Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

last updateLast Updated : 2022-10-13
By:   GirlonFire28   Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
36 ratings. 36 reviews
68Chapters
63.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1 BIPR

AMBER POV"Excited ka na?" tanong ni Lara sa akin. Narito ako ngayon sa apartment nito dahil dito ako tumuloy pagkagaling ko sa Tagaytay.Si Lara kasi ang tumulong sa akin para makahanap ng trabaho dito sa Manila. Dahil malaki naman ang tiwala ko rito kaya't susubukan kong makipagsapalaran. "Medyo, pero kinakabahan din ako, Lara," pag-amin ko. Lumapit naman ito sa akin at umupo sa tabi ko. "Huwag kang kabahan, I'm sure yakang-yaka mo ang trabaho mo. Isa pa graduate ka naman ng college eh, at saka may alam ka na rin naman sa magiging trabaho mo." "Pero siyempre iba't-ibang tao na naman ang makakasalamuha ko. Panibagong pakikisama na naman ako nito." Natawa naman ito sa sinabi ko. "Siyempre gano'n talaga! Hindi naman puwede na ikulong mo ang sarili mo sa maliit mong mundo, ano? Maraming opportunities para sa 'yo, takot ka lang kumawala sa shell mo.""Hindi na ako kumportable sa maraming tao, kasi alam kong hindi sila lahat mabuting tao," mapait na sabi ko. Nagkaroon na kasi ako ng...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(36)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
36 ratings · 36 reviews
Scan code to read on App
user avatar
Dina Cruz
maganda highly recommend
2023-12-29 23:50:15
0
user avatar
Jeeckk
Highly recommend
2023-08-18 04:50:02
1
user avatar
Cherry Tamayo Javier
el greco and montana series pls
2023-07-13 08:31:35
2
user avatar
Reynaldo Canlas
Maganda at nkakaaliw ang kwento, madaling masundan ang story.
2023-02-24 13:10:57
2
user avatar
Jonah Herrero
Sna ilagay dto ung the unexpected wedding Ganda un mahal kc s ibang apps
2023-02-13 12:42:33
0
user avatar
Cheryle Lobrino
hi po...sana po ilagay nio rn po d2 ung iba pa po niong story tulad po ng el greco series at montana brothers po plssss
2023-02-11 16:47:00
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful atory
2022-11-28 06:52:56
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful storu
2022-11-27 06:48:55
0
user avatar
Jonas Angcaya
Nice story superb! Ang Sarap magkaroon ng isang tatay Jun
2022-11-14 22:19:31
0
user avatar
Jay Marie
beautiful story...ang daming aral na mapupulot...thanks Author.
2022-11-14 03:38:45
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-11-08 02:19:29
2
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-11-06 06:22:50
2
default avatar
Gemma McCue
Nice story
2022-10-17 12:10:30
2
user avatar
Acaly JEan D Garci
Highly recommended story! Love it!!
2022-09-04 21:44:20
1
user avatar
Nami Astoria
Interesting read :) Good job po
2022-07-16 12:34:44
1
  • 1
  • 2
  • 3
68 Chapters
Chapter 1 BIPR
AMBER POV"Excited ka na?" tanong ni Lara sa akin. Narito ako ngayon sa apartment nito dahil dito ako tumuloy pagkagaling ko sa Tagaytay.Si Lara kasi ang tumulong sa akin para makahanap ng trabaho dito sa Manila. Dahil malaki naman ang tiwala ko rito kaya't susubukan kong makipagsapalaran. "Medyo, pero kinakabahan din ako, Lara," pag-amin ko. Lumapit naman ito sa akin at umupo sa tabi ko. "Huwag kang kabahan, I'm sure yakang-yaka mo ang trabaho mo. Isa pa graduate ka naman ng college eh, at saka may alam ka na rin naman sa magiging trabaho mo." "Pero siyempre iba't-ibang tao na naman ang makakasalamuha ko. Panibagong pakikisama na naman ako nito." Natawa naman ito sa sinabi ko. "Siyempre gano'n talaga! Hindi naman puwede na ikulong mo ang sarili mo sa maliit mong mundo, ano? Maraming opportunities para sa 'yo, takot ka lang kumawala sa shell mo.""Hindi na ako kumportable sa maraming tao, kasi alam kong hindi sila lahat mabuting tao," mapait na sabi ko. Nagkaroon na kasi ako ng
last updateLast Updated : 2022-04-30
Read more
Chapter 2 BIPR
AMBER POVHALOS HINDI ako makapag-concentrate sa trabaho ko dahil hindi mawala sa isip ko si Ze. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkikita kami nito kanina pagkalipas ng apat na taon. At hindi lang basta nagkita dahil ito pala ang tunay na mag-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.Napag-alaman ko mula kay Agnes na hindi si Sir Darius ang tunay na boss namin kun'di si Zeus. Ang ibig sabihin pala ng ZSD Tower ay Zeus San Diego.Anong klaseng biro po ito? Piping tanong ko sa isip ko.Hindi ko alam kung paano ito pakikitinguhan lalo pa't hindi maganda ang paghihiwalay namin noon o kung hiwalay na nga bang matatawag iyon, dahil wala naman kaming naging pag-uusap.Basta na lang itong nawala noon at hindi na muling bumalik. Pagkalipas ng apat na taon ay ngayon lang ulit kami nagkita pero nagtataka ako kung bakit parang galit na galit ito sa akin.Kagaya ko, natigilan din ito nang magkita kami kanina. Pero hindi ako bulag para hindi makita ang naging reaksyon nito, nagulat ito nang makita
last updateLast Updated : 2022-04-30
Read more
Chapter 3 BIPR
AMBER POVDUMATING ANG oras ng uwian pero naiwan akong mag-isa sa opisina. Nang makaramdam ng ihiin ay saka lang ako tumayo para pumunta sa banyo. Naginhawahan ako nang makatapos umihi. Gumaan ang pantog ko.Nag-iinat na naglakad ako pabalik sa mesa ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa wall clock at gano'n na lang ang panlalaki ang aking mata ng makita ko kung anong oras na.Ala-una y medya?"Shit, anong sasakyan ko pauwi nito? Madaling araw na pala!"Nanlulumong napaupo ako sa upuan ko at saka sumubsob sa mesa.Ang dami ko pang uulitin, tapos iisipin ko pa ang sasakyan ko pauwi.Haist kapag minamalas ka nga naman.Wala na akong nagawa kun'di ang tapusin ang trabaho ko. Bahala na nga.Nang matapos ako ay doon pa lang ako tila nakahinga nang maluwag pero agad ding nawala nang makita kong alas kuwatro na ng umaga.Hilong-hilo na ako sa sobrang puyat kaya naman sa halip na umuwi ay naisipan kong umidlip na lang muna.Parang hindi pa natatagalan ang idlip ko nang may gumising sa akin
last updateLast Updated : 2022-04-30
Read more
Chapter 4 BIPR
Chapter 4 AMBER POV Matapos ang nangyari sa opisina kanina ay nagdesisyon akong umuwi na lang muna. Hindi rin naman ako makakapagtrabaho nang maayos kaya nag-half day na lang ako.Habang nakahiga sa kama ay sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong paraan kami muling magkikita ni Zeus.Mugtong-mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak, pero tila may sariling isip ang aking mga luha dahil kahit anong pigil ko ay kusa pa rin iyong umaagos sa pisngi ko.Basang-basa na rin ang unan ko dahil sa walang tigil na pag-iyak.At habang binabalikan sa isip ang naging pag-uusap namin ni Zeus kanina, hindi ko maiwasang bumalik at alalahanin ang nakaraan kung paano kami nagsimula at nagtapos. *Flashback *"Ate, sasama na lang ako kay Tatay pauwi," paalam ko kay Ate Alma.Narito kasi kami sa bahay ng pinsan naming si Ate Jessa. Ikakasal kasi ito bukas at dahil probinsya ay uso ang sayawan bago ang kasal kinabukasan. "Anong sasama ka? Ngayon ka pa ba aatras narito na tayo
last updateLast Updated : 2022-05-14
Read more
Chapter 5 BIPR
Chapter 5AMBER POV CONTINUATION OF FLASHBACK PAPAUWI NA kami ni Ate Alma sa bahay. Antok na antok na ako dahil halos mag-a-alas dos na ng madaling araw natapos ang sayawan. Kasama namin ngayon si Kuya John na kapatid ni Ate Jessa at ang dalawa pa naming pinsan na lalaki. Sila ang inutusan ni Tiyo Juanito na maghatid sa amin ni ate Alma. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng palihim dahil hindi ko inakala na makikita ko ulit ang lalaking nakabanggaan ko noong nakaraang araw sa palengke. At hindi ko lang ito basta nakita dahil nakausap ko rin ito nang matagal-tagal. Gusto ko na tuloy maniwala na maliit lang ang mundo. Sobrang guwapo n'ya, sobrang bango, at sobrang sarap kausap. Ilang ulit kong pinilig ang ulo ko para mawala siya sa utak ko. Hindi ako puwedeng magka-crush sa lalaking iyon. Laking Siyudad iyon kaya alam kong kaliwa't kanan ang mga babae no'n. Tapos mayaman pa, jusko do'n pa lang wala ng pag-asa. Literal na langit at lupa ang agwat ng pamumuha
last updateLast Updated : 2022-05-16
Read more
Chapter 6 BIPR
Chapter 6CONTINUATION OF FLASHBACK AMBER POV PAGPASOK NA pagpasok ko sa kuwarto ko ay dali-dali kong isinara ang pintuan at saka patakbong sumampa sa kama ko. Parang hindi maihing pusa na nagpagulong-gulong ako sa aking manipis na kutson.Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko saka ako impit na tumili. Habang impit na tumitili ay muling akong nagpagulong-gulong with matching pagpadyak pa.Hindi ko kasi kinaya iyong kilig na nararamdaman ko kanina pa. Yes, kilig na kilig ako habang binabalikan sa isip ang mga nangyari. Hindi ako ilusyuda, pero hindi ko talaga mapigilan iyong kilig na nararamdaman ko.Sinong mag-aakala na ang simpleng probinsyana ay makakakuha ng atensyon ng isang guwapo at mayamang lalaki? At jusko, may pa-jacket pa siya, parang si Kuya Will lang ng Wowowin.Nang mapagod ako sa kakapadyak ay tumihaya ako sa kama habang nasa bubong ng bahay ang mga mata ko. Alas tres na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Kung kanina ay inaantok na ako, nawa
last updateLast Updated : 2022-05-17
Read more
Chapter 7 BIPR
Chapter 7 BIPRAMBER POVIsang linggo na ang nakakaraan matapos ang kasal ni Ate Jessa. Isang linggo na rin simula nang makilala ko si Zeus. At simula no'n ay hindi ko na ito muling nakita pa, at iyong sabing liligawan ako malamang sa malamang echos lang iyon ng hambog na iyon.Medyo may kurot kasi pinakilig na niya ako ng kaunti, kaunti lang naman kayo minor kurot lang. Medyo crush ko kasi siya, pero ayos lang kasi alam kong hindi naman kami bagay. At siyempre kahit may panghihinayang sa puso ko, tuloy na tuloy pa rin ang buhay."Ano bang iniisip mo, Amber?" Bahagya pa akong napapitlag sa biglang pagsasalita ni Nanay sa tabi ko."H-Ho?""Ano kako ang iniisip mo at parang lumilipad iyang utak mo?" nakasimangot na turan nito."Iniisip ko kasi kung kailangan ako tatangkad," pagbibiro ko naman na ikinatawa nito.Nasa Palengke kasi kami dahil may puwesto kami rito at tinutulungan kong magtinda si Nanay."Anak, bente-uno ka na, hanggang ngayon ba umaasa ka pa?" tudyo nito."'Nay naman, hi
last updateLast Updated : 2022-05-21
Read more
Chapter 8 BIPR
AMBER POV"Amber?"Mula sa pagtitipa sa keyboard ng laptop ay nag-angat ako ng tingin. "Bakit po, Ma'am?" tanong ko sa kasamahan ko na mas mataas sa akin.Nagtatrabaho na kasi ako bilang secretary dito sa kapitolyo ng Tagaytay. Si Ate Alma ang tumulong sa akin para makapasok dito. Isang linggo pa lang mula nang magsimula ako rito. "Sorry ha, pero may naghahanap sa'yo sa labas eh.""Sa akin po?""Yes, sa'yo. A certain Zeus San Diego is outside and he wishes to see you."Napatuwid naman ako ng upo dahil sa sinabi ni Ma'am Sally. Nandito si Zeus?Ngayon ay alam ko na kung bakit parang kinikilig si Ma'am Sally. Malamang nakita nito si Zeus at ngayon ay kinikilig na ito."Should I send him in?""Hala, Ma'am huwag na po. Lalabas na lang po ako, oras pa po kasi ng trabaho ko eh." Pigil ko kay Ma'am Sally, nakakahiya naman kasi dahil nasa trabaho pa ako."Oh, sure, malapit na rin naman ang uwian kaya hindi na siya maghihintay ng matagal. By the way, I'm happy for you, mukhang malaki ang pagk
last updateLast Updated : 2022-05-22
Read more
Chapter 9 BIPR
AMBER POV"Mukhang seryoso talaga ang isang iyan, ah," sabi ni Ate Alma sa tabi ko.Nakasilip kasi kami sa bintana ng bahay namin habang tinitingnan si Zeus na nakikigulo sa mga pinsan at Tiyuhin namin na nag-iinuman.Halos dalawang oras na itong nakikigulo sa pamilya ko. Nangingibabaw ang tawa nito sa inuman, mukhang bentang-benta rito ang mga padali ng mga pinsan ko."Gusto mo na rin ba siya?" Rinig kong tanong ni Ate Alma sa tabi ko."Hindi ko alam, natatakot ako, Ate," sagot ko habang nakatutok pa rin kay Zeus ang mga mata ko.Hindi ko kasi mapaniwalaan na tototohanin nitong ligawan ako. It's been two months nang magsimula siyang manligaw. At aaminin kong may pagkakataon na natutukso akong sagutin na ito.Ngunit sa tuwing gagawin ko iyon ay biglang papasok sa isip ko na hindi kami bagay. Na hindi ako nababagay para sa isang kagaya nitong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig."Ambs," untag ni Ate. Lumingon naman ako rito. "Mahal mo na siya, hindi ba?"Nahihiya man ay nagawa
last updateLast Updated : 2022-05-22
Read more
Chapter 10 BIPR
PRESENT TIMEAMBER POV KINABUKASAN ay pumasok pa rin ako at nagpanggap na tila walang nangyari. Matapos kong sariwain ang mga magagandang nangyari sa amin ni Zeus noon ay bigla akong umasa, umasa na baka kahit papaano may bahid pa rin ng dating Zeus sa pagkatao nito. Ngunit unti-unting nawala ang munting pag-asa sa puso ko dahil makalipas ang isang linggo ay wala pa rin itong ipinagbago. Mas lalong naging mainit ang dugo nito sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa lalaking iyon dahil napakasama na nang ugali nito. Na dati naman ay sobrang bait at hindi mapanghusga. Pero ngayon, kulang na lang ay singhalan at lait-laitin ako nito sa tuwing magkikita kami sa opisina.Naisip ko na nga na mag-resign na lang para matapos na pero hindi ko puwedeng gawin dahil dalawang araw nang pabalik-balik ng hospital si Nanay. Lagi raw kasi itong nahihilo at sumasakit ang tiyan sabi ni Aldrin, ang bunso kong kapatid. At para hindi na ako mas'yadong masaktan sa kung paano ako itrato ni Zeus ay
last updateLast Updated : 2022-05-26
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status