Home / Romance / Bakit Ikaw Pa Rin? / Chapter 4 BIPR

Share

Chapter 4 BIPR

Author: GirlonFire28
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 4

AMBER POV

Matapos ang nangyari sa opisina kanina ay nagdesisyon akong umuwi na lang muna. Hindi rin naman ako makakapagtrabaho nang maayos kaya nag-half day na lang ako.

Habang nakahiga sa kama ay sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong paraan kami muling magkikita ni Zeus.

Mugtong-mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak, pero tila may sariling isip ang aking mga luha dahil kahit anong pigil ko ay kusa pa rin iyong umaagos sa pisngi ko.

Basang-basa na rin ang unan ko dahil sa walang tigil na pag-iyak.

At habang binabalikan sa isip ang naging pag-uusap namin ni Zeus kanina, hindi ko maiwasang bumalik at alalahanin ang nakaraan kung paano kami nagsimula at nagtapos.

*Flashback *

"Ate, sasama na lang ako kay Tatay pauwi," paalam ko kay Ate Alma.

Narito kasi kami sa bahay ng pinsan naming si Ate Jessa. Ikakasal kasi ito bukas at dahil probinsya ay uso ang sayawan bago ang kasal kinabukasan.

"Anong sasama ka? Ngayon ka pa ba aatras narito na tayo oh," sagot nito sa akin.

Mahilig kasi sa sayawan si Ate Alma kaya pati ako ay dinadamay nito. Hindi kasi papayag ang mga magulang namin kapag hindi ako kasama.

"Ate, sige na pumayag ka nang sumama ako kay Tatay. May maghahatid naman sa'yo mamaya eh," pangungumbinsi ko pa.

Napasimangot naman ako nang ilang ulit itong umiling.

"Halika ka na, tinatawag na tayo ni Ate Jessa eh," sa halip ay sabi nito at iginaya ako papasok sa loob ng bahay.

Maraming tao kaya naman sobrang naiilang ako, idagdag pang halos hindi na ako makahinga sa dress na suot ko.

Isang black fitted dress ang suot ko na halos hindi man lang umabot hanggang sa tuhod ko. Si Ate Jessa ang nagpumilit na ito raw ang isuot ko. Na tenernohan ng isang 2 inches heels ni Ate Alma.

Habang naglalakad papasok sa loob ng bahay ni Ate Jessa ay kapit na kapit ako sa braso ng kapatid ko.

Ramdam ko kasi iyong mga matang nakatutok sa amin ni Ate. Kanina pa ako nakakaramdam ng pagkailang dahil batid kong maraming mga mata ang nakahabol sa amin.

Hanggang sa makapasok kami sa sala nila Ate Jessa ay ramdam ko pa rin na may mga matang nakamasid sa amin. Hindi ko alam, pero naging mas uncomfortable ako dahil sa pakiramdam na iyon.

Para bang nanunuot sa kaluluwa ko ang pakiramdam na iyon.

Nang makita kami ni Ate Jessa ay agad itong lumapit sa amin. Bakas ang tuwa sa mukha nito nang makita ako, at alam kong dahil iyon sa suot ko. Kikay kasi si Ate Jessa at trip nitong pagbihisin ako ng mga sexy na kasuotan.

"You look great, Amber. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa damit na iyan," walang prenong sabi nito nang makalapit sa amin ni Ate Alma.

Beneso kami nito at sinipat-sipat pa akong lalo. Nanggigigil na pinisil nito ang pisngi ko.

"Ang ganda-ganda mo talaga, manang-mana ka sa akin,"anito at humagikhik pa. Sabay naman kaming natawa ni Ate Alma sa sinabi nito. "Ikaw rin Alma, feeling ko tuloy ako ang Ate n'yo, tingnan ninyo halos iisa ang ganda natin," dugtong pa nito.

"Siyempre nasa lahi natin iyan, Agustin tayo eh," sagot naman ni Ate Alma.

Lalo namang lumawak ang pagkakangiti ni Ate Jessa. "Yes, lahi na natin iyan, kaso bukas hindi na ako Agustin," anito at nagkunwaring naiiyak na. Kung anu-anong kadramahan ang sinabi nito habang kami ni Ate Alma ay tatawa-tawa lang sa tabi nito.

Ganito kaming tatlo, kapag magkakasama ay talaga namang kagulo na sa sobrang kakulitan, lalo na si Ate Jessa.

Nang matapos na ito sa kadramahan nito ay niyaya na kami nito palabas ng bulwagan kung saan magaganap ang sayawan. Naglalakad na kami nang muli itong bumulong sa amin ni Ate Alma.

"Maraming kasamang guwapo ang Kuya Jeff ninyo, mamaya ipapakilala ko kayo sa kanila nasa kitchen pa sila eh. Doon sila kumakain, kanina lang kasi sila dumating galing Manila," sabi nito. Napapagitnaan namin ito ng kapatid ko.

"Ay talaga ba? Naku parang excited na ako diyan Ate Jessa," sagot naman ng kapatid ko.

Ngumiti lang naman ito kay Ate at saka ako naman ang binalingan. "Ikaw Amber, excited ka na rin ba?" tanong nito sabay kindat.

Nagkibit-balikat lang naman ako dahil hindi ako interesado. Sa pagpunta na nga lang dito hindi ako interesado, sa mga lalaking iyon pa kaya.

Nang tuluyan na kaming paupuin ni Ate Jessa sa bangko ay lalo akong nakaramdam ng pagkailang. Naroon pa rin kasi ang pakiramdam na may mga matang nakamasid sa akin. Sinubukan kong tumingin sa paligid pero kahit ilang ulit kong ginawa ay wala akong nakita na kakaiba.

Natigil lang ako sa kakalingon nang bahagya akong sikuhin ni Ate sa tagiliran ko.

"Anong hinahanap mo?" bulong nito sa akin.

"Para kasing may nakatingin sa atin eh, hindi ako kumportable, Ate," sagot ko rito.

Natawa naman ito nang bahagya sa sinabi ko at pabirong pinisil ang pisngi ko dahilan para mapangiwi ako.

"Ang cute mo talaga, Amber, malamang may nakatingin sa atin ang dami kayang tao rito."

"Hindi, basta parang may iba, kanina ko pa nararamdaman eh."

Ngumiti naman ito. "Huwag mo na lang pansinin, baka may nagagandahan lang sa'yo rito."

Hindi naman na ako sumagot bagkus ay pinilit ko na lang na balewalain ang kakaibang pakiramdam na iyon.

Hanggang sa magsimula na ang sayawan at palaging kami ni Ate Alma ang nauunang maisayaw ng mga kabinataan.

Katatapos lang ng tugtog nang magsalita ang Kapitan ng Barangay dito sa lugar nila Ate Jessa. Sabay-sabay kaming napatingin sa puwesto nito at nakita kong katabi nito si Kuya Jeff, na ngayon ay malawak ang pagkakangiti habang kausap si Kapitan.

"Okay, ang susunod pong kanta ay request ng ating guwapong-guwapong groom. At ang kantang ito raw ay para sa kaniyang mga groomsmen na nahihiyang makisali sa ating kasiyahan. Hindi raw sanay sa ganitong kasiyahan ang mga binata n'ya, kaya gusto ng ating groom na maranasan nila ang ganitong sayawan. At sa mga groomsmen ni Jeff, na nariyan sa gilid ng bahay ni Jessa. Inaanyayahan namin kayong makiisa sa kasiyahang ito," umalingaw-ngaw na sabi ni Kapitan.

Sabay-sabay kaming napatingin sa gilid ng bahay ni Ate Jessa, doon ko nakita na may ilang kalalakihan na ubod ng guguwapo. Hindi ko pa sila nakikita sa malapitan pero base sa pananamit ng mga ito ay talagang mahahalata na mayayaman sila.

"Nasaan na ang mga kabinataan diyan sa gilid ng bahay ni Jessa, kayo po ay inaanyayahan para makiisa rito," muling sabi ni Kapitan.

Nakita kong nagtulakan ang mga ito at may sumigaw pa.

"Halika na kayo rito, at ayon sa ating groom ang unang pipili ay ang isa sa childhood friend niyang si Zeus San Diego." Malakas na nagsigawan ang mga lalaking iyon at nakita kong may isang particular na tao silang tinutulak.

Walang nagawa ang lalaking tinutulak nila kun'di ang tumayo habang nagkakamot sa ulo nito.

"Come on, Bro, pagkakataon mo na 'to." Rinig kong sabi ni Kuya Jeff sa tabi ni Kapitan.

Walang nagawa ang lalaking iyon kun'di ang lumapit kay Kuya Jeff at bigyan ng batok ang groom ni Ate Jessa. Nakita kong tawang-tawa lang naman si Kuya Jeff at pinagtulakan ang lalaking nagngangalang Zeus.

"Ayan! Lalapit na siya sa kaniyang napupusuan---, isayaw," pabitin pang sabi ni Kapitan dahilan para magkantiyawan ang mga bisita.

"Music Maestro...!" anunsiyo pa ni Kapitan. Nagsimula nang tumugtog ang isang malamyos na musika.

Nakita ko namang naglakad na ang Zeus na iyon papunta sa puwesto naming mga kadalagahan. Habang papalapit ito sa amin ay mas lalo kung napatunayan na guwapo ito. Hindi lang basta guwapo, naghuhumiyaw ang sex appeal nito at bagay na bagay rito ang suot nitong v-neck t-shirt na kulay white na tenernuhan ng pantalong itim.

Ilang hakbang na lang ang layo nito nang ma-realized kong parang nakita ko na ito somewhere. Hindi ko sure kung saan, basta nakita ko na siya.

Tila naman ako nagising sa pag-iisip nang marinig ko ang malakas na hiyawan sa paligid. Agad akong napalingon sa mga iyon para lang makita ko kung ano ang dahilan ng pagsisigawan nila.

Nakatayo ang guwapong lalaki sa harapan ko. Sa harapan ko mismo habang nakalahad ang kanang kamay nito. Tila ako nabato-balani na hindi magawang makakilos. Nilalamon nang kaba at hiya ang buong pagkatao ko. Paano ba naman siya pa lang ang lalaking nasa gitna para kumuha ng isasayaw.

Isang mahinang pagsiko mula kay Ate Alma ang nagpagising sa akin at saka sinundan ng bulong. "Abutin mo na iyong kamay niya, bilis!" ani Ate na parang kilig na kilig.

Muli akong tumingala sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Sumalubong sa akin ang nakangiti nitong mukha.

"May I have this dance?" baritonong tanong nito. Hindi lang pala ito guwapo ang ganda rin ng boses.

Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang kamay nito at saka tumayo. Habang akay ako nito papunta sa gitna ay hindi ko alam kung kaninong kamay ang malamig, akin ba o kaniya.

Nang nasa gitna na kami ay saka pa lang nito pinakawalan ang kamay ko. Nagkatitigan kami habang hindi nito malaman kung saan ako puwedeng hawakan. Pinigil ko ang matawa dahil mukhang kagaya ko naiilang din ito.

Ako na ang kusang nagtaas ng kamay ko at inilagay iyon sa magkabilang balikat nito. Saka pa lang nito hinawakan ang beywang ko.

Muling naghiyawan ang mga tao nang magsimula na kaming sumayaw ng lalaki. Hindi ko alam kung bakit parang tuwang-tuwa silang lahat.

"I'm nervous," mahinang sabi nito ngunit narinig ko. Hanggang leeg lang ako nito kaya't kailangan ko pang tumingala kapag titingnan ito.

Habang nakatingin dito ay muling nagsalita si Kapitan dahilan para ako naman yata ang panlamigan.

"Ayan! Nagsimula na silang sumayaw! Sige lang mga Nene at Totoy umindak lang kayo sa saliw ng ating tugtugin," umalingawngaw ang boses nito. "Sa ating mga kabinataang bisita, halina na kayo't samahan ang inyong kaibigan na ngayon ay nagsisimula na yatang lumigaw!" dugtong pa nito dahilan para lalong hindi magkamayaw sa pagsigaw ang mga tao.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko nang walang sabi-sabi ay hapitin nito ang beywang ko. Halos magdikit na ang mga katawan namin nito.

Sa kabila ng nararamdamang kaba ay nagawa kong salubungin ang kulay tsokolate nitong mga mata. Tila nagrigodon ang puso ko dahil nakatingin din pala ito sa akin.

Nagtama ang aming mga mata.

"I think we met somewhere," pahayag nito matapos akong titigan nang sobrang lagkit.

"Sa palengke ng Tagaytay po," sabi ko naman. Natatandaan ko na kasi kung saan ko ito nakita. Ito ang guwapong lalaki na nakabanggaan ko sa Palengke kung saan kami nagtitinda ni Nanay. Magpapa-cute pa sana ako rito kaso hinila na ako ni Nanay dahil amoy isda pa raw ako.

Parang bigla akong nahiya dahil naalala ko ang amoy ko ng mga oras na iyon. Baka naalala rin nito ang amoy ko.

Shucks, Amber nakakahiya!

"Now I remembered." Rinig kong sabi nito. Nagbaba ako ng tingin dahil nakita ko ang pagsilay ng mga ngiti nito.

"Small world, isn't it?" anas nito sa may tainga ko. Tila may paru-parong nagliparan sa tiyan ko dahil sa mainit nitong hininga na tumatama sa pisngi ko. Bahagya kasi itong nakatungo.

"Pagkakita ko pa lang sa'yo kanina nang dumating ka, alam ko na agad na nakita na kita. Alam mo bang hindi ako nakakain ng maayos kasi hindi ko magawang ibaling sa iba ang mga mata ko?"

Tatawa na sana ako sa mga pinagsasasabi nito nang mag-sink in sa isip ko ang sinabi nito.

Kung tama ang hinala ko ito ang may-ari ng mga matang kanina ko pa nararamdaman na nakatingin sa akin? Piping tanong ko sa isip ko.

Natigil ako sa pag-iisip nang muli itong magsalita.

"Ilang araw na akong hina-hunting ng amoy mong hindi ko magawang kalimutan," pilyong sabi nito. Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa labis na hiya.

"You smell like a roses--" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil hinampas ko ang mga balikat nito. Tila naman musika sa pandinig ko ang tawa nito dahil sa ginawa ko.

"Buwisit ka!" ingos ko na lalong ikinatawa nito.

"Kidding aside, ilang beses akong bumalik sa Palengke hoping na makikita kita ulit. Na missed ko kasi ang amoy mo--"

"Buwisit!" hiyang-hiya na sabi ko. Muli kong hinampas ang balikat nito.

Tawa lang naman ito nang tawa. Hinuli nito ang kamay kong humahampas pa rin sa balikat nito.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa paraan ng pagkakatingin nito sa akin. Marahan nitong pinisil ang isang kamay kong hawak pa rin nito.

"Kaninong kamay ang malamig, akin o sa'yo?" malambing na tanong nito habang titig na titig sa akin.

Wala naman akong mahapuhap na sasabihin.

"B-Bitawan m-mo ang kamay ko," kulang sa diin na utos ko.

"Later, gusto ko munang malaman ang pangalan ng babaeng ilang araw ng hindi nagpapatulog sa akin."

Hindi ko naman alam kung kikiligin ba ako o maiinis sa mga padali nitong iyon.

"I want to know your nam--"

"Amber!" sansala ko sa sasabihin nito.

"Amber, hmm, nice name bagay sa'yo."

"Alam ko," sabi ko naman na ikinasipol nito.

"Whoa! I think I'm going to like you."

Hindi ko naman pinansin ang sinabi nito, patuloy lang kaming sumayaw. Nag-iwas na rin ako ng tingin dito.

"Amber."

Muli akong napa-angat ng tingin nang bigkasin nito ang pangalan ko.

"Bakit?"

"Puwede ko bang ipakilala sa'yo nang pormal ang sarili ko?"

"Okay lang."

"I'm Zeus San Diego, taga Manila ako. Single and ready to mingle. But I think nakita ko na iyong babaeng dadalhin ko sa altar." Hindi naman ako nag-react sa sinabi nito.

Ang mga ganitong klase ng lalaki ang siguradong kaliwa't kanan ang babae sa Manila, lalo na kung ganito kaguwapo at kabango.

"Hey," untag nito sa akin.

"Ano na naman?"

"Sabi ko I'm single and ready to mingle."

"Oh tapos?"

"I think nakita ko na ang babaeng dadalhin ko sa altar, soon," muling sabi nito.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa birada nitong iyon. Halatang nagpapa-cute, hindi naman cute.

"Hey."

"Bakit ba kasi?" kunwari ay inis na tanong ko.

Pigil-pigil ko ang tawanin nang makita kong napasimangot ito sa pambabalewala ko.

"Ang sabi ko nakita ko na ang babaeng dadalhin ko sa alta--"

"Good for you," putol ko sa dapat ay sasabihin nito.

Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito matapos marinig ang sinabi ko. Parang hindi ito makapaniwala na hindi ako tinablan sa mga pa-cute nito.

Ilang sandali itong nakatingin lang sa akin habang nakanganga pa. Tila may sariling isip ang kamay ko dahil kusang tumaas iyon para ilagay sa bibig nito. Pabirong isinara ko ang bibig nito at gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang dilaan nito ang kamay kong nakatakip sa bibig nito.

Tila napapasong binawi ko ang kamay ko pero mabilis nitong hinawakan iyon at saka maitim na tumingin sa akin.

"You're going to be mine," bulong nito sa akin. Bahagya akong napalunok nang maramdaman kong pinisil nito ang kamay kong hawak pa rin nito.

Bakit parang may kuryente? Piping usal ko sa isip ko.

Tila nakahinga naman ako ng maluwag nang matapos ang tugtog indikasyon na makakalayo na ako sa katawan ng lalaking ito.

Sa lalaking kayang pabilisin ang kabog ng dibdib ko.

Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Emma Odoño
Maganda po siya pabasa plsss
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
nakakakilig ka naman Zeus
goodnovel comment avatar
Miles Posidio
magbestfriend nga kayo ni ariston, mga mabulaklak ang dila...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 5 BIPR

    Chapter 5AMBER POV CONTINUATION OF FLASHBACK PAPAUWI NA kami ni Ate Alma sa bahay. Antok na antok na ako dahil halos mag-a-alas dos na ng madaling araw natapos ang sayawan. Kasama namin ngayon si Kuya John na kapatid ni Ate Jessa at ang dalawa pa naming pinsan na lalaki. Sila ang inutusan ni Tiyo Juanito na maghatid sa amin ni ate Alma. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng palihim dahil hindi ko inakala na makikita ko ulit ang lalaking nakabanggaan ko noong nakaraang araw sa palengke. At hindi ko lang ito basta nakita dahil nakausap ko rin ito nang matagal-tagal. Gusto ko na tuloy maniwala na maliit lang ang mundo. Sobrang guwapo n'ya, sobrang bango, at sobrang sarap kausap. Ilang ulit kong pinilig ang ulo ko para mawala siya sa utak ko. Hindi ako puwedeng magka-crush sa lalaking iyon. Laking Siyudad iyon kaya alam kong kaliwa't kanan ang mga babae no'n. Tapos mayaman pa, jusko do'n pa lang wala ng pag-asa. Literal na langit at lupa ang agwat ng pamumuha

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 6 BIPR

    Chapter 6CONTINUATION OF FLASHBACK AMBER POV PAGPASOK NA pagpasok ko sa kuwarto ko ay dali-dali kong isinara ang pintuan at saka patakbong sumampa sa kama ko. Parang hindi maihing pusa na nagpagulong-gulong ako sa aking manipis na kutson.Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko saka ako impit na tumili. Habang impit na tumitili ay muling akong nagpagulong-gulong with matching pagpadyak pa.Hindi ko kasi kinaya iyong kilig na nararamdaman ko kanina pa. Yes, kilig na kilig ako habang binabalikan sa isip ang mga nangyari. Hindi ako ilusyuda, pero hindi ko talaga mapigilan iyong kilig na nararamdaman ko.Sinong mag-aakala na ang simpleng probinsyana ay makakakuha ng atensyon ng isang guwapo at mayamang lalaki? At jusko, may pa-jacket pa siya, parang si Kuya Will lang ng Wowowin.Nang mapagod ako sa kakapadyak ay tumihaya ako sa kama habang nasa bubong ng bahay ang mga mata ko. Alas tres na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Kung kanina ay inaantok na ako, nawa

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 7 BIPR

    Chapter 7 BIPRAMBER POVIsang linggo na ang nakakaraan matapos ang kasal ni Ate Jessa. Isang linggo na rin simula nang makilala ko si Zeus. At simula no'n ay hindi ko na ito muling nakita pa, at iyong sabing liligawan ako malamang sa malamang echos lang iyon ng hambog na iyon.Medyo may kurot kasi pinakilig na niya ako ng kaunti, kaunti lang naman kayo minor kurot lang. Medyo crush ko kasi siya, pero ayos lang kasi alam kong hindi naman kami bagay. At siyempre kahit may panghihinayang sa puso ko, tuloy na tuloy pa rin ang buhay."Ano bang iniisip mo, Amber?" Bahagya pa akong napapitlag sa biglang pagsasalita ni Nanay sa tabi ko."H-Ho?""Ano kako ang iniisip mo at parang lumilipad iyang utak mo?" nakasimangot na turan nito."Iniisip ko kasi kung kailangan ako tatangkad," pagbibiro ko naman na ikinatawa nito.Nasa Palengke kasi kami dahil may puwesto kami rito at tinutulungan kong magtinda si Nanay."Anak, bente-uno ka na, hanggang ngayon ba umaasa ka pa?" tudyo nito."'Nay naman, hi

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 8 BIPR

    AMBER POV"Amber?"Mula sa pagtitipa sa keyboard ng laptop ay nag-angat ako ng tingin. "Bakit po, Ma'am?" tanong ko sa kasamahan ko na mas mataas sa akin.Nagtatrabaho na kasi ako bilang secretary dito sa kapitolyo ng Tagaytay. Si Ate Alma ang tumulong sa akin para makapasok dito. Isang linggo pa lang mula nang magsimula ako rito. "Sorry ha, pero may naghahanap sa'yo sa labas eh.""Sa akin po?""Yes, sa'yo. A certain Zeus San Diego is outside and he wishes to see you."Napatuwid naman ako ng upo dahil sa sinabi ni Ma'am Sally. Nandito si Zeus?Ngayon ay alam ko na kung bakit parang kinikilig si Ma'am Sally. Malamang nakita nito si Zeus at ngayon ay kinikilig na ito."Should I send him in?""Hala, Ma'am huwag na po. Lalabas na lang po ako, oras pa po kasi ng trabaho ko eh." Pigil ko kay Ma'am Sally, nakakahiya naman kasi dahil nasa trabaho pa ako."Oh, sure, malapit na rin naman ang uwian kaya hindi na siya maghihintay ng matagal. By the way, I'm happy for you, mukhang malaki ang pagk

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 9 BIPR

    AMBER POV"Mukhang seryoso talaga ang isang iyan, ah," sabi ni Ate Alma sa tabi ko.Nakasilip kasi kami sa bintana ng bahay namin habang tinitingnan si Zeus na nakikigulo sa mga pinsan at Tiyuhin namin na nag-iinuman.Halos dalawang oras na itong nakikigulo sa pamilya ko. Nangingibabaw ang tawa nito sa inuman, mukhang bentang-benta rito ang mga padali ng mga pinsan ko."Gusto mo na rin ba siya?" Rinig kong tanong ni Ate Alma sa tabi ko."Hindi ko alam, natatakot ako, Ate," sagot ko habang nakatutok pa rin kay Zeus ang mga mata ko.Hindi ko kasi mapaniwalaan na tototohanin nitong ligawan ako. It's been two months nang magsimula siyang manligaw. At aaminin kong may pagkakataon na natutukso akong sagutin na ito.Ngunit sa tuwing gagawin ko iyon ay biglang papasok sa isip ko na hindi kami bagay. Na hindi ako nababagay para sa isang kagaya nitong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig."Ambs," untag ni Ate. Lumingon naman ako rito. "Mahal mo na siya, hindi ba?"Nahihiya man ay nagawa

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 10 BIPR

    PRESENT TIMEAMBER POV KINABUKASAN ay pumasok pa rin ako at nagpanggap na tila walang nangyari. Matapos kong sariwain ang mga magagandang nangyari sa amin ni Zeus noon ay bigla akong umasa, umasa na baka kahit papaano may bahid pa rin ng dating Zeus sa pagkatao nito. Ngunit unti-unting nawala ang munting pag-asa sa puso ko dahil makalipas ang isang linggo ay wala pa rin itong ipinagbago. Mas lalong naging mainit ang dugo nito sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa lalaking iyon dahil napakasama na nang ugali nito. Na dati naman ay sobrang bait at hindi mapanghusga. Pero ngayon, kulang na lang ay singhalan at lait-laitin ako nito sa tuwing magkikita kami sa opisina.Naisip ko na nga na mag-resign na lang para matapos na pero hindi ko puwedeng gawin dahil dalawang araw nang pabalik-balik ng hospital si Nanay. Lagi raw kasi itong nahihilo at sumasakit ang tiyan sabi ni Aldrin, ang bunso kong kapatid. At para hindi na ako mas'yadong masaktan sa kung paano ako itrato ni Zeus ay

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 11 BIPR

    AMBER POV "Anong nangyari, Ambs?" tanong ni Agnes sa akin. Hindi naman ako nag-angat ng tingin, nanatili akong nakatungo sa ginagawa ko. Ayaw ko rin naman na makita n'ya na halos magang-maga ang mga mata ko sa kakaiyak kanina. "Amber, anong nangyari?!" galit na ulit nito. Wala akong nagawa nang hawakan nito ang panga ko at itaas ang mukha ko. "Amber---" "Wala," paiwas na sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. "Amber nakarating sa akin ang nangyari rito kanina! Usap-usapan ang ginawang pamamahiya ni Sir Zeus sa 'yo! Ano ba talagang problema at gano'n s'ya ka-harsh sa 'yo?" "Bumalik ka na sa trabaho mo, Agnes, baka madamay ka pa." Nagulat ako nang malakas nitong pukpukin ang ibabaw ng mesa ko. Mabilis akong napa-angat ng tingin dito. At nakita kong salubong na salubong ang mga kilay nito. "Agnes, sige na bumalik ka na sa trabaho mo. Mamaya na tayo mag-usap baka madamay---" "Wala akong pakialam! Kung gusto n'ya akong idamay so be it! Pero gusto kong malaman kun

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 12 BIPR

    Chapter 12 AMBER POV DUMATING Ang hapon at uwian na pero sa halip na makaramdam ng tuwa ay kaba at takot ang nararamdaman ko.Mamayang gabi na kasi ang punta namin sa party na sinasabi ni Sir Zeus.Alas singko pa lang ng hapon at mamaya pang alas siyete ng gabi ang party. Pero kanina bago ako umalis sa kumpanya ay sinabi ni Sir Zeus na dapat alas sais pa lang ay naroon na ako sa Vallarta Hotel.Oh, 'di ba ang galing isasama ako pero pupunta akong mag-isa. Magko-commute ako! Napakawalang puso talaga ng tukmol na iyon.Mabigat ang dibdib na sumakay ako ng jeep papauwi sa apartment ko.Kapag nabuwisit ako, hindi ako pupunta bahala siyang mamatay sa kakahintay, nyeta siya!Pero wala, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaharap sa salamin habang tinitingnan ang sariling ayos ko. Nakasuot ako ng isang kulay itim na bestida. Wala eh, ito na ang pinakamaayos na damit na mayro'n ako. Sinuot ko pa ito noong college graduation ko. Nang makitang presentable naman ang ayos ko ay bumiyahe

Pinakabagong kabanata

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Finale BIPR

    Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 67 BIPR

    Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 66 BIPR

    Amber's POVMULA sa bintana ng kuwarto ko ay tanaw ko ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Ze habang nag-iinuman at nagkakantahan. Yes, narito sila kanina pang tanghali. Hindi ko akalain na mamamanhikan si Ze sa akin kasama ang mga magulang nito na labis-labis kong ikinatuwa. Pormal na hiningi ni Ze ang kamay ko sa aking mga magulang. At napagkasunduan namin na isang buwan mula ngayon ang kasal namin ni Ze. Hindi puwedeng bukas na kagaya ng gusto ni Ze dahil kailangan na muna naming kumuha ng mga requirements para sa kasal namin. Na-expire na kasi ang mga kinuha namin noon kaya't panibagong kuha na naman daw. Kaya ko namang maghintay ng isang buwan pa pero si Ze ay atat na atat nang makasal kami. Iginiit pa itong sa Mayor na lang muna bago sa isang buwan ang sa Pari pero ang mga magulang namin ang nasunod na sa simbahan kami ikakasal. Mas naniniwala raw ang mga ito na mas sagrado kung sa dambana ng Panginoon magsusumpaan. Na sinang-ayon ko naman kaagad maliban kay Ze na na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 65 BIPR

    Amber's Pov "Bakit?" malambing na tanong ko kay Zeus nang marinig ko itong suminghot habang nakasubsob sa tiyan ko. Matapos kasi nitong maramdaman ang galaw ni baby sa tiyan ko ay sumubsob na ito roon. "Hey, okay ka lang?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Natatawang pinunasan ko ang mukha nitong basa ng luha. Namumula na rin ang mga mata nito. "Why, hmm?" Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. "Para saan ang mga luhang 'to?" "I'm just happy," garalgal na wika nito. "Dahil?" Mataman ako nitong tiningnan. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito. "Dahil matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama ka. Isa na lang ang kulang, iyong maging San Diego ang apelyido mo, baby."Matamis ko naman itong nginitian. Inalalayan ko itong makaupo sa kama, sa tabi ko. Nakaluhod pa rin kasi ito sa lapag. "Baby.." "Mas magiging happy ka ba kapag sinabi kong puwede mo na akong pakasalan?" Sandali itong natigilan na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 64 BIPR

    Amber's Pov"Baby, aalis na ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Zeus mula sa likuran ko."Aalis ka na?" tanong ko. Nakaramdam ako ng awa para rito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko kung bakit, dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkabalikan kami pero nananatiling lihim iyon sa mga magulang ko. Alam ng mga kapatid ko ang tungkol doon at suportado nila ako sa desisyon kong tanggapin ulit si Zeus sa buhay ko. "Yes, I have to go, baby." "Okay ka lang?" sa halip ay tanong ko. Hindi ako kumportable sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ngayon. Lumapit ako rito at saka tumaas ang kamay ko papunta sa mukha nito at marahang hinaplos iyon. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito at saka umiling na para bang sinasabi na huwag kong gawin iyon dahil baka makita kami ni Tatay. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa napakalambing na boses. Tila nawalan na ako ng pakialam na baka makita kami ni Tatay. Miss na miss ko na kasi ito at hindi

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 63 BIPR

    Amber's Pov"Ate!" Bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Ano iyan, ha?" "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko kay Aldrin. Hinarap ko ito at nakita kong ngising-ngisi ang mukha nito habang nakatingin sa tapperware na hawak ko. Pasimple kasi akong kumukuha ng nilutong tinola ni Nanay para ibigay kay Zeus. May sakit pa rin kasi ito nang iwanan ko kanina at gusto ko siyang pakainin ng may sabaw. Tamang-tama dahil may tinola si Nanay pag-uwi ko galing sa bahay niya. "Oy, si Ate, nag-aalaga ng may sakit? Kumusta naman ba? Gumaling naman ba o lalong uminit?" tudyo nito. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo!" sikmat ko rito. Tumawa lang naman ito. "Nalagyan na ba ng buntot iyang anak n'yo?" tumatawang sabi pa nito. "Anong buntot? Tao ang anak ko hindi kung ano.""Oh, sige baguhin natin, nalagyan n'yo na ba ng ngipin iyang anak n'yo? Naks, ibang klase din iyang si San Diego eh. Paawa talaga ang gago, ito namang Ate ko marupok ng

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 62 BIPR

    Amber's PovNAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko na may masusuyong haplos sa hanggang balikat kong buhok.Nagmulat ako ng mga mata at saka nagtaas ng tingin. "Z-Zeus!" gulat na bulalas ko.Nagtaka ako nang ito ang mamulatan ko ngunit agad ko ring naalala kung bakit ako narito sa tabi nito."G-Gising k-ka na pala," nauutal kong sabi. Tinangka kong bumangon para makaalis sa pagkakadapa sa katawan nito. Doon na pala ako nakatulog sa ibabaw nito dahil nanginginig ito sa ginaw kagabi. Kagabi ko na-realized na hindi ko pala ito kayang pabayaan na makita sa gano'ng sitwasyon. "Baby..." bulong nito at lalong humigpit ang yakap sa akin. "I miss you." "Bitiwan mo ako," kulang sa diin na utos ko."No! Please, no!" Humigpit lang lalo ang yakap ng mga braso nito sa beywang ko. "Giniginaw pa ako, Baby, please? I need you," pakiusap nito."Z-Zeus, ano ba?" natatarantang sabi ko nang halikan nito ang noo ko. "Pakawalan mo na ako, ano ba?" "Ayaw ko. Dito ka lang, baby. Kailangan ko pa ang init ng

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 61 BIPR

    Amber's PovMagaan ang dibdib na ibaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko kung saan ako nakaupo. Matutulog na sana ako kanina nang tumawag si Ma'am Jacky. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang naging pag-uusap namin ni Ma'am Jacky. Yes, si Ma'am Jacky. Simula kasi ng pumunta siya rito sa bahay ay hindi siya tumigil sa kakatawag sa akin para mangumusta. Para kumustahin ang lagay namin ni baby. Paulit-ulit nitong sinasabi na huwag kong iisipin na ginagawa nito iyon dahil utos ni Zeus. Nilinaw nitong walang kinalaman si Zeus sa ginagawa nito, iginigiit nitong gusto niyang gawin iyon para sa aming mag-ina at gusto niya talagang bumawi.Sa paglipas ng mga araw ay tuluyang naantig ang puso ko kaya't ngayon nga ay tuluyan ko ng ibinigay ang kapatawaran na hinihiling nito sa akin.Aaminin kong sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang nawala iyong bigat sa dibdib ko na araw-araw kong dala-dala sa loob ng mahigit apat na taon.Sumandal ako sa headboard ng kama ko at saka in

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 60 BIPR

    Amber's Pov"Hingang malalim," paalala ni Ate Alma habang nakaalalay sa akin.Sumunod naman ako rito. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago tumuloy sa aming kubo. Mabagal akong naglakad. Muling nanginig ang mga kamay ko nang makita ko si Ma'am Jacky. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak nang magtama ang mga mata namin. Mabilis itong tumayo nang makita ako. Mababanaag sa mga mata nito ang samot-saring emosyon habang mabagal na humakbang pasalubong sa akin. Huminto ito ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. "Amber, Hija.." nanginginig na sabi nito sa mahinang boses. "Amber, pumasok ka sa loob!" Nabigla ako nang lumapit si Tatay at hawakan ako sa braso. "Pumasok ka sa loob!" utos nito. "Jun, pabayaan mo siya," awat ni Nanay rito. "Margi--" "Pabayaan mo si Amber, nag-usap na tayo, hindi ba?" putol ni Nanay sa sasabihin ni Tatay. Isang mabigat na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Tatay bago tumingin sa akin nang mataman. "Tatay..""Nasa loob lang kami ng bahay

DMCA.com Protection Status