Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 25: ESCAPE PLAN

Share

Chapter 25: ESCAPE PLAN

Author: Mawi
last update Last Updated: 2024-03-29 14:11:47

VIER'S POV

Gusto kong isipin na lang na masama pala ang ugali ng babaeng ito at ang magandang ugali ay ipinapakita lang niya sa tuwing nariyan si Cloud. Pero hind eh. Totoo naman kasi ang lahat ng sinasabi niya at isinasampal lang niya sakin ngayon ang totoo. Kasi, ano nga bang naging ambag ko sa buhay ni Cloud?

Wala!

Alam ko ang mga pangarap at ambisyon niya sa buhay. Alam kong lahat ng 'yon pero wala akong nagawa o naitulong man lang sa kanya para makahakbang patungo sa nais niyang buhay. Naging makasarili kasi ako. Puro na lang ako at kasiyahan ko ang nasa isip ko noon.

Masakit man isipin at tanggapin, pero tama si Tiffany. Na katawan ko lang ang tanging naipagkaloob ko kay Cloud. Kaya nga may George na nag-eexist ngayon 'di ba.

"Here's your order ma'am," sabi ng manager na siya pa mismong nagdala ng order namin.

"Thank you," ani Tiffany na may maaliwalas na ngiti na muli sa kanyang mukha. Napangiti rin ang manager nang iabot na niya ang bayad na tatlong libo para lang sa inorder niya para sa amin. "Keep the change," aniya.

"Thank you Miss. Napakaganda mo po talaga. Bukod sa napakagalante," anang manager bago kami iniwan.

"Inumin mo na," baling niya muli sa akin. "Mabisang pampagising ang kape lalo na kung mainit," sabi pa niya bago umalis nang hindi man lang ginagalaw ang inorder niya.

STEFF'S POV

Hindi ko mapigilan ang pagkumuyos ng aking palad habang pinagmamasdan si Cloud na patuloy lang sa paglagok ng rhum ng ganito kaaga dito sa condo unit ko. Well, wala naman akong pakialam sa rhum na basta na lamang niyang kinuha sa lagayan ko o sa kung anong oras niya gustong uminom at magpakalasing, pero 'yung abalahin niya ako dito sa unit ko sa gitna ng kaligayahan ko kasama si Leyla, ang babaeng naakit sa kagwapuhan ko kagabi? Ahh, ibang usapan na 'yon.

Hindi tuloy namin natapos ang dapat naming tapusin at ulit-ulitin dahil kinailangan ko siyang paalisin kahit na labag iyon sa pangangailangan at kalooban ko. Ang malala pa, sinabihan niya pa 'kong BAKLA bago siya tuluyang lumabas. Haisst!

Sino ba sa palagay ng babaeng iyon ang magandang lalaking tulad ko ang aaksayahin ang kanyang magiging lahi para lang magdamit babae? Kung hindi ko nga lang talaga kaibigan 'tong lokong 'to, malamang na nasapak ko na 'to sa sobrang panggigigil ko sa dinulot niya sa pagkatao ko.

'Ano ba kasing naisipan nito?,' sa isip-isip ko habang nakamasid sa miserable niyang hitsura sa harap ng alak.

"Ang alam ko kape ang iniinom sa umaga, iba na pala," pagpaparinig ko at nilapitan siyang bitbit ang dalawang mainit na tasa ng kape na tinimpla ko. Black coffee ang tinimpla ko para sa kanya. Mukhang kailangan ng matinding pampagising ng isang 'to eh. Malakas ko iyong ipinatong sa mesa para maramdaman niya ang presensya ko na parang nawala 'ata sa kanyang isip. Naupo na rin ako sa maliit na mesa at sinamahan siya. Pero ni hindi man lang niya pinansin ang inihain ko para sa kanya. Tsk!

"What is it now?," walang gana kong tanong at binalingan ang kape na kasing-hot ko ngayong umaga.

Ilang saglit pa ay napangiwi na ako nang hindi pa rin siya magsalita. Mukhang miserableng-miserable ang taong ito. He look like how he used to be four years ago.

So, it's Vier again!

"Kala ko pa naman naka-move on ka na talaga. You and Tiffany seem a great couple. Don't mess up your life again bro," seryoso kong payo sa kanya. I guess he needs it more than a coffee.

Wala pa rin siyang imik at patuloy lang sa paglaklak kaya naisipan ko na lang siyang iwan doon. Para na kasi akong timang na salita ng salita kahit parang wala naman akong kausap.

"Be his dad," saad niyang bigla nang akmang papatalikod na ako sa kanya. Napakunot-noo naman ako roon.

"What are you saying bro?," tanong ko sa kanya kaso parang delulu na 'ata ang loko at biglang nagbagsak ng tingin sa mesa. At maya-maya pa ay parang nagpupunas na ito ng sipon habang nakakuyom ang isang kamao sa mesa.

Napahawi na lang tuloy ako ng buhok ko sa pagkadismaya. Bakit ba siya nagkakaganto sa babaeng iyon? Ang mga katulad namin ang dapat na iniiyakan, hindi ang umiiyak.

"Mabuti pa, iligo mo na muna 'yan 'bro. Mukhang 'di ka pa umuuwi eh. 'Yan pa rin ang suot mo. And I doubt kung nakatulog ka na. Mukha kang lutang. Alam mo ba 'yun?," pang-aalaska ko sa kanya at hinagisan na siya ng towel para makaligo na at ng mahimasmasan ang kaluluwa niyang nahihibang na naman kay Vier.

"Nakausap ko na siya," sabi niya at muli na namang nagsalin ng alak sa baso.

"Sino naman?," iritado ko nang tanong. Para kasing sasakit na ang ulo ko sa taong ito nang ganito kaaga.

"Si George," aniya na tuluyan na muling nagpakunot ng noo ko. Haisst! Hindi 'to nakakagwapo. Baka magka-wrinkles pa ang charismatic kong mukha kaya agad ko itong minasahe para marelax.

Sino ba kasing George? Does he mean, my ex-flirtmate, si Georgina?

Oh sh*t! Pagmumura ko sa utak nang maalala

"You mean, 'yung anak n'yo ni Vier? Nagkita na kayo? But how?," sunod-sunod kong tanong out of curiosity na tinugunan lang niya ng isang matalim na tingin kaya huminto na 'ko sa pagsasalita.

Pero ano ba kasing problema kung nakausap na niya ang anak niya? 'Di ba nga dapat masaya siya ngayon?

Gusto ko sanang itanong ang mga 'yan, kaso parang babaeng may dalaw naman ang mood kaya kahit kating-kati na 'kong magtanong ay pinilit ko na lang rin na manahimik.

Pagkalipas lang ng ilang minuto ay halos burahin na niya ang sariling mukha sa paghilamos niya ng palad niya. Mukhang malala 'to.

"Ano ba kasi 'yon?," 'di ko na napigilan ang sariling itanong.

"I can't be his father Steff," saad niyang at tila nag-aalala sa hindi ko alam.

"Teka teka, hindi ikaw ang ama ng anak niya? May iba pa siyang lalaki?," maang kong tanong.

Halos mapatalon ako nang malakas niyang hampasin ang mesa. Natapon pa tuloy sakin ang iniinom kong kape na mainit pa.

"Haisst," nasambit ko habang pinupunasan ang sarili. Siya naman ay pabalik-balik na naglakad sa harapan ko na parang ewan.

"Steffano, naplano ko na ang buhay ko kasama si Tiffany at hindi kasama sa planong 'yun si George!," aniya.

"Pero bro, andyan na 'yan. Actually mas nauna pa siyang nag-exist sa buhay mo kesa kay Tiffany. You don't have a choice bro," pagpapaalala ko sa kanya sa problemang hindi naman na niya matatakasan. Then made myself comfortable again sa kinauupuan. But his stares makes me uncomfortable.

Mabilis kong hinablot sa kanya ang towel na hinagis ko kanina at itinakip iyon sa naghuhumiyaw kong buffness at abs. Mahirap na. Baka mabakla pa 'to sakin.

"Steffano," seryosong tawag niya sa akin. "Please marry her."

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Daisy Pedron
gusto ko tong kayabangan ni Steffano.. hindi nakaka-stress haha
goodnovel comment avatar
Mawi
Hmm. The who? hehehe.. thank you for reading po.
goodnovel comment avatar
Mawi
salamat po sa pagbabasa ma'am. also sorry sa maimsing update nitong nakaraan. I'll find time harder po. muli po ay maraming maraming salamat. enjoy reading!......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 26: THE FRIENDS

    CLOUD'S POV"Oh whoah whoah!," iiling-iling niyang tugon habang pagak na tumatawa. "I never thought you'll go this crazy brother," sabi pa niya at patay-malisyang ibinaling na ang kanyang atensyon sa kape niya na dinere-deretso niya ang pag-inom kahit umuusok pa iyon."Steffano, I'm serious!," pagtataas ko na ng aking tono. I'm crazy? Yes, I am! And I am not willing to give up anything right now! Not Tiffany, my dreams nor my son na inakala kong matagal nang nawala."HELL NO 'BRO!," madiin niyang pagtutol sa nais ko sanang gawin niya para sa 'kin. And I expected it. Pero desperado na ako eh and I won't take it as an answer. I can't!"Look 'bro, 'di ba sabi ko nga sa'yo, pa-iibigin ko tapos sasaktan ko agad. Pero sabi mo seryosohin ko?," aniya na unti-unti na ring nagtataas ng boses niya sa akin. "Cloud, hindi pa nga ako pumapayag dun sa hinihiling mo eh. Tapos ngayon kasal na? You're impossible 'bro!," dismayado niyang saad. "I know… I understand na marami ka nang pinagdaanan and you

    Last Updated : 2024-04-04
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 27: MR. MYSTERIOUS

    CAROL'S POV Kaibigan ko 'tong si Vier at mahal ko naman siya. Pero kulang na lang ay ing**ngod ko na ang pagmumukha niya ngayon sa inidoro sa panggigigil habang walang humpay kong hin***mas ang likod niya dito sa maliit na cubicle ng ladies' room dito sa bar. Halos kalahating oras na kami rito at halos kalahating oras ko na ring tinitiis ang mabahong amoy ng pinaghalo-halong alak na ininom niya kanina. "Jusko naman kasi Vier! Ano bang naisipan mo at nagpakalasing ka ng ganyan? 'Kala mo naman kaya," paulit-ulit kong panenermon sa kanya kasabay ng labas-bituka niyang pagtatawag ng uwak dito sa loob."Tara na," pag-aaya niya matapos na i-flush ang nakakadiri at nangangamoy niyang suka. Kaso lang ay hindi pa man siya nakakatayo ay muli na naman bumulwak ang 'di maubos-ubos na alak na inilaman niya sa kanyang sikmura."Ayyst naman," irita kong pag-angal. Sa kawalan kasi niya ng balanse at biglaang pagbuga niya ng kanyanf 4th session dito sa banyo. Napasapo na lang tuloy ako sa noo ko. Pa

    Last Updated : 2024-04-10
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 28: HECTOR MENDEZ

    VIER'S POV"Sino ka?" bungad ko sa estrangherong lalaki na bigla na lamang lumapit sa amin upang ialok ang kanyang coat. Such a gentle deed, but who knows, 'di ba?"Ha? Hindi ako sinu-ka ha, iniire ako," pilit niyang pagbibiro na hindi naman bumagay sa hitsura at paraan ng pananalita niya. Mukhang naramdaman din naman niya 'yon sa sarili at napatungo na lamang. Kapansin-pansin din ang pamumula ng magkabilang tenga niya nang makita niya ang reaksyon naming dalawa ni Carol, na imbes na matawa sa kanyang old joke, ay napakunot pa ang noo. "Hindi ba swak?," kapagkuwan ay tanong niya. "Pasensya na. Narinig ko lang kasi 'yon sa kaibigan ko. 'Kala ko nakakatawa," pagpapaliwanag niya. Kahit naman ako ay mahihiya kung sakaling masabi ko ang ganun ka-baduy na joke lalo pa sa mga taong hindi ko naman ka-close o kilala man lang. Hindi naman siya mukhang ewan o ano. He actually looks formal and a serious type of man. Kaya rin siguro hindi niya nagawang ibato ng tama 'yung kenkoy joke niya kanina.

    Last Updated : 2024-04-13
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 29: CRAZY LOVE

    STEFF'S POV Hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'to at puro na lang sakit ng ulo at inis ang dinaranas ko ngayon. Kanina lang, hindi pa man sumisikat si haring araw ay minalas na ako sa biglaang pagsulpot ni Cloud sa unit ko. Dahil kasi roon ay hindi ako nakapag-whole set kay Leyla. At dinagdagan pa niya ng isang nakakabwisit na ideya na pagpapakasal ko kay Vier para lang magampanan niya ang pagiging ama niya sa kanilang anak. Tsk! What a crazy idea, right? At gusto pa talagang ipasa sakin ang kanyang responsibilidad huh. Napailing-iling na lang tuloy ako nang maalala ko 'yon. I'm not yet a fool to claim his miserable life and put it into my own miserably living hell life! At ngayon naman ay nagmamadali akong lumuwas ng Maynila dahil sa pagsugod umano ni Mommy sa walang kwenta kong ama para lang ipilit NA NAMAN rito na ipakilala na kami sa madla dahil pamilya niya rin daw kami. Like wow! Bakit ba ang daming nababaliw pagdating sa pag-ibig na 'yan? It's just nonsense! Matat

    Last Updated : 2024-04-18
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 30: MEMORIES

    CLOUD'S POV I felt relieved nang biglang mag-text sakin si Steff para sabihing liligawan na niyang muli si Vier ngayon. Though, may pagtataka ay nagpasalamat na lang rin ako. Hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga matapos namin magkainitan. Hindi rin siya pumasok ngayon dito sa restaurant kaya buong akala ko ay bwisit pa rin siya sa akin. Pero heto at mukhang nais na niya 'kong tulungan sa problema ko kay Vier."Remember him?," Saad niya sa sumunod na mensahe na kasama ang isang larawan. Medyo blurred ang larawan na mukhang cut lamang mula sa isang picture but I can clearly see Vier… with another man! And to make it worse, si Hector Mendez pa ang lalaking kasama niya! Nanginig ang panga ko at nagkukumuyos ang dibdib ko sa galit habang matalim akong nakatitig sa nakakadiring larawang iyon."Ang landi mo talaga," nanggagalaiti kongbulong sa sarili ko bago mabigat ang mga kamay kong muling ibinalik ang cellphone sa bulsa ko. Hindi ko kayang tingnan ng matagal ang mga pagmumukh

    Last Updated : 2024-04-21
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 31: THE SUITORS

    VIER'S POV Minsan talaga naweweirduhan na 'ko sa kapatid kong 'to eh. Alam kong magaling siyang bumasa ng tao. Minsan nga ay inaasar ko pa siya na papasa na siyang face reader sa sobrang galing niya eh.Pero talaga ba? Si Hector, hindi katiwa-tiwala?'Yung mukhang 'yon na parang anghel? Nagsimula na tuloy ako sa pagkuwestyon sa judgment ko sa karakter ng mga tao sa paligid ko. Gano'n ba talaga kahina ang senses ko pagdating sa ganoong bagay? Nasa ganoong pag-iisip pa 'ko nang bigla ko na lang marinig ang pagtawa ni inay na ngayon ay nasa sala para i-entertain muna si Hector habang inaayos ko ang aking sarili. Silang dalawa lang ni Hector ang naroroon kaya sigurado akong si Hector ang nakapagpatawa kay inay ng ganoon. Pero sa pagkakaalala ko, hindi naman magaling na joker itong si Hector base na rin sa hirit niya sa 'min ni Carol kagabi.'Hmm, mukhang nagbaon ng matino at click na hirit itong si Mr. Gentleman ah,' sa isip ko at 'di ko maiwasan ang mapangiti dahil don. Simpleng ef

    Last Updated : 2024-04-25
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 32: TO HIM, TO HER

    STEFFANO'S POV Hindi ko mapigilan na magdiwang ang kalooban ko habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon ni Hector sa bawat pag-agaw ko sa kanya ng limelight habang nagpapa-impress siya kay Vier at pati na rin kay tita Ester. Wala rin naman siyang magawa para pigilin ako dahil nga sa kaharap namin si Vier. The goody goody Maria Clara. On second thought, bagay nga pala sila 'no? Both of them has this goody goody sh*ts na image. But let's not give them the perfect love story. They don't deserve it. Hindi rin naman ako nag-alala na baka palayasin ako ng nanay ni Vier na si tita Ester dahil sa mga pinag-aaasta ko rito. Kanina ko pa kasi nakuha ang loob nito sa pamamagitan ng mga simpleng hirit at konting mga serious thoughts about sa mga single parents na katulad niya at ng mommy ko. Kagyat kong ibinahagi sa kanya ang kwento ko and my relationship with my mom. Pero syempre 'yung mga magaganda lang and konting paawa effect like I never had my mom's full attention and love, which is totoo

    Last Updated : 2024-04-30
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 33: FACE OF THE TRUTH

    CLOUD'S POV"I never thought, you are as fool as this Montemayor," nangungutya pa rin niyang saad habang iiling-iling na muling pinakawalan ang nakakaloko niyang pagtawa na siyang nagpasimula ng pagkulo ng dugo ko."Do you really think you're high enough huh?," dagdag pa niya habang punong-puno ng pangmamaliit ang bawat salitang binibitiwan niya para sa akin. Halata rin sa kanyang mukha ang pagpipigil niya sa muli niyang pagtawa.'What is it this time?', sa isip ko habang kunot-noo kong inaaral at pinagmasdan ang inaasta niya ngayon sa akin. Mulat ang mga mata sa kung gaano kaliit ang tingin niya sa akin mula pa noon. Pero ramdam ko na sadyang may kakaiba ngayon. "I love your daughter sir and–" Hindi ko pa man natatapos ang gusto ko sanang sabihin ay pumailanlang na sa buong opisina niya ang malakas niyang paghalakhak. Sa parteng iyon ay tuluyan ko na ngang naramdaman ang pag-igting ng mga panga ko sabay sa panginginig ng aking mga kamao. Alam ko naman na dapat ay tinitignan at tinat

    Last Updated : 2024-05-07

Latest chapter

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status