author-banner
GirlonFire28
GirlonFire28
Author

Nobela ni GirlonFire28

Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
Basahin
Chapter: Finale BIPR
Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal
Huling Na-update: 2022-10-13
Chapter: Chapter 67 BIPR
Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si
Huling Na-update: 2022-10-06
Chapter: Chapter 66 BIPR
Amber's POVMULA sa bintana ng kuwarto ko ay tanaw ko ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Ze habang nag-iinuman at nagkakantahan. Yes, narito sila kanina pang tanghali. Hindi ko akalain na mamamanhikan si Ze sa akin kasama ang mga magulang nito na labis-labis kong ikinatuwa. Pormal na hiningi ni Ze ang kamay ko sa aking mga magulang. At napagkasunduan namin na isang buwan mula ngayon ang kasal namin ni Ze. Hindi puwedeng bukas na kagaya ng gusto ni Ze dahil kailangan na muna naming kumuha ng mga requirements para sa kasal namin. Na-expire na kasi ang mga kinuha namin noon kaya't panibagong kuha na naman daw. Kaya ko namang maghintay ng isang buwan pa pero si Ze ay atat na atat nang makasal kami. Iginiit pa itong sa Mayor na lang muna bago sa isang buwan ang sa Pari pero ang mga magulang namin ang nasunod na sa simbahan kami ikakasal. Mas naniniwala raw ang mga ito na mas sagrado kung sa dambana ng Panginoon magsusumpaan. Na sinang-ayon ko naman kaagad maliban kay Ze na na
Huling Na-update: 2022-10-06
Chapter: Chapter 65 BIPR
Amber's Pov "Bakit?" malambing na tanong ko kay Zeus nang marinig ko itong suminghot habang nakasubsob sa tiyan ko. Matapos kasi nitong maramdaman ang galaw ni baby sa tiyan ko ay sumubsob na ito roon. "Hey, okay ka lang?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Natatawang pinunasan ko ang mukha nitong basa ng luha. Namumula na rin ang mga mata nito. "Why, hmm?" Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. "Para saan ang mga luhang 'to?" "I'm just happy," garalgal na wika nito. "Dahil?" Mataman ako nitong tiningnan. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito. "Dahil matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama ka. Isa na lang ang kulang, iyong maging San Diego ang apelyido mo, baby."Matamis ko naman itong nginitian. Inalalayan ko itong makaupo sa kama, sa tabi ko. Nakaluhod pa rin kasi ito sa lapag. "Baby.." "Mas magiging happy ka ba kapag sinabi kong puwede mo na akong pakasalan?" Sandali itong natigilan na
Huling Na-update: 2022-09-26
Chapter: Chapter 64 BIPR
Amber's Pov"Baby, aalis na ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Zeus mula sa likuran ko."Aalis ka na?" tanong ko. Nakaramdam ako ng awa para rito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko kung bakit, dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkabalikan kami pero nananatiling lihim iyon sa mga magulang ko. Alam ng mga kapatid ko ang tungkol doon at suportado nila ako sa desisyon kong tanggapin ulit si Zeus sa buhay ko. "Yes, I have to go, baby." "Okay ka lang?" sa halip ay tanong ko. Hindi ako kumportable sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ngayon. Lumapit ako rito at saka tumaas ang kamay ko papunta sa mukha nito at marahang hinaplos iyon. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito at saka umiling na para bang sinasabi na huwag kong gawin iyon dahil baka makita kami ni Tatay. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa napakalambing na boses. Tila nawalan na ako ng pakialam na baka makita kami ni Tatay. Miss na miss ko na kasi ito at hindi
Huling Na-update: 2022-09-14
Chapter: Chapter 63 BIPR
Amber's Pov"Ate!" Bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Ano iyan, ha?" "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko kay Aldrin. Hinarap ko ito at nakita kong ngising-ngisi ang mukha nito habang nakatingin sa tapperware na hawak ko. Pasimple kasi akong kumukuha ng nilutong tinola ni Nanay para ibigay kay Zeus. May sakit pa rin kasi ito nang iwanan ko kanina at gusto ko siyang pakainin ng may sabaw. Tamang-tama dahil may tinola si Nanay pag-uwi ko galing sa bahay niya. "Oy, si Ate, nag-aalaga ng may sakit? Kumusta naman ba? Gumaling naman ba o lalong uminit?" tudyo nito. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo!" sikmat ko rito. Tumawa lang naman ito. "Nalagyan na ba ng buntot iyang anak n'yo?" tumatawang sabi pa nito. "Anong buntot? Tao ang anak ko hindi kung ano.""Oh, sige baguhin natin, nalagyan n'yo na ba ng ngipin iyang anak n'yo? Naks, ibang klase din iyang si San Diego eh. Paawa talaga ang gago, ito namang Ate ko marupok ng
Huling Na-update: 2022-09-08
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Basahin
Chapter: SPECIAL CHAPTER
TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
Huling Na-update: 2023-10-17
Chapter: FINALE
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
Huling Na-update: 2023-10-16
Chapter: Chapter 76
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
Huling Na-update: 2023-10-14
Chapter: Chapter 75
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
Huling Na-update: 2023-10-13
Chapter: Chapter 74
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
Huling Na-update: 2023-10-12
Chapter: Chapter 73
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
Huling Na-update: 2023-10-11
Maaari mong magustuhan
Indebted
Indebted
Romance · GirlonFire28
836 views
UNEXPECTED LOVE
UNEXPECTED LOVE
Romance · GirlonFire28
835 views
La Roché
La Roché
Romance · GirlonFire28
835 views
Reclaiming Property
Reclaiming Property
Romance · GirlonFire28
833 views
Why Do You Love Me
Why Do You Love Me
Romance · GirlonFire28
833 views
DMCA.com Protection Status