Home / Romance / A Great Love's Vengeance / CHAPTER 3: Is It Love?

Share

CHAPTER 3: Is It Love?

Author: Mawi
last update Huling Na-update: 2024-01-10 21:54:13

VIER'S POV

VIER'S POV

 Kinabukasan ay maaga akong nagbalik sa ospital para palitan si Alvin sa pagbabantay nito kay Francis sa ospital. Iyon ay kahit na ako mismo ay wala ring naging maayos na tulog sa nagdaang gabi dahil sa hindi ko napaghandaang pagtatagpo ng landas namin ni Cloud kahapon. Alam ko rin naman sa sarili ko na hindi pa din matatahimik ang utak ko sa pag-iisip kaya mas mabuti na siguro na abalahin ko na lang ang sarili ko sa may kabuluhang bagay bago pa ako mabaliw sa kakaisip ko sa kanya. 

 Hindi pa nagigising si Francis pero ayon naman sa doctor na tumingin sa kanya ay wala daw kaming dapat na ipag-alala sa kalagayan niya. Maayos na raw ang kasama namin at ang mga itinurok na gamot sa kanya lang ang dahilan kung bakit natatagalan ang pagkakamalay-tao nito.

 Antok na antok na rin talaga si Alvin nang abutan ko siya sa kwarto kaya agad na siyang umalis pagkarating ko doon. Malinis at maayos naman na ang kwarto kaya matapos kong ilapag sa mini table ang pinamili kong prutas para kay Francis ay pumwesto na ako sa couch at binuksan ang dala kong laptop.

 Alam ko na wala akong ibang pagkakaabalahan o makakausap man lang dito kaya aabalahin ko na lang ang sarili ko sa panonood ng mga winning performances ng mga nakaraang season ng PhilDance. Bilang paghahanda na rin sa sasabakan naming kompetisyon. Pinanood ko na rin ang mga current competition dito sa bansa para malaman ko kung ano ang height at trend na mga sayaw na kailangan naming sabayan.

 Binilinan ko na rin ang mga bagong miyembro ng Tropical na mag warm up na bago ko sila iwanan sa bahay ng pinsan ni Alvin kanina. Sigurado naman kasi ako na pagkatapos na pagkatapos ko rito sa mga pinapanood ko ay agad din akong makakabuo ng magandang piece na masasabi ko na magdadala sa amin sa pangarap naming tagumpay. 

At pagbalik namin ni Francis sa bahay ay magsisimula na rin kaming magpractice. Hindi kami dapat huminto sa paghahanda dahil lang sa naganap na aksidente. Hindi kami dapat na mag-aksaya ng oras o panghinaan ng loob dahil lang sa nangyari. We have ourselves and dreams to prove. Isa pa, hindi ako pwedeng matalo ngayon. Lalo pa at alam ko na nasa tabi lang pala si Cloud. Kailangan kong maipakita sa kanya na hindi ako nagkamali sa ginawa kong desisyon nang iwanan ko siya.

 Nagsisimula pa lang akong manood sa mga filed videos pero hindi ko na magawang alisin pa ang mata ko sa screen ng laptop. Tutok na tutok ako sa walang humpay na mga incredible stunts at napakagagaling na performances na noon ay nakikita ko lamang sa mga stage performances ng mga banyaga. Talaga nga palang malayo na ang narating ng kalidad ng pagsasayaw dito sa Pinas. 

"Tropicals can do better than you guys," kampanteng kong turan habang nananatili ang aking tingin sa screen.

"Really huh?," bigla ay saad ng isang baritonong tinig sa may bandang pintuan na siyang ikinahinto ng utak ko sa pag-iisip. 

 Hindi pa man nalilingon ang pinanggalingan ng tinig ay tiyak ko na kung sino ang nagmamay-ari ng malalim na boses na iyon. At hindi ko napigilan ang muling panginginig ng aking katawan nang tuluyan ko na siyang makita at matiyak na siya nga iyon.

"W-what are… you doing here?" 

 Parang gusto kong batukan ang sarili ko sa pagkulot pa ng dila ko sa simpleng tanong lang na iyon. Muntik ko na nga ring maibagsak ang laptop na nakapatong lang kanina sa hita ko buti na lamang at naging maagap ang kamay ko at nasalo ko pa iyon.

"Nagiging inglesera ka pala 'pag natetense?"

 Napatigagal ako sa sinabi niya. It sounds too familiar sa akin. Iyon kasi ang madalas kong linyang pang-asar sa kanya noong panahon na kami pa. At parang kinilig pa yata ang puso ko sa pagkakasabi niya sa linyang iyon kahit pa wala akong maapuhap na reaksyon sa mukha niya habang magkaharap kami ngayon. Mataman lang siya na nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy alam kung nagbibiro ba siya o may iba pa ba siyang pakahulugan sa sinabi?

CLOUD'S POV

 Tinawagan ko si Alvin nang umagang iyon para kumustahin ang lagay ni Francis. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong pakialam sa lalaking iyon pero cargo de conciencia ko pa rin naman siya dahil ako ang dahilan kung bakit siya nasa ospital ngayon. Ayon sa kanya ay maayos naman na daw ang lagay nito at hinihintay na lamang daw nila na magising na ito. Si Vier na lang din daw ang pinagbantay niya rito sa ospital dahil pagod at puyat na daw siya.

 Hindi ko alam kung bakit pero parang nakaramdam ako ng excitement nang malaman na nasa ospital lang sa mga sandaling iyon si Vier. Wala akong plano na kahit ano man. Basta pinaandar ko na lang ng mabilis ang sasakyan ko patungo doon and I was amazed by what I saw.

 Naabutan ko si Vier na seryosong nakatunghay sa kanyang laptop at halatang ine-enjoy ang kung anumang pinapanood nito roon. 

 Her eyes were sparkling just like what they were before. Always sparkling and wonderful even with those dark spots below. Napakaganda rin niyang pagmasdan kahit pa halatang polbo at lipstick lang ang tanging kolorete sa kanyang mukha. She was always like that, simple and beautiful..

"Tropicals can do better than you guys," I heard her say na siyang nagpabalik ng aking ulirat at saka ko ipinaramdam sa kanya ang presensya ko na hindi man lang niya napansin.

"W-what are… you doing here?"

 Impit akong napangiti sa naging reaksyon niyang iyon. "Nagiging inglesera ka pala 'pag natetense?" 

 Gusto ko sanang matawa sa ginagawang pang-aalaska sa kanya pero minabuti ko na lang na huwag nang magpakita ng kahit anong emosyon at baka makapaghatid pa iyon ng maling signal sa kanya. Isa pa, bakit ba ako natutuwa? The lady, or should I say, the woman in front of me isn't a saint after all.

"I came to pay his bills," kapagkuwan ay pagdadahilan ko na lamang.

"O-ok," anito at saka itinabi ang laptop sa bag niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa side table at inayos ang mga prutas na naroroon para kay Francis. Na kung tutuusin ay nakaayos naman na.

Now, I know. She's just distracting herself.

"You look pale," maang kong saad sa kanya nang lapitan ko siya.

 We were so close that I could even smell her. That natural fragrance that she always has. The smell that I've craved and longed for the past four years. 

 Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nilapitan ko pa siya hanggang sa tuluyan nang mawala ang espasyong nagbubukod sa aming mga katawan.

VIER'S POV

 Halos takasan na ako ng hininga nang pumwesto si Cloud sa likuran ko at tila sadya talagang ipinararamdam sa akin ang nakasaludo niyang pagkalalaki.

"Sh*t Cloud! What are you doing?," piping hiyaw ko na lang sa loob-loob ko sa ginagawa niya sa akin. 

 Damang-dama ko ang init ng matipuno niyang katawan na bumabalot sa likuran ko na nagdudulot sa akin ng pag-init ng sarili kong katawan at pag-ahon sa sistema ko ng pangangailangan ng aking laman.

 I even heard him giggle as he put his arms around me para lalo pang idiin sa akin ang kanyang sarili. 

 Para niya rin akong kinikiliti sa haplos na hatid ng kanyang hininga sa likod ng aking tenga na lalo pang nagpapainit sa aking katawan.

 Hindi ko na tuloy alam kung saan ba ako naiinis, sa ginagawa bang panglalandi sa akin ngayon ni Cloud o sa nararamdaman kong pagkahumaling sa kanya habang nakapaloob ako sa nag-iinit niyang braso. At hindi ko maikakaila sa sarili ko na gusto ko ang nararamdaman kong ito. Ang pakiramdam, na muli, ay pag-aari niya ako.

 Lalo pang tumindi ang pag-iinit ng katawan ko ng dahan-dahan niyang igalaw ang isa niyang braso upang pilasin ang isang saging mula sa mesa sa harapan ko at pinagapang iyon sa tiyan ko, papunta sa aking dibdib at leeg hanggang sa maihain niya iyon sa labi ko. 

"Eat this," maawtoridad niyang utos sa akin matapos niya itong balatan na sinunod ko naman. 

"Good!," aniya sa malamyos na tinig at nang-aakit na tono. Pagkatapos ay marahan niya akong iniikot paharap sa kanya.

"Eat," ulit niyang muli habang nasa tapat pa rin ng bibig ko ang hawak niyang saging. Ngunit hindi gaya ng inaasahan ko ang reaksyong nakita ko sa kanyang mukha ngayong magkaharap na kami.

 Nagkamali lang ba ako sa naramdaman ko kanina?

"Cloud—"

"Let's have dinner later." 

 Kung utos ba 'yon o tanong ay hindi ko din alam. He sounds neutral. Ganoon din ang mukha at pati na rin ang kanyang mga mata. Mga matang dati-rati ay parating nangingislap at punong-puno ng buhay. Punong-puno ng pagmamahal para sa kin.

 Ako ba ang dahilan? Dahil pa rin ba ito sa nangyari noon? Pero matagal na 'yon, giit ko sa aking sarili.

"I'll pick you up—"

"Hindi pwede," mariin kong putol sa sasabihin pa sana nito. 

"And why?," tanong niya sa iritado na'ng tono. Gumuhit rin ang ilang linya sa kanyang noo habang madilim ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

'Where's the Cloud that I knew?,' bulong ko sa aking isip habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaking aking minahal.

"May practice kami mamaya... One month na lang 'yung meron kami kaya hindi kami pwedeng magpakampante."

 Kung tutuusin ay hindi naman iyon pagdadahilan lamang. Totoo iyon. Alam ko at kumbinsido ako na magagaling at talentado naman talaga ang mga bagong miyembro ng Tropical dahil nakita at nasuri ko na rin ang kanilang kakayahan bago pa man kami nagtungo dito sa Ilocos. Ngunit hindi pa rin sapat na talentado lamang ang team namin para magpabaya at magpakampante na lamang kami. Malaking kompetisyon ang nasa harapan namin and we can't afford to lose. Not this time. At lalong hindi sa harap ni Cloud.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago," turan niya na may mapait na ngiti sa kanyang labi habang umiiling-iling. "The same old Vier!" 

 Muli ay nakita ko ang nanlilisik niyang mga mata bago niya tinungo ang pintuan at pasalpak itong isinara matapos niyang lumabas.

Kaugnay na kabanata

  • A Great Love's Vengeance   CHAPTER 4: Shadow of the Past

    CLOUD'S POV Matapos ang kahangalan kong pagpunta sa ospital ay dumiretso na agad ako sa bahay namin, sa bahay ng aking ama. Magmula noong mamatay ang aking lola Miling ay dito na ako nanirahan, kasama ng aking amang umabandona sa akin noon, ang bago nitong asawa na si Lanie at ang dalawa nilang anak na sina Richard at Jackson. Nanirahan ako dito hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil kailangan ko noong lumayo sa lugar na aking kinalakhan. Sa lugar na iyon na punong-puno ng masasakit na alaala. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng maiinom. Kailangan ko ng pampakalma at ito lamang ang naiisip ko na solusyon sa naguguluhan kong isip. Mabilis kong pinuno ng whiskey ang aking baso at inisang lagok iyon. FLASHBACK "Tapusin na natin 'to Cloud. Kesa naman mahirapan pa tayo. Mabait ka naman eh. Gwapo. Siguradong makakahanap ka pa ng ibang babaeng mamahalin. 'Yung mas mamahalin ka,” aniya na nakuha pang ngumiti habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Mas mamahalin ako? Bakit Vier, hindi k

    Huling Na-update : 2024-01-10
  • A Great Love's Vengeance   CHAPTER 5: You're Mine

    CLOUD'S POV Kinahapunan ay nagbalik ako sa bahay na tinutuluyan ng grupo ni Alvin. Tumawag ako sa ospital at ang sabi doon ay nakauwi na daw ang Francis na 'yun kaya nasisiguro ko na naroroon na rin si Vier. Ramdam ko pa ang malakas na tama sa akin ng alak na ininom ko mula kaninang umaga pero nakayanan ko pa rin namang mag-drive papunta roon. Power of love? Nope. It's the power of lust! Hindi pa rin kasi maalis-alis sa isip ko ang hitsura niya nang madatnan ko siya kanina sa ospital. Masyado siyang abala sa kanyang laptop kaya malaya kong napagmasdan ang kabuuan niya mula ulo hanggang paa. And I must say na mas mature na siya ngayon. Mature in a very sexy way. In a seductive way to be exact kahit pa sa simpleng fitted shirt at jeans lang na suot niya na humahakab sa napakagandang hubog ng kanyang katawan. She's not just a beautiful lady, but a perfectly gorgeous…….. woman. And I want her. FRANCIS POV Parang umiikot pa ang paligid ko habang binabagtas ko ang hagdanan pa

    Huling Na-update : 2024-01-12
  • A Great Love's Vengeance   CHAPTER 6: Hot Love

    CLOUDS POV Her luscious sexy body intoxicates my whole being, especially the one down there na dahilan ng matinding pagsikip sa akin ng suot kong pantalon. Para akong nahihibang sa sarap habang nilalasap ko ang bawat parte ng kanyang katawan. Lalo pa 'kong pinag-init ng mga simple niyang paghawak sa aking braso na marahil ay dahil sa nararamdamang panghihina sa ginagawa ko sa kanya. Idagdag pa rito ang impit niyang mga halinghing na parang musika sa aking pandinig at tila ba nagbibigay sa akin ng permiso na magpatuloy sa pagpaparanas sa kanya ng sarap. Saglit ko tiningala ang kanyang mukha bago ako magpatuloy. Nakapikit ito at kagat-kagat ang kanyang labi na para bang pinipigilan niya ang sarili na mapahiyaw o makagawa ng kahit anong ingay. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa nakita. 'I really miss this woman,' gusto ko sana iyong aminin sa kanya at ipagsigawan sa lahat ng mga kasamahan niya. But NO! I won't do that and she will never know. 'I just came here out of lust,' giit k

    Huling Na-update : 2024-01-13
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 7: NOT YOUR POOR CLOUD

    CLOUD'S POV Hindi ko mapigilan ang panginginig ng buo kong katawan sa sobrang galit! Sh*t! Ano pa bang ineexpect ko sa babaeng iyon na walang inisip kundi ang kagustuhan at sarili lang niya? Dumiretso ako sa kitchen ng restaurant ko at naabutang nagkukwentuhan lang ang mga staffs. "Good afternoon, sir!," nakangiting bati pa sa 'kin ni Steffano, ang tinuturing kong bestfriend na assistant chef ko rin dito sa resto. He's good at cooking as well as with girls. At parati ko siyang naaabutang nakikipaglandian sa mga waitress ko, gaya na lang ngayon. "What's with the line on your head bro?," pang-aasar nito habang pinaaalis si Lilian, ang kanyang kalandian ng mga sandaling iyon.."What's happening here? Don't you have works?," sa halip ay singhal ko sa lahat ng naroroon na kaagad namang nagsipagbalikan sa kani-kanilang mga trabaho mula sa naabutan kong pag-uumpukan nila."Dude, what's the problem?," kalmadong tanong muli ni Steff. Napabuntung-hininga na lamang ako bago parang talunan n

    Huling Na-update : 2024-01-19
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 8: THE USER

    CLOUD'S POV Alas kwatro pa lang ng umaga at halos wala pa 'kong tulog kakaisip sa babaeng 'yon. Haisst! Mabilis akong bumangon para makaligo at makapagsipilyo na kesa naman bangungotin pa 'ko ng gising dahil lang sa walang kwentang babaeng 'yon. Sabado ngayon at tiyak na mapupuno ng tao sa restaurant kaya kailangan kong makapamili ng mga fresh seafoods na karaniwang inoorder sa amin. Short at simpleng t-shirt lang ang gayak ko para presko sa pakiramdam. Masyado kasing mainit 'pag nagsimula ka nang mag-ikot-ikot sa wet market kaya ganito ang lagi kong gayak sa tuwing magpupunta roon. Una akong nagtungo sa pwesto ni Manang Lena, ang suki naming tindera ng seafoods. Palagi siyang maaga sa palengke kaya sa kanya rin napapapunta ang karamihan ng malalaki at de kalidad na crabs at sugpo na hanap ko."Napaaga ka yata sir Cloud ah," anito na nginitian ko lang. Alam niyang darating ako dahil nga Sabado ngayon pero madalas ay mga alas-singko pa 'ko dumarating kaya itinatabi na niya ang mag

    Huling Na-update : 2024-01-22
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 9: BABY BOY

    VIER'S POV Maaga akong nagising kahit na mag-aalas dos na kaming nagsitulog. Hindi kasi ako mapakali dahil nakaligtaan ko pala siyang tawagan and I miss him so much, kaya naman kahit pupungas-pungas pa ang mga mata ko at inaantok pa ay bumangon na 'ko sabay dampot sa cellphone ko sa table. Sigurado naman akong mahimbing pa ang tulog ng lahat ng kasamahan ko dito sa bahay dahil pagod at puyat ang mga ito kaya kampante 'kong tinungo ang kusina para makapagkape at pagkatapos ay mabilis ko nang idinial ang number ni Miss Cynthia. Si Miss Cynthia ang may-ari ng dance studio sa London kung saan ako nagtrabaho bilang dance instructor. Single lady ito sa edad na 53 kaya marahil ganoon na lamang ang pagkasabik at tuwa nito nang malamang buntis pala ako.Yes. Lumipad ako papuntang London kasama ang aming anak ni Cloud sa aking sinapupunan. Hindi ko siya ipinala*l*g gaya ng sinabi ko noon kay Cloud. Sinabi ko lang naman 'yun sa kanya dahil alam kong hindi siya papayag na umalis ako at magtr

    Huling Na-update : 2024-01-27
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 10: THE TRUTH

    CLOUD'S POV"Hindi ko naman akalain na ganyan pala kakapal ang mukha mo Vier," harapang saad ko sa kanya habang pilit na pinipigil ang nagkukumuyos na galit sa loob ko. Anumang sandali kasi ay malamang na sumulpot na rin si Alvin at ayoko namang makita nito ang pagtatalo namin. Mamaya niyan, ako pa ang lumabas na masama dahil hindi pa nila kilala ang tunay na ugali ng babaeng kasama nila."Cloud sorry," hinging-paumanhin niya. Pero ano pa bang magagawa ng sorry niya? Wala na! Nagawa na niya eh! Saka, bakit ba gano'n na lang kadali sa kanya na gawin ang bagay na 'yon? Bakit parang hindi ko makita sa kanya 'yung sakit na nararamdaman ko para sa aming anak? Ganoon ba talaga siya kawalang puso? Kawalang-kwentang babae?"Ay, ang bongga naman! Parang mag-asawa lang ang peg," ani Alvin nang maabutan kami sa kusina. "O siya, ipagkape mo na 'tong asawa mo Vier para mainitan man lang ang sikmura bago niya tayo ipaghanda ng almusal," malawak ang ngiting utos niya kay Vier bago nagpalipat-lipat

    Huling Na-update : 2024-01-29
  • A Great Love's Vengeance   Chapter 11: THE OTHER WOMAN

    VIER'S POV Naunang pumasok sa loob si Steff at sumunod ako sa kanya. Hindi ko pa alam kung pa'no sasabihin kay Cloud ang totoo at kung ano ang magiging reaksyon niya pero bahala na lang si batman o kahit si superman. Ang mahalaga ay masabi ko na sa kanya ang totoong nangyari at ang rason ko kung bakit kinailangan kong magsinungaling sa kanya ng ganoon. Tunay nga ang sinabi ni Alvin na sa labas pa lamang ay mababanaag mo na ang ganda ng restaurant ni Cloud pero nang makapasok ako roon ay tanging ang laki na lang ng lugar ang napansin ko at hindi ang ganda nito. Agad kasing napako ang buo kong atensyon ko kay Cloud habang komportable siyang nakasandal sa may counter at mahigpit na nakahawak ang isang kamay sa beywang ng babae na bahagyang nakadagan sa harapan niya. Animo'y isang modelo ang tindig ng babae na nakadagan sa knyang harapan at halos magkapantay lang din ang kanilang taas kaya halos hangin lang ang pumapagitan sa kanilang mga mukha habang masaya silang naghaharutan. Agad

    Huling Na-update : 2024-01-31

Pinakabagong kabanata

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status