sa naging resulta ng kompetisyon at sa kinasapitan ng aming grupo."Hindi kaya nilaglag tayo nung ha**p na Cloud na 'yon?," nanggigigil na saad ni Francis. At tama siya. Nilaglag nga kami ni Cloud. At ang rason ay walang iba kundi ako at ang mga ka**ngahang ginawa ko sa kanya. Hindi ko na pinakinggan ang buo nilang pag-uusap. Sobra na kasi ang guilt na nararamdaman ko na pinabibigat pa ng naging pagtatalo namin kanina ni Cloud. Ni hindi ko pa rin maisip kung paano ko siya makakausap ng matino patungko kay George at kung bakit kinailangan niyang i-deny ang pag
TIFFANY'S POV I can see guilt and fear all over her face habang nililinaw ko sa kanya kung ano at sino ako sa buhay ng lalaking minsan na palang naging kanya. But, past is past. At ngayon ay ako na ang nagmamay-ari kay Cloud. She's now out of the picture."Pina-imbestigahan mo ba ako?," dismayado niyang tanong matapos kong sabihin sa kanya ang lahat-lahat ng nalaman ko patungkol sa kanya. And I can't help but cackle at that foolish question from this foolish person in front of me."Isn't it obvious?," I said, raising my eyebrows wickedly. The fact that I actually have to do it messed up my pride pero kinailangan ko pa ring gawin after a bit of suspicion and proof. Cloud's not a womanizer type, unlike his best friend Steff. He doesn't even want to mingle and have some time with ladies kahit pa nga sa mga kaibigan kong babae o sa kahit na sino pang nabibilang sa alta sosyedad na kagaya ko. Ayon sa kanya, he just doesn't feel comfortable being with other ladies. But he's not gay just
VIER'S POV Gusto kong isipin na lang na masama pala ang ugali ng babaeng ito at ang magandang ugali ay ipinapakita lang niya sa tuwing nariyan si Cloud. Pero hind eh. Totoo naman kasi ang lahat ng sinasabi niya at isinasampal lang niya sakin ngayon ang totoo. Kasi, ano nga bang naging ambag ko sa buhay ni Cloud? Wala! Alam ko ang mga pangarap at ambisyon niya sa buhay. Alam kong lahat ng 'yon pero wala akong nagawa o naitulong man lang sa kanya para makahakbang patungo sa nais niyang buhay. Naging makasarili kasi ako. Puro na lang ako at kasiyahan ko ang nasa isip ko noon. Masakit man isipin at tanggapin, pero tama si Tiffany. Na katawan ko lang ang tanging naipagkaloob ko kay Cloud. Kaya nga may George na nag-eexist ngayon 'di ba."Here's your order ma'am," sabi ng manager na siya pa mismong nagdala ng order namin."Thank you," ani Tiffany na may maaliwalas na ngiti na muli sa kanyang mukha. Napangiti rin ang manager nang iabot na niya ang bayad na tatlong libo para lang sa inord
CLOUD'S POV"Oh whoah whoah!," iiling-iling niyang tugon habang pagak na tumatawa. "I never thought you'll go this crazy brother," sabi pa niya at patay-malisyang ibinaling na ang kanyang atensyon sa kape niya na dinere-deretso niya ang pag-inom kahit umuusok pa iyon."Steffano, I'm serious!," pagtataas ko na ng aking tono. I'm crazy? Yes, I am! And I am not willing to give up anything right now! Not Tiffany, my dreams nor my son na inakala kong matagal nang nawala."HELL NO 'BRO!," madiin niyang pagtutol sa nais ko sanang gawin niya para sa 'kin. And I expected it. Pero desperado na ako eh and I won't take it as an answer. I can't!"Look 'bro, 'di ba sabi ko nga sa'yo, pa-iibigin ko tapos sasaktan ko agad. Pero sabi mo seryosohin ko?," aniya na unti-unti na ring nagtataas ng boses niya sa akin. "Cloud, hindi pa nga ako pumapayag dun sa hinihiling mo eh. Tapos ngayon kasal na? You're impossible 'bro!," dismayado niyang saad. "I know… I understand na marami ka nang pinagdaanan and you
CAROL'S POV Kaibigan ko 'tong si Vier at mahal ko naman siya. Pero kulang na lang ay ing**ngod ko na ang pagmumukha niya ngayon sa inidoro sa panggigigil habang walang humpay kong hin***mas ang likod niya dito sa maliit na cubicle ng ladies' room dito sa bar. Halos kalahating oras na kami rito at halos kalahating oras ko na ring tinitiis ang mabahong amoy ng pinaghalo-halong alak na ininom niya kanina. "Jusko naman kasi Vier! Ano bang naisipan mo at nagpakalasing ka ng ganyan? 'Kala mo naman kaya," paulit-ulit kong panenermon sa kanya kasabay ng labas-bituka niyang pagtatawag ng uwak dito sa loob."Tara na," pag-aaya niya matapos na i-flush ang nakakadiri at nangangamoy niyang suka. Kaso lang ay hindi pa man siya nakakatayo ay muli na naman bumulwak ang 'di maubos-ubos na alak na inilaman niya sa kanyang sikmura."Ayyst naman," irita kong pag-angal. Sa kawalan kasi niya ng balanse at biglaang pagbuga niya ng kanyanf 4th session dito sa banyo. Napasapo na lang tuloy ako sa noo ko. Pa
VIER'S POV"Sino ka?" bungad ko sa estrangherong lalaki na bigla na lamang lumapit sa amin upang ialok ang kanyang coat. Such a gentle deed, but who knows, 'di ba?"Ha? Hindi ako sinu-ka ha, iniire ako," pilit niyang pagbibiro na hindi naman bumagay sa hitsura at paraan ng pananalita niya. Mukhang naramdaman din naman niya 'yon sa sarili at napatungo na lamang. Kapansin-pansin din ang pamumula ng magkabilang tenga niya nang makita niya ang reaksyon naming dalawa ni Carol, na imbes na matawa sa kanyang old joke, ay napakunot pa ang noo. "Hindi ba swak?," kapagkuwan ay tanong niya. "Pasensya na. Narinig ko lang kasi 'yon sa kaibigan ko. 'Kala ko nakakatawa," pagpapaliwanag niya. Kahit naman ako ay mahihiya kung sakaling masabi ko ang ganun ka-baduy na joke lalo pa sa mga taong hindi ko naman ka-close o kilala man lang. Hindi naman siya mukhang ewan o ano. He actually looks formal and a serious type of man. Kaya rin siguro hindi niya nagawang ibato ng tama 'yung kenkoy joke niya kanina.
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k