Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 28: HECTOR MENDEZ

Share

Chapter 28: HECTOR MENDEZ

Author: Mawi
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

VIER'S POV

"Sino ka?" bungad ko sa estrangherong lalaki na bigla na lamang lumapit sa amin upang ialok ang kanyang coat. Such a gentle deed, but who knows, 'di ba?

"Ha? Hindi ako sinu-ka ha, iniire ako," pilit niyang pagbibiro na hindi naman bumagay sa hitsura at paraan ng pananalita niya. Mukhang naramdaman din naman niya 'yon sa sarili at napatungo na lamang. Kapansin-pansin din ang pamumula ng magkabilang tenga niya nang makita niya ang reaksyon naming dalawa ni Carol, na imbes na matawa sa kanyang old joke, ay napakunot pa ang noo. "Hindi ba swak?," kapagkuwan ay tanong niya. "Pasensya na. Narinig ko lang kasi 'yon sa kaibigan ko. 'Kala ko nakakatawa," pagpapaliwanag niya. Kahit naman ako ay mahihiya kung sakaling masabi ko ang ganun ka-baduy na joke lalo pa sa mga taong hindi ko naman ka-close o kilala man lang.

Hindi naman siya mukhang ewan o ano. He actually looks formal and a serious type of man. Kaya rin siguro hindi niya nagawang ibato ng tama 'yung kenkoy joke niya kanina. Mukha rin siyang matino, not to mention na gwapo. Pero nanatili lang kaming tahimik ni Carol sa harap niya. Bagong mukha pa rin kasi siya at wala rin kaming alam tungkol sa kanya. Mahirap na.

"Ah, by the way, Hector," kapagkuwan ay pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay na tinanggap ko naman. And in all fairness, napakalambot ng kamay niya.

"Vier," sambit ko as we shake our hands. "Bestfriend ko, si Carol," pagpapakilala ko kay Carol na agad din niyang binalinggan at nakipag-kamay din.

"Uhm, here," aniya at muling inilahad sa harap ko ang coat na kanina pa niya iniaalok sa akin.

He really looks fine and gentle sa pananalita at maging sa kanyang kills pero hindi ko pa rin maialis sa sarili ang pag-aalangan ko sa kanya. Dahil roon ay kusa siyang inaral ng mga mata ko mula ulo hanggang paa.

"If you're not comfortable, aalis na lang ako. Pasensya na if nakaabala ako."

Mukha naman siyang sinsero kaya kinuha ko na rin 'yung coat at binalot iyon sa katawan ko na sa totoo lang ay nakakaramdam na rin ng panlalamig. Isa pa ay kanina pa siya napapahiya sa amin ni Carol, magmumukha na siyang ewan kung hindi ko pa tanggapin ang simpleng gentle gesture niya sa akin.

"Huy!" namimilog ang mga matang pagtutol ni Carol sa ginawa ko. At bago pa siya makapagsalitang muli ng kung ano ay palihim ko na siyang kinurot sa kanyang tagiliran. At epektibo naman dahil nanahimik na siya… nakasimangot nga lang.

Alam kong hindi ako magaling kumilatis ng tao, kaya nga nagkamali kay Cloud 'di ba? Pero sa tantiya ko ay maayos namang lalaki itong si Hector. Saka wala naman akong balak na makipagmabutihan sa kanya eh. Makikipagkwentuhan lang. 'Yun lang. Just for tonight.

"Taga-san ka?," pataray na hirit nitong si Carol na hindi 'yata makapagpigil at maghinay-hinay sa kanyang salita.

"Sa Makati ako nakatira, pero paminsan-minsan ay nagi-stay ako dito."

"Bakit?," tanong muli ni Carol hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Hector kaya tinapik ko na muli siya. Para na kasi siyang nang-iinterogate kung makabato ng tanong kay Hector.

"Pasensya ka na dito sa kaibigan ko ha. Medyo masungit talaga 'yan eh," sabi ko sabay tawa.

Totoo naman kasi. Minsan nga ay para ko na siyang nanay kung makasermon sa akin kapag may nagawa akong kat**ga**n. Napangiti rin si Hector pero pinigil niya iyon nang mapansin ang masamang tingin sa kanya ni Carol.

"Nandito ako for business purposes."

"Anong business?," tanong ko naman kahit na medyo namamaos ang boses ko dahil sa walang humpay kong pagsusuka kanina. Hindi naman siguro masama kung mag-usisa ako ng ilang bagay-bagay patungkol sa kanya since siya naman itong unang nag-approached sa amin at nagpakita ng intensyon na makipagkilala.

Isa pa, unti-unti na ring nawala 'yung awkwardness na nararamdaman ko kanina sa kanya after only a few minutes. Ayos naman kasi siya at masasabi kong magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

"I manage this building," tila nahihiya niyang sagot at napahawak pa sa kanyang leeg. "Sorry, I don't want to sound pompous or what—"

"Ibig mong sabihin, itong buong building?," putol ni Carol sa kanya na halatang nabigla, or should I say, nagdududa sa sinabi niya. At ako rin naman.

High-end ang building na 'to na may dal'wampu't apat na palapag. Nalilinya rin ito sa mga masasabing bigating istruktura dito sa Bulacan. Limang taon lang ang nakalilipas nang buksan ang building na 'to at mabilis itong nakagawa ng pangalan at nakilala dito at maging sa mga kalapit na lugar.

Naging mabentang puntahan ito ng mga gustong mag-enjoy at mag-relax since kumpleto na ito sa mga establishments for whining gaya ng mga bar, coffee shops, spas, studios at iba pa.

"Big time ka pala," biro ko na lalo yatang nagparamdam sa kanya ng pagkahiya sa amin.

"Hindi naman. Medyo sinwerte lang din sa buhay," naiilang niyang tugon.

"Sana all swerte," biglang hirit naman nitong si Carol na kanina lamang ay parang gusto nang ipa-pulis itong si Hector kahit wala namang ginagawang masama sa amin. "O baka naman ineechos mo lang kami ha. Red flag 'yan boy."

"Pero 'di ba, mga Mendez nga ang may-ari nitong building," sabi ko naman. Andito pa ako sa 'Pinas n'ung mag-start sila ng operation kaya alam ko ang tungkol doon.

"Naku Vier, marami nang mapagpanggap ngayon 'no. 'Di ka na-inform?," pabiro niyang hirit na nagpaalala sakin kay Tiffany.

I shrugged my head to throw away those negative thoughts away na nagsisimula na naman pumuno sa sistema ko at bumubuhay sa sakit na naramdaman ko sa Ilocos.

"Ayos ka lang?" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa. Napangiti na ako kaagad. Kelan ba nung huli akong tiningnan ng may pag-aalala ng isang lalaki? I may sound 'marupok' pero anong magagawa ko kung makaramdam ang puso ko ng masiyahan sa simpleng tingin niyang iyon.

Inilabas rin niya ang ID niya just to prove na totoo 'yung sinasabi niya na isa siyang Mendez.

Medyo humaba pa ang aming kwentuhan patungkol sa kanya at sa stressful na trabaho niya sa pagmamanage dito sa 'The Lounge'.

Ayon sa kanya ay hindi naman daw siya ang dapat na nagpapatakbo nito, movie industry at production kasi talaga ang interes niya. Kaso ay naging abala ang nakatatanda niyang kapatid sa married life nito at sa sariling business na itinayo nito at ng asawa kaya wala siyang choice kundi ang akuin ang naiwang responsibilidad nito sa kanilang family business.

Ilang sandali lang ay nagkapalagayan na kami ng loob. Magaan din kasi siyang kasama at kakwentuhan. Kahit nga ang bruhang si Carol na kanina lang ay todo ang pagtataray kay Hector ay naging komportable na rin na kasama namin ito dito sa rooftop kahit kaming tatlo na lang ang natira dito.

Nang makaramdam kami ng gutom ay nagpadeliver pa si Hector ng pagkain namin mula sa steakbar sa baba na talaga namang na-enjoy namin.

Sa ganda ng naging kwentuhan namin ay inabot na nga kami ng alas-kwatro ng umaga nang 'di namin namamalayan.

"Salamat sa time ha, pati na rin sa libreng meal. Nag-enjoy kami," paalam ko nang maihatid niya na kami sa labas ng building niya kung saan siya tumuloy.

"Ako rin naman. I had a great time with you…. I mean, with the two of you," pagtatama niya sa naunang nasabi nang makita ang naging reaksyon ni Carol. Nagkangitian na lang tuloy kami.

He have a great smile. So pure and gentle.

Kaugnay na kabanata

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 29: CRAZY LOVE

    STEFF'S POV Hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'to at puro na lang sakit ng ulo at inis ang dinaranas ko ngayon. Kanina lang, hindi pa man sumisikat si haring araw ay minalas na ako sa biglaang pagsulpot ni Cloud sa unit ko. Dahil kasi roon ay hindi ako nakapag-whole set kay Leyla. At dinagdagan pa niya ng isang nakakabwisit na ideya na pagpapakasal ko kay Vier para lang magampanan niya ang pagiging ama niya sa kanilang anak. Tsk! What a crazy idea, right? At gusto pa talagang ipasa sakin ang kanyang responsibilidad huh. Napailing-iling na lang tuloy ako nang maalala ko 'yon. I'm not yet a fool to claim his miserable life and put it into my own miserably living hell life! At ngayon naman ay nagmamadali akong lumuwas ng Maynila dahil sa pagsugod umano ni Mommy sa walang kwenta kong ama para lang ipilit NA NAMAN rito na ipakilala na kami sa madla dahil pamilya niya rin daw kami. Like wow! Bakit ba ang daming nababaliw pagdating sa pag-ibig na 'yan? It's just nonsense! Matat

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 30: MEMORIES

    CLOUD'S POV I felt relieved nang biglang mag-text sakin si Steff para sabihing liligawan na niyang muli si Vier ngayon. Though, may pagtataka ay nagpasalamat na lang rin ako. Hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga matapos namin magkainitan. Hindi rin siya pumasok ngayon dito sa restaurant kaya buong akala ko ay bwisit pa rin siya sa akin. Pero heto at mukhang nais na niya 'kong tulungan sa problema ko kay Vier."Remember him?," Saad niya sa sumunod na mensahe na kasama ang isang larawan. Medyo blurred ang larawan na mukhang cut lamang mula sa isang picture but I can clearly see Vier… with another man! And to make it worse, si Hector Mendez pa ang lalaking kasama niya! Nanginig ang panga ko at nagkukumuyos ang dibdib ko sa galit habang matalim akong nakatitig sa nakakadiring larawang iyon."Ang landi mo talaga," nanggagalaiti kongbulong sa sarili ko bago mabigat ang mga kamay kong muling ibinalik ang cellphone sa bulsa ko. Hindi ko kayang tingnan ng matagal ang mga pagmumukh

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 31: THE SUITORS

    VIER'S POV Minsan talaga naweweirduhan na 'ko sa kapatid kong 'to eh. Alam kong magaling siyang bumasa ng tao. Minsan nga ay inaasar ko pa siya na papasa na siyang face reader sa sobrang galing niya eh.Pero talaga ba? Si Hector, hindi katiwa-tiwala?'Yung mukhang 'yon na parang anghel? Nagsimula na tuloy ako sa pagkuwestyon sa judgment ko sa karakter ng mga tao sa paligid ko. Gano'n ba talaga kahina ang senses ko pagdating sa ganoong bagay? Nasa ganoong pag-iisip pa 'ko nang bigla ko na lang marinig ang pagtawa ni inay na ngayon ay nasa sala para i-entertain muna si Hector habang inaayos ko ang aking sarili. Silang dalawa lang ni Hector ang naroroon kaya sigurado akong si Hector ang nakapagpatawa kay inay ng ganoon. Pero sa pagkakaalala ko, hindi naman magaling na joker itong si Hector base na rin sa hirit niya sa 'min ni Carol kagabi.'Hmm, mukhang nagbaon ng matino at click na hirit itong si Mr. Gentleman ah,' sa isip ko at 'di ko maiwasan ang mapangiti dahil don. Simpleng ef

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 32: TO HIM, TO HER

    STEFFANO'S POV Hindi ko mapigilan na magdiwang ang kalooban ko habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon ni Hector sa bawat pag-agaw ko sa kanya ng limelight habang nagpapa-impress siya kay Vier at pati na rin kay tita Ester. Wala rin naman siyang magawa para pigilin ako dahil nga sa kaharap namin si Vier. The goody goody Maria Clara. On second thought, bagay nga pala sila 'no? Both of them has this goody goody sh*ts na image. But let's not give them the perfect love story. They don't deserve it. Hindi rin naman ako nag-alala na baka palayasin ako ng nanay ni Vier na si tita Ester dahil sa mga pinag-aaasta ko rito. Kanina ko pa kasi nakuha ang loob nito sa pamamagitan ng mga simpleng hirit at konting mga serious thoughts about sa mga single parents na katulad niya at ng mommy ko. Kagyat kong ibinahagi sa kanya ang kwento ko and my relationship with my mom. Pero syempre 'yung mga magaganda lang and konting paawa effect like I never had my mom's full attention and love, which is totoo

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 33: FACE OF THE TRUTH

    CLOUD'S POV"I never thought, you are as fool as this Montemayor," nangungutya pa rin niyang saad habang iiling-iling na muling pinakawalan ang nakakaloko niyang pagtawa na siyang nagpasimula ng pagkulo ng dugo ko."Do you really think you're high enough huh?," dagdag pa niya habang punong-puno ng pangmamaliit ang bawat salitang binibitiwan niya para sa akin. Halata rin sa kanyang mukha ang pagpipigil niya sa muli niyang pagtawa.'What is it this time?', sa isip ko habang kunot-noo kong inaaral at pinagmasdan ang inaasta niya ngayon sa akin. Mulat ang mga mata sa kung gaano kaliit ang tingin niya sa akin mula pa noon. Pero ramdam ko na sadyang may kakaiba ngayon. "I love your daughter sir and–" Hindi ko pa man natatapos ang gusto ko sanang sabihin ay pumailanlang na sa buong opisina niya ang malakas niyang paghalakhak. Sa parteng iyon ay tuluyan ko na ngang naramdaman ang pag-igting ng mga panga ko sabay sa panginginig ng aking mga kamao. Alam ko naman na dapat ay tinitignan at tinat

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 34: NEW LIFE

    VIER'S POV Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo ni Carol sa building ng The Lounge para ipasa ang aming mga resume. Sure naman kami na matatanggap kami kaya hindi na kami nag-aalala pa sa pagpunta roon. Nakapag-resign na rin si Carol sa pinagtatrabahuhan niyang fastfood chain na sa totoo lang ay matagal na lang daw niyang pinagtitiisan kahit pa sankakarampot niyang sinusweldo roon. Mahirap nga raw kasing makahanap ng maayos na trabaho ngayon dito sa Pinas."Bakla, ano nga pala 'yung dapat ay sasabihin mo sakin nung isang gabi?," tanong ni Carol habang makasakay na kami ng jeep na nag-aantay pa ng ibang pasahero. "May kinalaman ba 'yun sa paglalasing mo?" Oo nga pala. May problema nga pala ako. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon which was actually good. Thanks to Hector. Nang dahil kasi sa kanya kaya kahit papaano ay nakalimutan ko 'yung nakaraan ko na punong-puno ng matitinding sakit at pagtitiis. Nang dahil din sa kanya kaya nakikita ko ngayon ang maayos na buhay na maibi

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 35: PAINFUL KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV Para akong bumalik sa nakaraan ng dahil sa mga nalaman ko mula sa tinitingala ng lahat na si don Benjamin. Parang hindi totoo. Para bang mga kasinungalingan lang ang mga iyon, pero bakit naman siya magsisinungaling? At kung sisimulan kong isipin ang lahat mula sa simula ng inakala kong pag-asenso ko, talagang posible nga ang mga ibinunyag ng don. At halos durugin ako ng katotohanang iyon. Lalo na ang pride at buong pagkatao ko. Pati na rin ang pangarap ko na pinagsikapan at pinaghirapan kong makamit. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang sakit na lumalamon sa akin. Sakit na ibinigay sa akin ng mga taong inasahan ko na aalalay sa akin at inakala kong kakampi at kaagapay ko sa buhay. Mga sakit na kahit pa sa paglipas ng mahabang panahon ay nananatiling nakabaon sa aking sistema. Nagmaneho lang ako ng nagmaneho hanggang sa matagpuan ko na lang muli ang sarili ko sa lugar na ito. Sa Bulacan. Hindi ko rin namalayan kung gaano ako katagal nagmamaneho para makarating

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 36: LOVE AND PAIN

    VIER'S POV Halos buong araw akong naging tampulan ng pang-aasar ng lahat ng kasamahan namin dito sa resto matapos akong puntahan dito ni Hector para bigyan ako ng welcome gift daw niya para sakin na flowers at chocolates. Medyo nahiya at nailang pa nga ako sa ginawa niyang iyon. Pinagtinginan na kasi kami ng mga tao rito na bago ko pa lang namang nakikilala. Maging ang mga tao sa katabi naming shop, mapa-empleyado o customers man na naroroon na nang mga sandaling iyon ay nakatingin din sa aming dalawa na para bang kami ang main event ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko rin ay iniwasan na akong utusan o pagtrabahuhin ng mga kasamahan ko rito gaya ng nararapat lang naman dahil empleyado pa rin naman ako dito sa resto mula nang malaman nila na nililigawan ako ni Hector na CEO nitong building. Mukhang lalo lang tuloy na nainis sa akin si Miss Claire sa unang araw ko sa trabaho. Paminsan-minsan ko pa nga siyang nahuhuli na nakatingin sa akin ng masama dahil na rin siguro sa halos hindi

Pinakabagong kabanata

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

DMCA.com Protection Status