Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 10: THE TRUTH

Share

Chapter 10: THE TRUTH

Author: Mawi
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

CLOUD'S POV

"Hindi ko naman akalain na ganyan pala kakapal ang mukha mo Vier," harapang saad ko sa kanya habang pilit na pinipigil ang nagkukumuyos na galit sa loob ko. Anumang sandali kasi ay malamang na sumulpot na rin si Alvin at ayoko namang makita nito ang pagtatalo namin. Mamaya niyan, ako pa ang lumabas na masama dahil hindi pa nila kilala ang tunay na ugali ng babaeng kasama nila.

"Cloud sorry," hinging-paumanhin niya. Pero ano pa bang magagawa ng sorry niya? Wala na! Nagawa na niya eh! 

 Saka, bakit ba gano'n na lang kadali sa kanya na gawin ang bagay na 'yon? Bakit parang hindi ko makita sa kanya 'yung sakit na nararamdaman ko para sa aming anak? Ganoon ba talaga siya kawalang puso? Kawalang-kwentang babae?

"Ay, ang bongga naman! Parang mag-asawa lang ang peg," ani Alvin nang maabutan kami sa kusina. "O siya, ipagkape mo na 'tong asawa mo Vier para mainitan man lang ang sikmura bago niya tayo ipaghanda ng almusal," malawak ang ngiting utos niya kay Vier bago nagpalipat-lipat ang may malisyang tingin niya sa amin. 

'If you only knew,' sa isip ko. 

 Mukhang nailang si Vier at mabilis na tumalikod sa amin para ipagtimpla ako ng kape gaya ng inutos ni Alvin. 

"Vier alam mo bang businessman na pala itong si Cloud dito sa Ilocos. At ang ganda ng restaurant niya ha kahit sa labas ko pa lang nakita," pagmamalaki nito sa natuklasan.

"Talaga? Congrats," bati niya sa 'kin matapos ilapag sa harap ko ang tinimpla niyang kape.

 Nag-angat siya ng mukha para sabihin 'yon at dahil sa kaunting espasyo lang ang nakapagitan sa amin ay napagmasdan kong muli ang mukha niya.

 Ang mga mata niyang nangungusap. Her cute snub nose that I love to pinch back then. And.. her lips. Her lips that I always long for.

 Her lips that I owned yesterday!

 Agad kong ibinaling ang atensyon sa kape at inisang lagok 'yon para mahimasmasan ang utak kong lutang na 'ata. 

 Sh*t! Nalimutan ko tuloy na mainit pa 'to.

"I'll prepare the corns," wika ko na lang kahit ramdam ko pa ang pagkapaso ng dila ko.

"Kumusta ka pala rito Cloud? Di ba may ibang pamilya 'yung tatay mo?," pag-uusyoso ni Alvin habang si Vier naman ay tahimik lang na nakaupo malapit rito at parang malalim ang iniisip.

 Well, bahagya ko lang na ikinwento ang naging buhay ko at mostly ay patungkol sa mga naging achievements ko dito gaya ng pagtatapos ko sa pag-aaral at ang pagbubukas ng restaurant dito sa Ilocos na nasundan pa ng isa sa Maynila.

 Kitang-kita ko sa mukha ni Alvin ang pagkabilib sa mga nagbago sa 'kin, bagay na inaasahan kong makita kay Vier. Sinadya ko kasing iyabang ang lahat ng iyon kahit hindi ko ugaling magyabang ng narating ko para lang ma-realize niya na maling tao ang binalewala niya at pagsisihan niya na binalewala niya lang ako noon. Kaso, mukhang walang epekto sa kanya ang success ko

'Baka naman kasi mas bigtime 'yung BABY niya. Mapait akong napangiti sa isiping 'yon. 

'So, I'm still nothing.'

 

VIER'S POV

 Masaya ang lahat dahil naging masarap ang agahan namin ngayon, salamat kay Cloud. Sinamahan pa ni Alvin ng kwento ng pagtupad ng pangarap at pag-unlad ng buhay ni Cloud dito sa Ilocos. 

"'Di ba? Kaya kayo, kung may mga pangarap kayo, dapat gawin n'yong lahat para ma-achieve 'yun. Gaya nitong si Cloud," pagmamalaki niya rito.

 Nakakaproud naman kasi talaga ang narating niya, pero wala doon ang atensyon ko ngayon. Iniisip ko kasi kung paano ko ipagtatapat sa kanya ang tungkol kay George. Karapatan naman niya na malaman ang tungkol sa anak namin at wala akong balak na ipagkait iyon sa kanya. Sadyang humahanap lang ako ng tamang tyempo. Para kasing napuno na siya ng galit sa akin at ayaw na niyang pakinggan ang paliwanag ko.

"Talaga Miss Vier, boyfriend mo 'yung nakabangga sa 'tin?," biglang tanong ni Camille.

"Ha?" Bigla akong napaangat ng ulo at nasalubong ko ang tingin nilang lahat sa akin.

'Ano ba'ng pinag-uusapan nila?' 

"EX!," mariing tugon ni Francis nang hindi ako makasagot.

"Hindi pa ba kayo nagkakaayos Vier?," tanong naman ni Alvin. "'Di ba binisita ka pa niya kahapon."

'Ahh. So, si Cloud pala ang topic.'

 Bahagya na lang akong ngumiti na bilang sagot at pinagpatuloy na ang pagkain. Alam ko na kung paano makakausap si Cloud. Maaga pa naman at maghahanda pa ang lahat para sa practice kaya may oras pa 'kong makausap si Cloud. 

 Hindi ko na rin kasi kayang isipin na isang napakasamang babae ang tingin niya sa 'kin na walang pakialam sa aming anak dahil hindi 'yon totoo.

 Matapos naming mag-almusal ay kaagad kong nilapitan si Alvin para tanungin kung saan 'yung sinasabi nitong restaurant ni Cloud. Nagdahilan na lang ako na may nakalimutan akong sabihin at kailangan ko nang sabihin sa kanya which is totoo naman.

 Medyo na-excite 'ata ako sa pagpunta rito. Alas-otso pa lang kasi ng umaga at ayon sa nakalagay na signage sa harapan ng restaurant ay 2pm pa ito magbubukas. 

 Aalis na sana ako nang may lumabas na isang babae sa restaurant.

"Hi Miss," bati ko rito na sa tantiya ko ay nasa 20's lang.

"Yes po?," nakangiting tugon naman ng babae.

"Ah, itatanong ko lang sana kung nasa loob 'yung may-ari nitong restaurant, si Cloud." Hindi ito kaagad na sumagot pero kita ko ang pagtataka at duda niya sa 'kin sa pagkakatitig niya. "Kaibigan niya 'ko sa Bulacan. Vier," pagpapakilala ko pero parang mukhang lalong kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

"Hey Lilian!," bati ng isang lalaking kakababa lang sa sasakyan sa kausap ko. Napatingin pa ito sa akin nang makalapit siya sa amin ng tinawag niyang Lilian. Tipid ko siyang nginitian at ganoon din naman ito.

 May ibinulong si Lillian sa bagong dating pagkatapos ay muli akong binalingan ng lalaki na para bang dismayado ang hitsura.

"Ah, hinahanap ko lang kasi si Cloud. May sasabihin kasi ako, pero kung wala siya, aalis na lang ako," sabi ko na lang nang maramdaman na parang 'di ako welcome sa lugar na ito. 

May alam kaya sila? O baka nag-ooverthink lang ako?

 Hindi sila nagsalita kaya tumalikod na 'ko para sana umalis nang,

"Chef Steff, buti nandito na kayo. Kanina ka pa po hinihintay ni sir Cloud," sabi ng isang lalaking kakalabas lang ng restaurant.

"Ahh, ganun ba? Sige susunod na 'ko," tila naiilang na sagot ng lalaking kausap ko na Steff pala ang pangalan. Napatitig siya sa 'kin nang muli akong humarap sa kanila. "Ahh, nand'yan na pala si Cloud," tila may pag-aalinlangan niyang sabi. 

Kaugnay na kabanata

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 11: THE OTHER WOMAN

    VIER'S POV Naunang pumasok sa loob si Steff at sumunod ako sa kanya. Hindi ko pa alam kung pa'no sasabihin kay Cloud ang totoo at kung ano ang magiging reaksyon niya pero bahala na lang si batman o kahit si superman. Ang mahalaga ay masabi ko na sa kanya ang totoong nangyari at ang rason ko kung bakit kinailangan kong magsinungaling sa kanya ng ganoon. Tunay nga ang sinabi ni Alvin na sa labas pa lamang ay mababanaag mo na ang ganda ng restaurant ni Cloud pero nang makapasok ako roon ay tanging ang laki na lang ng lugar ang napansin ko at hindi ang ganda nito. Agad kasing napako ang buo kong atensyon ko kay Cloud habang komportable siyang nakasandal sa may counter at mahigpit na nakahawak ang isang kamay sa beywang ng babae na bahagyang nakadagan sa harapan niya. Animo'y isang modelo ang tindig ng babae na nakadagan sa knyang harapan at halos magkapantay lang din ang kanilang taas kaya halos hangin lang ang pumapagitan sa kanilang mga mukha habang masaya silang naghaharutan. Agad

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 12: EVERYTHING FOR LOVE

    TIFFANY'S POV I was so worried after hearing about the accident na kinasangkutan ng boyfriend kong si Cloud kaya naman agad akong umuwi ng Pilipinas pagkatapos na pagkatapos ng event na dinaluhan ko sa Paris. It was a very special fashion event kaya naroroon ang lahat ng fashion icon from different countries but Cloud's more important than them. I called him as soon as I arrived and was told na nasa restaurant lang siya. I felt so relieved seeing him fine. Without injuries or any bruises on."I told you, you don't have to worry. I'm fine, love," he calmly said as he put little kisses on top of my head as he usually does."Yah, I know but I just can't help it. And… I missed you so much," bulong ko habang marahang pinapaikot ang kanyang buhok sa aking mga daliri. He smiled sweetly after hearing that. He knows what I mean. His hands suddenly tightened his grip on my waist while our sights were locked on each other. Sharing that smile of longingness on our faces.Oh hell, how I miss

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 13: TURNING OFF THE PAST

    CLOUD'S POV Almost one week na rin nang huli kaming magkita ni Vier sa restaurant and I loved how she reacted nang makita niya kami ni Tiffany. She looked troubled sa nadatnang posisyon namin. I can't help but smirk nang maalala iyon. Sayang nga lang dahil hindi ko na naituloy ang paghalik kay Tiffany dahil mukhang naistorbo na rin siya sa presensya ni Vier. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung natuloy ang paghahalikan namin sa harap niya? 'It will be a great scene for sure' Muli kong sinimsim ang alak sa basong hawak ko habang nakangiti sa naisip. Mukhang hindi pa siya nakaka-move on sa aming nakaraan base na rin sa nakita kong reaksyon sa mukha niya. O baka naman ako lang ang nag-iisip ng ganito. Pwede rin na gusto na niya talaga akong muli sa buhay niya, pero hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil may maipagmamalaki na 'ko sa buhay ngayon."Tsk tsk. Oh life," nasambit ko out of frustration. Bakit ba kasi kailangan ko pa siyang isipin? She's nothing but dust! Nagsisimula

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 14: WITH THE FAMILY

    VIER'S POV Maaga kong pinuntahan ang address na ibinigay sa 'kin ni Cloud sa pamamagitan ng text na siyang address pala ng kanilang bahay dito sa Ilocos. Dito raw kami magkita para na rin makaiwas sa mga mapanirang issue na maaring makarating pa kay Tiffany."Tuloy na po kayo ma'am. Bababa na rin daw po si sir Cloud," anang kasambahay na sumalubong sa akin kanina nang balikan ako sa may gate matapos kumpirmahin kay Cloud ang tungkol sa pagdating ko. Ilang minuto pa lang akong naghihintay sa sala ay bumaba na si Cloud na mukhang kagigising lang dahil medyo magulo pa ang buhok nito at namumungay pa ang mga matang mukhang kulang pa sa tulog. Napangiti ako sa loob ko at 'di ko naiwasan ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko sa pagkakita ko sa kanya sa ganoon niyang anyo. Wala pa ring nagbago sa kanya. Simple pa rin siya pero nag-multiply 'ata ang appeal niya. He's now well-postured than before na dahilan para mas mapansin ang kanyang katangkaran. Also, his broad shoulders and wide ch

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 15: THE NEXT CHAPTER

    CLOUD'S POV Nasabi ko na kay Vier ang lahat ng kailangan kong sabihin sa kanya para tuluyan ko nang maisarado ang bahaging iyon ng buhay at sarili ko na kasama siya. Ngayon ay handa ko nang harapin ang bago kong buhay nang walang anumang alalahanin o sakit mula sa nakaraan. Sa nakaraan namin ni Vier. Ngunit laking gulat ko nang harangin niya ako para lang iabot sa akin ang isang kahon. May sinasabi pa siya pero hindi ko na iyon inintindi at basta ko na lang na tinabig ang iniaabot niya sa akin. Kung sa tingin niya ay maibabalik pa niya ang nakaraan namin sa pamamagitan ng mga alaalang pilit niyang ibinabalik ay nagkakamali siya. Hindi na 'ko muling magiging sa kanya. NOT AFTER WHAT SHE DID!"Cloud, si George," sabi niya habang nakatingin sa mga nagkalat na laman ng kahon. At laking gulat ko nang sundan ko ang kanyang tingin at makita ang mga larawan na ngayon ay nagkalat na sa sahig. Hindi iyon mga alaala naming dalawa kundi larawan ng isang bata. Napukaw ng isa sa mga larawan doo

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 16: THE BESTFRIEND

    STEFFANO'S POV I may be just a playful guy pagdating sa mga babae but I'm a serious, supportive friend at hindi naman ako makapapayag na palampasin na lang ang ginawa ni Vier sa kaibigan ko. Ilang araw ko ring pilit na kinumbinsi si Cloud para suportahan ako sa plano kong pagpapa-ibig sa kanya but he just kept on saying na 'she's not an easy stuff'. But kid, I'm Steffano Ramirez, the chick magnet of the gang. No one says "no" sa karisma ko. And today, bitbit ang napakasarap kong katawan, I mean, the best ever cheesecake pala na ako mismo ang nag-bake ay nagtungo na ako sa tinutuluyan ni Vier. I wanted to surprise her pero siya pala itong may matinding pa-sorpresa sa akin."Ano'ng gusto mong isipin ko dun sa ginawa natin?," dinig kong sabi ng kausap niyang lalaki sa may gate. So, may nakauna na palang maka-score sa akin? Iba din pala talaga ang kamandag ng babaing ito. Sisimple-simple but she can make a man go crazy gaya ng ginawa niya kay Cloud."Good morning Vier," I simply gre

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 17: The Plan

    CLOUD'S POV"You're kidding, right?," ani Steffano habang dismayadong nakapamay-awang sa harapan ko. Mukhang hinihintay niya na sabihin ko na nagbibiro lang ako. Pero hindi iyon nangyari kaya ganoon na lamang ang paghilamos niya sa pinagmamalaki niyang mukha. Habang nanatili naman akong nakatitig sa kanya at naghihintay rin sa isasagot niya. Hindi na 'ko nabigla pa sa naging reaksyon niya sa mga sinabi ko. Kahit naman ako ay hindi rin makapaniwalang hinihiling ko ang pabor na ito sa kanya. Kaso wala na akong maisip na iba pang paraan. I need to get Vier out of my life and take care of my son at the same time. And Steffano is the only man I know na pwedeng makatulong sa 'kin. He's the master playboy as everyone knows but he's actually more than that. He even has more influence and money than I have. He can even have power if he wants to. He is the only son of the honorable Senator Ferdinand Ramirez and his father's too willing to give him everything and anything he wants. Ayaw lang

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 18: OUR NIGHT

    VIER'S POV Matinding practice ang ginawa namin ng nagdaang araw para siguraduhin na walang sinuman sa mga dancers ang magkakamali at gagalaw silang lahat hindi bilang isang grupo kundi bilang isang pagkatao na gumagalaw sa iba't-ibang katawan lang. Sinigurado rin namin na ang bawat pitik, galaw at routines ay maiisagawa sa kamang-manghang paraan na siguradong tatatak hindi lamang sa mga manonood at sa mga hurado kundi pati na rin sa malawak na mundo ng pagsasayaw gaya ng pinakaaasam at pinapangarap namin. Matapos ang matinding preparasyon ay maaga din namin silang pinagpahinga para makabawi sila ng lakas at makahataw ng buong sigla sa itinuturing namin na 'Gabi ng Tropical'. Yes. We already claimed it! Dahil alam namin na kaya naming makamit iyon. Sinigurado ko na walang naging abala sa kanilang pahinga kagabi gaya ng online games o social media. Maaari kasi 'yong makaapekto sa magiging performance nila mamaya kaya nilimitahan muna namin sila ni Alvin sa mga ganoong distraction pa

Pinakabagong kabanata

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

DMCA.com Protection Status