Apat na taon na pala ang nakalipas! At ngayon nga ay muli nang nakatapak ang mga paa ko sa sarili kong bayan.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama at hindi rin kayang pantayan ng kahit anong materyal na bagay ang ngiting nakapinta ngayon sa labi ko nang sa wakas ay matanaw ko na sina inay at ang mga kapatid kong sina Allen, Kristoph at Raven. Kasama rin syempre nila ang bestfriend kong si Carol na buong-lakas pang kumakaway habang papalapit sila sa akin. I was welcomed by so much warm hugs and kisses na tuluyan na ngang nagpaluha sa akin. I missed them a lot. "Kumusta ang byahe anak? Pagod ka ba? Baka nahihilo ka pa ha, magsabi ka kaagad?," ani inay na kagaya ko ay lumuluha pa rin sa tuwa. "Ayos lang po inay," paniniyak ko sa kanya habang hinahagod-hagod ko ang likod niya. "Kayo, kumusta kayo? Baka sumasakit na ulo n'yo sa tatlong ito ha," dagdag ko habang mataman kong tinitingnan ang tatlo kong kapatid na nakapalibot sa amin. "Mababait kami ha, di ba 'nay?," depensa agad ni Allen, ang sumunod sa akin. Naka-tapos na ito at ngayon ay tumutulong na rin sa pamilya at sa pag-aaral ng dalawa pa naming kapatid. “I missed you sis,” singit naman ni Carol at hindi na napigilan ang sarili at isiniksik na ang kanyang sarili sa pagitan naming mag-ina. Na naging simula ng tawanan namin roon. "Miss you too." Mula noong lumipad ako patungong Europa ay si Carol na ang parati kong tinatawagan para lang umiyak kapag namimiss ko ang pamilya ko. Ayoko naman kasing pag-alalahanin pa ang inay sa aking pangungulila. Abala rin ang mga kapatid ko sa pag-aaral at ayoko silang istorbohin. Kaya si Carol na lang sa tuwina ang parati kong tinatakbuhan para iyakan. Isa pa ay medyo baliw din kasi itong kausap kaya nababawasan ng pakikipag-usap ko sa kanya ang labis na lungkot na ipinadarama ng pagkakalayo ko sa aking pamilya. "Tara na nga," bigla nitong saad at agad na humiwalay sa aming yakapan na sadyang ipinagtaka ko. "May naghihintay pa nga pala sa'yo," aniya na may matamis pang ngiti sa labi na tila ba excited sa kung sinuman ang sinasabi nitong naghihintay sa akin. Pero.... Hindi ko man isipin ay bigla na lang lumitaw ang imahe ng iisang lalaki sa utak ko nang dahil sa sinabi niya. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Imposible! Inabot lang ng dalawang oras ang byahe namin pauwe dahil hindi naman ganoon ka-traffic dahil nasa kalagitnaan na ng hapon. Isa pa ay hindi din naman kalayuan ang Bulacan mula sa airport. Nadatnan ko sa bahay ang ilang kapitbahay na nakikiusyoso at nakikicelebrate sa pagdating ko. “Kain lang kayo ha. H’wag kayong mahiya," bati ko sa mga ito. “Napakaswerte mo talaga Ester sa mga anak mo. Aba’y bukod sa napakagagandang lalaki at babae, ay napakasisipag pa,” puri ni tiya Hilda, ang nanay ni Carol. Siya ang nag-asikaso sa mga bisita habang sinusundo ako nila inay sa airport. Hindi rin naman na kasi siya iba sa amin eh. “Maswerte ka rin naman d’yan kay Carol ah. Napakabait na bata.” Napa-beautiful eyes tuloy ang nabanggit nang marinig na pinupuri na naman siya. “Kung hindi nga sa batang iyan, hindi magkakalakas ng loob itong si Vier na pasukin ang pagsasayaw,” banggit ng kanyang ina na siya namang tunay. Wala akong confidence noon sa kakayahan ko sa pagsasayaw pero pinagtulakan ako ni Carol sa kinaaaniban niyang grupo, ang Tropical Dancers. At dahil doon ay nabuo ang kompyansa ko sa aking sarili at pati na rin sa aking talento. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa kaibigan kong ito. "Vier!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon. Pinilit ko na lang na ngumiti kahit na lungkot ang tunay kong naramdaman nang si Francis ang makita ko roon, dati naming kasamahan sa TD. "Wow! Ikaw ba 'yan Vier?," kitang-kita sa mga mata niya ang lubos na paghanga sa kung anuman ang nakita niya sa akin. Medyo nailang tuloy ako sa iginagawad niyang pagtitig sa akin. "Oo nga Vier, Parang mas fresh ka ngayon ha! At ang sexy mo." Bigla ay naiba ang timpla ng mood ko nang magawi naman ang aking pansin sa nagsalitang iyon. Walang iba kundi ang baklang si Alvin. Abot-tenga ang ngiti nito at lumapit pa para makipagbeso sa akin. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Hindi ko sigurado kung maayos pa ang tono ng pagbato ko ng tanong na iyon sa kanya pero wala na akong pake. Abot-abot ang inis na nararamdaman ko sa presensya pa lamang nito. Matandang bakla si Alvin na manager ng Tropical Dancer, at hanggang ngayon ay hindi pa rin maganda ang timpla ko rito. Masyado itong marahas sa mga hinahawakan niyang mga mananayaw na naging dahilan ng pagtiwalag nila ni Carol sa grupo. “Tinawagan kasi ako ni Alvin,” sabat ni Carol. "Bakit?," tanong ko na hindi pa rin inaalis ang pagkainis sa aking tono. "Kasi nakapasok sila sa PhilDance, bakla!" Napanlakihan ako ng mata sa binanggit ni Carol at agad akong napabaling sa kinatatayuan ni Alvin. At hinarap niya ako nang may nagmamalaking ngiti sa kanyang mukha. At talaga nga namang may ipagyayabang ito. Malaking competition ang PhilDance at ang mga magagaling sa linya ng pinakamagagaling lang ang nakakapasok sa nasabing patimpalak ng mga mananayaw. Dati na rin silang sumubok na makapasok roon pero hindi sila pinalad. "And we need you," anito na sadyang ikinagulat ko. He was always a proud one kaya 'di ko akalain na maririnig ko ang mga katagang iyo mula sa kanya. "Bakit naman?," takang tanong ko. "Kasi kailangan nila 'yung the best na choreographer. Ikaw na 'yun Vier!," ani Carol na proud na proud talaga sa akin at may paghampas pa nga sa balikat ko. Napakunot-noo na lang tuloy ako. Alam ko naman na noon pa man ay mataas na ang tingin sa akin nitong si Carol pagdating sa aking pagsasayaw at maging sa paggawa ng choreo, pero 'the best'? "Pumayag ka na Vier," tila pakiusap pa ni Alvin. May mga kasama rin siyang mangilan-ngilan na bagong mukha na sa tingin ko ay naghihintay rin sa pagpayag ko sa inaalok niyang raket. "'Di ba gusto mong mag-champion sa national competition? Eto na 'yun girl!," suhol pa ni Carol. Napabuntung-hininga ako sa part na 'yun. Mula nang mamulat at mahubog ako sa mundo ng pagsasayaw ay walang araw na hindi ko inasam na mapasama kami sa malalaking kompetisyon sa bansa at mag-kampyeon. Pero hindi namin iyon naranasan. Marahil nga ay ito na ang chance ko para abutin na ang pangarap kong iyon. Sasagot na sana ako nang muli pang magsalita itong si Alvin. "Saka, alam mo ba na sa Ilocos gaganapin ang PhilDance ngayong taon? Eh 'di ba nandoon si Cloud." Bigla na lang akong nanlamig nang dahil sa sinabi niya. Palakas rin ng palakas ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba at matinding takot na biglang kumain sa aking buong sistema ngayon. At lahat ng ito ay dahil pa lamang sa pangalan ni Cloud. Ang lalaking labis kong minahal at patuloy kong minamahal hanggang ngayon. Magkakalapit-bahay lamang kami at ilang bahay lamang ang agwat ng bahay namin mula sa bahay ni lola Miling, ang lola ni Cloud na siyang nagpalaki sa kanya. Malapit si lola Miling sa lahat kaya napalapit na rin sa amin ni Carol ang apo nito na siyang tinuring namin na kuya. Hanggang sa ang pagkaka-ibigan namin ay tuluyan ngang mahantong sa pag-iibigan. Pag-iibigan na kahit anong tamis at kahit gaano pa katunay, ay nahantong pa rin sa isang masakit na katapusan nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Biglaan ang naging pagkamatay noon ng itay kaya kinailangan ko noong umalis ng bansa para kumita ng maayos-ayos at masuportahan ko ang pangangailangan ng aming pamilya pati na rin ang pag-aaral ng tatlo ko pang mga kapatid. Iyon ay kahit pa nga alam ko na delikado ang lagay ko dahil sa pagdadalantao ko. Bago ko pa malaman ang tungkol sa aming magiging anak ay iniiwasan ko na si Cloud at nakipaghiwalay ako sa pamamagitan lamang ng isang text message upang hindi na siya dumagdag pa sa isipin ko sa aking paglayo. Ang hindi ko alam ay palihim niya pala akong sinusubaybayan para makatyempo siya na makausap ako ng personal at ayusin ang relasyon namin na pinili ko na'ng wakasan. At dahil din sa lihim niyang pagsunod na iyon sa akin, ay kaagad niyang nalaman na magiging ama na siya. Alam niya ang pagbili ko ng pregnancy kit hanggang sa paggamit ko noon sa isang public restroom sa may plaza na itinapon ko rin lamang sa basurahan sa harapan ng naturang banyo. Agad siyang nagtungo sa amin kinagabihan at kinompronta ako tungkol sa pag-alis ko habang dinadalo ko sa aking sinapupunan ang aming magiging anak. Wala na akong nagawa ng gabing iyon. Hindi ko maaaring ipagpaliban ang pag-alis ko. Pero alam ko rin na hindi niya talaga ako papayagan na makaalis sa sitwasyon ko kung kaya't labag man sa aking konsensya at sa loob ko ay sinabi ko na lang na wala na ang aming anak. Hindi ko maipaliwanag kung paanong sa isang iglap ay para bang nagbagong-anyo si Cloud nang gabing iyon at parang gusto na akong ilubog sa lupa ng mga sandaling iyon sa sobrang galit niya sa akin. Kalakip din ng pagkukumuyos niya sa galit ay ang matinding sakit na kitang-kita ko sa mga mata niya. Ninais ko naman na bawiin ang kasinungalingang nasabi ko, pero ang magiging kapalit naman noon ay ang maayos na buhay na maaari kong maibigay sa pamilya ko, kaya masakit man na makita siya sa ganoong kalalagayan ay tiniis ko na lang. Kahit na nang makapangibang-bayan ako ay walang araw na hindi ko siya naiisip kaya nakikibalita na lang ako kay Carol ng tungkol sa kanya. Ngunit nang mawala si lola Miling ay umalis na rin siya ng Bulacan at nagtungo na sa Ilocos kung saan naninirahan ang kanyang ama. Mula noon ay wala na kaming narinig na kahit ano balita tungkol sa kanya. "Malay mo, magkita kayo ni Cloud do'n. Tapos maituloy n'yo na 'yung naputol n'yong lovestory," parang kinikilig pa na dagdag nito. Pinilit ko na lang na ngumiti. Gusto ko rin naman ang ideyang iyon. Gusto kong maibalik 'yung dati naming samahan. Pero alam ko rin na malabo iyong mangyari. At lalo pa akong nasasaktan sa realisasyon na kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ko pa rin maibabalik pa ang nakaraan at mabubura ang sakit na ipinaranas ko sa kanya gamit ang isang matinding kasinungalingang iyon. "Ang lokong 'yon. Bigla na lang kasing hindi nagparamdam," wika ni Carol sa dismayadong tono bago muling bumaling sa akin. "But, you’re accepting the project, right?”CLOUD'S POV: Ilang ulit ko na marahil tiningnan ang sarili ko sa rear-view mirror just to check how I look. And I smiled at what I saw. I look fine. And I'm feeling great habang nakatingin ako sa glove compartment nitong sasakyan kung saan nakalagay ang espesyal na bagay na iyon. Masyado yata akong nadala sa aking emosyon at hindi ko napansin na matagal na pala akong nakatingin roon at hindi na napagtuunan pa ng pansin ang kalsada. Nagulat na lang tuloy ako nang biglang may gumalabog sa harapan kasabay ng malakas na pag-bounce nitong sasakyan ko na muntik ko pang ikadisgrasya kung hindi lamang sa suot kong seatbelt. Nagmamadali agad akong bumaba ng sasakyan nang malinawan ako sa nakatunghay sa akin na isang sira at umuusok pa na sasakyan sa harapan. "Ay jusko! Ano ba 'yan? Marunong ka bang mag-drive hijo?" Nakakabingi ang boses na iyon kaya hindi ko na lang binigyang-pansin kung sino mang nilalang iyon at sinuri ko na lang ang nagawa kong disgrasya sa itim na van na mukhang
VIER'S POV VIER'S POV Kinabukasan ay maaga akong nagbalik sa ospital para palitan si Alvin sa pagbabantay nito kay Francis sa ospital. Iyon ay kahit na ako mismo ay wala ring naging maayos na tulog sa nagdaang gabi dahil sa hindi ko napaghandaang pagtatagpo ng landas namin ni Cloud kahapon. Alam ko rin naman sa sarili ko na hindi pa din matatahimik ang utak ko sa pag-iisip kaya mas mabuti na siguro na abalahin ko na lang ang sarili ko sa may kabuluhang bagay bago pa ako mabaliw sa kakaisip ko sa kanya. Hindi pa nagigising si Francis pero ayon naman sa doctor na tumingin sa kanya ay wala daw kaming dapat na ipag-alala sa kalagayan niya. Maayos na raw ang kasama namin at ang mga itinurok na gamot sa kanya lang ang dahilan kung bakit natatagalan ang pagkakamalay-tao nito. Antok na antok na rin talaga si Alvin nang abutan ko siya sa kwarto kaya agad na siyang umalis pagkarating ko doon. Malinis at maayos naman na ang kwarto kaya matapos kong ilapag sa mini table ang pinamili kong p
CLOUD'S POV Matapos ang kahangalan kong pagpunta sa ospital ay dumiretso na agad ako sa bahay namin, sa bahay ng aking ama. Magmula noong mamatay ang aking lola Miling ay dito na ako nanirahan, kasama ng aking amang umabandona sa akin noon, ang bago nitong asawa na si Lanie at ang dalawa nilang anak na sina Richard at Jackson. Nanirahan ako dito hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil kailangan ko noong lumayo sa lugar na aking kinalakhan. Sa lugar na iyon na punong-puno ng masasakit na alaala. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng maiinom. Kailangan ko ng pampakalma at ito lamang ang naiisip ko na solusyon sa naguguluhan kong isip. Mabilis kong pinuno ng whiskey ang aking baso at inisang lagok iyon. FLASHBACK "Tapusin na natin 'to Cloud. Kesa naman mahirapan pa tayo. Mabait ka naman eh. Gwapo. Siguradong makakahanap ka pa ng ibang babaeng mamahalin. 'Yung mas mamahalin ka,” aniya na nakuha pang ngumiti habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Mas mamahalin ako? Bakit Vier, hindi k
CLOUD'S POV Kinahapunan ay nagbalik ako sa bahay na tinutuluyan ng grupo ni Alvin. Tumawag ako sa ospital at ang sabi doon ay nakauwi na daw ang Francis na 'yun kaya nasisiguro ko na naroroon na rin si Vier. Ramdam ko pa ang malakas na tama sa akin ng alak na ininom ko mula kaninang umaga pero nakayanan ko pa rin namang mag-drive papunta roon. Power of love? Nope. It's the power of lust! Hindi pa rin kasi maalis-alis sa isip ko ang hitsura niya nang madatnan ko siya kanina sa ospital. Masyado siyang abala sa kanyang laptop kaya malaya kong napagmasdan ang kabuuan niya mula ulo hanggang paa. And I must say na mas mature na siya ngayon. Mature in a very sexy way. In a seductive way to be exact kahit pa sa simpleng fitted shirt at jeans lang na suot niya na humahakab sa napakagandang hubog ng kanyang katawan. She's not just a beautiful lady, but a perfectly gorgeous…….. woman. And I want her. FRANCIS POV Parang umiikot pa ang paligid ko habang binabagtas ko ang hagdanan pa
CLOUDS POV Her luscious sexy body intoxicates my whole being, especially the one down there na dahilan ng matinding pagsikip sa akin ng suot kong pantalon. Para akong nahihibang sa sarap habang nilalasap ko ang bawat parte ng kanyang katawan. Lalo pa 'kong pinag-init ng mga simple niyang paghawak sa aking braso na marahil ay dahil sa nararamdamang panghihina sa ginagawa ko sa kanya. Idagdag pa rito ang impit niyang mga halinghing na parang musika sa aking pandinig at tila ba nagbibigay sa akin ng permiso na magpatuloy sa pagpaparanas sa kanya ng sarap. Saglit ko tiningala ang kanyang mukha bago ako magpatuloy. Nakapikit ito at kagat-kagat ang kanyang labi na para bang pinipigilan niya ang sarili na mapahiyaw o makagawa ng kahit anong ingay. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa nakita. 'I really miss this woman,' gusto ko sana iyong aminin sa kanya at ipagsigawan sa lahat ng mga kasamahan niya. But NO! I won't do that and she will never know. 'I just came here out of lust,' giit k
CLOUD'S POV Hindi ko mapigilan ang panginginig ng buo kong katawan sa sobrang galit! Sh*t! Ano pa bang ineexpect ko sa babaeng iyon na walang inisip kundi ang kagustuhan at sarili lang niya? Dumiretso ako sa kitchen ng restaurant ko at naabutang nagkukwentuhan lang ang mga staffs. "Good afternoon, sir!," nakangiting bati pa sa 'kin ni Steffano, ang tinuturing kong bestfriend na assistant chef ko rin dito sa resto. He's good at cooking as well as with girls. At parati ko siyang naaabutang nakikipaglandian sa mga waitress ko, gaya na lang ngayon. "What's with the line on your head bro?," pang-aasar nito habang pinaaalis si Lilian, ang kanyang kalandian ng mga sandaling iyon.."What's happening here? Don't you have works?," sa halip ay singhal ko sa lahat ng naroroon na kaagad namang nagsipagbalikan sa kani-kanilang mga trabaho mula sa naabutan kong pag-uumpukan nila."Dude, what's the problem?," kalmadong tanong muli ni Steff. Napabuntung-hininga na lamang ako bago parang talunan n
CLOUD'S POV Alas kwatro pa lang ng umaga at halos wala pa 'kong tulog kakaisip sa babaeng 'yon. Haisst! Mabilis akong bumangon para makaligo at makapagsipilyo na kesa naman bangungotin pa 'ko ng gising dahil lang sa walang kwentang babaeng 'yon. Sabado ngayon at tiyak na mapupuno ng tao sa restaurant kaya kailangan kong makapamili ng mga fresh seafoods na karaniwang inoorder sa amin. Short at simpleng t-shirt lang ang gayak ko para presko sa pakiramdam. Masyado kasing mainit 'pag nagsimula ka nang mag-ikot-ikot sa wet market kaya ganito ang lagi kong gayak sa tuwing magpupunta roon. Una akong nagtungo sa pwesto ni Manang Lena, ang suki naming tindera ng seafoods. Palagi siyang maaga sa palengke kaya sa kanya rin napapapunta ang karamihan ng malalaki at de kalidad na crabs at sugpo na hanap ko."Napaaga ka yata sir Cloud ah," anito na nginitian ko lang. Alam niyang darating ako dahil nga Sabado ngayon pero madalas ay mga alas-singko pa 'ko dumarating kaya itinatabi na niya ang mag
VIER'S POV Maaga akong nagising kahit na mag-aalas dos na kaming nagsitulog. Hindi kasi ako mapakali dahil nakaligtaan ko pala siyang tawagan and I miss him so much, kaya naman kahit pupungas-pungas pa ang mga mata ko at inaantok pa ay bumangon na 'ko sabay dampot sa cellphone ko sa table. Sigurado naman akong mahimbing pa ang tulog ng lahat ng kasamahan ko dito sa bahay dahil pagod at puyat ang mga ito kaya kampante 'kong tinungo ang kusina para makapagkape at pagkatapos ay mabilis ko nang idinial ang number ni Miss Cynthia. Si Miss Cynthia ang may-ari ng dance studio sa London kung saan ako nagtrabaho bilang dance instructor. Single lady ito sa edad na 53 kaya marahil ganoon na lamang ang pagkasabik at tuwa nito nang malamang buntis pala ako.Yes. Lumipad ako papuntang London kasama ang aming anak ni Cloud sa aking sinapupunan. Hindi ko siya ipinala*l*g gaya ng sinabi ko noon kay Cloud. Sinabi ko lang naman 'yun sa kanya dahil alam kong hindi siya papayag na umalis ako at magtr
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k