CLOUD'S POV
Nasabi ko na kay Vier ang lahat ng kailangan kong sabihin sa kanya para tuluyan ko nang maisarado ang bahaging iyon ng buhay at sarili ko na kasama siya. Ngayon ay handa ko nang harapin ang bago kong buhay nang walang anumang alalahanin o sakit mula sa nakaraan. Sa nakaraan namin ni Vier. Ngunit laking gulat ko nang harangin niya ako para lang iabot sa akin ang isang kahon. May sinasabi pa siya pero hindi ko na iyon inintindi at basta ko na lang na tinabig ang iniaabot niya sa akin. Kung sa tingin niya ay maibabalik pa niya ang nakaraan namin sa pamamagitan ng mga alaalang pilit niyang ibinabalik ay nagkakamali siya. Hindi na 'ko muling magiging sa kanya. NOT AFTER WHAT SHE DID!"Cloud, si George," sabi niya habang nakatingin sa mga nagkalat na laman ng kahon. At laking gulat ko nang sundan ko ang kanyang tingin at makita ang mga larawan na ngayon ay nagkalat na sa sahig. Hindi iyon mga alaala naming dalawa kundi larawan ng isang bata. Napukaw ng isa sa mga larawan doon ang buo kong atensyon. Pusturang-pustura ang batang lalaki habang nakangiti at mukhang ubod ng saya. And… we have the same smile. Saglit kong tinapunan ng nagtatanong na tingin si Vier, she cries. Pero hindi malungkot ang mga mata niya. She's happily crying."Anak natin," dinig kong sabi niya nang muli kong ibalik ang tingin sa mga larawan. May mga baby photos roon, mga larawan ng bata habang nasa park at meron din itong larawan na nakaunipormeng pang-school."Our child," pag-uulit ko sa sinabi niya habang nakaluhod at iniisa-isa ang mga larawan ng bata. Ng anak ko.Masaya naman ako. Oo. Masaya ako na buhay ang anak namin at hindi niya pinabayaan. Pero hindi ko 'yon magawang ipagdiwang. Hindi ko rin maramdam ang tuwa sa loob ko na dapat lang na maramdaman ko bilang ama niya. Pa'no ko naman ipagdiriwang ang existence ng anak ko sa sitwasyon ko ngayon? I was already planning the new chapter of my life. A great, well-planned chapter. At hindi kasama doon ang anak ko na buong paniniwala ko ay hindi nag-exist. Sigurado rin akong hindi matatanggap ni Tiffany ang pagkakaroon ko ng anak sa ibang babae. At tiyak na hindi din iyon magugustuhan ng kanyang pamilya. The Del Fuertes are too strict lalo na sa mga taong nagiging bahagi o napapadikit man lang sa kanilang pamilya dahil sa pinakaiingatan nilang reputasyon at pangalan. At nakasisiguro ako na hinding-hindi nila ako tatanggapin sa kanilang pamilya kapag nalaman nila ang tungkol kay George."Bakit mo 'to ginagawa sa 'kin Vier!," singhal ko sa kanya habang nakakuyom ang mga kamao ko sa sahig. "Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang paulit-ulit akong saktan at guluhin ang buhay ko," saad ko nang magpantay na ang aming tingin."P-pero Cloud…""Sabi mo wala na siya. Alam mo ba kung ga'no kasakit 'yun para sa 'kin? Para mo na din akong pinatay 'nung sinabi mo 'yon Vier! Tapos ngayon babalik ka at sasabihing buhay ang anak ko? Ano Vier, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kayang magseryoso? Tingin mo pa rin ba sa lahat ng bagay at tao sa paligid mo ay laro lang? You're unbelievable!"VIER'S POV Hindi ko na alam ngayon kung anong dapat kong isipin. Parati kong sinasabi kay George na mahal na mahal siya ng ama niya dahil buong akala ko ay ganoon nga ang mararamdaman ni Cloud kapag inamin ko na sa kanya ang totoo pero nagkamali ako. Hindi nga man lang ito nagpakita ng kasiyahan sa sinabi ko, bagkus ay nagalit pa siya sa akin. Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa inaakto niya. Four years ago ay galit na galit siya sa akin dahil sa inakala niyang pagpapabaya ko sa anak namin at ramdam ko pa rin ang galit niyang iyon nang muli kaming magkita. Pero bakit parang lalo 'atang tumindi ang galit niya nang sabihin ko na ang totoo? Nasasaktan ako, pero sa pagkakataong ito ay hindi na para sa akin. Nasasaktan ako para sa anak ko. Umaasa siya na sa pagkikita nila ng daddy niya ay mararamdaman na niya ang kalinga at pagmmahal nito, pero mukhang hindi iyon mangyayari."Sa'n ka galing Vier?," bungad sa 'kin ni Francis sa may gate na gumising sa 'kin mula sa malalim na pag-iisip."D'yan lang," sagot ko sa matamlay na tono."Ano 'yung d'yan lang Vier?," muling tanong niya at sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang tono niya kaya hindi na ko nagsalita pa. Nakakaloko siyang tumawa at muling nagsalita. "Kay Cloud ba?""Eh ano naman ngayon kung kay Cloud nga ako nanggaling? May problema ba dun Francis?," pabalang ko nang sagot at padabog siyang tinalikuran pero bago pa man ako nakakahakbang papasok ay nahawakan na niya ang braso ko and pulled me back."Oo Vier, may problema ako don!," nanlilisik ang mga matang sagot niya. "Dahil ba may sinasabi na siya sa buhay ngayon kaya gusto mo nang bumalik sa kanya ha?" Dahil doon ay mabilis na lumapat ang mga palad ko sa pisngi niya. "Ano bang alam mo para sabihan ako ng ganyan ha! Wala kang alam Francis.""Tama ka, wala nga akong alam. Ni hindi ko nga alam kung ano ba ko sa 'yo," he chuckled. "So, ano na 'ko ngayon, pastime?""Hindi Francis. Hindi gano'n 'yun." Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanya na nabigla lang talaga ako sa nagawa ko pero hindi ko alam kung paano ko ba 'yon sasabihin. He's still a man and has pride."Eh ano 'yun Vier? Alam mong gusto kita 'di ba? Tapos hinalikan mo 'ko ng gano'n. Ano'ng gusto mong isipin ko dun sa ginawa natin?""Francis please, 'wag muna ngayon," sabi ko na lang dahil hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko sa kanya. Alam ko naman na may kasalanan talaga ako pero masyado siyang galit ngayon para pagpaliwanagan ko. Isa pa stress na rin ako."Good morning Vier! Sabay kaming napalingon sa likuran ko at laking gulat ko ng bumungad sa 'kin si Steffano.STEFFANO'S POV I may be just a playful guy pagdating sa mga babae but I'm a serious, supportive friend at hindi naman ako makapapayag na palampasin na lang ang ginawa ni Vier sa kaibigan ko. Ilang araw ko ring pilit na kinumbinsi si Cloud para suportahan ako sa plano kong pagpapa-ibig sa kanya but he just kept on saying na 'she's not an easy stuff'. But kid, I'm Steffano Ramirez, the chick magnet of the gang. No one says "no" sa karisma ko. And today, bitbit ang napakasarap kong katawan, I mean, the best ever cheesecake pala na ako mismo ang nag-bake ay nagtungo na ako sa tinutuluyan ni Vier. I wanted to surprise her pero siya pala itong may matinding pa-sorpresa sa akin."Ano'ng gusto mong isipin ko dun sa ginawa natin?," dinig kong sabi ng kausap niyang lalaki sa may gate. So, may nakauna na palang maka-score sa akin? Iba din pala talaga ang kamandag ng babaing ito. Sisimple-simple but she can make a man go crazy gaya ng ginawa niya kay Cloud."Good morning Vier," I simply gre
CLOUD'S POV"You're kidding, right?," ani Steffano habang dismayadong nakapamay-awang sa harapan ko. Mukhang hinihintay niya na sabihin ko na nagbibiro lang ako. Pero hindi iyon nangyari kaya ganoon na lamang ang paghilamos niya sa pinagmamalaki niyang mukha. Habang nanatili naman akong nakatitig sa kanya at naghihintay rin sa isasagot niya. Hindi na 'ko nabigla pa sa naging reaksyon niya sa mga sinabi ko. Kahit naman ako ay hindi rin makapaniwalang hinihiling ko ang pabor na ito sa kanya. Kaso wala na akong maisip na iba pang paraan. I need to get Vier out of my life and take care of my son at the same time. And Steffano is the only man I know na pwedeng makatulong sa 'kin. He's the master playboy as everyone knows but he's actually more than that. He even has more influence and money than I have. He can even have power if he wants to. He is the only son of the honorable Senator Ferdinand Ramirez and his father's too willing to give him everything and anything he wants. Ayaw lang
VIER'S POV Matinding practice ang ginawa namin ng nagdaang araw para siguraduhin na walang sinuman sa mga dancers ang magkakamali at gagalaw silang lahat hindi bilang isang grupo kundi bilang isang pagkatao na gumagalaw sa iba't-ibang katawan lang. Sinigurado rin namin na ang bawat pitik, galaw at routines ay maiisagawa sa kamang-manghang paraan na siguradong tatatak hindi lamang sa mga manonood at sa mga hurado kundi pati na rin sa malawak na mundo ng pagsasayaw gaya ng pinakaaasam at pinapangarap namin. Matapos ang matinding preparasyon ay maaga din namin silang pinagpahinga para makabawi sila ng lakas at makahataw ng buong sigla sa itinuturing namin na 'Gabi ng Tropical'. Yes. We already claimed it! Dahil alam namin na kaya naming makamit iyon. Sinigurado ko na walang naging abala sa kanilang pahinga kagabi gaya ng online games o social media. Maaari kasi 'yong makaapekto sa magiging performance nila mamaya kaya nilimitahan muna namin sila ni Alvin sa mga ganoong distraction pa
STEFFANO'S POV Nasanay ako na nasa akin lang parati ang spotlight at atensyon ng mga kababaihan. But tonight, magpapaubaya muna ako. Yes. You heard it right. Ibibigay ko muna ang gabing ito kay Cloud at sa kanyang plano. And I must admit, medyo lumamang talaga siya sa 'kin ngayong gabi. He looked awesome tonight. Mukhang pinaghandaan talaga ng loko ang gabing ito to make all the girls go crazy over him. Especially this woman next to me. At hindi naman siya nabigo. Kitang-kita ko kung pa'nong tila huminto ang mundo ni Vier pagkakita sa kanya. She was greatly impressed by his presence alone gaya ng ibang mga babae rito na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa kanya. I was never into romance movies or what, but I think ganito 'yung pakiramdam ng nanonood ng mga romantic dramas. I can even feel the tension between them nang magtama ang mga mata nila at parang ayaw putulin ng kahit na sino sa kanila ang titigan na iyon.Pero, di ba't galit si Cloud kay Vier?"Wow! May plot twist kaya '
VIER'S POV Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa magandang kinahinatnan ng matindi at araw-araw naming pagpapagod para dito sa pinakaaasam naming laban. They did great! At sobrang saya ko dahil parte ako ng nababanaag ko na tagumpay ng Tropical. Makikita ito sa naging reaksyon ng crowd at maging ng mga judges na napatayo pa mula sa kanilang upuan dahil sa napanood nilang talento na hindi inasahan ng lahat. Sa sobrang tuwa ay mangiyak-ngiyak pa kaming nagkayakapan ni Alvin habang tumatalon-talon pa na akala mo'y kami na nga ang nanalo. Limang grupo pa ang nag-perform pagkatapos ng Tropical pero hindi sila nakatanggap ng hiyawan na kasing-lakas ng cheer na natanggap ng aming grupo mula sa crowd. Maging ang mga naunang grupo ay hindi ko rin nakitaan ng malakas na dating. Kumbaga, alam na this! Halos hatinggabi na nang matapos magtanghal ang lahat ng grupo. At dumating na nga ang oras na pinakahihintay naming lahat. Ang awarding."And we have come to an end," panimula ng host ng com
CLOUD'S POV The panel of judges were also called on stage to take photos kasama ang mga nanalong grupo ngayong gabi. At hindi kasama do'n ang grupo nina Vier. At dahil doon ay nakaramdam ako ng bahagyang tuwa sa likod ng isip ko as I smile for the cameras. But I still can't believe what just happened. Masyadong maganda ang ginawa nilang piece at magaling din ang kanilang mga members kaya't tiyak na mapupulaan ako at paghihinalaan ng mga staff kung bibigyan ko sila ng masyadong mababang score gaya ng nais ko sanang gawin. The least I have done was to give them a score not low enough, but not high enough either to win the title. Ahh, whatever happened. Ang mahalaga ay hindi sila nanalo tulad ng gusto ko. At nasisiguro kong durog na durog ngayon si Vier. Ayon pa naman kay Steffano ay asang-asa daw at kampante ang buong team ng Tropical na sila ang uuwing panalo ngayong gabi. That thing painted a grin on my lips. Mas masakit pa namang matalo sa laban na inakala mong ikaw na ang pana
CLOUD'S POVHindi ko akalain na muli ko pang mararamdaman ang ganitong kasiyahan matapos ang ilang taon kong pagsisintir sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Vier. At isang boses lang pala ang muling magpaparamdam sa akin nito. Ang maliit at cute na boses ni George mula sa kabilang linya nitong cellphone ni Vier. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang tahimik ko siyang pinapakinggan kahit pa nga ang lahat ng sinasabi niya ay patungkol sa reklamo niya sa naging resulta ng naging competition na sinalihan ng mommy niya. But, I don't mind the words, ang mahalaga sakin ay ang marinig ko siya sa unang pagkakataon. Naramdaman ko pa nga ang pamamasa ng mga mata ko sa labis na tuwa.'Ganito pala ang pakiramdam na maging ama,' sa isip-isip ko habang ineenjoy ang sandaling ito na hindi ko inaasahang mangyayari ngayong gabi. Pero hindi rin nagtagal ang kasiyahan ko nang magpaalam na siya at sabihing tatawagan na lang daw niya ang ina kapag tapos na ito sa kausap.'Sana pala a
VIER'S POV Nagpahuli na ako sa pag-uwi dahil hindi ko alam kung paano ko masisikmurang harapin ang lahat ng kasamahan ko habang alam ko na ang dahilan ng pagkatalo namin ay ang matinding galit sakin ni Cloud. Bagay na wala naman silang kinalaman pero pangarap nila ang naging kabayaran. Passed two na rin ng madaling araw nang makauwi ako. At dinig kong patuloy pa ring nagdidiskusyon sina Alvin at Francis sa may kusina patungkol sa naging resulta ng kompetisyon at sa kinasapitan ng aming grupo."Hindi kaya nilaglag tayo nung ha**p na Cloud na 'yon?," nanggigigil na saad ni Francis. At tama siya. Nilaglag nga kami ni Cloud. At ang rason ay walang iba kundi ako at ang mga ka**ngahang ginawa ko sa kanya. Hindi ko na pinakinggan ang buo nilang pag-uusap. Sobra na kasi ang guilt na nararamdaman ko na pinabibigat pa ng naging pagtatalo namin kanina ni Cloud. Ni hindi ko pa rin maisip kung paano ko siya makakausap ng matino patungko kay George at kung bakit kinailangan niyang i-deny ang pag
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k