CLOUD'S POV
"Oh whoah whoah!," iiling-iling niyang tugon habang pagak na tumatawa. "I never thought you'll go this crazy brother," sabi pa niya at patay-malisyang ibinaling na ang kanyang atensyon sa kape niya na dinere-deretso niya ang pag-inom kahit umuusok pa iyon."Steffano, I'm serious!," pagtataas ko na ng aking tono. I'm crazy? Yes, I am! And I am not willing to give up anything right now! Not Tiffany, my dreams nor my son na inakala kong matagal nang nawala."HELL NO 'BRO!," madiin niyang pagtutol sa nais ko sanang gawin niya para sa 'kin. And I expected it. Pero desperado na ako eh and I won't take it as an answer. I can't!"Look 'bro, 'di ba sabi ko nga sa'yo, pa-iibigin ko tapos sasaktan ko agad. Pero sabi mo seryosohin ko?," aniya na unti-unti na ring nagtataas ng boses niya sa akin. "Cloud, hindi pa nga ako pumapayag dun sa hinihiling mo eh. Tapos ngayon kasal na? You're impossible 'bro!," dismayado niyang saad. "I know… I understand na marami ka nang pinagdaanan and you don't want to go back from where you were at gusto mo ring mag-settle down. Pero 'bro naman, mukha lang akong walang plano sa buhay pero meron naman…. Hindi ko pa nga lang 'yun ma-determine sa ngayon, but I have plans. Also, wala pa sa vocabulary ko ang magseryoso sa babae Cloud. They're just my toys. Claim and Iet go. Alam mo 'yan." Yes. Of course, I know that who doesn't? Pero ayaw ko ring maiwang mag-isa ang anak ko. I don't like the idea of him living miserably without a family. Without a father who would support him sa lahat ng gusto at pangarap niya sa buhay. I want him to live with a happy and loving family. Isang bagay na naipagkait sa akin ng panahon.VIER'S POV Magmula sa pag-alis namin sa bahay ng pinsan ni Alvin hanggang sa makabyahe kami ay nanatiling tahimik lang ang lahat. Ang ilan ay idinaan na lang sa soundtrip ang byahe at ang iba naman ay natulog na lamang. Saan nga naman kasi sila kukuha ng gana at energy para makipag-kwentuhan, gayong para silang pinagbagsakan ng langit at lupa sa kinalabasan ng kanilang pagsisikap na maabot ang matagal na nilang inaasam na tagumpay. At 'yon ay kasalanan kong lahat. Napatunayan ko 'yan sa naging pag-uusap namin ni Tiffany kanina. Ang buong akala ko ay pakana iyon ni Cloud, pero mas malala pa pala."Dito na 'ko," sabi ko nang makarating na kami sa may labasan papunta sa bahay. "Bye Miss Vier," tamlay nilang saad bago ko isara ang pinto ng sasakyan. Ayon kay Alvin ay hindi daw naman ako sinisisi ng grupo sa pagkatalo namin dahil alam daw naman ng mga ito na ginawa ko ang best ko at maganda ang kinalabasan niyon, sadyang naghihimutok lang daw ang mga ito sa binagsakan nila sa kompetisyon.. But I know the truth. I am the real reason sa likod ng lahat. Bagay na hindi ko kayang aminin sa kanila. Isang na namang dagdag sa mga lihim ko sa mga taong mahalaga sa akin na lalong nagpapabigat sa mga dinadala ko sa loob ko."Vier!," patakbong bati sa akin ni Carol na nataong nasa karinderya pala ng mga oras na 'yon. "Anong nangyari?," usisa niya."Wala eh. Talo," sagot ko na lang at saka pilit na ngumiti."Ahh oo. Pero hindi 'yon yung tinatanong ko. Anong nangyari do'n sa Ilocos? Nandoon si Cloud 'di ba? Nag-judge pa nga sa inyo eh. Ano?," tila excited na chismosa sa kanto niyang tanong. Number one fan kasi siya ng relasyon namin noon kaya marahil ay ganoon na lang ang pagka-excite niya kung ano na ang nangyari sa muli naming pagkikita ni Cloud sa Ilocos. But not every love is lovelier the second time around gaya ng nasusulat sa mga nobela. Kabaligtaran no'n ang version ng kwento namin ni Cloud. "Uy," yugyog niya sakin nang hindi ako makasagot. "Ano?" Pinakatitigan ko muna siya bago ako magsalita. Hindi ko kasi alam sa sarili ko kung tama bang mag-open up na ako sa kanya tungkol sa anak namin ni Cloud. Alam ko namang pwede ko siyang pagkatiwalaan. She's my soul sister at alam niya ang lahat ng tungkol sa akin at ganoon din ako sa kanya. Wala kaming inililihim sa isa't isa bilang respeto na din sa pagkakaibigan namin. Not until I got pregnant. Alam ko kasing didikdikan niya ako ng sermon at sasabihan na mali ang desisyon ko na paglayuin ang mag-ama ko noong panahong iyon. Kaya mas pinili ko na lang na ilihim sa kanya ang biyaya sa amin ng Diyos. Para na rin sa inakala kong ikabubuti ng lahat."Nag-hang lang Vier?," asar niyang pagbibiro."May gagawin ka ba mamaya?," sa halip ay tanong ko na ipinagtaka niya."Wala naman. Day off ko eh. Bakit ba? May problema ba?""Shot tayo mamaya," nakangiti ko na namang aya sa kanya na ipinagtaka niya. Hindi kasi ako mahilig sa alak tulad niya."Aahh, ok? Basta ba libre mo eh," medyo alangan pa niyang tugon. Nag-thumbs up na lang ako at tumuloy na sa paglalakad pauwe para makalayo sa kanya. Mamaya ko na lang sasabihin ang lahat-lahat sa kanya. Kung sermunan at panggigilan niya ako mamaya, ok lang. Deserve ko naman 'yon.At the bar, Magmula nang umalis kami sa bahay ay nagsimula na kong pangunutan ng noo at simangutan nitong si Carol dahil sa suot ko. Hindi kasi siya sanay sa suot ko ngayon na sobrang fit na dress na animo'y nang-aangkit ng kung sino. Abot lang din sa gitna ng hita ko ang suot ko kaya medyo revealing na talaga. Hindi naman kahiya-hiya ang balat ko dahil makinis naman. Sadyang hindi lang kinasanayan ni Carol ang makita akong nakaganito. Naka-heels rin ako ngayon di gaya ng nakasanayan niyang makitang suot ko na flats o kaya naman ay sneakers."Dahil pa rin ba 'to sa nangyari sa PhilDance?," pasigaw niyang tanong para marinig ko matapos inumin ang isang shot ng tequilla sa bar counter."Sayaw muna tayo," sa halip ay yaya ko sa kanya. At kahit hindi pa siya tumutugon ay hinila ko na siya papunta sa gitna ng dancefloor. Humataw ako riin at pinakawalan ang lahat ng isipin ko sa pagsayaw sa upbeat music na kasalukuyang pinapatugtog ng dj."Whoooah!," dinig kong hiyawan ng mga lalaking nanunuod sa akin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagsuri nila sa katawan ko habang nagsasayaw. But, I don't care. For once, I want to stopped caring for everything. Gusto ko munang makalimot. Kahit ngayong gabi lang.CAROL'S POV Kaibigan ko 'tong si Vier at mahal ko naman siya. Pero kulang na lang ay ing**ngod ko na ang pagmumukha niya ngayon sa inidoro sa panggigigil habang walang humpay kong hin***mas ang likod niya dito sa maliit na cubicle ng ladies' room dito sa bar. Halos kalahating oras na kami rito at halos kalahating oras ko na ring tinitiis ang mabahong amoy ng pinaghalo-halong alak na ininom niya kanina. "Jusko naman kasi Vier! Ano bang naisipan mo at nagpakalasing ka ng ganyan? 'Kala mo naman kaya," paulit-ulit kong panenermon sa kanya kasabay ng labas-bituka niyang pagtatawag ng uwak dito sa loob."Tara na," pag-aaya niya matapos na i-flush ang nakakadiri at nangangamoy niyang suka. Kaso lang ay hindi pa man siya nakakatayo ay muli na naman bumulwak ang 'di maubos-ubos na alak na inilaman niya sa kanyang sikmura."Ayyst naman," irita kong pag-angal. Sa kawalan kasi niya ng balanse at biglaang pagbuga niya ng kanyanf 4th session dito sa banyo. Napasapo na lang tuloy ako sa noo ko. Pa
VIER'S POV"Sino ka?" bungad ko sa estrangherong lalaki na bigla na lamang lumapit sa amin upang ialok ang kanyang coat. Such a gentle deed, but who knows, 'di ba?"Ha? Hindi ako sinu-ka ha, iniire ako," pilit niyang pagbibiro na hindi naman bumagay sa hitsura at paraan ng pananalita niya. Mukhang naramdaman din naman niya 'yon sa sarili at napatungo na lamang. Kapansin-pansin din ang pamumula ng magkabilang tenga niya nang makita niya ang reaksyon naming dalawa ni Carol, na imbes na matawa sa kanyang old joke, ay napakunot pa ang noo. "Hindi ba swak?," kapagkuwan ay tanong niya. "Pasensya na. Narinig ko lang kasi 'yon sa kaibigan ko. 'Kala ko nakakatawa," pagpapaliwanag niya. Kahit naman ako ay mahihiya kung sakaling masabi ko ang ganun ka-baduy na joke lalo pa sa mga taong hindi ko naman ka-close o kilala man lang. Hindi naman siya mukhang ewan o ano. He actually looks formal and a serious type of man. Kaya rin siguro hindi niya nagawang ibato ng tama 'yung kenkoy joke niya kanina.
STEFF'S POV Hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'to at puro na lang sakit ng ulo at inis ang dinaranas ko ngayon. Kanina lang, hindi pa man sumisikat si haring araw ay minalas na ako sa biglaang pagsulpot ni Cloud sa unit ko. Dahil kasi roon ay hindi ako nakapag-whole set kay Leyla. At dinagdagan pa niya ng isang nakakabwisit na ideya na pagpapakasal ko kay Vier para lang magampanan niya ang pagiging ama niya sa kanilang anak. Tsk! What a crazy idea, right? At gusto pa talagang ipasa sakin ang kanyang responsibilidad huh. Napailing-iling na lang tuloy ako nang maalala ko 'yon. I'm not yet a fool to claim his miserable life and put it into my own miserably living hell life! At ngayon naman ay nagmamadali akong lumuwas ng Maynila dahil sa pagsugod umano ni Mommy sa walang kwenta kong ama para lang ipilit NA NAMAN rito na ipakilala na kami sa madla dahil pamilya niya rin daw kami. Like wow! Bakit ba ang daming nababaliw pagdating sa pag-ibig na 'yan? It's just nonsense! Matat
CLOUD'S POV I felt relieved nang biglang mag-text sakin si Steff para sabihing liligawan na niyang muli si Vier ngayon. Though, may pagtataka ay nagpasalamat na lang rin ako. Hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga matapos namin magkainitan. Hindi rin siya pumasok ngayon dito sa restaurant kaya buong akala ko ay bwisit pa rin siya sa akin. Pero heto at mukhang nais na niya 'kong tulungan sa problema ko kay Vier."Remember him?," Saad niya sa sumunod na mensahe na kasama ang isang larawan. Medyo blurred ang larawan na mukhang cut lamang mula sa isang picture but I can clearly see Vier… with another man! And to make it worse, si Hector Mendez pa ang lalaking kasama niya! Nanginig ang panga ko at nagkukumuyos ang dibdib ko sa galit habang matalim akong nakatitig sa nakakadiring larawang iyon."Ang landi mo talaga," nanggagalaiti kongbulong sa sarili ko bago mabigat ang mga kamay kong muling ibinalik ang cellphone sa bulsa ko. Hindi ko kayang tingnan ng matagal ang mga pagmumukh
VIER'S POV Minsan talaga naweweirduhan na 'ko sa kapatid kong 'to eh. Alam kong magaling siyang bumasa ng tao. Minsan nga ay inaasar ko pa siya na papasa na siyang face reader sa sobrang galing niya eh.Pero talaga ba? Si Hector, hindi katiwa-tiwala?'Yung mukhang 'yon na parang anghel? Nagsimula na tuloy ako sa pagkuwestyon sa judgment ko sa karakter ng mga tao sa paligid ko. Gano'n ba talaga kahina ang senses ko pagdating sa ganoong bagay? Nasa ganoong pag-iisip pa 'ko nang bigla ko na lang marinig ang pagtawa ni inay na ngayon ay nasa sala para i-entertain muna si Hector habang inaayos ko ang aking sarili. Silang dalawa lang ni Hector ang naroroon kaya sigurado akong si Hector ang nakapagpatawa kay inay ng ganoon. Pero sa pagkakaalala ko, hindi naman magaling na joker itong si Hector base na rin sa hirit niya sa 'min ni Carol kagabi.'Hmm, mukhang nagbaon ng matino at click na hirit itong si Mr. Gentleman ah,' sa isip ko at 'di ko maiwasan ang mapangiti dahil don. Simpleng ef
STEFFANO'S POV Hindi ko mapigilan na magdiwang ang kalooban ko habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon ni Hector sa bawat pag-agaw ko sa kanya ng limelight habang nagpapa-impress siya kay Vier at pati na rin kay tita Ester. Wala rin naman siyang magawa para pigilin ako dahil nga sa kaharap namin si Vier. The goody goody Maria Clara. On second thought, bagay nga pala sila 'no? Both of them has this goody goody sh*ts na image. But let's not give them the perfect love story. They don't deserve it. Hindi rin naman ako nag-alala na baka palayasin ako ng nanay ni Vier na si tita Ester dahil sa mga pinag-aaasta ko rito. Kanina ko pa kasi nakuha ang loob nito sa pamamagitan ng mga simpleng hirit at konting mga serious thoughts about sa mga single parents na katulad niya at ng mommy ko. Kagyat kong ibinahagi sa kanya ang kwento ko and my relationship with my mom. Pero syempre 'yung mga magaganda lang and konting paawa effect like I never had my mom's full attention and love, which is totoo
CLOUD'S POV"I never thought, you are as fool as this Montemayor," nangungutya pa rin niyang saad habang iiling-iling na muling pinakawalan ang nakakaloko niyang pagtawa na siyang nagpasimula ng pagkulo ng dugo ko."Do you really think you're high enough huh?," dagdag pa niya habang punong-puno ng pangmamaliit ang bawat salitang binibitiwan niya para sa akin. Halata rin sa kanyang mukha ang pagpipigil niya sa muli niyang pagtawa.'What is it this time?', sa isip ko habang kunot-noo kong inaaral at pinagmasdan ang inaasta niya ngayon sa akin. Mulat ang mga mata sa kung gaano kaliit ang tingin niya sa akin mula pa noon. Pero ramdam ko na sadyang may kakaiba ngayon. "I love your daughter sir and–" Hindi ko pa man natatapos ang gusto ko sanang sabihin ay pumailanlang na sa buong opisina niya ang malakas niyang paghalakhak. Sa parteng iyon ay tuluyan ko na ngang naramdaman ang pag-igting ng mga panga ko sabay sa panginginig ng aking mga kamao. Alam ko naman na dapat ay tinitignan at tinat
VIER'S POV Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo ni Carol sa building ng The Lounge para ipasa ang aming mga resume. Sure naman kami na matatanggap kami kaya hindi na kami nag-aalala pa sa pagpunta roon. Nakapag-resign na rin si Carol sa pinagtatrabahuhan niyang fastfood chain na sa totoo lang ay matagal na lang daw niyang pinagtitiisan kahit pa sankakarampot niyang sinusweldo roon. Mahirap nga raw kasing makahanap ng maayos na trabaho ngayon dito sa Pinas."Bakla, ano nga pala 'yung dapat ay sasabihin mo sakin nung isang gabi?," tanong ni Carol habang makasakay na kami ng jeep na nag-aantay pa ng ibang pasahero. "May kinalaman ba 'yun sa paglalasing mo?" Oo nga pala. May problema nga pala ako. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon which was actually good. Thanks to Hector. Nang dahil kasi sa kanya kaya kahit papaano ay nakalimutan ko 'yung nakaraan ko na punong-puno ng matitinding sakit at pagtitiis. Nang dahil din sa kanya kaya nakikita ko ngayon ang maayos na buhay na maibi
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k