Home / Romance / Bakit Ikaw Pa Rin? / Chapter 3 BIPR

Share

Chapter 3 BIPR

Author: GirlonFire28
last update Last Updated: 2022-04-30 10:37:19

AMBER POV

DUMATING ANG oras ng uwian pero naiwan akong mag-isa sa opisina.  

Nang makaramdam ng ihiin ay saka lang ako tumayo para pumunta sa banyo. Naginhawahan ako nang makatapos umihi. Gumaan ang pantog ko.

Nag-iinat na naglakad ako pabalik sa mesa ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa wall clock at gano'n na lang ang panlalaki ang aking mata ng makita ko kung anong oras na.

Ala-una y medya?

"Shit, anong sasakyan ko pauwi nito? Madaling araw na pala!"

Nanlulumong napaupo ako sa upuan ko at saka sumubsob sa mesa.

Ang dami ko pang uulitin, tapos iisipin ko pa ang sasakyan ko pauwi.

Haist kapag minamalas ka nga naman.

Wala na akong nagawa kun'di ang tapusin ang trabaho ko. Bahala na nga.

Nang matapos ako ay doon pa lang ako tila nakahinga nang maluwag pero agad ding nawala nang makita kong alas kuwatro na ng umaga.

Hilong-hilo na ako sa sobrang puyat kaya naman sa halip na umuwi ay naisipan kong umidlip na lang muna.

Parang hindi pa natatagalan ang idlip ko nang may gumising sa akin.

Ang fresh na fresh na awra ni Agnes ang sumalubong sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Tumaas naman ang plakadong kilay nito. "Malamang magtatrabaho. Ikaw ang dapat kong tanungin kung anong ginagawa mo rito?"

"Anong oras na ba?" balik tanong ko.

"Alas nuebe na."

"Alas nuebe?!" gulat na bulalas ko.

"Oo! Kaya bakit ganiyan pa rin ang suot mo? Don't tell me, hindi ka umuwi?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Mismo," nanlulumong kong sabi.

"Bakit? Gusto mong magkasakit sa ginaga---" Sabay kaming napatingin sa telepono sa ibabaw ng mesa ko nang tumunog iyon.

"Sagutin mo," untag nito sa akin.

"Ikaw na, please," pakiusap ko.

"Ikaw na, bilisan mo na at baka emergency iyan," tanggi nito.

Wala naman akong nagawa kun'di ang inaangat iyon at nilagay sa tapat ng tainga ko.

"Good morni---"

"Come to my office, now!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ng taong nasa kabilang linya.

"Did you hear me? I said, come to my office, now!" ulit na sigaw nito sa kabilang linya.

Halos maalog na ang utak ko sa lakas ng boses nito.

"Y-Yes, S-Sir," nauutal na sabi ko.

"Faster! Don't waste my time!"

"O-Opo."

Malakas nitong ibinalibag ang pagbababa ng telepono kaya naman mariin akong napapikit dahil sa sakit ng tainga ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka nilikom ang mga papeles, pagkuwa'y tumayo na ako. Pero agad din akong napabalik sa pagkakaupo dahil bigla akong nakaramdam ng hilo.

Hinilot-hilot ko muna ang ulo ko bago muling tumayo.

"Okay ka lang ba, Amber?" biglang sabi ni Agnes. Sinundan pala ako nito palabas ng pinto.

"Ayos lang, Agnes. Salamat," sabi ko.

Mukhang hindi naman ito kumbinsido dahil mataman ako nitong tiningnan.

"Sige na, pumunta ka na ro'n, mamaya na tayo mag-usap," anito at inalalayan akong makapasok sa elevator.

Habang nasa elevator ay kipkip ko ang folder na malamang ay gustong makuha ni Sir Zeus.

Medyo nahihilo pa ako pero keri lang. Unang araw pa lang ito pero pakiramdam ko mauutas na ako nang maaga. Correction hindi pala unang araw dahil pangalawa na pala.

Kumatok ako sa nakasaradong pinto ng office nito.

"Come in," boses ni Ma'am Celeste.

Mabagal kong itinulak ang pinto pabukas. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Ma'am Celeste.

"Pumasok ka na sa office ni Sir Zeus," anito.

"Salamat po, Ma'am," pasalamat ko naman sa mabait na secretary.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang ginawa ko bago kumatok ng dalawang beses.

Nang walang nagsalita ay kusa ko ng binuksan ang pintuan.

Nakita kong nakatayo si Sir Zeus malapit sa may bintana habang nasa bulsa ng pantalon ang isang kamay.

"Good morning po, Sir Zeus," bati ko. Pinilit kong ipanatag ang sarili ko.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagkunot ng noo nito nang mapatingin sa akin.

"What are you wearing?" hindi nakatiis na tanong nito. Nakakainsultong sinuyod pa ako nito nang tingin mula ulo hanggang paa.

Gusto kong manliit sa paraan ng pagkakatingin nito sa akin. Para akong basahan sa paraan ng pagkakatingin nito.

"Pumasok ka sa kumpanya ko na iyan pa rin ang suot mo? Ubos na ba ang milyones na nakuha mo?"

Mangha akong napatingin dito. "Ano pong ibig n'yong sabihin na milyones?"

"Still acting like a naive child, huh? Stop acting like you can fool me for the second time, Ms. Agustin."

Lalo akong naguluhan sa pasaring nito. Pero dahil nahihilo na talaga ako wala na akong panahon para makinig sa mga pang-iinsulto nito.

Lumapit ako rito at iniabot ang hawak kong folder. Hindi naman nito kinuha iyon bagkus ay tinitigan lang ako.

"Heto na po ang kailangan n'yo, Sir."

"Did I tell you I needed it now? I said I need it yesterday, yesterday not now! Do you think I'm kidding when I say I'm evaluating you?"

Napailing na lang ako dahil sa lakas ng boses nito. Para akong bingi kung makasigaw ito.

"What? You're not going to say anything?" tanong nito nang hindi ako sumagot.

"I'm sorry po, sinubukan kong matapos kahapon pero hindi ko po kinaya. Mas'yado pong marami ang pinapaulit ninyo sa akin. As you can see po, hindi pa ako nakakauwi sa bahay kaya ganito pa rin ang suot ko." Hindi ko na napigilan ang mangatwiran.

Hilong-hilo na ako sa puyat tapos makakarinig pa ako ng insulto mula rito.

"Are you blaming me because you're still wearing the same clothes?" hindi makapaniwala nitong tanong. Tumawa pa ito nang bahagya at saka muling nagsalita. "Is it my fault that you aren't doing your job well enough? If you don't know how to do your job, then quit! Stop wasting my money on your salary when your work isn't worth it!"

Hindi ko alam kung paano lulunukin ang mga sinasabi nito sa akin. Pero dahil hindi ako pinalaking duwag ng mga magulang ko kaya hindi ako basta-basta mapapasuko ng mga panlalait n'ya.

Taas noo akong tumingin kay Sir Zeus.

"Ginagawa ko po nang maayos ang trabaho ko, Sir! Hindi ko po kasalanan na lahat ng trabaho ko hinahanap mo ng butas."

"Hindi ko ipapabago sa'yo ang gawa mo kung maayos mong nagawa! At anong gusto mong palabasin ngayon, na pini-personal kita?" manghang tanong nito.

"Bakit, hindi ba?" lakas-loob na balik tanong ko rito.

Pagak itong tumawa at saka humakbang palapit sa akin. "Who do you think you are?"

Hindi naman ako nakakibo sa tanong nito. Oo nga naman, sino nga ba naman ako, hamak na tauhan lang nito. Tauhan na kayang-kaya nitong hamak-hamakin.

Sinupil ko ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Mapait akong napangiti at sinalubong ang mga mata nito. "Tapos na po ba?"

"How long have you been here?" sa halip ay tanong nito.

"Two months."

"Two months? And you still don't know how to do your job. Do you believe you deserve this job?"

Hindi ako sumagot, mataman lang akong nakatingin dito. Ibang-iba ang Zeus na nasa harap ko ngayon kaysa noon.

"Ms. Agustin!" pikang untag nito.

"Manang-mana ka sa Nanay mong matapobre, tangina mo!" bulong ko. Hindi ko na napigilan ang pag-alsa ng inis at panggigigil para rito.

"What did you just say?"

"Ha?"

"Tinatanong kita kung ano ang binubulong mo?" mariin nitong tanong.

"Ang sabi ko po kung tapos na kayong lait-laitin ako, kasi kung oo, maaari na po akong bumalik sa trabaho ko?"

"Hindi iyon ang narinig ko."

"Iyon po ang sinabi ko," sagot ko bago lumayo rito. Ipinatong ko sa mesa nito ang folder at saka naglakad palabas ng opisina nito.

Ngunit nasa pintuan pa lang ako ng tawagin nito ang pangalan ko.

Hindi ko ito pinansin. Nagbingi-bingihan na lang ako.

Binuksan ko na ang pinto, tangka akong lalabas ng may kamay na humaklit sa kaliwang braso ko.

"Where do you think you're going?" mayabang na tanong nito at pinihit ako paharap dito.

"Babalik na po ako sa opisina."

"Sinabi ko bang umalis ka na?"

"Wala naman na po kayong kailangan sa akin, hindi ba? Baka masayang ang perang ipapasuweldo ninyo sa akin."

"Are you---" Naputol ang anumang sasabihin nito ng hilahin ko ang aking braso mula sa pagkakahawak nito.

"Excuse me. Babalik na po ako sa trabaho ko." Iyon lang at nilayasan ko na ito.

Narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin.

Tuloy-tuloy lang akong nilisan ang opisina nito.

Comments (13)
goodnovel comment avatar
Jeckk Tan
Ayyy ang mommy mo Ze ang sumira sa inyong dlawa ni amber..
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
kaya pala galit si Zeus Kay Amber baka may kinalaman Ang nanay niya
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
ang gnda ng takbo ng story......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 4 BIPR

    Chapter 4 AMBER POV Matapos ang nangyari sa opisina kanina ay nagdesisyon akong umuwi na lang muna. Hindi rin naman ako makakapagtrabaho nang maayos kaya nag-half day na lang ako.Habang nakahiga sa kama ay sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong paraan kami muling magkikita ni Zeus.Mugtong-mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak, pero tila may sariling isip ang aking mga luha dahil kahit anong pigil ko ay kusa pa rin iyong umaagos sa pisngi ko.Basang-basa na rin ang unan ko dahil sa walang tigil na pag-iyak.At habang binabalikan sa isip ang naging pag-uusap namin ni Zeus kanina, hindi ko maiwasang bumalik at alalahanin ang nakaraan kung paano kami nagsimula at nagtapos. *Flashback *"Ate, sasama na lang ako kay Tatay pauwi," paalam ko kay Ate Alma.Narito kasi kami sa bahay ng pinsan naming si Ate Jessa. Ikakasal kasi ito bukas at dahil probinsya ay uso ang sayawan bago ang kasal kinabukasan. "Anong sasama ka? Ngayon ka pa ba aatras narito na tayo

    Last Updated : 2022-05-14
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 5 BIPR

    Chapter 5AMBER POV CONTINUATION OF FLASHBACK PAPAUWI NA kami ni Ate Alma sa bahay. Antok na antok na ako dahil halos mag-a-alas dos na ng madaling araw natapos ang sayawan. Kasama namin ngayon si Kuya John na kapatid ni Ate Jessa at ang dalawa pa naming pinsan na lalaki. Sila ang inutusan ni Tiyo Juanito na maghatid sa amin ni ate Alma. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng palihim dahil hindi ko inakala na makikita ko ulit ang lalaking nakabanggaan ko noong nakaraang araw sa palengke. At hindi ko lang ito basta nakita dahil nakausap ko rin ito nang matagal-tagal. Gusto ko na tuloy maniwala na maliit lang ang mundo. Sobrang guwapo n'ya, sobrang bango, at sobrang sarap kausap. Ilang ulit kong pinilig ang ulo ko para mawala siya sa utak ko. Hindi ako puwedeng magka-crush sa lalaking iyon. Laking Siyudad iyon kaya alam kong kaliwa't kanan ang mga babae no'n. Tapos mayaman pa, jusko do'n pa lang wala ng pag-asa. Literal na langit at lupa ang agwat ng pamumuha

    Last Updated : 2022-05-16
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 6 BIPR

    Chapter 6CONTINUATION OF FLASHBACK AMBER POV PAGPASOK NA pagpasok ko sa kuwarto ko ay dali-dali kong isinara ang pintuan at saka patakbong sumampa sa kama ko. Parang hindi maihing pusa na nagpagulong-gulong ako sa aking manipis na kutson.Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko saka ako impit na tumili. Habang impit na tumitili ay muling akong nagpagulong-gulong with matching pagpadyak pa.Hindi ko kasi kinaya iyong kilig na nararamdaman ko kanina pa. Yes, kilig na kilig ako habang binabalikan sa isip ang mga nangyari. Hindi ako ilusyuda, pero hindi ko talaga mapigilan iyong kilig na nararamdaman ko.Sinong mag-aakala na ang simpleng probinsyana ay makakakuha ng atensyon ng isang guwapo at mayamang lalaki? At jusko, may pa-jacket pa siya, parang si Kuya Will lang ng Wowowin.Nang mapagod ako sa kakapadyak ay tumihaya ako sa kama habang nasa bubong ng bahay ang mga mata ko. Alas tres na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Kung kanina ay inaantok na ako, nawa

    Last Updated : 2022-05-17
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 7 BIPR

    Chapter 7 BIPRAMBER POVIsang linggo na ang nakakaraan matapos ang kasal ni Ate Jessa. Isang linggo na rin simula nang makilala ko si Zeus. At simula no'n ay hindi ko na ito muling nakita pa, at iyong sabing liligawan ako malamang sa malamang echos lang iyon ng hambog na iyon.Medyo may kurot kasi pinakilig na niya ako ng kaunti, kaunti lang naman kayo minor kurot lang. Medyo crush ko kasi siya, pero ayos lang kasi alam kong hindi naman kami bagay. At siyempre kahit may panghihinayang sa puso ko, tuloy na tuloy pa rin ang buhay."Ano bang iniisip mo, Amber?" Bahagya pa akong napapitlag sa biglang pagsasalita ni Nanay sa tabi ko."H-Ho?""Ano kako ang iniisip mo at parang lumilipad iyang utak mo?" nakasimangot na turan nito."Iniisip ko kasi kung kailangan ako tatangkad," pagbibiro ko naman na ikinatawa nito.Nasa Palengke kasi kami dahil may puwesto kami rito at tinutulungan kong magtinda si Nanay."Anak, bente-uno ka na, hanggang ngayon ba umaasa ka pa?" tudyo nito."'Nay naman, hi

    Last Updated : 2022-05-21
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 8 BIPR

    AMBER POV"Amber?"Mula sa pagtitipa sa keyboard ng laptop ay nag-angat ako ng tingin. "Bakit po, Ma'am?" tanong ko sa kasamahan ko na mas mataas sa akin.Nagtatrabaho na kasi ako bilang secretary dito sa kapitolyo ng Tagaytay. Si Ate Alma ang tumulong sa akin para makapasok dito. Isang linggo pa lang mula nang magsimula ako rito. "Sorry ha, pero may naghahanap sa'yo sa labas eh.""Sa akin po?""Yes, sa'yo. A certain Zeus San Diego is outside and he wishes to see you."Napatuwid naman ako ng upo dahil sa sinabi ni Ma'am Sally. Nandito si Zeus?Ngayon ay alam ko na kung bakit parang kinikilig si Ma'am Sally. Malamang nakita nito si Zeus at ngayon ay kinikilig na ito."Should I send him in?""Hala, Ma'am huwag na po. Lalabas na lang po ako, oras pa po kasi ng trabaho ko eh." Pigil ko kay Ma'am Sally, nakakahiya naman kasi dahil nasa trabaho pa ako."Oh, sure, malapit na rin naman ang uwian kaya hindi na siya maghihintay ng matagal. By the way, I'm happy for you, mukhang malaki ang pagk

    Last Updated : 2022-05-22
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 9 BIPR

    AMBER POV"Mukhang seryoso talaga ang isang iyan, ah," sabi ni Ate Alma sa tabi ko.Nakasilip kasi kami sa bintana ng bahay namin habang tinitingnan si Zeus na nakikigulo sa mga pinsan at Tiyuhin namin na nag-iinuman.Halos dalawang oras na itong nakikigulo sa pamilya ko. Nangingibabaw ang tawa nito sa inuman, mukhang bentang-benta rito ang mga padali ng mga pinsan ko."Gusto mo na rin ba siya?" Rinig kong tanong ni Ate Alma sa tabi ko."Hindi ko alam, natatakot ako, Ate," sagot ko habang nakatutok pa rin kay Zeus ang mga mata ko.Hindi ko kasi mapaniwalaan na tototohanin nitong ligawan ako. It's been two months nang magsimula siyang manligaw. At aaminin kong may pagkakataon na natutukso akong sagutin na ito.Ngunit sa tuwing gagawin ko iyon ay biglang papasok sa isip ko na hindi kami bagay. Na hindi ako nababagay para sa isang kagaya nitong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig."Ambs," untag ni Ate. Lumingon naman ako rito. "Mahal mo na siya, hindi ba?"Nahihiya man ay nagawa

    Last Updated : 2022-05-22
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 10 BIPR

    PRESENT TIMEAMBER POV KINABUKASAN ay pumasok pa rin ako at nagpanggap na tila walang nangyari. Matapos kong sariwain ang mga magagandang nangyari sa amin ni Zeus noon ay bigla akong umasa, umasa na baka kahit papaano may bahid pa rin ng dating Zeus sa pagkatao nito. Ngunit unti-unting nawala ang munting pag-asa sa puso ko dahil makalipas ang isang linggo ay wala pa rin itong ipinagbago. Mas lalong naging mainit ang dugo nito sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa lalaking iyon dahil napakasama na nang ugali nito. Na dati naman ay sobrang bait at hindi mapanghusga. Pero ngayon, kulang na lang ay singhalan at lait-laitin ako nito sa tuwing magkikita kami sa opisina.Naisip ko na nga na mag-resign na lang para matapos na pero hindi ko puwedeng gawin dahil dalawang araw nang pabalik-balik ng hospital si Nanay. Lagi raw kasi itong nahihilo at sumasakit ang tiyan sabi ni Aldrin, ang bunso kong kapatid. At para hindi na ako mas'yadong masaktan sa kung paano ako itrato ni Zeus ay

    Last Updated : 2022-05-26
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 11 BIPR

    AMBER POV "Anong nangyari, Ambs?" tanong ni Agnes sa akin. Hindi naman ako nag-angat ng tingin, nanatili akong nakatungo sa ginagawa ko. Ayaw ko rin naman na makita n'ya na halos magang-maga ang mga mata ko sa kakaiyak kanina. "Amber, anong nangyari?!" galit na ulit nito. Wala akong nagawa nang hawakan nito ang panga ko at itaas ang mukha ko. "Amber---" "Wala," paiwas na sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. "Amber nakarating sa akin ang nangyari rito kanina! Usap-usapan ang ginawang pamamahiya ni Sir Zeus sa 'yo! Ano ba talagang problema at gano'n s'ya ka-harsh sa 'yo?" "Bumalik ka na sa trabaho mo, Agnes, baka madamay ka pa." Nagulat ako nang malakas nitong pukpukin ang ibabaw ng mesa ko. Mabilis akong napa-angat ng tingin dito. At nakita kong salubong na salubong ang mga kilay nito. "Agnes, sige na bumalik ka na sa trabaho mo. Mamaya na tayo mag-usap baka madamay---" "Wala akong pakialam! Kung gusto n'ya akong idamay so be it! Pero gusto kong malaman kun

    Last Updated : 2022-05-26

Latest chapter

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Finale BIPR

    Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 67 BIPR

    Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 66 BIPR

    Amber's POVMULA sa bintana ng kuwarto ko ay tanaw ko ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Ze habang nag-iinuman at nagkakantahan. Yes, narito sila kanina pang tanghali. Hindi ko akalain na mamamanhikan si Ze sa akin kasama ang mga magulang nito na labis-labis kong ikinatuwa. Pormal na hiningi ni Ze ang kamay ko sa aking mga magulang. At napagkasunduan namin na isang buwan mula ngayon ang kasal namin ni Ze. Hindi puwedeng bukas na kagaya ng gusto ni Ze dahil kailangan na muna naming kumuha ng mga requirements para sa kasal namin. Na-expire na kasi ang mga kinuha namin noon kaya't panibagong kuha na naman daw. Kaya ko namang maghintay ng isang buwan pa pero si Ze ay atat na atat nang makasal kami. Iginiit pa itong sa Mayor na lang muna bago sa isang buwan ang sa Pari pero ang mga magulang namin ang nasunod na sa simbahan kami ikakasal. Mas naniniwala raw ang mga ito na mas sagrado kung sa dambana ng Panginoon magsusumpaan. Na sinang-ayon ko naman kaagad maliban kay Ze na na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 65 BIPR

    Amber's Pov "Bakit?" malambing na tanong ko kay Zeus nang marinig ko itong suminghot habang nakasubsob sa tiyan ko. Matapos kasi nitong maramdaman ang galaw ni baby sa tiyan ko ay sumubsob na ito roon. "Hey, okay ka lang?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Natatawang pinunasan ko ang mukha nitong basa ng luha. Namumula na rin ang mga mata nito. "Why, hmm?" Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. "Para saan ang mga luhang 'to?" "I'm just happy," garalgal na wika nito. "Dahil?" Mataman ako nitong tiningnan. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito. "Dahil matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama ka. Isa na lang ang kulang, iyong maging San Diego ang apelyido mo, baby."Matamis ko naman itong nginitian. Inalalayan ko itong makaupo sa kama, sa tabi ko. Nakaluhod pa rin kasi ito sa lapag. "Baby.." "Mas magiging happy ka ba kapag sinabi kong puwede mo na akong pakasalan?" Sandali itong natigilan na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 64 BIPR

    Amber's Pov"Baby, aalis na ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Zeus mula sa likuran ko."Aalis ka na?" tanong ko. Nakaramdam ako ng awa para rito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko kung bakit, dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkabalikan kami pero nananatiling lihim iyon sa mga magulang ko. Alam ng mga kapatid ko ang tungkol doon at suportado nila ako sa desisyon kong tanggapin ulit si Zeus sa buhay ko. "Yes, I have to go, baby." "Okay ka lang?" sa halip ay tanong ko. Hindi ako kumportable sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ngayon. Lumapit ako rito at saka tumaas ang kamay ko papunta sa mukha nito at marahang hinaplos iyon. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito at saka umiling na para bang sinasabi na huwag kong gawin iyon dahil baka makita kami ni Tatay. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa napakalambing na boses. Tila nawalan na ako ng pakialam na baka makita kami ni Tatay. Miss na miss ko na kasi ito at hindi

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 63 BIPR

    Amber's Pov"Ate!" Bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Ano iyan, ha?" "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko kay Aldrin. Hinarap ko ito at nakita kong ngising-ngisi ang mukha nito habang nakatingin sa tapperware na hawak ko. Pasimple kasi akong kumukuha ng nilutong tinola ni Nanay para ibigay kay Zeus. May sakit pa rin kasi ito nang iwanan ko kanina at gusto ko siyang pakainin ng may sabaw. Tamang-tama dahil may tinola si Nanay pag-uwi ko galing sa bahay niya. "Oy, si Ate, nag-aalaga ng may sakit? Kumusta naman ba? Gumaling naman ba o lalong uminit?" tudyo nito. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo!" sikmat ko rito. Tumawa lang naman ito. "Nalagyan na ba ng buntot iyang anak n'yo?" tumatawang sabi pa nito. "Anong buntot? Tao ang anak ko hindi kung ano.""Oh, sige baguhin natin, nalagyan n'yo na ba ng ngipin iyang anak n'yo? Naks, ibang klase din iyang si San Diego eh. Paawa talaga ang gago, ito namang Ate ko marupok ng

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 62 BIPR

    Amber's PovNAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko na may masusuyong haplos sa hanggang balikat kong buhok.Nagmulat ako ng mga mata at saka nagtaas ng tingin. "Z-Zeus!" gulat na bulalas ko.Nagtaka ako nang ito ang mamulatan ko ngunit agad ko ring naalala kung bakit ako narito sa tabi nito."G-Gising k-ka na pala," nauutal kong sabi. Tinangka kong bumangon para makaalis sa pagkakadapa sa katawan nito. Doon na pala ako nakatulog sa ibabaw nito dahil nanginginig ito sa ginaw kagabi. Kagabi ko na-realized na hindi ko pala ito kayang pabayaan na makita sa gano'ng sitwasyon. "Baby..." bulong nito at lalong humigpit ang yakap sa akin. "I miss you." "Bitiwan mo ako," kulang sa diin na utos ko."No! Please, no!" Humigpit lang lalo ang yakap ng mga braso nito sa beywang ko. "Giniginaw pa ako, Baby, please? I need you," pakiusap nito."Z-Zeus, ano ba?" natatarantang sabi ko nang halikan nito ang noo ko. "Pakawalan mo na ako, ano ba?" "Ayaw ko. Dito ka lang, baby. Kailangan ko pa ang init ng

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 61 BIPR

    Amber's PovMagaan ang dibdib na ibaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko kung saan ako nakaupo. Matutulog na sana ako kanina nang tumawag si Ma'am Jacky. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang naging pag-uusap namin ni Ma'am Jacky. Yes, si Ma'am Jacky. Simula kasi ng pumunta siya rito sa bahay ay hindi siya tumigil sa kakatawag sa akin para mangumusta. Para kumustahin ang lagay namin ni baby. Paulit-ulit nitong sinasabi na huwag kong iisipin na ginagawa nito iyon dahil utos ni Zeus. Nilinaw nitong walang kinalaman si Zeus sa ginagawa nito, iginigiit nitong gusto niyang gawin iyon para sa aming mag-ina at gusto niya talagang bumawi.Sa paglipas ng mga araw ay tuluyang naantig ang puso ko kaya't ngayon nga ay tuluyan ko ng ibinigay ang kapatawaran na hinihiling nito sa akin.Aaminin kong sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang nawala iyong bigat sa dibdib ko na araw-araw kong dala-dala sa loob ng mahigit apat na taon.Sumandal ako sa headboard ng kama ko at saka in

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 60 BIPR

    Amber's Pov"Hingang malalim," paalala ni Ate Alma habang nakaalalay sa akin.Sumunod naman ako rito. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago tumuloy sa aming kubo. Mabagal akong naglakad. Muling nanginig ang mga kamay ko nang makita ko si Ma'am Jacky. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak nang magtama ang mga mata namin. Mabilis itong tumayo nang makita ako. Mababanaag sa mga mata nito ang samot-saring emosyon habang mabagal na humakbang pasalubong sa akin. Huminto ito ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. "Amber, Hija.." nanginginig na sabi nito sa mahinang boses. "Amber, pumasok ka sa loob!" Nabigla ako nang lumapit si Tatay at hawakan ako sa braso. "Pumasok ka sa loob!" utos nito. "Jun, pabayaan mo siya," awat ni Nanay rito. "Margi--" "Pabayaan mo si Amber, nag-usap na tayo, hindi ba?" putol ni Nanay sa sasabihin ni Tatay. Isang mabigat na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Tatay bago tumingin sa akin nang mataman. "Tatay..""Nasa loob lang kami ng bahay

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status