VIER'S POV
Nagpahuli na ako sa pag-uwi dahil hindi ko alam kung paano ko masisikmurang harapin ang lahat ng kasamahan ko habang alam ko na ang dahilan ng pagkatalo namin ay ang matinding galit sakin ni Cloud. Bagay na wala naman silang kinalaman pero pangarap nila ang naging kabayaran. Passed two na rin ng madaling araw nang makauwi ako. At dinig kong patuloy pa ring nagdidiskusyon sina Alvin at Francis sa may kusina patungkol sa naging resulta ng kompetisyon at sa kinasapitan ng aming grupo."Hindi kaya nilaglag tayo nung ha**p na Cloud na 'yon?," nanggigigil na saad ni Francis. At tama siya. Nilaglag nga kami ni Cloud. At ang rason ay walang iba kundi ako at ang mga ka**ngahang ginawa ko sa kanya. Hindi ko na pinakinggan ang buo nilang pag-uusap. Sobra na kasi ang guilt na nararamdaman ko na pinabibigat pa ng naging pagtatalo namin kanina ni Cloud. Ni hindi ko pa rin maisip kung paano ko siya makakausap ng matino patungko kay George at kung bakit kinailangan niyang i-deny ang pagiging ama niya rito. Umakyat na lang ako para sana makapagpahinga na pero lalo pang bumigat ang guilt na bumabalot sa akin nang misming ang mga iyak na ng mga dancers ang marinig ko sa kani-kanilang mga kwarto. Kinabukasan ay maaga akong lumabas ng bahay. Kahit pa kasi pagod na pagod ang katawan at isip ko sa nangyari ay hindi man lang ako nakaramdam ng kahit konting antok. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-eempake ng mga gamit ko hanggang sa abutin na nga ako ng pagsikat ng araw. Sa garden area ako dinala ng mga paa ko para sana makalanghap ng sariwang hangin. Pero imbis na makahinga ng maayos ay lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Nakaharap kasi ang nag-iisang bench dito sa malawak na space rito na nagsilbing practice area namin. Saksi ang garden na 'to sa matinding determinasyon at pagod ng bawat isa sa bawat araw at mahahabang oras ng practice para sana manalo at tuluyan kaming makagawa ng pangalan sa mundo ng pagsasayaw. Isang karangalan na ipinagkait sa amin ng matinding galit na ako mismo ang nagpaliyab. Muli ko na namang naramdaman ang mainit na likidong naglandas sa pisngi ko. Nakakarma na 'yata ako sa mga maling desisyon ko noon na hindi ko rin naman pinagsisisihan dahil para naman sa pamilya ko ang lahat ng iyon. Nasa ganoong sitwasyon ako nang bumusina ang isang puting ferrari sa may gate at iniluwa ng magarang sasakyang iyon si Tiffany at nakangiting kumaway sa akin. Bahagya akong nagbaba ng mukha at mabilisang pinunasan ang pisngi ko at ang mamasa-masa ko pang mga mata bago ko siya nilapitan."Hi," bati ko sa kanya nang makalapit na ako."Mukhang pagod na pagod ka ah," aniya at kagyat na tumawa pagkatapos. "Oh, I mean, of course, stressful talaga 'yung naging stay n'yo dito," dagdag niya nang hindi ako mag-komento sa una niyang sinabi. Tumango lang ako bilang pagtugon. Para kasing may nasesense ako sa paraan ng pakikipag-usap niya sakin ngayon. Parang may something o baka sadyang corrupted na ang utak ko ngayon sa dami ng nangyari."I heard ngayon daw ang alis n'yo. So, I thought of treating everyone for lunch. How was that?""Ah, pa'no mo nalamang ngayon ang alis namin?," takang-tanong ko sa kanya. And treat us? Bakit naman kaya?"Well, nabanggit kasi sakin ni LOVE, oh! I mean si Cloud. Nabanggit niya kagabi na aalis na raw kayo," aniya habang naka-display ang pagkalawak-lawak na ngiti na sa tingin ko ay hindi na totoo. Halata rin na sinadya niyang ipagdiinan ang pagkabanggit sa term of endearment nilang dalawa ni Cloud."Ah. Eh kasi tulog pa 'yung mga kasama ko. Saka pagod din kasi sila kaya 'di ko–""What about coffee?," agad niyang putol sa sinasabi ko."Ha?""Let's have some coffee. Tayong dalawa," aniya na mas pinalawak pa ang pagngiti sa akin to convince me. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa inaakto niya. Isa pa, nasa event din siya kagabi na sobrang late na natapos at kung magkasama pala sila ni Cloud pagkatapos ng event. Malamang na mas wala siyang naging pahinga at mas matinding pagod pa nga. Pero heto siya ngayon ng ganito kaaga para lang ayain akong magkape? Out of curiosity ay sumama na rin ako sa kanya. Sa isang mamahaling coffee shop kami dumiretso. Pero 'di gaya ng ibang customer ay hindi na namin kinailangan pang pumila para umorder at mismong manager pa nga nitong shop ang mismong lumapit sa amin."Pleasure to have you here Miss Tiffany," magiliw na bati ng lalaking manager."Just the usual for me," nakangiting saad niya sa manager nang iaabot sana nito ang menu at kapagkuwa'y bumaling sa akin. "And you?""Anything would do," sagot ko na lang."Then just make it two," saad niya sa manager at agad din na pumaling sa akin. "Since I think pareho naman tayo ng taste," aniya patungkol sa inorder pero sa tono ng pananalita niya ay parang may iba siyang pinatutungkulan sa mga sinabi.May alam kaya siya?"Ok. Two caffe misto ready to serve," saad ng lalaki at mabilis ding umalis sa table namin."Ah Tiffany hindi rin ako magtatagal ha. Hindi kasi ako–""Don't worry Vier wala rin naman akong planong makipag-bonding sa katulad mo," nakangiti pero may talim ang mga tingin at pananalitang putol niya sa sinasabi ko."A-anong ibig mong sabihin Tiffany?" Masyado nang marami ang bumabagabag sa utak ko para isipin pa siya o kung anumang tila pagpapasaring niya sa akin. Agad naman niyang binitawan ang cellphone na kanina pa niya hawak at humarap sakin ng maayos. Wala na ang pekeng ngiti na kanina pa nakapinta sa mukha niya. "Layuan mo si Cloud," maiksiniyang tugon with that blank and scary reaction. Mahigpit tuloy akong napakapit sa pantalon ko habang nakatingin sa kanya para alisin ang takot na nararamdaman ko. "Pero, paalis naman na talaga kami–""That's not what I mean," seryoso pa rin niyang saad. "You know what, I didn't actually mind you the first time we met 'coz look at you. Hindi ikaw 'yung tipong kailangan ko pang pag-aksayahan ng panahon ko Vier," taas-kilay at harap-harapan niyang panlalait sa akin. "But on second thought, sa mga kagaya mo pala ako mas dapat na mag-ingat.""Teka, ano bang sinasabi mo Tiffany? M-may nagawa ba ako?""You're simple, innocent…. A Maria Clara as they always say, pero nasa loob ang kulo. And that's who you are, Vier Kristine Sandoval!"TIFFANY'S POV I can see guilt and fear all over her face habang nililinaw ko sa kanya kung ano at sino ako sa buhay ng lalaking minsan na palang naging kanya. But, past is past. At ngayon ay ako na ang nagmamay-ari kay Cloud. She's now out of the picture."Pina-imbestigahan mo ba ako?," dismayado niyang tanong matapos kong sabihin sa kanya ang lahat-lahat ng nalaman ko patungkol sa kanya. And I can't help but cackle at that foolish question from this foolish person in front of me."Isn't it obvious?," I said, raising my eyebrows wickedly. The fact that I actually have to do it messed up my pride pero kinailangan ko pa ring gawin after a bit of suspicion and proof. Cloud's not a womanizer type, unlike his best friend Steff. He doesn't even want to mingle and have some time with ladies kahit pa nga sa mga kaibigan kong babae o sa kahit na sino pang nabibilang sa alta sosyedad na kagaya ko. Ayon sa kanya, he just doesn't feel comfortable being with other ladies. But he's not gay just
VIER'S POV Gusto kong isipin na lang na masama pala ang ugali ng babaeng ito at ang magandang ugali ay ipinapakita lang niya sa tuwing nariyan si Cloud. Pero hind eh. Totoo naman kasi ang lahat ng sinasabi niya at isinasampal lang niya sakin ngayon ang totoo. Kasi, ano nga bang naging ambag ko sa buhay ni Cloud? Wala! Alam ko ang mga pangarap at ambisyon niya sa buhay. Alam kong lahat ng 'yon pero wala akong nagawa o naitulong man lang sa kanya para makahakbang patungo sa nais niyang buhay. Naging makasarili kasi ako. Puro na lang ako at kasiyahan ko ang nasa isip ko noon. Masakit man isipin at tanggapin, pero tama si Tiffany. Na katawan ko lang ang tanging naipagkaloob ko kay Cloud. Kaya nga may George na nag-eexist ngayon 'di ba."Here's your order ma'am," sabi ng manager na siya pa mismong nagdala ng order namin."Thank you," ani Tiffany na may maaliwalas na ngiti na muli sa kanyang mukha. Napangiti rin ang manager nang iabot na niya ang bayad na tatlong libo para lang sa inord
CLOUD'S POV"Oh whoah whoah!," iiling-iling niyang tugon habang pagak na tumatawa. "I never thought you'll go this crazy brother," sabi pa niya at patay-malisyang ibinaling na ang kanyang atensyon sa kape niya na dinere-deretso niya ang pag-inom kahit umuusok pa iyon."Steffano, I'm serious!," pagtataas ko na ng aking tono. I'm crazy? Yes, I am! And I am not willing to give up anything right now! Not Tiffany, my dreams nor my son na inakala kong matagal nang nawala."HELL NO 'BRO!," madiin niyang pagtutol sa nais ko sanang gawin niya para sa 'kin. And I expected it. Pero desperado na ako eh and I won't take it as an answer. I can't!"Look 'bro, 'di ba sabi ko nga sa'yo, pa-iibigin ko tapos sasaktan ko agad. Pero sabi mo seryosohin ko?," aniya na unti-unti na ring nagtataas ng boses niya sa akin. "Cloud, hindi pa nga ako pumapayag dun sa hinihiling mo eh. Tapos ngayon kasal na? You're impossible 'bro!," dismayado niyang saad. "I know… I understand na marami ka nang pinagdaanan and you
CAROL'S POV Kaibigan ko 'tong si Vier at mahal ko naman siya. Pero kulang na lang ay ing**ngod ko na ang pagmumukha niya ngayon sa inidoro sa panggigigil habang walang humpay kong hin***mas ang likod niya dito sa maliit na cubicle ng ladies' room dito sa bar. Halos kalahating oras na kami rito at halos kalahating oras ko na ring tinitiis ang mabahong amoy ng pinaghalo-halong alak na ininom niya kanina. "Jusko naman kasi Vier! Ano bang naisipan mo at nagpakalasing ka ng ganyan? 'Kala mo naman kaya," paulit-ulit kong panenermon sa kanya kasabay ng labas-bituka niyang pagtatawag ng uwak dito sa loob."Tara na," pag-aaya niya matapos na i-flush ang nakakadiri at nangangamoy niyang suka. Kaso lang ay hindi pa man siya nakakatayo ay muli na naman bumulwak ang 'di maubos-ubos na alak na inilaman niya sa kanyang sikmura."Ayyst naman," irita kong pag-angal. Sa kawalan kasi niya ng balanse at biglaang pagbuga niya ng kanyanf 4th session dito sa banyo. Napasapo na lang tuloy ako sa noo ko. Pa
VIER'S POV"Sino ka?" bungad ko sa estrangherong lalaki na bigla na lamang lumapit sa amin upang ialok ang kanyang coat. Such a gentle deed, but who knows, 'di ba?"Ha? Hindi ako sinu-ka ha, iniire ako," pilit niyang pagbibiro na hindi naman bumagay sa hitsura at paraan ng pananalita niya. Mukhang naramdaman din naman niya 'yon sa sarili at napatungo na lamang. Kapansin-pansin din ang pamumula ng magkabilang tenga niya nang makita niya ang reaksyon naming dalawa ni Carol, na imbes na matawa sa kanyang old joke, ay napakunot pa ang noo. "Hindi ba swak?," kapagkuwan ay tanong niya. "Pasensya na. Narinig ko lang kasi 'yon sa kaibigan ko. 'Kala ko nakakatawa," pagpapaliwanag niya. Kahit naman ako ay mahihiya kung sakaling masabi ko ang ganun ka-baduy na joke lalo pa sa mga taong hindi ko naman ka-close o kilala man lang. Hindi naman siya mukhang ewan o ano. He actually looks formal and a serious type of man. Kaya rin siguro hindi niya nagawang ibato ng tama 'yung kenkoy joke niya kanina.
STEFF'S POV Hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'to at puro na lang sakit ng ulo at inis ang dinaranas ko ngayon. Kanina lang, hindi pa man sumisikat si haring araw ay minalas na ako sa biglaang pagsulpot ni Cloud sa unit ko. Dahil kasi roon ay hindi ako nakapag-whole set kay Leyla. At dinagdagan pa niya ng isang nakakabwisit na ideya na pagpapakasal ko kay Vier para lang magampanan niya ang pagiging ama niya sa kanilang anak. Tsk! What a crazy idea, right? At gusto pa talagang ipasa sakin ang kanyang responsibilidad huh. Napailing-iling na lang tuloy ako nang maalala ko 'yon. I'm not yet a fool to claim his miserable life and put it into my own miserably living hell life! At ngayon naman ay nagmamadali akong lumuwas ng Maynila dahil sa pagsugod umano ni Mommy sa walang kwenta kong ama para lang ipilit NA NAMAN rito na ipakilala na kami sa madla dahil pamilya niya rin daw kami. Like wow! Bakit ba ang daming nababaliw pagdating sa pag-ibig na 'yan? It's just nonsense! Matat
CLOUD'S POV I felt relieved nang biglang mag-text sakin si Steff para sabihing liligawan na niyang muli si Vier ngayon. Though, may pagtataka ay nagpasalamat na lang rin ako. Hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga matapos namin magkainitan. Hindi rin siya pumasok ngayon dito sa restaurant kaya buong akala ko ay bwisit pa rin siya sa akin. Pero heto at mukhang nais na niya 'kong tulungan sa problema ko kay Vier."Remember him?," Saad niya sa sumunod na mensahe na kasama ang isang larawan. Medyo blurred ang larawan na mukhang cut lamang mula sa isang picture but I can clearly see Vier… with another man! And to make it worse, si Hector Mendez pa ang lalaking kasama niya! Nanginig ang panga ko at nagkukumuyos ang dibdib ko sa galit habang matalim akong nakatitig sa nakakadiring larawang iyon."Ang landi mo talaga," nanggagalaiti kongbulong sa sarili ko bago mabigat ang mga kamay kong muling ibinalik ang cellphone sa bulsa ko. Hindi ko kayang tingnan ng matagal ang mga pagmumukh
VIER'S POV Minsan talaga naweweirduhan na 'ko sa kapatid kong 'to eh. Alam kong magaling siyang bumasa ng tao. Minsan nga ay inaasar ko pa siya na papasa na siyang face reader sa sobrang galing niya eh.Pero talaga ba? Si Hector, hindi katiwa-tiwala?'Yung mukhang 'yon na parang anghel? Nagsimula na tuloy ako sa pagkuwestyon sa judgment ko sa karakter ng mga tao sa paligid ko. Gano'n ba talaga kahina ang senses ko pagdating sa ganoong bagay? Nasa ganoong pag-iisip pa 'ko nang bigla ko na lang marinig ang pagtawa ni inay na ngayon ay nasa sala para i-entertain muna si Hector habang inaayos ko ang aking sarili. Silang dalawa lang ni Hector ang naroroon kaya sigurado akong si Hector ang nakapagpatawa kay inay ng ganoon. Pero sa pagkakaalala ko, hindi naman magaling na joker itong si Hector base na rin sa hirit niya sa 'min ni Carol kagabi.'Hmm, mukhang nagbaon ng matino at click na hirit itong si Mr. Gentleman ah,' sa isip ko at 'di ko maiwasan ang mapangiti dahil don. Simpleng ef
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k