Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si
Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal
AMBER POV"Excited ka na?" tanong ni Lara sa akin. Narito ako ngayon sa apartment nito dahil dito ako tumuloy pagkagaling ko sa Tagaytay.Si Lara kasi ang tumulong sa akin para makahanap ng trabaho dito sa Manila. Dahil malaki naman ang tiwala ko rito kaya't susubukan kong makipagsapalaran. "Medyo, pero kinakabahan din ako, Lara," pag-amin ko. Lumapit naman ito sa akin at umupo sa tabi ko. "Huwag kang kabahan, I'm sure yakang-yaka mo ang trabaho mo. Isa pa graduate ka naman ng college eh, at saka may alam ka na rin naman sa magiging trabaho mo." "Pero siyempre iba't-ibang tao na naman ang makakasalamuha ko. Panibagong pakikisama na naman ako nito." Natawa naman ito sa sinabi ko. "Siyempre gano'n talaga! Hindi naman puwede na ikulong mo ang sarili mo sa maliit mong mundo, ano? Maraming opportunities para sa 'yo, takot ka lang kumawala sa shell mo.""Hindi na ako kumportable sa maraming tao, kasi alam kong hindi sila lahat mabuting tao," mapait na sabi ko. Nagkaroon na kasi ako ng
AMBER POVHALOS HINDI ako makapag-concentrate sa trabaho ko dahil hindi mawala sa isip ko si Ze. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkikita kami nito kanina pagkalipas ng apat na taon. At hindi lang basta nagkita dahil ito pala ang tunay na mag-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.Napag-alaman ko mula kay Agnes na hindi si Sir Darius ang tunay na boss namin kun'di si Zeus. Ang ibig sabihin pala ng ZSD Tower ay Zeus San Diego.Anong klaseng biro po ito? Piping tanong ko sa isip ko.Hindi ko alam kung paano ito pakikitinguhan lalo pa't hindi maganda ang paghihiwalay namin noon o kung hiwalay na nga bang matatawag iyon, dahil wala naman kaming naging pag-uusap.Basta na lang itong nawala noon at hindi na muling bumalik. Pagkalipas ng apat na taon ay ngayon lang ulit kami nagkita pero nagtataka ako kung bakit parang galit na galit ito sa akin.Kagaya ko, natigilan din ito nang magkita kami kanina. Pero hindi ako bulag para hindi makita ang naging reaksyon nito, nagulat ito nang makita
AMBER POVDUMATING ANG oras ng uwian pero naiwan akong mag-isa sa opisina. Nang makaramdam ng ihiin ay saka lang ako tumayo para pumunta sa banyo. Naginhawahan ako nang makatapos umihi. Gumaan ang pantog ko.Nag-iinat na naglakad ako pabalik sa mesa ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa wall clock at gano'n na lang ang panlalaki ang aking mata ng makita ko kung anong oras na.Ala-una y medya?"Shit, anong sasakyan ko pauwi nito? Madaling araw na pala!"Nanlulumong napaupo ako sa upuan ko at saka sumubsob sa mesa.Ang dami ko pang uulitin, tapos iisipin ko pa ang sasakyan ko pauwi.Haist kapag minamalas ka nga naman.Wala na akong nagawa kun'di ang tapusin ang trabaho ko. Bahala na nga.Nang matapos ako ay doon pa lang ako tila nakahinga nang maluwag pero agad ding nawala nang makita kong alas kuwatro na ng umaga.Hilong-hilo na ako sa sobrang puyat kaya naman sa halip na umuwi ay naisipan kong umidlip na lang muna.Parang hindi pa natatagalan ang idlip ko nang may gumising sa akin
Chapter 4 AMBER POV Matapos ang nangyari sa opisina kanina ay nagdesisyon akong umuwi na lang muna. Hindi rin naman ako makakapagtrabaho nang maayos kaya nag-half day na lang ako.Habang nakahiga sa kama ay sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong paraan kami muling magkikita ni Zeus.Mugtong-mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak, pero tila may sariling isip ang aking mga luha dahil kahit anong pigil ko ay kusa pa rin iyong umaagos sa pisngi ko.Basang-basa na rin ang unan ko dahil sa walang tigil na pag-iyak.At habang binabalikan sa isip ang naging pag-uusap namin ni Zeus kanina, hindi ko maiwasang bumalik at alalahanin ang nakaraan kung paano kami nagsimula at nagtapos. *Flashback *"Ate, sasama na lang ako kay Tatay pauwi," paalam ko kay Ate Alma.Narito kasi kami sa bahay ng pinsan naming si Ate Jessa. Ikakasal kasi ito bukas at dahil probinsya ay uso ang sayawan bago ang kasal kinabukasan. "Anong sasama ka? Ngayon ka pa ba aatras narito na tayo
Chapter 5AMBER POV CONTINUATION OF FLASHBACK PAPAUWI NA kami ni Ate Alma sa bahay. Antok na antok na ako dahil halos mag-a-alas dos na ng madaling araw natapos ang sayawan. Kasama namin ngayon si Kuya John na kapatid ni Ate Jessa at ang dalawa pa naming pinsan na lalaki. Sila ang inutusan ni Tiyo Juanito na maghatid sa amin ni ate Alma. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng palihim dahil hindi ko inakala na makikita ko ulit ang lalaking nakabanggaan ko noong nakaraang araw sa palengke. At hindi ko lang ito basta nakita dahil nakausap ko rin ito nang matagal-tagal. Gusto ko na tuloy maniwala na maliit lang ang mundo. Sobrang guwapo n'ya, sobrang bango, at sobrang sarap kausap. Ilang ulit kong pinilig ang ulo ko para mawala siya sa utak ko. Hindi ako puwedeng magka-crush sa lalaking iyon. Laking Siyudad iyon kaya alam kong kaliwa't kanan ang mga babae no'n. Tapos mayaman pa, jusko do'n pa lang wala ng pag-asa. Literal na langit at lupa ang agwat ng pamumuha
Chapter 6CONTINUATION OF FLASHBACK AMBER POV PAGPASOK NA pagpasok ko sa kuwarto ko ay dali-dali kong isinara ang pintuan at saka patakbong sumampa sa kama ko. Parang hindi maihing pusa na nagpagulong-gulong ako sa aking manipis na kutson.Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko saka ako impit na tumili. Habang impit na tumitili ay muling akong nagpagulong-gulong with matching pagpadyak pa.Hindi ko kasi kinaya iyong kilig na nararamdaman ko kanina pa. Yes, kilig na kilig ako habang binabalikan sa isip ang mga nangyari. Hindi ako ilusyuda, pero hindi ko talaga mapigilan iyong kilig na nararamdaman ko.Sinong mag-aakala na ang simpleng probinsyana ay makakakuha ng atensyon ng isang guwapo at mayamang lalaki? At jusko, may pa-jacket pa siya, parang si Kuya Will lang ng Wowowin.Nang mapagod ako sa kakapadyak ay tumihaya ako sa kama habang nasa bubong ng bahay ang mga mata ko. Alas tres na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Kung kanina ay inaantok na ako, nawa
Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal
Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si
Amber's POVMULA sa bintana ng kuwarto ko ay tanaw ko ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Ze habang nag-iinuman at nagkakantahan. Yes, narito sila kanina pang tanghali. Hindi ko akalain na mamamanhikan si Ze sa akin kasama ang mga magulang nito na labis-labis kong ikinatuwa. Pormal na hiningi ni Ze ang kamay ko sa aking mga magulang. At napagkasunduan namin na isang buwan mula ngayon ang kasal namin ni Ze. Hindi puwedeng bukas na kagaya ng gusto ni Ze dahil kailangan na muna naming kumuha ng mga requirements para sa kasal namin. Na-expire na kasi ang mga kinuha namin noon kaya't panibagong kuha na naman daw. Kaya ko namang maghintay ng isang buwan pa pero si Ze ay atat na atat nang makasal kami. Iginiit pa itong sa Mayor na lang muna bago sa isang buwan ang sa Pari pero ang mga magulang namin ang nasunod na sa simbahan kami ikakasal. Mas naniniwala raw ang mga ito na mas sagrado kung sa dambana ng Panginoon magsusumpaan. Na sinang-ayon ko naman kaagad maliban kay Ze na na
Amber's Pov "Bakit?" malambing na tanong ko kay Zeus nang marinig ko itong suminghot habang nakasubsob sa tiyan ko. Matapos kasi nitong maramdaman ang galaw ni baby sa tiyan ko ay sumubsob na ito roon. "Hey, okay ka lang?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Natatawang pinunasan ko ang mukha nitong basa ng luha. Namumula na rin ang mga mata nito. "Why, hmm?" Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. "Para saan ang mga luhang 'to?" "I'm just happy," garalgal na wika nito. "Dahil?" Mataman ako nitong tiningnan. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito. "Dahil matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama ka. Isa na lang ang kulang, iyong maging San Diego ang apelyido mo, baby."Matamis ko naman itong nginitian. Inalalayan ko itong makaupo sa kama, sa tabi ko. Nakaluhod pa rin kasi ito sa lapag. "Baby.." "Mas magiging happy ka ba kapag sinabi kong puwede mo na akong pakasalan?" Sandali itong natigilan na
Amber's Pov"Baby, aalis na ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Zeus mula sa likuran ko."Aalis ka na?" tanong ko. Nakaramdam ako ng awa para rito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko kung bakit, dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkabalikan kami pero nananatiling lihim iyon sa mga magulang ko. Alam ng mga kapatid ko ang tungkol doon at suportado nila ako sa desisyon kong tanggapin ulit si Zeus sa buhay ko. "Yes, I have to go, baby." "Okay ka lang?" sa halip ay tanong ko. Hindi ako kumportable sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ngayon. Lumapit ako rito at saka tumaas ang kamay ko papunta sa mukha nito at marahang hinaplos iyon. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito at saka umiling na para bang sinasabi na huwag kong gawin iyon dahil baka makita kami ni Tatay. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa napakalambing na boses. Tila nawalan na ako ng pakialam na baka makita kami ni Tatay. Miss na miss ko na kasi ito at hindi
Amber's Pov"Ate!" Bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Ano iyan, ha?" "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko kay Aldrin. Hinarap ko ito at nakita kong ngising-ngisi ang mukha nito habang nakatingin sa tapperware na hawak ko. Pasimple kasi akong kumukuha ng nilutong tinola ni Nanay para ibigay kay Zeus. May sakit pa rin kasi ito nang iwanan ko kanina at gusto ko siyang pakainin ng may sabaw. Tamang-tama dahil may tinola si Nanay pag-uwi ko galing sa bahay niya. "Oy, si Ate, nag-aalaga ng may sakit? Kumusta naman ba? Gumaling naman ba o lalong uminit?" tudyo nito. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo!" sikmat ko rito. Tumawa lang naman ito. "Nalagyan na ba ng buntot iyang anak n'yo?" tumatawang sabi pa nito. "Anong buntot? Tao ang anak ko hindi kung ano.""Oh, sige baguhin natin, nalagyan n'yo na ba ng ngipin iyang anak n'yo? Naks, ibang klase din iyang si San Diego eh. Paawa talaga ang gago, ito namang Ate ko marupok ng
Amber's PovNAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko na may masusuyong haplos sa hanggang balikat kong buhok.Nagmulat ako ng mga mata at saka nagtaas ng tingin. "Z-Zeus!" gulat na bulalas ko.Nagtaka ako nang ito ang mamulatan ko ngunit agad ko ring naalala kung bakit ako narito sa tabi nito."G-Gising k-ka na pala," nauutal kong sabi. Tinangka kong bumangon para makaalis sa pagkakadapa sa katawan nito. Doon na pala ako nakatulog sa ibabaw nito dahil nanginginig ito sa ginaw kagabi. Kagabi ko na-realized na hindi ko pala ito kayang pabayaan na makita sa gano'ng sitwasyon. "Baby..." bulong nito at lalong humigpit ang yakap sa akin. "I miss you." "Bitiwan mo ako," kulang sa diin na utos ko."No! Please, no!" Humigpit lang lalo ang yakap ng mga braso nito sa beywang ko. "Giniginaw pa ako, Baby, please? I need you," pakiusap nito."Z-Zeus, ano ba?" natatarantang sabi ko nang halikan nito ang noo ko. "Pakawalan mo na ako, ano ba?" "Ayaw ko. Dito ka lang, baby. Kailangan ko pa ang init ng
Amber's PovMagaan ang dibdib na ibaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko kung saan ako nakaupo. Matutulog na sana ako kanina nang tumawag si Ma'am Jacky. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang naging pag-uusap namin ni Ma'am Jacky. Yes, si Ma'am Jacky. Simula kasi ng pumunta siya rito sa bahay ay hindi siya tumigil sa kakatawag sa akin para mangumusta. Para kumustahin ang lagay namin ni baby. Paulit-ulit nitong sinasabi na huwag kong iisipin na ginagawa nito iyon dahil utos ni Zeus. Nilinaw nitong walang kinalaman si Zeus sa ginagawa nito, iginigiit nitong gusto niyang gawin iyon para sa aming mag-ina at gusto niya talagang bumawi.Sa paglipas ng mga araw ay tuluyang naantig ang puso ko kaya't ngayon nga ay tuluyan ko ng ibinigay ang kapatawaran na hinihiling nito sa akin.Aaminin kong sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang nawala iyong bigat sa dibdib ko na araw-araw kong dala-dala sa loob ng mahigit apat na taon.Sumandal ako sa headboard ng kama ko at saka in
Amber's Pov"Hingang malalim," paalala ni Ate Alma habang nakaalalay sa akin.Sumunod naman ako rito. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago tumuloy sa aming kubo. Mabagal akong naglakad. Muling nanginig ang mga kamay ko nang makita ko si Ma'am Jacky. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak nang magtama ang mga mata namin. Mabilis itong tumayo nang makita ako. Mababanaag sa mga mata nito ang samot-saring emosyon habang mabagal na humakbang pasalubong sa akin. Huminto ito ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. "Amber, Hija.." nanginginig na sabi nito sa mahinang boses. "Amber, pumasok ka sa loob!" Nabigla ako nang lumapit si Tatay at hawakan ako sa braso. "Pumasok ka sa loob!" utos nito. "Jun, pabayaan mo siya," awat ni Nanay rito. "Margi--" "Pabayaan mo si Amber, nag-usap na tayo, hindi ba?" putol ni Nanay sa sasabihin ni Tatay. Isang mabigat na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Tatay bago tumingin sa akin nang mataman. "Tatay..""Nasa loob lang kami ng bahay