Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 30: MEMORIES

Share

Chapter 30: MEMORIES

Author: Mawi
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

CLOUD'S POV

I felt relieved nang biglang mag-text sakin si Steff para sabihing liligawan na niyang muli si Vier ngayon. Though, may pagtataka ay nagpasalamat na lang rin ako.

Hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga matapos namin magkainitan. Hindi rin siya pumasok ngayon dito sa restaurant kaya buong akala ko ay bwisit pa rin siya sa akin. Pero heto at mukhang nais na niya 'kong tulungan sa problema ko kay Vier.

"Remember him?," Saad niya sa sumunod na mensahe na kasama ang isang larawan. Medyo blurred ang larawan na mukhang cut lamang mula sa isang picture but I can clearly see Vier… with another man! And to make it worse, si Hector Mendez pa ang lalaking kasama niya!

Nanginig ang panga ko at nagkukumuyos ang dibdib ko sa galit habang matalim akong nakatitig sa nakakadiring larawang iyon.

"Ang landi mo talaga," nanggagalaiti kong

bulong sa sarili ko bago mabigat ang mga kamay kong muling ibinalik ang cellphone sa bulsa ko. Hindi ko kayang tingnan ng matagal ang mga pagmumukha nila. At lalo pa na magkasama sila!

Sabagay, they will be a good match. Isang malanding mukhang pera na santa santita at isang mayabang na mataas ang tingin sa sarili.

But hell, hindi sila pwedeng maging masaya habang miserable ako!

"Chef, next order po," ani Lilian na humahangos na sumulpot dito sa kitchen at inilapag ang panibagong order sheet. Oh yeah, nasa trabaho nga pala ako at ito ang dapat ang pagkaabalahan ko ngayon at hindi ang mga pesteng 'yon.

Mabilis kong tiningnan ang order sheet para doon na mapako ang atensyon ko,

2 shrimp carbonara

2 red wine

2 slices of chocolate mousse cakes

Sweets and pleasure. Sa order pa lang ay alam ko nang magkasintahan ang umorder nito. And my eyes were stuck at 'carbonara'.

It brought me back to that night nang nilutuan ko nito si Vier. That was our first monthsary. Sobrang saya niya noon. At gano'n din ako. We spent the whole night together na nagkukwentuhan at nagpaplano ng mga gagawin namin sa future namin. Hanggang sa napunta ang usapan namin sa pagpapamilya at pagkakaroon namin ng mga anak na nag-udyok sa mapupusok naming pagnanasa sa isa't isa na hindi na namin pinigilan at narating namin ang r***k ng kaligayahan sa piling ng isa't-isa.

That was our first at hinding-hindi ko malilimutan ang gabing iyon. Bawat sandali at bawat haplos namin sa isa't-isa ay para bang katumbas na ng walang hanggang kaligayahan.

And I miss that feeling. I always miss that feeling.

Napapikit na lang ako at napabuntung-hininga sa magandang alaalang iyon na alam ko na hindi na maibabalik pa. Dahil ang alaalang iyon ay ang siyang nagdudulot lang sa akin ng masalimuot na sakit at pagdurusa sa loob ko.

Binuo niya ang buhay at pagkatao ko kahit pa noong panahong na pakiramdam ko'y durog na durog ako. Pero sa huli, winasak niya pa rin ang sarili ko na inakala ko ay binuo niya.

Hanggang sa pangalan nga ng restaurant na 'to ay may bahid din ng malupit niyang alaala.

Jupiter's Ring.

Ako 'yung Jupiter at siya ang Ring ko. And to think na itinayo ko ito noong mga panahon na sobrang galit at devastated ako sa kanya make me such a fool over her.

VIER'S POV

Pagkagising ay agad kong hinagap ang ointment sa tabi ng kama ko para hilutin ang kumikirot ko pa ring sintido. Naupo muna ako at sumandal sa may headboard at halos sabunutan ko ang sarili sa diin ng pagmasahe ko mula sa sintido hanggang sa may tuktok ng ulo ko. Para na kasi iyong sasabog sa sobrang pagkirot kaya talagang sinasagad ko na ang pagsabunot na nakakatulong din para mawala na 'tong sakit ng ulo ko.

Hindi ko rin magawang imulat ang mga mata ko dahil na rin sa sobrang puyat at antok ko.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Hindi na ko nag-abala pang tingnan kung sino iyon dahil sa 'di magandang pakiramdam ko.

"'Nak, may naghahanap sa'yo sa labas," sabi ni inay na hindi ko pa rin hinaharap.

"Sino daw po?," tanong ko na lang sa kanya sa nangangalos na tono.

"Hector daw."

Para akong nabuhusan ng mainit na kape pagkarinig pa lang sa pangalan ni Hector at napamulat ang mga matang kanina lang ay hindi ko maimulat.

Hindi ko naman ipinagtaka pa na alam niya 'tong bahay namin dahil kanina lang ay inihatid niya kami ni Carol. Baka daw kasi kung ano pang mangyari sa amin kung hahayaan niya kaming bumyahe ng ganoong oras. Bago kami maghiwalay ay nagpaalam na rin siya kung pwede daw ba siyang bumisita na hindi ko naman tinanggihan. Hindi ko lang talaga inasahan na ngayon agad?

Napabalikwas tuloy ako ng bangon at hinarap ko muna ang salamin ng cabinet ko. Jusko! Mukha akong haggard na ewan. Nakakahiya. Itinakip ko rin ang dalawang palad ko sa mukha ko at huminga para subukin ang amoy ng hininga at, whoah! Parang pinagsamang panis na laway, alak at suka.

Mukha pa kong bruha sa sala-salabit na ayos ng buhok ko. Isama pa ang amoy ko na parang ewan na amoy matanda dahil sa ipinahid ko kaninang ointment.

Shems! Sobrang nakakahiya kay Hector kung makikita niya 'kong ganito. Bigtime pa naman 'yun. For sure na madidismaya siya kung makikita niya ako sa ganitong ayos… at amoy.

"Nay, kausapin mo muna ha. Tapos sisimple ako papuntang banyo. Maghihilamos lang po muna ako," sabi ko na para bang teenager na ayaw magpakita sa crush nang hindi nakaayos. But, just to make it clear, hindi ko crush si Hector ha. Sadyang nakakahiya lang kasi talaga 'yung hitsura ko kung ihaharap sa kagaya niya.

"Sige. Bilisan mo lang anak ha. Nakakahiya don sa bisita mo. Kanina pa 'yon naghihintay," bilin pa ng inay bago siya lumabas at muling hinarap sa sala ang bisita. Samantala, dahan-dahan naman akong nagtungo sa banyo para makapag-toothbrush at makapaghilamos man lang at nang hindi naman akong magmukhang busabos sa harapan ni Hector.

"Ate, sino 'yon?," tila imbestigador na tanong sa akin ni Allen paglabas na paglabas ko pa lang ng banyo. Mukha ngang inabangan niya talaga ako roon. At hindi maganda ang timpla niya sa pagkakaroon ko ng bisita.

"Si Hector 'yun. Nakilala namin ni Carol kagabi. Siya 'yung–"

"Hindi na ba si kuya Cloud?"

Sh*t naman! Bakit ba kailangang mabanggit pa siya? I'm trying to move on and move him out of my life. Kung alam lang sana 'yon ng kapatid ko.

"Naghihintay na sa 'kin 'yung bisita Allen–"

"Tingin pa lang halatang 'di na mapapagkatiwalaan ate," putol niya sa sinasabi ko. "'Yan ba ang ipapalit mo kay kuya Cloud?"

"Pwede ba Allen? H'wag ka munang judgmental d'yan. Isa pa, hindi ko pa naman siya boyfriend eh. Magkakilala lang kami. Yun lang," paliwanang ko.

"Pero ate, trust me. Hindi katiwa-tiwala 'yang lalaking ganyan. Don't fall for him," babala niya bago tila wala sa mood na pumasok na sa banyo para maligo.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Lalaki siya kaya alam niya ang mga galawan ng mga katulad niya. Pero, wala naman kasi sa hitsura ni Hector ang pagiging maloko eh. He's actually a gentleman, hindi lang sa salita kundi hanggang sa kilos.

Sa'n kaya nakuha ng kapatid ko 'yung judgment niyang iyon?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mawi
yes po. she will try to move on... hehehe.. thanks for reading po...
goodnovel comment avatar
Lorna Seprado Soriano
move on na Vier..more updates author....thanks
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 31: THE SUITORS

    VIER'S POV Minsan talaga naweweirduhan na 'ko sa kapatid kong 'to eh. Alam kong magaling siyang bumasa ng tao. Minsan nga ay inaasar ko pa siya na papasa na siyang face reader sa sobrang galing niya eh.Pero talaga ba? Si Hector, hindi katiwa-tiwala?'Yung mukhang 'yon na parang anghel? Nagsimula na tuloy ako sa pagkuwestyon sa judgment ko sa karakter ng mga tao sa paligid ko. Gano'n ba talaga kahina ang senses ko pagdating sa ganoong bagay? Nasa ganoong pag-iisip pa 'ko nang bigla ko na lang marinig ang pagtawa ni inay na ngayon ay nasa sala para i-entertain muna si Hector habang inaayos ko ang aking sarili. Silang dalawa lang ni Hector ang naroroon kaya sigurado akong si Hector ang nakapagpatawa kay inay ng ganoon. Pero sa pagkakaalala ko, hindi naman magaling na joker itong si Hector base na rin sa hirit niya sa 'min ni Carol kagabi.'Hmm, mukhang nagbaon ng matino at click na hirit itong si Mr. Gentleman ah,' sa isip ko at 'di ko maiwasan ang mapangiti dahil don. Simpleng ef

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 32: TO HIM, TO HER

    STEFFANO'S POV Hindi ko mapigilan na magdiwang ang kalooban ko habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon ni Hector sa bawat pag-agaw ko sa kanya ng limelight habang nagpapa-impress siya kay Vier at pati na rin kay tita Ester. Wala rin naman siyang magawa para pigilin ako dahil nga sa kaharap namin si Vier. The goody goody Maria Clara. On second thought, bagay nga pala sila 'no? Both of them has this goody goody sh*ts na image. But let's not give them the perfect love story. They don't deserve it. Hindi rin naman ako nag-alala na baka palayasin ako ng nanay ni Vier na si tita Ester dahil sa mga pinag-aaasta ko rito. Kanina ko pa kasi nakuha ang loob nito sa pamamagitan ng mga simpleng hirit at konting mga serious thoughts about sa mga single parents na katulad niya at ng mommy ko. Kagyat kong ibinahagi sa kanya ang kwento ko and my relationship with my mom. Pero syempre 'yung mga magaganda lang and konting paawa effect like I never had my mom's full attention and love, which is totoo

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 33: FACE OF THE TRUTH

    CLOUD'S POV"I never thought, you are as fool as this Montemayor," nangungutya pa rin niyang saad habang iiling-iling na muling pinakawalan ang nakakaloko niyang pagtawa na siyang nagpasimula ng pagkulo ng dugo ko."Do you really think you're high enough huh?," dagdag pa niya habang punong-puno ng pangmamaliit ang bawat salitang binibitiwan niya para sa akin. Halata rin sa kanyang mukha ang pagpipigil niya sa muli niyang pagtawa.'What is it this time?', sa isip ko habang kunot-noo kong inaaral at pinagmasdan ang inaasta niya ngayon sa akin. Mulat ang mga mata sa kung gaano kaliit ang tingin niya sa akin mula pa noon. Pero ramdam ko na sadyang may kakaiba ngayon. "I love your daughter sir and–" Hindi ko pa man natatapos ang gusto ko sanang sabihin ay pumailanlang na sa buong opisina niya ang malakas niyang paghalakhak. Sa parteng iyon ay tuluyan ko na ngang naramdaman ang pag-igting ng mga panga ko sabay sa panginginig ng aking mga kamao. Alam ko naman na dapat ay tinitignan at tinat

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 34: NEW LIFE

    VIER'S POV Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo ni Carol sa building ng The Lounge para ipasa ang aming mga resume. Sure naman kami na matatanggap kami kaya hindi na kami nag-aalala pa sa pagpunta roon. Nakapag-resign na rin si Carol sa pinagtatrabahuhan niyang fastfood chain na sa totoo lang ay matagal na lang daw niyang pinagtitiisan kahit pa sankakarampot niyang sinusweldo roon. Mahirap nga raw kasing makahanap ng maayos na trabaho ngayon dito sa Pinas."Bakla, ano nga pala 'yung dapat ay sasabihin mo sakin nung isang gabi?," tanong ni Carol habang makasakay na kami ng jeep na nag-aantay pa ng ibang pasahero. "May kinalaman ba 'yun sa paglalasing mo?" Oo nga pala. May problema nga pala ako. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon which was actually good. Thanks to Hector. Nang dahil kasi sa kanya kaya kahit papaano ay nakalimutan ko 'yung nakaraan ko na punong-puno ng matitinding sakit at pagtitiis. Nang dahil din sa kanya kaya nakikita ko ngayon ang maayos na buhay na maibi

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 35: PAINFUL KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV Para akong bumalik sa nakaraan ng dahil sa mga nalaman ko mula sa tinitingala ng lahat na si don Benjamin. Parang hindi totoo. Para bang mga kasinungalingan lang ang mga iyon, pero bakit naman siya magsisinungaling? At kung sisimulan kong isipin ang lahat mula sa simula ng inakala kong pag-asenso ko, talagang posible nga ang mga ibinunyag ng don. At halos durugin ako ng katotohanang iyon. Lalo na ang pride at buong pagkatao ko. Pati na rin ang pangarap ko na pinagsikapan at pinaghirapan kong makamit. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang sakit na lumalamon sa akin. Sakit na ibinigay sa akin ng mga taong inasahan ko na aalalay sa akin at inakala kong kakampi at kaagapay ko sa buhay. Mga sakit na kahit pa sa paglipas ng mahabang panahon ay nananatiling nakabaon sa aking sistema. Nagmaneho lang ako ng nagmaneho hanggang sa matagpuan ko na lang muli ang sarili ko sa lugar na ito. Sa Bulacan. Hindi ko rin namalayan kung gaano ako katagal nagmamaneho para makarating

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 36: LOVE AND PAIN

    VIER'S POV Halos buong araw akong naging tampulan ng pang-aasar ng lahat ng kasamahan namin dito sa resto matapos akong puntahan dito ni Hector para bigyan ako ng welcome gift daw niya para sakin na flowers at chocolates. Medyo nahiya at nailang pa nga ako sa ginawa niyang iyon. Pinagtinginan na kasi kami ng mga tao rito na bago ko pa lang namang nakikilala. Maging ang mga tao sa katabi naming shop, mapa-empleyado o customers man na naroroon na nang mga sandaling iyon ay nakatingin din sa aming dalawa na para bang kami ang main event ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko rin ay iniwasan na akong utusan o pagtrabahuhin ng mga kasamahan ko rito gaya ng nararapat lang naman dahil empleyado pa rin naman ako dito sa resto mula nang malaman nila na nililigawan ako ni Hector na CEO nitong building. Mukhang lalo lang tuloy na nainis sa akin si Miss Claire sa unang araw ko sa trabaho. Paminsan-minsan ko pa nga siyang nahuhuli na nakatingin sa akin ng masama dahil na rin siguro sa halos hindi

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 37: THE UNEXPECTED ALLY

    CLOUD'S POV"Anong oras mo pa ba balak bumangon d'yan ha?," bruskong tanong sa akin ng isang boses na hindi ko mapagsino nang mga sandaling iyon. Pamilyar sa akin ang boses niya. Pero dahil na rin siguro sa kagigising ko lang at napupuno pa rin ng matinding pagkirot ang ulo ko, kaya hindi ko magawang alalahanin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Hindi ko rin naman agad na maimulat ang mga mata ko dahil nga sa sakit ng ulong nararamdaman ko para sana makita ko na kung sino ang lalaking iyon. But one thing's for sure, hindi iyon si Steffano. "Lakas din ng amats mo eh 'no?," may tono ng pambubuska niyang pagpapatuloy nang makaupo na ako, senyales na gising na talaga ako. I heard him chuckled at ramdam ko rin ang panggigigil niya sa akin sa tono pa lang ng pananalita niya. "Biruin mo, matapos mong ilaglag ang grupo namin sa PhilDance, eh bigla ka na lang susulpot dito sa Bulacan na parang kabute at parang walang nangyari?" Disappointment can be heard with every words he say

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 38: THE PAST AND THE PRESENT

    VIER'S POV Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil sa tanong na 'yon ni Carol. Hindi pa naman kami ni Hector pero ilang araw ko na ring pinag-iisipan ang tungkol doon. Palagay ang loob ko sa kanya at magaan din siyang kasama. Yun nga lang eh ilang pa lang naman ang nakakalipas mula nang makilala namin siya at ilang araw pa lang rin mula nang ipaalam niya sa akin ang kanyang interes at espesyal niyang pagtingin sa akin. Magiging napaka-easy to get ko namang babae kung kaagad kong tatanggapin ang sinasabi niyang pag-ibig niya para sa akin. Pero sa isang banda, naiisip ko na rin na hindi na rin naman ako bumabata. I, of course, need a partner to be with in the future. Kaya napapaisip na rin ako."Uy! Ano? Kayo na?," pag-uulit pa ni Carol sa naitanong na niya. Hindi ko alam kung curious lang ba talaga siya o parang dismayado sa nararamdaman niya na maaari kong isagot sa tanong niya."H-hindi pa naman–.""Hindi pa naman!," mataas ang tonong pag-uulit niya sa kasasabi ko lang. Bigl

Pinakabagong kabanata

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

DMCA.com Protection Status