Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 14: WITH THE FAMILY

Share

Chapter 14: WITH THE FAMILY

Author: Mawi
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

VIER'S POV

Maaga kong pinuntahan ang address na ibinigay sa 'kin ni Cloud sa pamamagitan ng text na siyang address pala ng kanilang bahay dito sa Ilocos. Dito raw kami magkita para na rin makaiwas sa mga mapanirang issue na maaring makarating pa kay Tiffany.

"Tuloy na po kayo ma'am. Bababa na rin daw po si sir Cloud," anang kasambahay na sumalubong sa akin kanina nang balikan ako sa may gate matapos kumpirmahin kay Cloud ang tungkol sa pagdating ko.

Ilang minuto pa lang akong naghihintay sa sala ay bumaba na si Cloud na mukhang kagigising lang dahil medyo magulo pa ang buhok nito at namumungay pa ang mga matang mukhang kulang pa sa tulog.

Napangiti ako sa loob ko at 'di ko naiwasan ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko sa pagkakita ko sa kanya sa ganoon niyang anyo. Wala pa ring nagbago sa kanya. Simple pa rin siya pero nag-multiply 'ata ang appeal niya.

He's now well-postured than before na dahilan para mas mapansin ang kanyang katangkaran. Also, his broad shoulders and wide chest are showing up sa suot nitong manipis na white t-shirt making him more attractive. Sexily attractive.

"You're too early," he said in a husky voice that made him even sexier.

'Stop it, Vier! Ang aga-aga ganyan na ang takbo ng utak mo!,' paninita ko sa sarili dahil sa berdeng takbo ng isip ko ng mga sandaling iyon.

"Oh, may bisita ka pala Cloud," anang ginang na kagagaling lang sa isang kwarto. Mestiza ito at sa tingin ko'y nasa mid-50's. Malawak ang ngiting iginawad niya sa akin na siya namang ginantihan ko rin ng ngiti.

"Magandang umaga po," tumayo ako bilang paggalang sa kanya. "Pasensya na po sa abala," nahihiya kong bati rito dahil hindi ko pa naman siya kilala. Hindi rin naman nag-abala si Cloud na ipakilala ako kaya abot-abot tuloy ang hiyang nararamdaman ko.

"Naku, hindi ka abala hija. Saluhan mo na rin kami sa breakfast ha. Tamang-tama at nagluto ako ng miki," wika niya na mas lumawak pa ang ngiti sa akin bago kami muling iniwan roon.

"Si tita Lanie," pagpapakilala ni Cloud nang makaalis na ang babae.

"Ti-ta? Asawa ng papa mo?," pagkaklaro ko na siyang tinanguan niya.

"Ah," tanging nasabi ko. "Gusto ko palang mag-sorry sa nangyari nung nakaraan–."

"Aling nakaran Vier?," tanong niya. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya but his tone says it all. Galit siya. "'Yung nangyari ba sa restaurant, 'yung bigla mong pang-iwan sa 'kin o 'yung—." Naitutop niya na ang labi sa huling sasabihin.

Pero kahit 'di pa man niya 'yon itinuloy ay alam na alam ko ang nilalaman no'n.

"Cloud–"

"I just want to end everything about us Vier kaya kita pinapunta dito," seryoso niyang pahayag. "Let's cut ties at 'wag na 'wag ka nang pupunta sa restaurant ko na para bang close tayo," tiim-bagang niyang babala sa akin habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. Naihilamos pa niya ang mga palad sa mukha at tila nagpipigil ng matinding galit niya sa akin. "Whatever happened in the past, let's forget about it. As you can see, I am living a great life now. Please don't drag me down again."

Totoo naman lahat ng sinabi niya pero masakit pa rin. Ganito pala kasakit ang marinig ang totoo, lalo na kung manggagaling ito sa taong pinakamamahal mo. Para akong dinidikdik sa kinatatayuan ko at hindi ko naiwasan ang mapaluha sa harapan niya. Agad ko iyong pinunasan. Kasalanan ko rin naman kaya naririto ako sa sitwasyon ko ngayon.

"Gu–," I cleared my throat first matapos 'kong pumiyok bago ko pa man masabi ang dapat niyang malaman. "Gusto ko lang malaman mo ang tungkol kay.. kay George."

Huminto ako at pinakatitigan ang kanyang reaksyon. I saw nothing.

'Syempre naman 'no. Paano naman siya magre-react, eh hindi naman niya kilala si George.'

"Your baby?," he mockingly asked.

"Alam mo?," nakakunot ang noo na balik-tanong ko sa kanya.

"Wow Vier! You really think that you can fool us? Me?," sarkastiko niyang tugon at saka tiningnan ako nang may panghuhusga sa kanyang mga mata.

"Kelan pa? Pa'no mo nalaman?," sunod-sunod kong tanong pero 'di na niya masagot nang makalapit sa amin ang lalaking kahawig na kahawig niya. Must be his dad.

"May bisita ka pala anak," anito at saka nakangiting tinapunan ako ng pansin.

"Halina kayo rito," muling pagyayaya ni tita Lanie. Tatanggi sana ako pero wala na 'kong nagawa nang lapitan niya 'ko para hilahin sa dining area.

Sumunod naman sa amin si Cloud at ang papa niya.

Nang makadulog na kami sa hapag-kainan ay hindi ko maiwasan na hindi matakam sa sinasabi ni tita Lanie na miki. Hindi pa 'ko nakakakain nito pero sa tingin at amoy pa lang ay talaga namang magugutom ka na. Idagdag pa ang maayos na pagkakahanda nito at umuusok-usok pa.

"Kaya siguro naisipan kong maghanda ng espesyal na almusal, kasi may darating tayong bisita," magiliw na pagsisimula ni tita Lanie sa usapan.

"Pagpasensyahan mo na 'tong asawa ko, hija. Bihira lang kasing magdala ng bisita itong si Cloud saka ang mga kapatid n'ya kaya natutuwa siyang may iba kaming kasalo ngayon," anang papa niya.

"Saka boring rin kasi na puro lalaki lang ang kasama mo sa bahay," pagbibiro pa ng stepmother ni Cloud na nginitian ko lang.

Mukhang maayos naman ang samahan nila pero hindi ko pa rin maiwasang ma-awkward-an sa sitwasyon ko.

Well, nasa harap ko lang naman ngayon ang ama ni Cloud na mula pagkabata ay kinamumuhian na niya, ang asawa nito na sa pagkakatanda ko ay ang siyang dahilan kung bakit iniwan siya ng ama niya at si Cloud na nananahimik lang sa tabi ko habang kumakain at parang hindi ako nakikita.

"Ano nga'ng pangalan mo hija?," tanong sa 'kin ni sir Alberto, ang papa niya.

"You don't have to know," malamig na sagot ni Cloud bago pa man ako makapagsalita. "Hindi n'yo na rin naman siya makikita after today. So, why bother?"

"Cloud," pigil sa kanya ng kanyang madrasta dahil sa harap-harapang pambabastos niya sa akin.

"Kain na lang tayo," pag-iiba ng kanyang ama sa usapan.

"Alam mo magaan ang loob ko sa 'yo," masayang wika muli ni tita Lanie sa akin habang kumakain kami. "Ngayon lang kita nakita pero pakiramdam ko magkakasundo tayo."

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa roon. Ibig bang sabihin eh pareho kami ng ugali?

Hindi maikakaila ang maganda niyang pakikitungo sa akin but that doesn't mean na mabuti siyang tao. She stole Cloud's father from his mother na naging dahilan ng matinding lungkot sa buhay ni Cloud.

"I'm done. Please excuse us." Bigla ay hinila na lang ako ni Cloud palabas ng dining.

"Pwede ka nang umalis," aniya matapos marahas na bitawan ang braso ko sa harapan ng bahay.

Napatitig na lang ako sa kanya dahil sa pagkabigla. Nakabawi na lang ako nang talikuran niya ako. Dali-dali kong kinuha ang box sa bag ko at binalikan ko siya para harangin.

"Gusto ka na niyang makita," sabi ko habang inaabot sa kanya ang box na naglalaman ng pictures ni George mula noong nasa sinapupunan ko pa lang siya hanggang sa ngayon.

Related chapters

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 15: THE NEXT CHAPTER

    CLOUD'S POV Nasabi ko na kay Vier ang lahat ng kailangan kong sabihin sa kanya para tuluyan ko nang maisarado ang bahaging iyon ng buhay at sarili ko na kasama siya. Ngayon ay handa ko nang harapin ang bago kong buhay nang walang anumang alalahanin o sakit mula sa nakaraan. Sa nakaraan namin ni Vier. Ngunit laking gulat ko nang harangin niya ako para lang iabot sa akin ang isang kahon. May sinasabi pa siya pero hindi ko na iyon inintindi at basta ko na lang na tinabig ang iniaabot niya sa akin. Kung sa tingin niya ay maibabalik pa niya ang nakaraan namin sa pamamagitan ng mga alaalang pilit niyang ibinabalik ay nagkakamali siya. Hindi na 'ko muling magiging sa kanya. NOT AFTER WHAT SHE DID!"Cloud, si George," sabi niya habang nakatingin sa mga nagkalat na laman ng kahon. At laking gulat ko nang sundan ko ang kanyang tingin at makita ang mga larawan na ngayon ay nagkalat na sa sahig. Hindi iyon mga alaala naming dalawa kundi larawan ng isang bata. Napukaw ng isa sa mga larawan doo

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 16: THE BESTFRIEND

    STEFFANO'S POV I may be just a playful guy pagdating sa mga babae but I'm a serious, supportive friend at hindi naman ako makapapayag na palampasin na lang ang ginawa ni Vier sa kaibigan ko. Ilang araw ko ring pilit na kinumbinsi si Cloud para suportahan ako sa plano kong pagpapa-ibig sa kanya but he just kept on saying na 'she's not an easy stuff'. But kid, I'm Steffano Ramirez, the chick magnet of the gang. No one says "no" sa karisma ko. And today, bitbit ang napakasarap kong katawan, I mean, the best ever cheesecake pala na ako mismo ang nag-bake ay nagtungo na ako sa tinutuluyan ni Vier. I wanted to surprise her pero siya pala itong may matinding pa-sorpresa sa akin."Ano'ng gusto mong isipin ko dun sa ginawa natin?," dinig kong sabi ng kausap niyang lalaki sa may gate. So, may nakauna na palang maka-score sa akin? Iba din pala talaga ang kamandag ng babaing ito. Sisimple-simple but she can make a man go crazy gaya ng ginawa niya kay Cloud."Good morning Vier," I simply gre

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 17: The Plan

    CLOUD'S POV"You're kidding, right?," ani Steffano habang dismayadong nakapamay-awang sa harapan ko. Mukhang hinihintay niya na sabihin ko na nagbibiro lang ako. Pero hindi iyon nangyari kaya ganoon na lamang ang paghilamos niya sa pinagmamalaki niyang mukha. Habang nanatili naman akong nakatitig sa kanya at naghihintay rin sa isasagot niya. Hindi na 'ko nabigla pa sa naging reaksyon niya sa mga sinabi ko. Kahit naman ako ay hindi rin makapaniwalang hinihiling ko ang pabor na ito sa kanya. Kaso wala na akong maisip na iba pang paraan. I need to get Vier out of my life and take care of my son at the same time. And Steffano is the only man I know na pwedeng makatulong sa 'kin. He's the master playboy as everyone knows but he's actually more than that. He even has more influence and money than I have. He can even have power if he wants to. He is the only son of the honorable Senator Ferdinand Ramirez and his father's too willing to give him everything and anything he wants. Ayaw lang

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 18: OUR NIGHT

    VIER'S POV Matinding practice ang ginawa namin ng nagdaang araw para siguraduhin na walang sinuman sa mga dancers ang magkakamali at gagalaw silang lahat hindi bilang isang grupo kundi bilang isang pagkatao na gumagalaw sa iba't-ibang katawan lang. Sinigurado rin namin na ang bawat pitik, galaw at routines ay maiisagawa sa kamang-manghang paraan na siguradong tatatak hindi lamang sa mga manonood at sa mga hurado kundi pati na rin sa malawak na mundo ng pagsasayaw gaya ng pinakaaasam at pinapangarap namin. Matapos ang matinding preparasyon ay maaga din namin silang pinagpahinga para makabawi sila ng lakas at makahataw ng buong sigla sa itinuturing namin na 'Gabi ng Tropical'. Yes. We already claimed it! Dahil alam namin na kaya naming makamit iyon. Sinigurado ko na walang naging abala sa kanilang pahinga kagabi gaya ng online games o social media. Maaari kasi 'yong makaapekto sa magiging performance nila mamaya kaya nilimitahan muna namin sila ni Alvin sa mga ganoong distraction pa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 19: THE PHILDANCE

    STEFFANO'S POV Nasanay ako na nasa akin lang parati ang spotlight at atensyon ng mga kababaihan. But tonight, magpapaubaya muna ako. Yes. You heard it right. Ibibigay ko muna ang gabing ito kay Cloud at sa kanyang plano. And I must admit, medyo lumamang talaga siya sa 'kin ngayong gabi. He looked awesome tonight. Mukhang pinaghandaan talaga ng loko ang gabing ito to make all the girls go crazy over him. Especially this woman next to me. At hindi naman siya nabigo. Kitang-kita ko kung pa'nong tila huminto ang mundo ni Vier pagkakita sa kanya. She was greatly impressed by his presence alone gaya ng ibang mga babae rito na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa kanya. I was never into romance movies or what, but I think ganito 'yung pakiramdam ng nanonood ng mga romantic dramas. I can even feel the tension between them nang magtama ang mga mata nila at parang ayaw putulin ng kahit na sino sa kanila ang titigan na iyon.Pero, di ba't galit si Cloud kay Vier?"Wow! May plot twist kaya '

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 20: EXPECTATION VS REALITY

    VIER'S POV Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa magandang kinahinatnan ng matindi at araw-araw naming pagpapagod para dito sa pinakaaasam naming laban. They did great! At sobrang saya ko dahil parte ako ng nababanaag ko na tagumpay ng Tropical. Makikita ito sa naging reaksyon ng crowd at maging ng mga judges na napatayo pa mula sa kanilang upuan dahil sa napanood nilang talento na hindi inasahan ng lahat. Sa sobrang tuwa ay mangiyak-ngiyak pa kaming nagkayakapan ni Alvin habang tumatalon-talon pa na akala mo'y kami na nga ang nanalo. Limang grupo pa ang nag-perform pagkatapos ng Tropical pero hindi sila nakatanggap ng hiyawan na kasing-lakas ng cheer na natanggap ng aming grupo mula sa crowd. Maging ang mga naunang grupo ay hindi ko rin nakitaan ng malakas na dating. Kumbaga, alam na this! Halos hatinggabi na nang matapos magtanghal ang lahat ng grupo. At dumating na nga ang oras na pinakahihintay naming lahat. Ang awarding."And we have come to an end," panimula ng host ng com

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 21: SEE YOU CRY

    CLOUD'S POV The panel of judges were also called on stage to take photos kasama ang mga nanalong grupo ngayong gabi. At hindi kasama do'n ang grupo nina Vier. At dahil doon ay nakaramdam ako ng bahagyang tuwa sa likod ng isip ko as I smile for the cameras. But I still can't believe what just happened. Masyadong maganda ang ginawa nilang piece at magaling din ang kanilang mga members kaya't tiyak na mapupulaan ako at paghihinalaan ng mga staff kung bibigyan ko sila ng masyadong mababang score gaya ng nais ko sanang gawin. The least I have done was to give them a score not low enough, but not high enough either to win the title. Ahh, whatever happened. Ang mahalaga ay hindi sila nanalo tulad ng gusto ko. At nasisiguro kong durog na durog ngayon si Vier. Ayon pa naman kay Steffano ay asang-asa daw at kampante ang buong team ng Tropical na sila ang uuwing panalo ngayong gabi. That thing painted a grin on my lips. Mas masakit pa namang matalo sa laban na inakala mong ikaw na ang pana

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 22: YOUR DARKEST NIGHTMARE

    CLOUD'S POVHindi ko akalain na muli ko pang mararamdaman ang ganitong kasiyahan matapos ang ilang taon kong pagsisintir sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Vier. At isang boses lang pala ang muling magpaparamdam sa akin nito. Ang maliit at cute na boses ni George mula sa kabilang linya nitong cellphone ni Vier. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang tahimik ko siyang pinapakinggan kahit pa nga ang lahat ng sinasabi niya ay patungkol sa reklamo niya sa naging resulta ng naging competition na sinalihan ng mommy niya. But, I don't mind the words, ang mahalaga sakin ay ang marinig ko siya sa unang pagkakataon. Naramdaman ko pa nga ang pamamasa ng mga mata ko sa labis na tuwa.'Ganito pala ang pakiramdam na maging ama,' sa isip-isip ko habang ineenjoy ang sandaling ito na hindi ko inaasahang mangyayari ngayong gabi. Pero hindi rin nagtagal ang kasiyahan ko nang magpaalam na siya at sabihing tatawagan na lang daw niya ang ina kapag tapos na ito sa kausap.'Sana pala a

Latest chapter

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

DMCA.com Protection Status